Pages

Wednesday, April 27, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 5

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)



CHAPTER FIVE ...



Monday morning...


“Hi Clair goodmorning” bati ko sabay ngiti ng ubod tamis.


“Ay, ikaw pala Onic, good morning din” Nag blush yata.


Hindi ko alam pero nararamdaman ko may gusto sa akin itong kerengkeng na ito. Ang sabi kasi ni Ash, ako daw ang crush nitong hitad na ito. Pero ok narin yun may crush sya sa akin. As HR supervisor matutulungan nya ako.


“Anung atin?” Pagbasag nya.


“Kasi Clair me gusto sana akong ipasok sa accounts department. Ito nga yung resume nya dala ko.” Sabay abot ng resume ni Luis.


Na pinirint ko pagkapasok na pag kapasok ko palang ng room ko. O diba excited ako. Imbis na trabaho, ito ang inuna ko.


“Patingin nga” At binasa nga nya, buklat sa 2nd page, at later on sa 3rd page.


“Sino sya?” Mukhang umaliwalas ang mukha. Nakita lang ang picture.


“Ah kaibigan namin ni Fred. Kararating lang nya ng Maynila. Nag-babaka sakaling makakita ng trabaho. Tapos nabalitaan ko na paalis na daw si Ash, accountancy graduate din kasi yang si Luis, kaya naisipang kong irecommend.”


“Naku ang bait mo naman tinulungan mo agad akong makahanap ng employee. Hindi na ako masyadong mahihirapan kung sino ang ipapalit ko kay Ash.” Pa blink blink pa ang eyes nya. Tantalizing nga kaya?


“Ah talaga, mabuti kung ganun. May chance kaya syang makapasok?”


“Oo naman, siguro mga 50% kasi qualified naman sya, tapos may personality, alam mo naman na isa rin yun sa qualification ng company natin.Charingg. Ngayon yung 50% na natitira ay magmumula sa kanya, sa interview result nya. Kaya sabihin mo galingan nya sa interview ha.” Siguro totoo. Kaya pala medyo may itsura ang mga staff dito. Bwahaha.


“Ah sige makakarating. Clair samalat ha, matutuwa nyan ang kaibigan namin pag nalaman nyang may chance sya sa ating company.”


“Oo naman, ikaw pa.” Me ganun.


“Ay Onic nga pala, alam mo naman na bawal mag pasok ng employee sa company kung may kilala ito sa loob diba? Kaya sana wag mong ipahalata na magkakilala kayo. Hayaan mong i email nya sa company website ang resume nya para mabasa ng HR manager. At ako na ang bahalang mag bigay ng advice sa manager para mabigyan ng interview si Luis.”


“wow ang galing mo naman. Sige walang problema. Thank you Clair.”


“Saka kana magpasalamat pag may trabaho na sya.”


“Hehehe, pero thank you na rin, kasi itong ginagawa mo ay tulong na para sa amin.”


“Hihihihi, ganun ba” Ay naku kinilig na naman, hindi tayo talo, mabait ka pero hanggang friends lang noh.


“Ah sige Clair, go na ako, baka marami kapang gagawin.”


“Ok see yah”


Gawa agad ako ng account, Luis Asuncion. Send ng email from this account to our HR email address. Accomplished. Work na ako.


Sa canteen...


“O anu nachova (nakausap) mo naba si Clair?” Tanong sa akin ni Papi habang kumukuha ng Mango Float sa counter.


“Oo pinasa ko narin yung resume ni Luis”


“Naku, e di wet-bells (basa) na naman yung panty nung clair na yun?”


“Hahaha, sira ka talaga? Wag ka ngang ganyan, mabait naman yung tao.”


“Totoo naman ah, mabait yun kasi fillet (gusto) ka nya. Kaya wit ka nang mag-alala, pustahan mamaya tatawag sayo yung girling yun to confirm na may interview na si PAPA”


“Sana nga.” At tinuloy nalang namin ang pagkain at natulog ng konti sa room ni Papi saka itinuloy ang trabaho.


Labasan na... Palabas na ako ng room nang tumunog ang phone ko.


“Hi Clair, napatawag ka?”


“Hi Onic, naka-uwi ka naba?”


“Hindi pa, pero palabas na ako ng company. Papunta na ako kay Fred, Bakit Clair may problema ba?”


“Just want to say na may interview na bukas si Luis, ikaw na ang bahalang mag bigay ng location ng company, morning ang interview nya bukas. Ini-mail ko na rin ang mga kailangan nyang pag-aralan sa interview, hindi ko na sya tatawagan ha. Ikaw na bahala.”


“Sure, sure. Naku thank you so much talaga Clair. Thank you!” Tuwang tuwa talaga ako nung oras na yun. Isa nalang, pag nakapasa sya ng interview, sure nang makakasama ko si Luis sa company. Yehey.


“Papiiii...” Tuwang tuwang salubong ko sa kanya matapos buksan ang pintuan ng kwarto nya.


“Anu kaba bakit ka gumaganyan, baka may makarinig sayo. Isarado mo nga ang pinto, mahalata pa tayo.” Nagulat na wika ni Papi.


“Ay sorry, hehehe. Kasi naman may goodnews.”


“Alam ko may interview kasbum (bukas) si PAPA?”


“Paano mo nalaman?”


“Ofcourse, intercourse! Syempre alam ko! O nanalo ako sa pustahan, treat mo akits!”


“Oo ba, san ba tayo?”


“Sa kenny, na mimiss ko na ang spicy b-b-q chicken nila at muffin” nakakatulo naman ng laway, nagutom tuloy ako.


“Tara na bilissss. Tom jones na ako.” Si Papi.


Sa Kenny Rogers...


“Nakaka tuwa, ang bait ni God, sigurado ako matutuwa si Luis sa ibabalita natin sa kanya”


“Imbyerna! Bakit ba hindi mo pa tawagan nang malaman na nga nya!”


“Hindi nga pwede, gusto kong sabihin sa kanya ng personal. Gusto ko makita reaksyon ng mukha nya. Gusto ko ulit marinig ang hunk na hunk na “wow” nya. Tulad nung” Naisip kunyari


“Tulad nung binili natin sya ng pants. Sobrang cute nya pag natutuwa sya.”


“Eschosera, bahala ka nga. Basta ako enjoy ko nalang tong Chicken ko... Mmmm... Yummy.” Irap ni Papi sabay ngiti at subo ng pagkain nya.


“Yummy talaga” Nakatingin ako sa manok pero si Luis ang iniisip ko.


Kina Luis...


“Hi Te Mercy.”


“Onic ikaw pala, si Fred nasaan?”


“Ah umuna na po sa bahay nya, pagod po kasi, gusto na daw matulog, alam nyo naman yun once na mabusog inaantok. Ako na nga ang nagdrive pauwi.


“Kumain na pala kayo, me niluto pa naman ako, invite sana kita dito sa amin maghapunan.”


“Ah talaga te Mercy, salamat po. Di bale ‘te next time.”


“O may bibilhin kaba?”


“Ah wala po ‘te, gusto ko pong makausap si Luis? Kasi may good news kasi ako sa kanya.”


“Good news, naku matutuwa yun. Sandali lang tatawagin ko, sya kasi pinagbantay ko sa niluluto ko.”


Mmm... marunong palang magluto si Papa. One point again.


“Onic, kumusta? Napadaan ka, may goodnews ka daw?”


Bagay sa kanya ang porma nya. Naka white na short, tapos naka sando pang basketball. May cloth hair band pa na bagay na bagay sa kanya, maputi, flawless, tone muscles, the smile, he is so fresh.


“Anu, kuwan, kasi” Na mental block na naman ako.


“Hey Onic? Anu? Wag mo naman akong pasabikin, anu yung goodnews”


“Ya goodnews, may interview ka na bukas.” Hay sa wakas nasabi ko din.


“Hahaha, talaga? Ang galing.” Sabay yakap sa akin. Unexpected. Ayun, lumambot na ang tuhod ko, gusto ko nang mahiga sa braso at muscled body nya. Ang bango nya grabe, bagong paligo pala sya. Sabay kawala, at hinawakan ang balikat ko at humarap muli sa akin na nakangiti.


