BY: James W.
CHAPTER FOUR ...
Sabay naman kaming tumugon ng “ok lang po” kay kuya Gody pero bigla awtomatikong dumako ang mga mata namin kay Luis. Anu ba. Gabing gabi na nakasando parin sya. Baka mahamugan ang Baby ko. Sabay imaginaring kinagat ang labi para hindi tumulo ang laway. Hay, madilim na ang paligid maputi pa rin sya at parang nakatutok parin ang spotlight sa kanya.
Parang may Haleluya, haleluya kang maririnig na umaawit.
“O Fred, Onic, kumusta ang lakad natin?” Bruskong tanong ni Luis
“O ayan, dyan nyo na itanong sa kanya kung anung natapos nya, Oh Luis ikaw muna dito sa tindahan at aayusin ko lang ang bahay sa loob, makalat kailangan ko pang maglinis, Mga alas onse ay magsarado ka na ng tindahan.” Bilin ni Ate Mercy.
Tumingin naman ito sa asawa “Mahal patulugin mo na ang mga bata pagkatapos mong ipasok ang pinamili nyo ha.”
Tumingin naman sa aming dalawa ni Papi at ngumiti “Dyan muna kayong dalawa at papasok na ako sa loob.”
“Sige po ate Mercy. Gudnyt.” Sagot ko.
“Anu nga pala yung tanong nyo, kong anung natapos ko?” Sabay kuha ni Luis ng silya at umupo pabukaka sa nakabaligtad na silya. Sabay sampay ng mga kamay sa pinakatuktok ng sandalan ng silya. Lumabas ang kilikili nyang may kauting buhok na parang animoy balahibong pusa at amoy na amoy ko ang singaw ng kanyang katawan, lalaking lalaki at mabango. Presko ika nga. Nahiya naman ako, baka isipin nya kanina pa namin sya pinaguusapan, nakaka-hiya naman talaga, at nakakainsecure ang kagwapuhan nya. Si Papi na ang sumagot, nakaramdam yata na naumid ang dila ko sa ginawa ni Luis na pag-upo malapit sa akin.
“Oo kasi nabanggit sa amin ni ate Mercy na naghahanap ka daw ng work kaya ka nagpunta dito sa Maynila. Kaya baka qualified ka sa bakanteng puso este bakanteng position sa Company”
Umayos ka Papi. Pag nadulas ka, mababakante ang nguso mo sa akin. Sabi ng isip ko.
“I attain a bachelor degree of Business Administration Major in Accounting.Sana nga may bakante sa inyo.”
Ayos pwede sa amin. May bakante sa Accounts Department, close ko pa yung Supervisor dun, tapos pag nakapasok sya, araw araw na kaming magkikita at isasabay pa namin sya ni Papi sa Car. Sabay kaming tatlo na kakain sa canteen at pagkatapos ay sabay ding kaming uuwi. Pag may OT sya iintayin ko sya, kahit mauna na si Papi sa bahay, ok lang. Anu ba yan hindi pa sya tanggap ang dami ko nang plano. Did I tattooing him in my mind. Parang ganun na nga. Grrr!!! Kagigil syang tignan.
“Ah ganun ba, sige tignan namin sa department na yun kung may bakante” sagot ni Papi.
“Ah may bakante dun, aalis na kasi yung junior accountant at di na daw magrerenew ng contract kasi may opportunity ito sa Singapore” Sa wakas nakapagsalita din ako.
“Si Ash? Talaga? Anu ba yan mababawasan na ang mababait sa company”
“Oo nga, di pa sya nakakaalis, namimiss ko na sya.”
“Sino Si Ash? Girlfriend mo?”
Napatawa naman si Papi sa tanong ni Luis. Alam ko nasa isip nito. Kaya sinipa ko ang paa nya ng patago.Tumigil sya sa pag tawa, nasaktan siguro.Sabay irap sa akin.
“Bakit, may nasabi ba ako?”
“Ah hindi wala, hindi ko girlfriend si Ash at kaibigan ko lang talaga sya.” Pagdepensa ko.
“Ahhh. Don’t worry pag natanggap ako mapapalitan naman ng mabait yung nawala mabait sa company nyo!” Pagpapacute ni Luis sabay labas ng mapuputing ngipin sa mapulang labi.
At sabay din kaming nag-inhale ni Papi dahil sa nakitang ngiti ng gwapong bachelor sa harapan namin. Para kaming mauubusan ng hininga sa kakiligan. Kahit hindi na sya magpacute, ang CUTE CUTE NYAAA. Awww. Sigaw ng isip ko.
“Oo mukha namang mabait ka, kasi mabait si ate Mercy, kaya nga binili ka ni Onic ng pasalubong.” Sabay labas ng kahong lalagyan ng Pants.
