BY: James W.
CHAPTER SIX...
“Hi Luis, congratulations.” Pagpasok ni Papi ng kwarto at sabay kamay sa kanya.
“Salamat Sir Fred, hindi ko mababayaran ang tulong nyo at kabutihan”
“Hahaha, ang korny ha”
“Hindi, totoo yun, salamat sa tulong.”
“Wala iyon. Basta galingan mo ha. Saka Fred nalang ok.”
“Oo Fred. Salamat” Nakangiting wika ni Fred.
Kinabukasan. Nag training lang si Luis at kapagdaka ay nagpunta na ito sa room ko at doon na rin tumambay dahil tapos na daw sya. Kwentuhan, nariyang kukunin nya ang throw pillow ko at ipapatong sa mesa ko ay dun mangangalong-baba. Ang lakas talaga ng dating nya, nawawala tuloy ako sa focus ng pagtatrabaho.
Kahit hindi talaga nakakatawa pero overjoyed and itsura ko dahil sa kanya, kahit korny, nakakatawa parin. Hanggang umabot sa isang topic ang pag-uusap namin.
“Nasaan ang girlfriend mo? Bakit hindi mo pinapakilala sa akin?” Tanong ni Luis na ikinagulat ko kung ano ang isasagot ko.
“Ah wala akong girlfriend.”
“Di nga, sa gwapo mo yan, niloloko mo naman ako.”
“Hindi, promise wala akong girlfriend. Bakit ikaw may girlfriend ka ba?”
“Wala”
“See. Pangit ako pag pinagkumpara tayo. Mas gwapo ka. Pero wala kang girlfriend.”
“Naisahan mo ko dun ha. Bakit wala ka ngang girlfriend, sabihin mo na.”
“Siguro, choice ko.”
“Paanong choice?”
“Choice! Choice in a sense na saka na muna, hindi ko pa priority?”
“Ah ok, gets”
“Ikaw bakit wala kang gf?” Balik ko sa kanya.
“Wala pang nagpapatibok ng puso ko.”
“Sana ako” Bulong ko.
“May sinasabi ka?”
“Wala sabi ko ang korny mo.” Sabay kaming nagkatawanan.
“Na-try mo nang pumatol sa homo?” Isa na namang kagulat-gulat ang tanong nya. From my computer screen, lumingon ako sa mukha nya at nakangiti pa sya.
“Anu bang nakain mo, bakit kakaiba ang mga sinasabi mo? Siguro yung sushi sa canteen noh? Ang dami daming pweding itanong.” Naiilang na ako. Harap ulit sa monitor.
“Seryoso ako, i just want to know.” Tingin ulit sa kanya. Lalo pa syang nag pacute habang nakapatong ang dalawang kamay sa pillow at ang kanyang baba, nakatingin sa akin. Baling muli sa monitor.
Nakakailang talaga ang kinikilos nya, may gusto ba syang palabasin? Anung ibig nyang sabihin. Sa inis ko,
“Hindi pa, at never akong mag-tatry, hindi ako bakla! Anung iniisip mo dyan, nakakaloko kana. Luis umayos ka nga.” Pagsusungit ko.
“Oh bakit ka nagagalit, nagtatanong lang naman ako.” Nag-alala bigla at inangat ang ulo. Natauhan sa sinabi ko.
“Nakatawa ka kasi, parang may ibig kang sabihin!” Paasik ko paring tugon sa kanya. Sabay harap ulit sa monitor.
“Ok sorry, nadala lang ako sa kwentuhan natin ok? wag ka nang magalit, wala akong intensyon o ibang ibig sabihin.” Napatingin ako sa kanya.
“ Fine. Nakangiti ako kasi akala ko isa yun sa paraan para maging magaan para sayo ang mag kwento ng homo experience mo. Kung meron man. Ako naman kasi open ako sa lahat ng bagay pero hindi rin ako homo. Nag karoon na kasi ako ng mga kaibigan na nagkaexperience sa homo at nakaka-aliw ang mga kwento nila. Just to make our conversation as funny as possible, kaya natanong ko ito. Since wala ka naman palang experience, eh di ok. Hindi ko naman akalaing magagalit ka. Hindi kita pinag-isipan ng masama, kasi kaibigan kita.” Papatuloy nya sa paliwanag nya. Nakatitig parin ako sa kanya. Napahanga ako sa kanyang paliwanag, detalyado.