“Thank you Onic, thank you. Ang galing mo naman. Wooooww ang bilis kahapon ko lang binigay sayo yung resume ko tapos. Astig ka.” Wala akong nasabi namesmerize na naman ako. Para ako natuka ng AHAS. O hindi yun malisyoso kayo. Hindi kasi ako makagalaw, hawak nya parin ako sa balikat.


“Upo nga tayo, bakit ba tayo nakatayo.” Nakaakbay sya habang sabay kaming umupo sa bangko sa labas ng tindahan.


“Kumain ka naba? Nagluto ako.”


“Talaga ikaw nagluto?”


“Oo, bakit parang di ka naniniwala?” Medyo nagbago ang ekspresyon ng mukha nya mula sa pagiging masaya.


“Sige nga anung niluto mo?” Nakangiti kong tugon.


“Ginataang Kalabasa at Fried Tilapia” Anu bayan kahit alam kong ‘yon ang paborito kong isda, hindi ko naramdaman ang magutom kasi katabi ko sya. Ang presensya nya ang bumubusog sa akin. Dagdagan pa ng akbay nya. Sana ganito nalang kami habang buhay. Pero alam ko akbay bilang kaibigan lang ito.


“Hey ONIC!, Anu bang iniisip mo”


“Ha?”


“Sabi ko, gusto mo bang tikman ang niluto ko?”


“Ah kasi, oo sana, kaya lang kumain na kami ni Fred sa labas, busog na ako, sabi ko nga kay ate mercy next time talaga, dito na ako kakain.”


“Ganun ba, sayang naman. Sige sabi mo yan next time, Day after tomorrow, dito ka kakain ok?”


“Ok.” Sabay smile.


“Alright” Ngiti ni Luis ko. Kakaiba ang pakiramdam pag tinitignan ko sya ng palihim.


“Asan nga pala si Fred?”


“Ah nasa bahay umuwi na, pagod kasi natulog na sya.” Lumabas si Ate Mercy sa loob ng bahay.


“Luis, halika na kakain na tayo.” Yakag ni Ate Mercy.


“Onic, pasok ka muna, kain ka ulit.” Ate Mercy.


“Naku wag na po, pauwi na rin po ako, next time nalang po. Salamat po.”


“Ay Tita, sabi ni Onic may interview ako bukas.” Masayang binalita ni Luis sa tiyahin.


“Ah talaga, anu bayan, naku Onic ang bait mo talaga, naku salamat naman.” Sabay akbay sa akin ni Ate mercy.


“Naku hindi pwede, halika at pumasok ka sa loob, thanks giving ko sayo, naalala ko may ginawa pala akong graham cake kahapon, kahit mag desert ka nalang.” Pagpilit ni Ate Mercy


Wala narin akong nagawa. Nagaantay ng magandang sagot si Luis, nakakahiya namang tanggihan ang sobrang alok ng magtiyahin, kaya pumasok na rin ako sa loob ng kanilang bahay sa unang pagkakataon.


Sinabi ko narin kay Luis na maaga kami bukas, at isasabay na namin sya pag punta ng office.


Kinabukasan. Sabay sabay kaming pumunta sa office.Kinuntsaba ko si Papi at sinabihang mag sakit-sakitan muna sya at ako ang mag-dadrive at sa back seat sya umupo, para tabi kami ni Luis. Ang ganda-ganda ng umaga ko. Bagay na bagay sa kanya ang Coat and Tie, Para syang isang matipunong bachelor na anak ng may-ari ng corporation na dumalo sa isang engrandeng salo-salo. Wala akong masabi, halo-halong kaba at pananabik ang nararamdaman ko habang nagmamaneho.


Pinauna na namin si Luis na pumasok ng main gate, hindi kasi namin sya pweding isabay sa kotse papasok sa entrance, halata masyado na kakilala namin sya. Binigyan ko nalang sya ng instruction kung papaano makakarating sa reception area.


Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ng office, tumawag agad ako kay Clair.


“Good morning Clair.”


“Hi Onic. Goodmorning”


“Nakita mo na ba si Luis?”


“Yup, ini-interview na sya ng HR manager. Kakatapos ko lang syang interview-hin”


“Ang bilis naman?”


“Oo kasi, sinabihan ko lang sya ng mga dapat nyang sabihin sa Manager pag sinalang na sya doon.”


“Talaga, iba ka talaga. Salamat sayo. May pag-asa ba?”


“Anu? Ikaw?” Sagot nyang kinikilig. Assuming naman ito, akala nya tinatanong ko kung may pag-asa ako sa kanya.


“Huh? I mean may pag-asa ba matanggap si Luis?”


“Oo, malaki ang pag-asa nyang matanggap, He’s smart and very detailed in answering my questions.”


“Well, that’s nice to know. Thank you ulit Clair, pag natapos papuntahin mo nalang sya sa room ko.”


“Walang problema, basta ikaw Onic.”


Sus, pa cute pa ang boses. Kerenkeng talaga tong babaeng ito. Patulan kita isang beses, makita mo.


“Hehehe, sige Clair, thanks bye.”


“Ok bye.”


Toktoktok...


“Come-in”


“Sir Onic” Bati ni Luis ng makapasok.


“Anu kaba, Onic nalang”


“Malaki pala ang position mo dito sa company.”


“Pag tayong dalawa Onic nalang ok.”


“Sige”


“Pero teka hindi yan ang gusto kong malaman” Sabay tayo sa upuan at umupo sa silyang nasa harapan ng table ko paharap kay Luis.


“Pasado ba?” Kinakabahan kong tanong.


“Mmmm...” Nambibitin nyang tugon.


“Walang ganyan, sabihin mo na, lalo akong kinakabahan.”


“Ang cute mo pala pag kinakabahan, namumula ka oh.” Napahiya ako bigla. Cute daw ako sabi ni Luis. So flattered naman ako.


“Hay naku kung anu pang sinasabi, anu nga???”


“Pasado ako sa interview at bukas na ako magsisimula”


“Hahahaha” Sa sobrang tuwa napayakap ako sa kanya at sya rin sa akin. Nagulat ako sa ginawa ko, pero para sa kanya natural lang yun sa magkaibigan.


Bumitiw din ako bigla at nakangiting sinalubong ang kanyang mukha. Walang nagsasalita. Sobrang tahimik. Nakatingin lang kami sa mata ng isa’t-isa, bigla akong nailang at ako na ang bumawi, at sinabing “Well its a call for celebration” Sabay tayo at bumalik sa upuan ko.  Lalo yata akong namula. Palihim kong nilaksan ang aircon ng kwarto ko dahil ang init ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon.

“Alam ko namang kayang kaya mong ipasa ang interview.”


“Hindi, malaki ang naitulong mo kung bakit ako nakapasa, sa totoo lang hindi ako sanay ng tinutulungan ako ng iba, dahil gusto kong malaman kong anu ba talaga ang magagawa ko at kaya kong gawin, pero sa pagkakataong ito, kinailangan ko ang tulong mo, tulong nyo ni Fred para makapasok sa company na ito. Pero sa mga susunod na mga araw, ipapakita ko na sa inyo kung ano talaga ang taglay ko para makatulong sa company na ito, para hindi kayo mapahiya na pinasok nyo ko dito. Utang ko ito sa inyo ni Fred ang bagay na ito. At yung Hr supervisor, mukhang kaibigan mo sya kasi imbis na interview-hin ako, binigyan pa nya ako ng technique para maipasa ko ang last interview. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.”


“Wala yon” Sobrang na touch ako binitawan nyang mga salita. Isa syang taong walang bahid ng pagkukunwari, simple, at matured. Mas lalo akong humanga sa kanya. Kung makikita mo sya unang beses, hahangaan mo sya sa kanyang kaanyuan, pero kung makikilala mo pa sya. Lalo syang kahangahanga sa kanyang dalisay na pagkatao. Alam ko masyado pang maaga para husgahan ko agad sya bilang mabuting tao. Pero gifted yata ako, kasi sa unang tingin, alam ko na agad kong anu ang nasa loob ng isang tao base sa kung paano sya magsalita at kumilos.


