BY: James W.
CHAPTER FIVE ...
Monday morning...
“Hi Clair goodmorning” bati ko sabay ngiti ng ubod tamis.
“Ay, ikaw pala Onic, good morning din” Nag blush yata.
Hindi ko alam pero nararamdaman ko may gusto sa akin itong kerengkeng na ito. Ang sabi kasi ni Ash, ako daw ang crush nitong hitad na ito. Pero ok narin yun may crush sya sa akin. As HR supervisor matutulungan nya ako.
“Anung atin?” Pagbasag nya.
“Kasi Clair me gusto sana akong ipasok sa accounts department. Ito nga yung resume nya dala ko.” Sabay abot ng resume ni Luis.
Na pinirint ko pagkapasok na pag kapasok ko palang ng room ko. O diba excited ako. Imbis na trabaho, ito ang inuna ko.
“Patingin nga” At binasa nga nya, buklat sa 2nd page, at later on sa 3rd page.
“Sino sya?” Mukhang umaliwalas ang mukha. Nakita lang ang picture.
“Ah kaibigan namin ni Fred. Kararating lang nya ng Maynila. Nag-babaka sakaling makakita ng trabaho. Tapos nabalitaan ko na paalis na daw si Ash, accountancy graduate din kasi yang si Luis, kaya naisipang kong irecommend.”
“Naku ang bait mo naman tinulungan mo agad akong makahanap ng employee. Hindi na ako masyadong mahihirapan kung sino ang ipapalit ko kay Ash.” Pa blink blink pa ang eyes nya. Tantalizing nga kaya?
“Ah talaga, mabuti kung ganun. May chance kaya syang makapasok?”
“Oo naman, siguro mga 50% kasi qualified naman sya, tapos may personality, alam mo naman na isa rin yun sa qualification ng company natin.Charingg. Ngayon yung 50% na natitira ay magmumula sa kanya, sa interview result nya. Kaya sabihin mo galingan nya sa interview ha.” Siguro totoo. Kaya pala medyo may itsura ang mga staff dito. Bwahaha.
“Ah sige makakarating. Clair samalat ha, matutuwa nyan ang kaibigan namin pag nalaman nyang may chance sya sa ating company.”
“Oo naman, ikaw pa.” Me ganun.
“Ay Onic nga pala, alam mo naman na bawal mag pasok ng employee sa company kung may kilala ito sa loob diba? Kaya sana wag mong ipahalata na magkakilala kayo. Hayaan mong i email nya sa company website ang resume nya para mabasa ng HR manager. At ako na ang bahalang mag bigay ng advice sa manager para mabigyan ng interview si Luis.”
“wow ang galing mo naman. Sige walang problema. Thank you Clair.”
“Saka kana magpasalamat pag may trabaho na sya.”
“Hehehe, pero thank you na rin, kasi itong ginagawa mo ay tulong na para sa amin.”
“Hihihihi, ganun ba” Ay naku kinilig na naman, hindi tayo talo, mabait ka pero hanggang friends lang noh.
“Ah sige Clair, go na ako, baka marami kapang gagawin.”
“Ok see yah”
Gawa agad ako ng account, Luis Asuncion. Send ng email from this account to our HR email address. Accomplished. Work na ako.
Sa canteen...
“O anu nachova (nakausap) mo naba si Clair?” Tanong sa akin ni Papi habang kumukuha ng Mango Float sa counter.
“Oo pinasa ko narin yung resume ni Luis”
“Naku, e di wet-bells (basa) na naman yung panty nung clair na yun?”
“Hahaha, sira ka talaga? Wag ka ngang ganyan, mabait naman yung tao.”
“Totoo naman ah, mabait yun kasi fillet (gusto) ka nya. Kaya wit ka nang mag-alala, pustahan mamaya tatawag sayo yung girling yun to confirm na may interview na si PAPA”
“Sana nga.” At tinuloy nalang namin ang pagkain at natulog ng konti sa room ni Papi saka itinuloy ang trabaho.
Labasan na... Palabas na ako ng room nang tumunog ang phone ko.
“Hi Clair, napatawag ka?”
“Hi Onic, naka-uwi ka naba?”
“Hindi pa, pero palabas na ako ng company. Papunta na ako kay Fred, Bakit Clair may problema ba?”