‘nak ng tinapa, pinawisan naman ako dun, bakit kailangan pa nyang i – dentify na ako ang bumili, ang usapan namin sa bahay, ang sasabihin ay binili namin para sa kanya. Kainis ka talaga Papi, humanda ka sa akin sa bahay, itatali ko sa pinto ang dila mo. Lalo tuloy akong napahiya, baka namumula na ako. Sh*t.
“Ha? Bakit naman nag-abala ka pa Onic, hindi ko naman birthday ah. Pero ang ganda nito, wooow, salamat ha. Ang bait mo naman” Namimilog ang super duper cute na mga mata nya.
Grabe naapreciate nya talaga, iba talaga pag galing sa probinsya, lahat sila nag appreciate ng maliit na bagay. Gumaan lalo ang loob ko sa kanya. At nang mga oras na iyon, masayang masaya ako, pinangako ko sa sarili kong tutulungan ko syang maging masaya ang pagpunta nya sa maynila at maging masaya sya sa paghahanap nya ng trabaho.
“Wala yun, si Fred ang pumili nyan. Sabi nya bagay daw sayo”
Kita ko umuusok ang ilong ng dragona, buti nga nakaganti rin sa wakas.
“Ang galing mo namang pumili, gusto ko ito, stone wash” sabay tingin kay Papi. Ouch, nahurt ako.
“salamat, gusto ko rin kasi ang ganyang style” Sabay dila sa akin ni Papi ng palihim, na parang buti nga, sinabi mo pang ako ang pumili. Ayan tuloy, pinapurihan ako.
“Nakakahiya naman, hindi ko ine-expect na ganito kababait ang mga taga rito.”
“Ah Luis, wag ka nga palang umasang lahat ng mga taga-rito katulad namin ha, lalo dito sa Maynila, hindi lahat mapapakatiwalaan mo, iba na ang panahon ngayon, dahil sa hirap ng buhay ng mga tao rito, lahat gagawin nila kahit makasama sa kapwa nila para lang makaraos.” Paliwanag ko.
“AMEN.” Tagline ni Papi. Atrebida talaga tong kaibigan ko.
Napatawa si Luis kay Papi, “Pero salamat Onic sa payo, don’t worry i can manage myself.”
“Ah good.”
Kita naman sa katawan nya. Sigurado masuntok nito, tulog. Sa laki ba naman ng katawan.
“Gawa naba resume mo?” Tanong ni Papi
“Oo, nasa hard drive ko, pa print ko tapos bigay ko sa inyo bukas” Anu daw he will drive me hardly. Weeeeee.
“Hindi wag na, copy ko nalang sya, heto ang USB oh, ako na mag piprint sa office” sabay abot sa kanya ng USB
“Ah galing, sige akin na, dito ko sya ilalagay. Sandali lang ha i copy ko lang.” Sabay pasok sa loob ng bahay.
“ ‘te hindi ka rin ready noh?” Pang aasar sa akin ni Papi.
Matapos ang ilang kwentuhan ay nagpaalam narin kami kay Luis para makapagsarado na rin sya ng tindahan. Para makapagpahinga narin sya. Alam ko pagod sya sa pag- go-grocery nila.
“O paano bukas nalang ulit, mukhang alas 12 na nang madaling araw, aalis na kami. Magpahinga ka na rin”
“Choss” Mahinang sabi ni Papi pero hindi nakalampas ng pandinig ko.
“Teka sandali, lock ko lang yung gate, hatid ko na kayo.” Pagmamagandang loob ni Luis
“Ay hindi na, dito kana kami nalang, kaya na namin, kabisado naman namin ang lugar dito. At saka dalawa naman kami. Medyo malapit lang naman ang sa amin, no need na.” Sagot ni Papi.
“Oo nga, baka mamaya ikaw pa ang maligaw pabalik, sige ka”
Napakamot naman sa ulo si Luis.
“Basta bukas i ready mo sarili mo, baka may tumawag sayo from our company, ok.” Pahabol ko.
“Ok thanks, ingat kayo, salamat, bye”
“Bye” Nagpaalam na rin kami kapagdaka.
“Gudnight, sweet dreams, mwah mwah mwah” Bulong ko kay Papi na nakangiti ng malayo na kami kina Luis.
“Ay OA mo hahahaha” tawa ni Papi.
Ewan ko, alam ko masasaktan lang ako ulit, alam ko yun, ang alam ko nga pagod na ako muling magmahal, hindi pa nga yata ako super healed from my past. Pero masaya ako. Basta bahala na.
(ITUTULOY)
No comments:
Post a Comment