“Nasaan ang kwarto ni Fred? Gusto ko syang pasalamatan.”


“Ah, hindi muna ngayon, papupuntahin nalang natin sya dito, baka kasi may makakita sayo na kilala mo na kami, delikado. Since bago ka palang dito sa Maynila, baka maligaw ka. Mamaya may darating na taxi, ihahatid ka nya kina te Mercy. Marami pa namang sira ulo sa daan. Kilala ko na yung taxi driver, kaibigan namin yun ni Fred si Manong Jerry.”


“Ibang klase kang kaibigan Onic” Sabay tingin sa ID ko.


“Tonyo pala ang tunay mong pangalan?” Gulat ang mukha nya.


“Ah oo, pero nickname ang ginagamit ko lagi at iyon ang tawag sa akin ng buong staff ng company. Bakit?”


“Guevarra naman ang apelyido mo. Ah wala may naalala lang ako.” Kita kong malungkot ang mukha nya, pero hindi na ako nag usyoso kung bakit ganun ang reaksyon nya.


(ITUTULOY)

Monday, April 25, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 4

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)



CHAPTER FOUR ...


Sabay naman kaming tumugon ng “ok lang po” kay kuya Gody pero bigla awtomatikong dumako ang mga mata namin kay Luis. Anu ba. Gabing gabi na nakasando parin sya. Baka mahamugan ang Baby ko. Sabay imaginaring kinagat ang labi para hindi tumulo ang laway. Hay, madilim na ang paligid maputi pa rin sya at parang nakatutok parin ang spotlight sa kanya.


Parang may Haleluya, haleluya kang maririnig na umaawit.


“O Fred, Onic, kumusta ang lakad natin?” Bruskong tanong ni Luis


 “O ayan, dyan  nyo na itanong sa kanya kung anung natapos nya, Oh Luis ikaw muna dito sa tindahan at aayusin ko lang ang bahay sa loob, makalat kailangan ko pang maglinis, Mga alas onse ay magsarado ka na ng tindahan.” Bilin ni Ate Mercy.


Tumingin naman ito sa asawa “Mahal patulugin mo na ang mga bata pagkatapos mong ipasok ang pinamili nyo ha.”


Tumingin naman sa aming dalawa ni Papi at ngumiti “Dyan muna kayong dalawa at papasok na ako sa loob.”


“Sige po ate Mercy. Gudnyt.” Sagot ko.


“Anu nga pala yung tanong nyo, kong anung natapos ko?” Sabay kuha ni Luis ng silya at umupo pabukaka sa nakabaligtad na silya. Sabay sampay ng mga kamay sa pinakatuktok ng sandalan ng silya. Lumabas ang kilikili nyang may kauting buhok na parang animoy balahibong pusa at amoy na amoy ko ang singaw ng kanyang katawan, lalaking lalaki at mabango. Presko ika nga. Nahiya naman ako, baka isipin nya kanina pa namin sya pinaguusapan, nakaka-hiya naman talaga, at nakakainsecure ang kagwapuhan nya. Si Papi na ang sumagot, nakaramdam yata na naumid ang dila ko sa ginawa ni Luis na pag-upo malapit sa akin.


“Oo kasi nabanggit sa amin ni ate Mercy na naghahanap ka daw ng work kaya ka nagpunta dito sa Maynila. Kaya baka qualified ka sa bakanteng puso este bakanteng position sa Company”


Umayos ka Papi. Pag nadulas ka, mababakante ang nguso mo sa akin. Sabi ng isip ko.


“I attain a bachelor degree of Business Administration Major in Accounting.Sana nga may bakante sa inyo.”


Ayos pwede sa amin. May bakante sa Accounts Department, close ko pa yung Supervisor dun, tapos pag nakapasok sya, araw araw na kaming magkikita at isasabay pa namin sya ni Papi sa Car. Sabay kaming tatlo na kakain sa canteen at pagkatapos ay sabay ding kaming uuwi. Pag may OT sya iintayin ko sya, kahit mauna na si Papi sa bahay, ok lang. Anu ba yan hindi pa sya tanggap ang dami ko nang plano. Did I tattooing him in my mind. Parang ganun na nga. Grrr!!! Kagigil syang tignan.


“Ah ganun ba, sige tignan namin sa department na yun kung may bakante” sagot ni Papi.


“Ah may bakante dun, aalis na kasi yung junior accountant at di na daw magrerenew ng contract kasi may opportunity ito sa Singapore” Sa wakas nakapagsalita din ako.


“Si Ash? Talaga? Anu ba yan mababawasan na ang mababait sa company”


 “Oo nga, di pa sya nakakaalis, namimiss ko na sya.”


“Sino Si Ash? Girlfriend mo?”


Napatawa naman si Papi sa tanong ni Luis. Alam ko nasa isip nito. Kaya sinipa ko ang paa nya ng patago.Tumigil sya sa pag tawa, nasaktan siguro.Sabay irap sa akin.


“Bakit, may nasabi ba ako?”


“Ah hindi wala, hindi ko girlfriend si Ash at kaibigan ko lang talaga sya.” Pagdepensa ko.


“Ahhh. Don’t worry pag natanggap ako mapapalitan naman ng mabait yung nawala mabait sa company nyo!” Pagpapacute ni Luis sabay labas ng mapuputing ngipin sa mapulang labi.


At sabay din kaming nag-inhale ni Papi dahil sa nakitang ngiti ng gwapong bachelor sa harapan namin. Para kaming mauubusan ng hininga sa kakiligan. Kahit hindi na sya magpacute, ang CUTE CUTE NYAAA. Awww. Sigaw ng isip ko.


“Oo mukha namang mabait ka, kasi mabait si ate Mercy, kaya nga binili ka ni Onic ng pasalubong.”  Sabay labas ng kahong lalagyan ng Pants.


‘nak ng tinapa, pinawisan naman ako dun, bakit kailangan pa nyang i – dentify na ako ang bumili, ang usapan namin sa bahay, ang sasabihin ay binili namin para sa kanya. Kainis ka talaga Papi, humanda ka sa akin sa bahay, itatali ko sa pinto ang dila mo. Lalo tuloy akong napahiya, baka namumula na ako. Sh*t.


“Ha? Bakit naman nag-abala ka pa Onic, hindi ko naman birthday ah. Pero ang ganda nito, wooow, salamat ha. Ang bait mo naman” Namimilog ang super duper cute na mga mata nya.


Grabe naapreciate nya talaga, iba talaga pag galing sa probinsya, lahat sila nag appreciate ng maliit na bagay. Gumaan lalo ang loob ko sa kanya.  At nang mga oras na iyon, masayang masaya ako, pinangako ko sa sarili kong tutulungan ko syang maging masaya ang pagpunta nya sa maynila at maging masaya sya sa paghahanap nya ng trabaho.


“Wala yun, si Fred ang pumili nyan. Sabi nya bagay daw sayo”


Kita ko umuusok ang ilong ng dragona, buti nga nakaganti rin sa wakas.


“Ang galing mo namang pumili, gusto ko ito, stone wash” sabay tingin kay Papi. Ouch, nahurt ako.


“salamat, gusto ko rin kasi ang ganyang style” Sabay dila sa akin ni Papi ng palihim, na parang buti nga, sinabi mo pang ako ang pumili. Ayan tuloy, pinapurihan ako.


“Nakakahiya naman, hindi ko ine-expect na ganito kababait ang mga taga rito.”


“Ah Luis, wag ka nga palang umasang lahat ng mga taga-rito katulad namin ha, lalo dito sa Maynila, hindi lahat mapapakatiwalaan mo, iba na ang panahon ngayon, dahil sa hirap ng buhay ng mga tao rito, lahat gagawin nila kahit makasama sa kapwa nila para lang makaraos.” Paliwanag ko.


“AMEN.” Tagline ni Papi. Atrebida talaga tong kaibigan ko.


Napatawa si Luis kay Papi, “Pero salamat Onic sa payo, don’t worry i can manage myself.”


“Ah good.”