“Just want to say na may interview na bukas si Luis, ikaw na ang bahalang mag bigay ng location ng company, morning ang interview nya bukas. Ini-mail ko na rin ang mga kailangan nyang pag-aralan sa interview, hindi ko na sya tatawagan ha. Ikaw na bahala.”
“Sure, sure. Naku thank you so much talaga Clair. Thank you!” Tuwang tuwa talaga ako nung oras na yun. Isa nalang, pag nakapasa sya ng interview, sure nang makakasama ko si Luis sa company. Yehey.
“Papiiii...” Tuwang tuwang salubong ko sa kanya matapos buksan ang pintuan ng kwarto nya.
“Anu kaba bakit ka gumaganyan, baka may makarinig sayo. Isarado mo nga ang pinto, mahalata pa tayo.” Nagulat na wika ni Papi.
“Ay sorry, hehehe. Kasi naman may goodnews.”
“Alam ko may interview kasbum (bukas) si PAPA?”
“Paano mo nalaman?”
“Ofcourse, intercourse! Syempre alam ko! O nanalo ako sa pustahan, treat mo akits!”
“Oo ba, san ba tayo?”
“Sa kenny, na mimiss ko na ang spicy b-b-q chicken nila at muffin” nakakatulo naman ng laway, nagutom tuloy ako.
“Tara na bilissss. Tom jones na ako.” Si Papi.
Sa Kenny Rogers...
“Nakaka tuwa, ang bait ni God, sigurado ako matutuwa si Luis sa ibabalita natin sa kanya”
“Imbyerna! Bakit ba hindi mo pa tawagan nang malaman na nga nya!”
“Hindi nga pwede, gusto kong sabihin sa kanya ng personal. Gusto ko makita reaksyon ng mukha nya. Gusto ko ulit marinig ang hunk na hunk na “wow” nya. Tulad nung” Naisip kunyari
“Tulad nung binili natin sya ng pants. Sobrang cute nya pag natutuwa sya.”
“Eschosera, bahala ka nga. Basta ako enjoy ko nalang tong Chicken ko... Mmmm... Yummy.” Irap ni Papi sabay ngiti at subo ng pagkain nya.
“Yummy talaga” Nakatingin ako sa manok pero si Luis ang iniisip ko.
Kina Luis...
“Hi Te Mercy.”
“Onic ikaw pala, si Fred nasaan?”
“Ah umuna na po sa bahay nya, pagod po kasi, gusto na daw matulog, alam nyo naman yun once na mabusog inaantok. Ako na nga ang nagdrive pauwi.
“Kumain na pala kayo, me niluto pa naman ako, invite sana kita dito sa amin maghapunan.”
“Ah talaga te Mercy, salamat po. Di bale ‘te next time.”
“O may bibilhin kaba?”
“Ah wala po ‘te, gusto ko pong makausap si Luis? Kasi may good news kasi ako sa kanya.”
“Good news, naku matutuwa yun. Sandali lang tatawagin ko, sya kasi pinagbantay ko sa niluluto ko.”
Mmm... marunong palang magluto si Papa. One point again.
“Onic, kumusta? Napadaan ka, may goodnews ka daw?”
Bagay sa kanya ang porma nya. Naka white na short, tapos naka sando pang basketball. May cloth hair band pa na bagay na bagay sa kanya, maputi, flawless, tone muscles, the smile, he is so fresh.
“Anu, kuwan, kasi” Na mental block na naman ako.
“Hey Onic? Anu? Wag mo naman akong pasabikin, anu yung goodnews”
“Ya goodnews, may interview ka na bukas.” Hay sa wakas nasabi ko din.
“Hahaha, talaga? Ang galing.” Sabay yakap sa akin. Unexpected. Ayun, lumambot na ang tuhod ko, gusto ko nang mahiga sa braso at muscled body nya. Ang bango nya grabe, bagong paligo pala sya. Sabay kawala, at hinawakan ang balikat ko at humarap muli sa akin na nakangiti.
“Thank you Onic, thank you. Ang galing mo naman. Wooooww ang bilis kahapon ko lang binigay sayo yung resume ko tapos. Astig ka.” Wala akong nasabi namesmerize na naman ako. Para ako natuka ng AHAS. O hindi yun malisyoso kayo. Hindi kasi ako makagalaw, hawak nya parin ako sa balikat.
“Upo nga tayo, bakit ba tayo nakatayo.” Nakaakbay sya habang sabay kaming umupo sa bangko sa labas ng tindahan.
“Kumain ka naba? Nagluto ako.”