“Smile kana dyan. First day ko ngayon, ayokong magtatampo ka sa akin. Hindi na ako ulit magtatanong ng ganun. Promise. Smile na jan. Please.” Sabay ngiting kinakabahan kung tutugon ba ako sa please nya.
“Ok” sabat ngiti sa kanya, nakakatuwa syang magpaliwanag parang very fragile ang turing nya sa kaibigan at ayaw nya itong mababasag, at sisikapin nyang buuin muli ang saya na nawala sayo sa pamamagitan ng kanyang paliwanag at mga ngiti.
“Nagugutom kaba?” tanong ko.
“Bakit?”Nagtataka nyang mukha, na lalong nag pa cute sa kanya.
“Kasi ang dami mong sinabi baka nagutom ka.”
“Oo totoo nagugutom ako” Nagkatawanan nalang kami, at niyaya nalang namin si Fred na pumunta ng canteen para mag meryenda. Nagtataka naman si Fred kung bakit kami masaya. Hindi parin mawala sa akin ang sinabi nyang hindi sya homo. At wala nang chance para sa amin.
Naging maganda ang unang linggo namin. Palagi namin syang sinusundo sa bahay. Naging busy narin sya sa department nya. Pag kakain naman sa canteen kami paring tatlo ang magkakasama, at pati uwian. Masaya ang buong araw pag kasama mo ang gusto mong lalaki. Pero isang araw habang kumakain kami sa canteen...
“Ang ganda nya” Lumingon at pinagmasdan ni Luis si Janice.
“Isa talaga sa pinakamagandang babae si Janice sa company. Ang alam namin mataray sya. Kaya ilag ang mga kalalakihan na ligawan ito, dahil susungitan lang nito. Lalo na’t walang itsura ang manliligaw nya. Wala kaming alam, sa babaeng yan, hindi namin alam kung may boyfriend ba sya o wala. Pero isa lang ang tiyak, single sya. Base sa kwento ng kaibigan namin sa HR.” Paliwanag ko kay luis.
“Talaga.” Umaliwalas ang mukha ni Luis, may binabalak siguro sya.
Hindi ko gusto ang nangyayari, ito na yung kinatatakutan ko, ang magkaroon si Luis ng girlfriend. Tanggap ko naman na mangyayari ito, lalaki sya, pero hindi pala ganun kadali, kahit anung isipin ko, apektado at apektado parin ako. Sinipa ni Papi ang paa ko.
“Aray” pabulong na singhal kong sabi kay Fred na nasa tapat ko.
Nginunguso nya ang pagkain ko. Hindi ko na kasi nagalaw buhat ng marinig ko ang sinabi ni Luis sa babaeng ‘yon. Bigla naman akong natauhan at sumubo muli ng kanin at ulam. Nakatingin sa akin si Fred, parang sinasabi nyang “ok lang yan”. Alam nya kasing naapektuhan ako.
“Onic, Fred, type ko si Janice.” Sabay harap sa akin at kay Fred.
“Pwede bang hindi muna sumabay sa inyo pag- uwi, pupuntahan ko lang sya mamaya.”
“O-Oo ba, s-sige.” Pagsangayon kong naguguluhan. Anu ba yan sira na ang araw ko. Palihim nalang akong nagbuntunghininga.
Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang department, pero since may oras pa para matulog ng konti, pumasok muna ako sa room ni Fred.
“Papi, paano yan babae talaga ang fillet nya.”Si Fred.
“Alam ko namang mangyayari yun.”
“Ok ka lang ba?”
“Oo naman, bakit hindi.” Sabay tungo sa table nya gamit ang cushion pillow.
“Hoi, kausapin mo ko,wit ka muna borlog (tulog).”
“Ok lang ako, inaantok ako, pikit muna tayo.”