Kita naman sa katawan nya. Sigurado masuntok nito, tulog. Sa laki ba naman ng katawan.


“Gawa naba resume mo?” Tanong ni Papi


“Oo, nasa hard drive ko, pa print ko tapos bigay ko sa inyo bukas” Anu daw he will drive me hardly. Weeeeee.


“Hindi wag na, copy ko nalang sya, heto ang USB oh, ako na mag piprint sa office” sabay abot sa kanya ng USB


“Ah galing, sige akin na, dito ko sya ilalagay. Sandali lang ha i copy ko lang.” Sabay pasok sa loob ng bahay.


“ ‘te hindi ka rin ready noh?” Pang aasar sa akin ni Papi.


Matapos ang ilang kwentuhan ay nagpaalam narin kami kay Luis para makapagsarado na rin sya ng tindahan. Para makapagpahinga narin sya. Alam ko pagod sya sa pag- go-grocery nila.


“O paano bukas nalang ulit, mukhang alas 12 na nang madaling araw, aalis na kami. Magpahinga ka na rin”


“Choss” Mahinang sabi ni Papi pero hindi nakalampas ng pandinig ko.


“Teka sandali, lock ko lang yung gate, hatid ko na kayo.” Pagmamagandang loob ni Luis


“Ay hindi na, dito kana kami nalang, kaya na namin, kabisado naman namin ang lugar dito. At saka dalawa naman kami. Medyo malapit lang naman ang sa amin, no need na.” Sagot ni Papi.


“Oo nga, baka mamaya ikaw pa ang maligaw pabalik, sige ka”


Napakamot naman sa ulo si Luis.


“Basta bukas i ready mo sarili mo, baka may tumawag sayo from our company, ok.” Pahabol ko.


“Ok thanks, ingat kayo, salamat, bye”


“Bye” Nagpaalam na rin kami kapagdaka.


“Gudnight, sweet dreams, mwah mwah mwah” Bulong ko kay Papi na nakangiti ng malayo na kami kina Luis.


“Ay OA mo hahahaha” tawa ni Papi.


Ewan ko, alam ko masasaktan lang ako ulit, alam ko yun, ang alam ko nga pagod na ako muling magmahal, hindi pa nga yata ako super healed from my past. Pero masaya ako. Basta bahala na.




(ITUTULOY)

Sunday, April 24, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 3

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)




CHAPTER THREE...



Ayoko pang umalis dahil nawala ang gutom ko. Busog na ako sa nakikita ko kay Luis. Pero nakakahiya naman kung tatambay ako for the first time sa tindahan ni ate Mercy, hindi ko naman ginagawa yun. At saka me binili ako na talangang pang pananghalian, alangan namang sabihing kong para sa hapunan yung binili ko. Baka tawanan ako ni Luis at ang aga kong bumili ng pang hapunan. Kaya no choice kailangan ko syang iwan.


Hay ang saya ng paglalakad ko pauwi. Bagamat lalaking lalaki ako maglakad, pero sa isip ko kumekendeng ang buong sistema ko. Pati yata mga white and red blood cells ko ay nag paparty party sa loob ng ugat ko. Sumarap tuloy ang luto ko kasi sinamahan ko ng Kanta with LOVE... Buti nalang ma-oover come ko na si LEO.


Si LEO na sa loob ng 3 tatlong pagmamahalan namin ay laging saya ang dinulot sa akin hanggang sa makita ko nalang isang araw sa loob ng sinehan na may nagtatrabaho sa kanyang katawan. Isang gwapong lalaki ang tumitikim sa katawan ng boyfriend ko. Paanong hindi ko makikita sa dulo sila naupo at doon namin napag desisyunang umupo ni Papi. Ang ginawa ko ay nginudngod ko ang bunganga ng hayok at mang-aagaw na lalaki sa pagkalalaki ng manlolokong Leo na yon na hindi parin namamalayang nadun kami sa harapan nila. Buti nga sa kanya mabilaukan sya. Nabigla nalang si Leo sa nakita nya at takot na takot sa pagkakahuli sa kanya. Minura ko lang silang dalawa at saka dali-daling umalis ng sinehan. Kahit medyo dinig nang mga tao, wala akong pakialam, buti nga sa kanila maeskandalo sila sa panloloko nila. Sa sinehan pa nila nagawa.  Ang cheap ha. Habang binabaybay ko ang lagusan palabas ng sinehan na yun ay sya ring umpisa ng pagdaloy ng luha ko. Si Papi ang umalalay sa akin sa mga oras na broken hearted ako. Halos 8 buwan na ang nakakalipas.


Sa loob ng 8 buwan na yun, 1 buwan kong pinagtabuyan palabas ng bahay si Leo, pero makulit ang manloloko kaya lumipat kami ni Papi ng bahay para hindi nya ako mapuntahan. Pagkatapos nun 2 buwan syang tawag ng tawag. Pero hindi ko sinasagot. Pag nakukulitan ako sinasagot ko pero hindi ko pinapakinggan ang sinasabi nya, pinapatong ko sa mesa at hinahayaan kong maubos ang load nya. Kasalanan nya. Sinaktan nya ako. Hindi ko naman pweding patayin ang cellphone ko kasi baka tumawag ang company. Hanggang sa mag sawa narin sya sa pangungulit nya.


Isa lang kasi ang pamantayan ko sa buhay. Pag nakipagbreak ako, hindi na ako nakikipagbalikan kahit anung mangyari. Laging sinasabi ni Papi na mali ang pamantayan ko kasi walang magtatagal na relasyon para sa akin. Sinasabi nyang everybody is worth for second chance. Pero pag binabalik ko sa kanya ang issue. Na bakit si ganito hindi mo mabigyan ng second chance ay sya namang biglang tatahimik at iibahin ang topic na halatang umiiwas na sumagot sa tanong. Wala syang maisip na dahilan kung bakit di rin sya makapagbigay ng second chance. At saka anung magagawa ko wala na akong maramdamang pamamahal sa taong nanakit sa akin. Kaya hinahayaan nalang nya ako. Kakampi ko si Papi. Dahil alam nyang hindi ako marunong manloko sa relasyon. At ganun din si Papi. Kaya proud kami sa isa’t isa.


Biglang tumunog ang cellphone ko. Pag nobody nobody but you ang ringing tone ng phone ko, si Papi yun. Gusto daw nya yung kantang yun kaya yun ang nakaset sa phone ko pag natawag sya.


Naku gising na ang Dragona.


 “O ano gutom kana?.” Sagot ko sa phone.


“Good morning Papi”


 “Haller, Tanghali na, buksan mo yang kurtina mo at makikita mo na tirik na tirik na ang araw. Adik toh.”


“Ay imbyerna. Anu cookie monster(nakaluto) ka na ba . Lafang(kain) na we? Fly(punta) na bako dyan?” Ginamit na naman nya ang gay lingo nya. Yung iba naiintindihan ko, yung iba, oo nalang akong oo.


 “Luka-luka, Masaya ako no. Hindi mainit ang ulo ko. Iba ngayon. Bwahahaha. Oo. Luto na. Punta ka na nagugutom na ako.”


Magkapitbahay lang kami ni Papi at pag sabado ako nagluluto ng pagkain namin at mag oover the bakod lang ito at presto nakaupo na sya mesa.


“Papi  Winnie santos(panalo) ang julam ah.” Sunod sunod nyang subo. Nanlalaki ang mata.


“Hmmm... I smell something fishey Papi, what it is? isang winner major major PAPA yun noh.” Sabay taas ng kilay sa akin.


Buti nalang dinamihan ko ang sinaing na kanin, mukhang mapapalaban ang kaldero ko sa manananggal na ito.


 “He! Tumigil ka dyan. Basta. Secret walang clue” Sabay subo ng pagkain.