“Talaga ikaw nagluto?”
“Oo, bakit parang di ka naniniwala?” Medyo nagbago ang ekspresyon ng mukha nya mula sa pagiging masaya.
“Sige nga anung niluto mo?” Nakangiti kong tugon.
“Ginataang Kalabasa at Fried Tilapia” Anu bayan kahit alam kong ‘yon ang paborito kong isda, hindi ko naramdaman ang magutom kasi katabi ko sya. Ang presensya nya ang bumubusog sa akin. Dagdagan pa ng akbay nya. Sana ganito nalang kami habang buhay. Pero alam ko akbay bilang kaibigan lang ito.
“Hey ONIC!, Anu bang iniisip mo”
“Ha?”
“Sabi ko, gusto mo bang tikman ang niluto ko?”
“Ah kasi, oo sana, kaya lang kumain na kami ni Fred sa labas, busog na ako, sabi ko nga kay ate mercy next time talaga, dito na ako kakain.”
“Ganun ba, sayang naman. Sige sabi mo yan next time, Day after tomorrow, dito ka kakain ok?”
“Ok.” Sabay smile.
“Alright” Ngiti ni Luis ko. Kakaiba ang pakiramdam pag tinitignan ko sya ng palihim.
“Asan nga pala si Fred?”
“Ah nasa bahay umuwi na, pagod kasi natulog na sya.” Lumabas si Ate Mercy sa loob ng bahay.
“Luis, halika na kakain na tayo.” Yakag ni Ate Mercy.
“Onic, pasok ka muna, kain ka ulit.” Ate Mercy.
“Naku wag na po, pauwi na rin po ako, next time nalang po. Salamat po.”
“Ay Tita, sabi ni Onic may interview ako bukas.” Masayang binalita ni Luis sa tiyahin.
“Ah talaga, anu bayan, naku Onic ang bait mo talaga, naku salamat naman.” Sabay akbay sa akin ni Ate mercy.
“Naku hindi pwede, halika at pumasok ka sa loob, thanks giving ko sayo, naalala ko may ginawa pala akong graham cake kahapon, kahit mag desert ka nalang.” Pagpilit ni Ate Mercy
Wala narin akong nagawa. Nagaantay ng magandang sagot si Luis, nakakahiya namang tanggihan ang sobrang alok ng magtiyahin, kaya pumasok na rin ako sa loob ng kanilang bahay sa unang pagkakataon.
Sinabi ko narin kay Luis na maaga kami bukas, at isasabay na namin sya pag punta ng office.
Kinabukasan. Sabay sabay kaming pumunta sa office.Kinuntsaba ko si Papi at sinabihang mag sakit-sakitan muna sya at ako ang mag-dadrive at sa back seat sya umupo, para tabi kami ni Luis. Ang ganda-ganda ng umaga ko. Bagay na bagay sa kanya ang Coat and Tie, Para syang isang matipunong bachelor na anak ng may-ari ng corporation na dumalo sa isang engrandeng salo-salo. Wala akong masabi, halo-halong kaba at pananabik ang nararamdaman ko habang nagmamaneho.
Pinauna na namin si Luis na pumasok ng main gate, hindi kasi namin sya pweding isabay sa kotse papasok sa entrance, halata masyado na kakilala namin sya. Binigyan ko nalang sya ng instruction kung papaano makakarating sa reception area.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ng office, tumawag agad ako kay Clair.
“Good morning Clair.”
“Hi Onic. Goodmorning”
“Nakita mo na ba si Luis?”
“Yup, ini-interview na sya ng HR manager. Kakatapos ko lang syang interview-hin”
“Ang bilis naman?”
“Oo kasi, sinabihan ko lang sya ng mga dapat nyang sabihin sa Manager pag sinalang na sya doon.”
“Talaga, iba ka talaga. Salamat sayo. May pag-asa ba?”
“Anu? Ikaw?” Sagot nyang kinikilig. Assuming naman ito, akala nya tinatanong ko kung may pag-asa ako sa kanya.
“Huh? I mean may pag-asa ba matanggap si Luis?”
“Oo, malaki ang pag-asa nyang matanggap, He’s smart and very detailed in answering my questions.”
“Well, that’s nice to know. Thank you ulit Clair, pag natapos papuntahin mo nalang sya sa room ko.”
“Walang problema, basta ikaw Onic.”