“Ine-echoss mo ko, kilala kita. Sige sarilihin mo! pag di mo na kaya, magpatiwakal ko, wag mong sabihin sa akin.” Sabay yuko din nya sa table patalikod naman sa dereksyon ng ulo ko.
Hindi na ako sumagot. Hindi ako apektado sabi ko sa utak ko, pero hindi maikaila sa luhang pumatak mula sa mata ko. Itinutlog ko nalang.
Ang bagal ng oras, matapos ang breaktime, wala kasi akong ganang magtrabaho. Nagpabili ako ng salted peanuts sa office boy, at ito ang nilalantakan ko habang nagbabasa ng mga story sa blogspot.com. Dumating ang oras ng uwian na walang kasigla-sigla, Isipin ko kasing hindi sasabay sa amin si Luis ay parang ang lungkot ng paligid, parang uulan at may kasamang malakas na hangin. Bakit ako ganito ka apektado kay Luis.
Tumawag lang si Luis kay Fred at sinabing magkita nalang kami bukas.
Kinabukasan...
“O Luis, kumusta ang lakad mo kahapon.” Tanong ni Fred kay Luis na katabi nya sa unahan ng kotse, at ako naman ay sa likod umupo. Wala akong ganang mag drive.
“Ok naman, tama kayo ang sungit nga nya, grabe. Biruin nyo, kinakausap ko sya, pero hindi nya ako pinapansin, kahit anung gawin ko, ayaw nyang magsalita. Tinitignan lang nya ako ng masama. Tapos niyaya kong ihahatid ko sa bahay. Sabi ko mag tataxi nalang kami pero tuloy-tuloy lang ang lakad nya papuntang service bus. Hindi naman ako pweding sumakay dun kasi para lang sa regular employees ang bus na yon. Umuwi nalang ako.”
Aba at ang arte pala talaga ng babaeng iyon, sya na nga itong nilapitan ni Luis, tapos nagmamaganda ba sya, anu bang akala nya sa puday nya GOLD?
“Kasi naman sabi namin sayo, mataray yon, sana nakinig ka sa amin. Ayan napahiya ka tuloy.” Buti nalang nangyari yun, siguro naman magtatanda na si Luis ko.
“Ok lang yun, challenging nga, mamaya samahan mo ko Onic, tulungan mo akong bumili ng bulaklak ha. Alam ko eksperto ka pagdating sa ganyan.”
“Ah ok sure.” Ako pa talaga ang pipili ng flower sa babaeng iyon, hayyyy, kainissss. Bigyan ko kaya ng bulaklak ng patay. Grrrr! Bad trip na naman ako nito ke-aga-aga. Napatingin ako sa front mirror ni Papi, nakatingin pala ito sa akin, alam nya kasi kung anu ang nararamdaman ko sa sinabi ni Luis. Kaya siniguro ko sa kanya sa pamamagitan ng irap na wala na ako sa mood.
“Naku bestfriend ko talaga kayo. Salamat Onic,Fred” Masayang-masayang wika ni Luis. Ewan ko ba.Kahit ganitong wala ako sa mood, magaan parin ang loob ko kay Luis. Lalo na pag tuwang tuwa sya.
Matapos ang lunch, hiniram ko ang kotse ni Fred para bumili kami ni Luis ng flowers. Siya ang pumipili at tinanong nalang nya sa akin kung maganda, sinabi ko naman ang totoo, ayoko kasing mapahiya siya. Pagkabayad nya, ay dumaan naman kasi sa SM para bumili ng Ferrero Rocher na chocolate, at yun pang Garden ang pinili nyang flavour, favorite ko pa talaga. Kung di ka ba naman maiinis sa babaeng iyon, hindi ko na favorite ang Garden from now on.
“Sana kausapin na nya ako. Sa palagay mo?”
“Ah. A –a- Oo kakausapin ka na nun, sigurado ma tutuwa sya sa mga ito.” Ang OA na ng babaeng iyon pag hindi parin nya pinansin si Luis, sobrang effort na kaya ito.
Habang daan patungong company, sinabihan ako ni Luis na umuna na ulit kami ni Fred na umuwi. As usual, pupuntahan na naman nya ang hitad na babae.
(ITUTULOY)