 “Echosera(sinungaling), tigilan mo ko. Sasabunutan ko yang kilikili mo”


 “Basta maloloka ka Papi”


At ang beki kinikilig, kahit walang clue alam nyang lalaki ang nasa isip ko kung bakit ako masaya. Ganyan kami. Kung sinong crush nya ay crush ko din at kung sinong crush ko ay crush nya rin. Pareho yata kami ng standards. Kung sinong unang nakakilala sa lalaki ay sa kanya, kahit patay na patay ang isa sa amin. Pero kung sinong natipuhan ng lalaki ay kanya. At pag naging bf na ng isa sa amin ang lalaki, hindi na namin tatangkaing makipagrelasyon kahit break na. Yun ay hindi rules para sa amin, kundi iyon ang gusto namin.


Sa daming nilalang sa mundo bakit ba kami mag-aagawan. Pinagsasaluhan lang namin ang kilig pero pag relasyon na ang usapan. Seryosohan na. Pag karelasyon na nya si “ganito”, tapos na ang kilig ko, minsan ako pa ang gumagawa ng paraan para lalong tumibay ang relasyon ni Papi at ng BF nya. Ako ang takbuhan nila pag nagaaway sila sa maliit na bagay. Pero pag niloloko nya ang Papi ko. Shut up kang lalaki ka. Baka masuntok lang kita.


Nagbibiruan nga kami, sinasabi namin, baka kami ang magkatuluyan sa bandang huli. Tapos sabay kaming mag Ya- YUCKKKKKKKKKKKKK!!!. Sabay tatawa...


Minsan nagseselos ang BF namin sa aming dalawa. Kaya pag nagseselos ang BF ko kay Papi, yayakapin ni Papi ang BF ko at sasabihan na “wag ka nang magselos, mahal na mahal naman kita.” At sabay akmang hahalikan sa lips pero biro lang yun. Papanoorin ko lang ang dalawa at sabay sabay kaming tatlo na tatawa. Ganun din ako sa BF nya.


Pero ngayon Single Ladies este single gentle –bi  kami.


Matapos ang lunch namin ay nagyakag manood si Papi ng sine at mag lakad lakad sa mall. Pagdaan ng kotse namin ay pinahinto ko ito sa tapat ng tindahan ni ate Mercy at napamulaga naman si Papi sa nakita nya. Tinted ang labas ng sasakyan at hindi kami nakikita ni Luis na kasalukuyang tao sa tindahan. Nakatingin lang ito sa gawi namin.  Hindi ko inaalis ang mata ko kay Luis ang sarap nyang pagnasaan sa lugar na hindi ka nya nakikita.


 “Hala Papi, sya ba? Ay naku kaya naman pala. Kahit ako sasarap ang pritong itlog at pinakuluang tubig ko kapag sya ang inspirasyon ko. Feel ko syaaaaaaaaaa.” Maloka-loka at dilat ang matang nakatingin si Papi sa dereksyon ni Luis.


 “O diba gwapo si Luis ko” Nakatitig parin ako kay Luis...


 “Aneeeeeeeeeeeek?(Ano) kilala mo sya? Luis ba kamo? Ay naku bakit nandyan sya sa tindahan ni Ate Mercy, O-M-G. Oh my goddess beauty, kamaganak sya ni Ate Mercy? What? May lahi ba silang kanu-bells?(Amerikano)”


“Ang daming tanong.  Baka nalahian lang.” Sagot ko


“Chosss.(bwisit)”  


 “Oy Papi , ang sama mo, bakit maganda naman si ate Mercy” Saway ko.


“O sige define BEAUTY. Abah Putsa, kung maganda si ate Mercy, ano na ako? FAIRY?”


“Hahahaha... Hala sama mo. Wag kang ngang ganyan sa ‘auntie- in-law soon to  be’ ko”


“Ah nangarap, yun ganun , nangarap na, tirik pa ang sunshine dizon(araw) Papi” Biglang namang bumaba ang kanina lang na hyper pitch nyang boses. Tanda ng pagtanggi sa aking sinabi.


“Na hawakan ko na kaya ang kamay nya.” Pagmamalaki ko sa kanya.


“Weee. Chinochorva(niloloko) mo ko. Ewan ko sayo Papi”


Bigla kong binuksan ang bintana at tinawag si Luis.


“Hi Luis.”


Biglang nagulat si Luis na ang kanina pa nakatingin sa nakaparadang sasakyan namin. Nagulat siguro at nahinuhang ako pala ang nasa loob. Bigla itong ngumiti at tumayo. Kita ko ang imaginary saliva ni Papi tumutulo sa ngiti ng hunk na si Luis.


Napapangiti ako ng palihim, sa isip ko “ayaw mong maniwala na close kami, o heto ebidensya”


“Onic ikaw pala yan. Ang daya mo ngayon mo lang binaba ang car window.” Nakangiting paglapit ni luis.


Wala akong maisip na sagot kaya iniba ko usapan.


“Luis, nood kaming sine sama ka?”


“Ha, Naku pasensya na wala si tita. Walang tao sa bahay ngayon.”


“Ganun ba, sayang naman akala ko makakasama ka.”


Nakita kong umirap ang mata ni Papi. Sinasadya kong huwag muna syang ipakilala.


“Oo nga. Gusto ko sanang sumama pero... Pero wag kang mag-alala I’m sure sa susunod sasama na talaga ako.”


Bigla akong sinundot ng mariin sa tagiliran ni Papi tanda ng pansinin ko naman sya at ipakilala kay PAPA. Denedma ko talga sya kasi ayaw nyang maniwala. E ngayon tulo na laway nya bwahaha.


“Ay sorry, nawala ang manners ko, my bad. Ah Papi este Fred si Luis” Sabay siko sa tagiliran ko. Masakit pero tiniis ko. Nahihiya kasi sya sa iba pag tinatawag kong Papi. Lalo’t bagong kilala.


“Luis si Fred, best friend ko.”


Inabot ko ang kamay ni Luis na walang kahiyahiya at ipinasok sa kotse at binigay kay Papi na parang isang kilo lang ng karne. Nagulat naman si Papi at inabot ito at nakipagkamay dito.  Ang bango ni Luis langhap ko ang singaw ng katawan nya. Amuy JUNSUN Beybi Pawder, Beybi kolown, Beybi oyl, Beybi corn ay anu bayun exagge na masyado... basta amuy Baby. Period.


Natawa si Luis sa akin sa ginawa ko. Pero nagulat si Papi. At nagtawanan nalang kaming tatlo. Pagkatapos magpaalam kay Luis at mangakong dadalhan nalang namin ng pasalubong ay umalis na kami.


 “O Ano naniniwala kana?” Hindi pa rin makapagsalita. At nakangiting nag da-drive habang daan patungong Mall.


 “Hoy Papi, ok ka lang?”


“Oo naman noh, ngayon pa nakita ko na ang ‘jowabells(boyfriend)-in -future’ ko” nangarap ang lola-conda.


 “Hello excuse me Madam, ako unang nakakita sa kanya”


“At excuse me too Dragona, hindi pa natin alam kung sino ang feel nya” Sabay taas nya ng kilay


 “Ako ang mamahalin ni Luis, dahil ako ang fresh at masarap.”


“Ay yan ang kaplang, wala kang binatbat sa galing ko sa pagpapaligaya. At tamis ng aking mwah mwah ... mga labi” Sabay hawak nya sa kanyang pisngi na parang nag momodel ng max factor.


Sabay busina ng nasa likuran namin na tanda ng ang tagal naming mag –fly dahil GO SIGNAL na ang Traffic Light... Sabay kaming tumawa sa kalokahan namin.  Malay ba namin na green na. Ganyan kami,nag papalamangan. Natapos ang palabas sa sine, bagamat pansamantalang nawala sa isip ko si Luis habang nanonood ng pelikula, ngayon nasa isip ko na naman siya habang naglalakad sa kahabaan ng MOA. Iba talaga ang dating sa akin ni Luis. Ngayon kasi ako nakakita ng ganung ka gwapo. Sa sobrang gwapo nya hindi ko sya mailagay sa memory ko, kailangan ko pa yata ng picture nya para maalala ko mukha nya. Nagpasya kaming tumitingin-tingin ng damit sa mall. Pang pasok sa opisina at pang porma next time narin.


 “Papi bagay to sa kanya diba?” Hindi ko sya napansin. “Hoy! Ay reminiscing ang acting, mamaya mo na nga isipin si Luis”


“Bakit Nangingialam? Hindi pwede?” Pagtataray ko.