Sus, pa cute pa ang boses. Kerenkeng talaga tong babaeng ito. Patulan kita isang beses, makita mo.
“Hehehe, sige Clair, thanks bye.”
“Ok bye.”
Toktoktok...
“Come-in”
“Sir Onic” Bati ni Luis ng makapasok.
“Anu kaba, Onic nalang”
“Malaki pala ang position mo dito sa company.”
“Pag tayong dalawa Onic nalang ok.”
“Sige”
“Pero teka hindi yan ang gusto kong malaman” Sabay tayo sa upuan at umupo sa silyang nasa harapan ng table ko paharap kay Luis.
“Pasado ba?” Kinakabahan kong tanong.
“Mmmm...” Nambibitin nyang tugon.
“Walang ganyan, sabihin mo na, lalo akong kinakabahan.”
“Ang cute mo pala pag kinakabahan, namumula ka oh.” Napahiya ako bigla. Cute daw ako sabi ni Luis. So flattered naman ako.
“Hay naku kung anu pang sinasabi, anu nga???”
“Pasado ako sa interview at bukas na ako magsisimula”
“Hahahaha” Sa sobrang tuwa napayakap ako sa kanya at sya rin sa akin. Nagulat ako sa ginawa ko, pero para sa kanya natural lang yun sa magkaibigan.
Bumitiw din ako bigla at nakangiting sinalubong ang kanyang mukha. Walang nagsasalita. Sobrang tahimik. Nakatingin lang kami sa mata ng isa’t-isa, bigla akong nailang at ako na ang bumawi, at sinabing “Well its a call for celebration” Sabay tayo at bumalik sa upuan ko. Lalo yata akong namula. Palihim kong nilaksan ang aircon ng kwarto ko dahil ang init ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon.
“Alam ko namang kayang kaya mong ipasa ang interview.”
“Hindi, malaki ang naitulong mo kung bakit ako nakapasa, sa totoo lang hindi ako sanay ng tinutulungan ako ng iba, dahil gusto kong malaman kong anu ba talaga ang magagawa ko at kaya kong gawin, pero sa pagkakataong ito, kinailangan ko ang tulong mo, tulong nyo ni Fred para makapasok sa company na ito. Pero sa mga susunod na mga araw, ipapakita ko na sa inyo kung ano talaga ang taglay ko para makatulong sa company na ito, para hindi kayo mapahiya na pinasok nyo ko dito. Utang ko ito sa inyo ni Fred ang bagay na ito. At yung Hr supervisor, mukhang kaibigan mo sya kasi imbis na interview-hin ako, binigyan pa nya ako ng technique para maipasa ko ang last interview. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.”
“Wala yon” Sobrang na touch ako binitawan nyang mga salita. Isa syang taong walang bahid ng pagkukunwari, simple, at matured. Mas lalo akong humanga sa kanya. Kung makikita mo sya unang beses, hahangaan mo sya sa kanyang kaanyuan, pero kung makikilala mo pa sya. Lalo syang kahangahanga sa kanyang dalisay na pagkatao. Alam ko masyado pang maaga para husgahan ko agad sya bilang mabuting tao. Pero gifted yata ako, kasi sa unang tingin, alam ko na agad kong anu ang nasa loob ng isang tao base sa kung paano sya magsalita at kumilos.
“Nasaan ang kwarto ni Fred? Gusto ko syang pasalamatan.”
“Ah, hindi muna ngayon, papupuntahin nalang natin sya dito, baka kasi may makakita sayo na kilala mo na kami, delikado. Since bago ka palang dito sa Maynila, baka maligaw ka. Mamaya may darating na taxi, ihahatid ka nya kina te Mercy. Marami pa namang sira ulo sa daan. Kilala ko na yung taxi driver, kaibigan namin yun ni Fred si Manong Jerry.”
“Ibang klase kang kaibigan Onic” Sabay tingin sa ID ko.
“Tonyo pala ang tunay mong pangalan?” Gulat ang mukha nya.
“Ah oo, pero nickname ang ginagamit ko lagi at iyon ang tawag sa akin ng buong staff ng company. Bakit?”
“Guevarra naman ang apelyido mo. Ah wala may naalala lang ako.” Kita kong malungkot ang mukha nya, pero hindi na ako nag usyoso kung bakit ganun ang reaksyon nya.
(ITUTULOY)
a naku mukang ito ung kapatid.. hmm mukang maganda din to a..
ReplyDelete