“Tamo nag mumukha kang tanga, kabuya(mukhang tanga) ka “day”. Tulala ka, di mo ako naririnig”


 “atrebida(kontabida) ka talaga, Anu ba kasing sinasabi mo?”


“Itooo... kung bagay tong maong kay Luis?”


 “Ito?”


“Hindi. Yan! Yang suot mo! Nagtataka nga ako kung bakit suot mo eh! Bagay ba yan kay Luis? Syempre ito!”


 “Hehehehe. wag kang magalit, sinisiguro lang. Patingin nga.


Toinks! Butas na malapit sa zipper.


 “Anu, may pagnanasa? Butas malapit sa junior? May hidden agenda ka ba?”


“Wiz!(Hindi) Tumigil ka! Uso yan ngayon noh!” Taas pa ang kilay nya.


 “Ok sige” Para pag sinuot ni Luis makita ko rin. hahaha  “mukhang bagay nga sa kanya.”


“O pay mo na.”


“Bakit ako? ikaw pumili nyan!”


“Sino ba ang unang nakakita sa kanya diba ikaw, o ayan tinutulungan na kita. Hoy Papi pag yun pinakawalan mo pa. Nakuuuu... sinasabi ko sayo, sa AKIN yun babagsak! Maniwala ka.”


“Sure ka magugustuhan nya ko. Mukhang para lang sa babae ang Luis nayun”


“Ang hina ng fighting spiritbells. Basta ako bahala. Bayaran mo na to. Daliiiii!”


“As in now na? Nagmamadali! Excited?”


“Oo, magbabayad lang dami pang chikaness(sat-sat). Basahin mo limited edition. Mawala pa yan”


Punta sa counter, bayad ng mga pinamili pati maong ni Luis. Kain sa Cinabonn. Uwi sa bahay. Si Papi naman ang toka sa pagluluto ng hapunan. Basta halinhinan kami. Pagkatapos ng hapunan ay lumabas kami ng bahay at siguradong alam nyo na ang pupuntahan namin.  Kinakabahan ako pag si Papi na ang kasama ko sa ganitong bagay, hindi ko kasi alam ang tumatakbo sa utak nya.


“Hi ate Mercy”


 “O Fred, kumusta?”


“Mabuti naman po, pabiling pong chiz curls, dalawa at dalawang  mirinda apple flavor”Sabay abot ng bayad “Te, kumusta kana balita ko dinalaw ka ng pamangkin mo.”


“Heto, maganda parin.” Nagkatinginan kami ni Papi ng hindi napapansin ni Ate Mercy.


“Oo si Luis yun, nakita na sya ni Onic kanina, yaan mo papakilala kita pag dumating. Nag grocery kasi yung mag tiyuhin, pandagdag ng paninda, alam mo naman bukas linggo na, mabenta”


“Ah ganun ba.”  Matabang na sagot ni Papi.


“Ay ang sipag naman ni Mahal ko.” Bulong ko sa sarili.


“Linggo na pala bukas tapos, lunes, nakakainis tapos na agad ang day off ko pasok na ulit sa work. Nakakatamaaaaaaaaaad.  Grrrrr!!!”


“Oo tama ka, ang bilis ng araw.” te Mercy.


“Nga pala ‘te napasok paba si Luis sa school?” Singit ko sa usapan.


“Kakagraduate lang nun last October, may hinabol na subject kaya di agad nakagraduate nung March.”


 “Ah so naghahanap sya ng work dito o bakasyon lang sayo?”


“Gustong bigyan yan ng trabaho ng daddy nya, kaya lang gusto nyang tumayo sa sarili nyang mga paa kaya nagpatulong sa akin ang mommy nya na kung pwede dito muna sa akin tumuloy hanggang sa makakita ng trabaho. Kaya dinalaw nya ako dito, baka sakaling palarin na rin.”


“Bakit te may pakpak ba si Luis?” Tagline ni Papi.


“Adik?” Sagot ko


“Biro lang ‘te ha. Ang seryoso kasi natin.” Sagot ni Fred. Natatawa lang si ‘te Mercy.


Ang bilis ng utak ko. Process and process...Hmmm...Tama.


“May bakante sa amin”. “May bakante ba sa inyo?” Sabay pa kami ni Ate Mercy. Nagkatawanan kaming tatlo.


“Anu po bang natapos nya?” Tanong ni Papi.


 “O may bisita pala tayo? Kumusta Fred, Onic.” Dumating na ang asawa ni ate mercy, si Kuya Gody at ang prinsipe ng buhay ko, alam nyo na yun. Galing sila sa pag-go-grocery.


(ITUTULOY)

Friday, April 22, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 2

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)





CHAPTER TWO...



Pakamulat ng aking mata nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa kama, sa isang pamilyar na lugar, Ang bahay ni Aling Lagring. Ang ina ng kalaro kong si Fred. Nakita ko si Fred na nakatingin sa akin, binabatayan nya pala ang aking paggising habang hawak hawak ang laruan kotseng kahoy at nilalaro iyon sa ibabaw ng kamang aking hinihigaan.


 “Naaaaaaaay!, si tonyo gising na Nay”


May pananabik na bumaba si Fred ng kama at lumabas ng kwarto na akala mo ay may inaantay na muling nagbalik. Bumalik syang hila-hila sa kamay si Aling Lagring.


 “O Tonyo gising ka na pala utoy. Kumusta ka, may nararamdaman kaba, may masakit  ba sayo, nanggaling kanina dito si Duktor, chinek-up ka nya, ginamot narin nya ang sugat mo, pinahiran nya ng ointment ang mga pasa mo. Ang sabi nya dahil sa pagod, sa mga pangyayari, at sa sakit na tinamo ng iyong katawan kaya nawalan ka nang malay”


Biglang bumalik lahat sa akin ang pangyayari, napaiyak na naman ako sa pagkaalalang wala na akong pamilya. Ang lahat ng dagok sa aking buhay


 “Tonyo, tahan na, wag ka munang mag-isip tungkol sa bagay na yun, wala kapang kinakain buhat kaninang umaga, mag- gagabi na, kailangan mo munang kumain. Sabi ni Duktor pakainin ka daw agad pag nagising ka, para makabawi ang katawan mo at para gumaling ang sugat mo.” Pag-aalala sa tono ni Aling Lagring.


 “Oo nga Tonyo dapat kumain ka kasi gusto kong maglaro ulit tayo. Pero hindi pa pwede ngayon kasi may sugat ka pa. At saka dapat kumain kana kasi masarap ang ulam namin, sinigang, diba peyburit mo yun?” Nanlalaki pa ang mga matang at tumutulis pa ang ngusong wika ni Fred. Kung magsalita ay para bang dapat kang maniwala sa kanyang sinasabi.


Pero wala akong gana, ang gusto ko ay umiyak ng umiyak. Mas ramdam ko ang sakit na maulila kaysa sa sakit ng aking katawan at pagkagutom. Ilang lingo din akong nakatulala, Hindi ko matanggap ang pagkawala ni Inay, ang galit at pag-alis ni Itay at ni Junjun. Ang isiping nag-iisa nalang ako sa buhay. Inampon naman ako at pinalaki ni Aling Lagring na parang tunay na anak, tinuring din ako ni Fred na parang tunay na kapatid dahil nag-iisa lang syang anak. Mag-isa nalang si Aling Lagring sa pagpapalaki kay Fred at hindi nagkulang si Aling Lagring sa pag-aalaga sa akin bilang aking pangalawang ina at lagi nyang pinapaalala sa akin na hindi ko kasalanan ang mga nangyari, na dapat kong ipagpatuloy ang buhay para makita ko ang kapatid ko at makasama balang araw. Lagi nyang sinasabi na naging mabuting kaibigan sa kanya si Inay kaya hindi man nya mapantayan ang kabaitan nito ay susuklian nalang niya iyon ng pakupkop sa akin.


 “Tonyo, kumain ka ng marami para lumakas ka, kasi sabi ni Inay, sasabay ka na daw sa akin sa pasukan para pumasok sa skul, Hayaaaaan! magiging klasmeyt na kita.”


Sinasabayan lagi ako ni Fred kumain, para bang lagi syang tuwang tuwa kasi nagkaroon sya hindi lang ng kalaro kundi pati kapatid. At ngayon magiging magkaklase pa kami. Mabait sa akin si FRED.  Lagi nya akong ginagabayan. Kahit magkasing edad lang kami parang kuya kung umasta sya. Minsan nalilimutan ko ang mga pangyayari sa buhay ko dahil sa kanya.


Sa school...


“HOOOOYYY! ANUNG GINAGAWA MO KAY TONYO?”  Sigaw ni Fred matapos akong batukan at agawan ng baunan ng isa naming kaklase.


Tinulak niya ito sa damuhan at nang mapansin ng kaklase naming hindi sya uurungan ni Fred, dadali tong umalis at takot na takot na iniwan kami. Pinulot ni Fred ang baunan ko na inihanda ni nanay Lagring at ibinalik sa kin.


 “Salamat ha, kung hindi ka dumating wala na akong baon.”


 “Wala yun Tonyo, tignan ko lang kung lumapit ulit sayo yung gagong yon, humanda sya sa akin”


 “OO nga takot na takot nga sya, ambilis bumangon at nagtatakbo” Sabay kaming nagkatawanan.


 Minsan nalilimutan ko ang masaklap ng mga pangyayari sa akin sa tulong ng kaibigan at kapatid kong si Fred. Nandyan din ang kalinga at suporta ni Nanay lagring. Pero dumadating ang mga gabi na hindi ako pinapatulog ng masakit na nakaraan.


MATAPOS ANG 18 TAON...


 “INAY, ITAY, JUNJUN, WAG NYO KONG IWANNNNNNNNNNNN!!!”


Bigla akong napabangon sa kama. Ramdam ko ang butil ng pawis ko sa noo. Nanaginip na naman ako. Basa na naman ng luha ang unan ko. Asan na kaya si Junjun. Miss na miss ko na sya, naaalala pa ba kaya nya ako? Kilala pa kaya nya ako. Makikilala ko ba sya pag nakita ko sya? Mga tanong na pumapasok lagi sa isip ko tuwing mapapanaginipan ko sila.


“TAHOOOOOOOOOOOOOOO.” Sigaw na maririnig sa labas.


“Taho kayo riyan. Mga bata bili na kayo, tutoy tawagin mo ang nanay mo, hingi ka ng pera sabihin mo may taho.” Pang-uuto ng magtataho para makabenta.


 Yan ang maririnig sa pagitan ng alas nuebe at alas diyes sa lugar namin. Ngunit tuwing sabado at linggo ko lang naririnig dahil alas 6:30 ng umaga ang pasok ko mula lunes hanggang byernes. Kakagising ko lang, manaka-nakang naramdaman ko ang pananakit ng ulo dulot ng alak na nainom noong nagdaang gabi, madaling araw na yata akong nakauwi mula sa “disco bar”. Kung anung ganda ng gabi ko kahapon ay sya namang pangit ng gising ko ngayon. Pagkasarado ko ng aircon ay binuksan ko na ang electric fan at ang bintana ng inuupahan kong bahay para makalanghap hindi ng sariwang hangin kundi ng usok at alikabok mula sa labas. Iba na kasi sa Maynila, hindi na fresh air kahit saan. Bagamat hindi pa tanghali, ay  kainitan na ng araw. Lahat ng ale, mama, ate, kuya, bata, matanda ay nakapila na sa poso. Sa may banda roon naman ay parang animoy mga de makinang kababaihan ang walang kapaguran na nag-ba-brush ng kani-kanilang mga damit sa araw-araw nalang na ginawa ng maykapal. May kanya-kanya rin silang malaking palanggana, bangkito o bangko, tabla, espongha, sabon at clorox


May sumisigaw din ng puto, may kumakalembang naman na naglalako ng binatog, ito yung nilagang hinimay na mais na may niyog at asin sa ibabaw. May mga batang naglalaro ng Chinese garter, laglag panyo, text cards, tumbang preso na kahit nanlilimahid na sa karumihan ang katawan at tulo na ang sipon ay masayang-masaya parin. Meron ding sa gawi roon ay may mga nag-uumpukang mga tao na naglalaro ng pusoy dos at tong-its. Ganito ka-abala sa kanya-kanyang trabaho at libangan ang MGA ANAK NI JUAN sa kalye Rizal.


Ito ang panglimang lugar na nilipatan namin ni Fred matapos makakita nang trabaho dito sa Maynila. Oo, nakatapos ako ng kolehiyo sa tulong ni Inay Lagring. Maganda ang pagpapalaki nya sa akin, lumaki akong may takot sa diyos at pinalaking mabuting tao sa kapwa. Sa kabila nang mga pangyayari ay lagi akong pinapaalalahanan ni Inay Lagring na kalimutan ko ang na masasakit na nakaraan sa aking buhay at gawing kong masaya ang aking bukas. Alam kong hindi mababayaran ang kanilang kabutihang mag-ina kaya pinangako ko sa kanila ni Fred na magtutulungan kaming dalawa para maging maalwan at hindi na magtrabaho pa si Inay Lagring namin. Sinasabi rin ni Nanay Lagring na malaki ang pagkakahawig ko kay Inay kesa sa Itay. Halos lahat daw ng pisikal na anyo sa Nanay ko nakuha.


Nasa kabilang bahay-paupahan nga pala si Fred. Dati magkasama kami pero nung maisipan naming kailangan namin ng privacy dahil may mga panahon na may boyfriend ang isa sa amin naisip naming mag tig-isang lugar nalang. Oo pareho kaming hindi tunay na lalaki ni Fred. Pero ngayon pareho kaming not committed, in short “available”.


Ako nga pala si Tonyo Guevarra, minsan ang tawag sa akin “Tonyo” pero dito sa Maynila, madalas “Onic”. 23 taong gulang at 5 taon ako nang mangyari sa akin ang masaklap kong nakaraan, si Fred Guevarra ang bestfriend, kapatid, kuya-kuyahan at barkada ko. Pareho ang edad namin. Pinaregister narin ni Inay Lagring ang pangalan ko at pinalitan ang apelyido sunod sa apelyido ng nasira nyang asawa para daw maging ganap ang pagiging magulang nya at kapatid ni Fred sa akin. Papi ang tawagan naming mag bestfriend. Pareho kami ng pinapasukang kumpanya ni Fred sa isang sikat na Telecommunication Company sa Pinas. Administrative Manager sya sa branch namin at nasa MIS department naman ako bilang superbisor. Ako lang ang nakakatawag sa malditang yun ng ganun. Ang tawag sa kanya ng Company staff and superiors ay Sir. Guevarra. Hindi alam sa company namin ang tunay naming preferences.


Kinakatakutan si Fred sa Kumpanya sa pagiging estrikto sa rules nito. Hindi mababayaran ang pagiging loyal nito hindi sa boss kundi sa policies and regulations. Kahit mga Boss ay saludo sa gagang ito. Dati Binalak kong bumili ng sasakyan pero hindi na ako pinayagan ni Papi. Bakit pa daw, meron naman si cinderellang magic pumpkin. Pinag-aral nalang niya akong mag drive ng kotse para pag kailangan kong umalis mag-isa ay magagamit ko ang kotse nya.


Tuwing sabado ganito ang umaga ko. Kahit gusto ko pang matulog ay hindi ko na pinilit pa dahil sumasakit lang ang ulo ko.  Sinarado ko na  ang kurtina para naman kahit papaano ay hindi pumasok ang init sa bahay. Nagtimpla at humigop ng kape sabay sindi ng yosi. Nakakaginhawa. 


Naisip kong lumabas muna at maghanap ng matatanghalian.  Nilagang baka yun ang pumasok sa isip ko para maalis ang sakit ng ulo ko. Matapos kong  bumili ng baka at mga sahog sa mini palengke ni ate Mercy ay bumili  narin ako ng V-cut  na paborito ko nung bata pa ako at hanggang ngayon ay gusto ko parin para habang nagluluto ako ay hindi kumakalam ang sikmura ko sa gutom. Pagka-abot ko ng bayad ay napansin ni ate Mercy na malaki ang pera ko.


 “Wala ka bang barya Onic?”


 “Wala te, kahit mamaya ko na kunin. Para ka namang iba”


  “Ay hindi, intayin mo na saglit papabarya ako. Alam mo naman ako. Makakalimutin. Mahirap na, nakakahiya sayo. Ikaw lang at yung isang suki ko ang hindi nangungutang sa akin uy.”


“Ang sakit mo namang magsalita mercita, hello andito ako sa harap mo, nagpaparinig kaba? bakit nagbabayad naman ako ah” Ang singit ni Ate Joy, isa pang suki ni Ate Mercy.


 “Aba hindi ah, bumubulong nga ako, narinig mo pala, kailan ka nagbayad? Aber? Hoy Ligaya, tatlong buwan. Tatlong buwan na yung utang mo.” Sagot naman sa kanya ni Ate Mercy.


  “Akala ko ba makakalimutin ka.”


  “Oo pero may notebook at ballpen ako. At ligaya, maryosep naman tatlong buwan. Tatlong buwang utang, makakalimutan ba yun? Syamnapung araw kong nakikita sa listahan ko, ay tinamaan ka ng magaling pag hindi mo pa namemorya.”


 “Yaan mo babayaran kita. Pag bumaba na sa barko yung boyfriend kong Prends”


 “Anung Prends?”


 “Prends, yun bang pranses sa tagalog”


 “French. Gaga. Aba pitong buwan mo ng sinasabing baba yun sa barko ah. Hindi kaya lumampas na yun ng ilalim na lupa. Baka nasa kaharian na yun ng mga laman lupa.” Natatawa naman ako habang pinapanood ko ang dalawa.


 “Sobra ka namang magsalita. Sige na. Ilista mo na itong nakuha ko” Pambihira talaga itong si Ate Joy.


Ganyan si Ate Mercy kabait sa mga kaibigan nya. Matagal na yata sila ni Ate Joy magkaibigan. Sa totoo lang wala daw sa kanya ang mga kinukuha ni Ate Joy. Tulong na daw nya yun sa kanya. Pero hindi nalang nya sinasabing wag na nitong bayaran dahil baka mamihasa. Ginagamit nya ang salitang “utang” para kahit papaano ay mag hanap ng trabaho si Ate Joy dahil prosti si Ate Joy. Ayaw ni ate Joy ang maghanap ng ibang trabaho, ang katwiran nya wala syang natapos at mauuwi lang sa pagkatanggal sa trabaho gaya ng naranasan na nya nang maraming beses , ang gusto nya titihaya lang sya sa kama at ayun may pera na sya. Pero ibang iba si Ate Mercy may asawa at anak ito at kahit minsan ay hindi sya napasuot sa ganun trabaho. Pero para sa kanya. Hindi masyadong totoo ang salitang “Birds with the same feather, flock together” dahil kahit magkakaibigan meron parin silang mga pagkakaiba.


Ang totoo nyan, kung sino ang gusto nyang kaibiganin ay kinakaibigan nya. Wala syang pinipili anu man ang kalakaran nito sa buhay. Ang katwiran nya “kaibigan kita, anu man ang karga mo, ikaw bahala dyan, hanggat wala kang ginagawang masama sa akin, friends tayo”. Dahil alam nya kung sino ang mabait sa panlabas at mabait sa panloob na pagkatao.


 “See. Utang na naman.”


 “Basta ilista mo, alis na ako, nagugutom na si Nanay”


 “Sige. Ay naku Onic, pasensya kana pinag-antay kita, alam mo naman yang si Ligaya, Hay Naku.”


 “Ok lang te. Wala namang pasok” Binuksan ko muna ang isang V-cut habang nag-aantay ng sukli.


 “Ah sandali papabaryahan ko to. Ah Luis!!! Luis!!!”


 “O, tita Bakit po?” sagot naman ng pamangkin nya sabay labas mula sa loob ng bahay.


Grabe muntik nang malaglag ang V-cut sa bibig na nilalantakan ko na ng oras na iyon dahil napanganga. Nakasando ito na blue na hakab na hakab ang korte ng muscle ng katawan, big chest, strong shoulders na may “tribal tattoo” sa maputi nyang braso. Flat stomach na baka binuksan mo ay nandun ang mga ‘abs’. Naka brown military shorts na lampas tuhod lang. Ang PUTI as in hanggang talampakan, namumula yata ang talampakan nya na parang Pinkish pa.


Nakaidentify ang salitang H-U-N-K pag nakita mo sya. Naka CAPITAL LETTERS PA.  May konting highlights ang buhok na halatang bagong gising din dahil medyo magulo pero parang inistyle lang ng Bench or James Cooper Salon. Puting Macho ika nga ng iba. Kahit malaki ang katawan nya ay sya namang cute ng hubong ng mukha nya.. At sobrang haba ng pilik at may palangiting mga mata. Tamang tangos ng ilong at ang nakadadag sa tindi ng ka cute-an nya ay ang kanyang trimmed na balbas na luminya mula sa patilya pababa sa kanyang baba. May pamangkin pala si ate Mercy na anak ni Bathala, oo mukha syang prinsepe. Parang nag aawitan ang mga panindang isda ni ate mercy, at ang init ng araw, parang spotlight lang sa entablado, ang simoy ng alikabok nagiging oxygen sa paraiso. Ganito ba talaga ang nagagawa ng mga anak ni Zues, este ni Luis... nagbabago ang paligid.


 “Luis pabaryahan mo nga tong isang libo sa may kanto dun sa Aling Bebang Groceries tapos suklian mo si Onic. Ay nga pala Onic pamangkin ko si Luis kakarating lang kagabi galing sa province namin. Luis sya si Onic, mabait kong kapitbahay at suki. Dyan lang yan sa malapit nakatira.” Sabay kindat sa akin ni ate Mercy. Buti nalang hindi nya ako nakitang nakanganga.


 Alam ni ate Mercy kung ano ang preferences ko, at nakita na rin nya dati ang ex- boyfriend ko..


 “Hello Luis”


 “Hi Onic.”


 Nakangiti nitong bati. Napahawak agad ako sa bulsa ko baka kasi nalaglag yung shorts at brief ko . (Etchos) Sabay nakipag kamay sa kanya. Tinamaan ng lintek ang satap hawakan ng kamay, tuyong tuyo, makinis at malaki. Buti nalang hindi ako pasmado. Pwede na akong hindi kumain ng nilagang baka, busog na ako sa kamay ni Luis.


 “Suklian mo na rin sya ha, nasa notebook ang nakuha nya... Papasok muna ako at yung niluluto ko baka napano na. Pagbalik mo ikaw muna ang tumao dito sa tindahan.” Paalala ni Ate Mercy sa pamangkin nya.


Tango lang ang sinagot ni Luis at tumango din sa akin tanda ng pagpapaalam pasumandali. Mukhang mahiyain sya. Bakit sya nahihiya, may maipagmamalaki naman sya. Naku paano nalang kung average looking sya, di lalo na syang nahiya. Pag kaalis ni ate Mercy ay nilingon ko agad ang papaalis na si Luis. At tinitigan ang papalayong magandang nilalang. Hay ang sarap naman tanawin. Kahit maputik ang lugar naming, maalinsangan ang paligid ay gumanda ito na parang Disney Land dahil kay Luis. Parang hinipan ng malakas na hangin ang sakit ng ulo ko nang makita ko sya.


Maloloka si Papi pag nakita nya ang nakikita ko.


 “Onic? ONIC!”


Tawag ni Luis, habang wla ako sa sariling nag mumuni muni. Napahiya tuloy ako.


 “Ay Sorry. Andyan ka na pala”


 “Ok lang. O ito na yung sukli mo.”


 “Ah sige salamat. Uwi na ako pakisabi kay ate Mercy ha.”


 “Ok sige sabihin ko.”


 “Ah ok. Sige bye.”



(ITUTULOY)