Pages

Sunday, October 31, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 9



Thank you : EMJHAY




CHAPTER NINE...



NAKARAAN:

Pagkaraan kong ilabas ang lungkot ko sa kamang ginamit ni Nick sa kwarto ng ospital na iyon ay pumasok muna ako sa banyo. Para ayusin ang sarili ko. Naghilamos ako. Kailangan tatagan ko. Pagkalabas ng kwarto ay tinanong ko sa station kung nasan ang Morgue. At tinuro naman sa akin ang lokasyon. Bago ako maka-alis ng station ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa caller.

Mommy Glenda.

Mrs. Salvador: “Jake anak asan ka ba?” may halong saya na sambit ni mommy.



PAGPAPATULOY...


Mrs. Salvador: “Narito kami sa bahay nyo?”

AKO: “ Mom, nandito po ako sa ospital” Hindi ko parin maiwasang maiyak.

Mrs. Salvador: “Pinasundo na kita, pumunta ka na sa labas ng Ospital. Nag-aantay na doon si Jerry. Tahan na. Magiging ok din ang lahat iho.”

Tama ba ang narinig ko? Magiging ok ang lahat. Ang nanay pa ni Nick ang nagpapayo sa akin na parang walang nangyari. Kinakabahan ako na di ko mawari. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit nasa bahay namin sila samantalang nasa morgue si Nick. Pero sa tono ng salita ng mommy Glenda ay parang kailangang-kailangan nya akong makita ngayon kaya hindi na ako nagtanong pa. Paglabas ko ng Gusaling iyon ay agad kong nakita si Kuya Jerry. Hindi ko paring maiwasang maluha dahil kahit si Kuya Jerry ay may hatid na mga alaala namin ni Nick. Pinatahan nalang nya ako sa pagsasabing bubuti rin daw ang pakiramdam ko.

Pagkatapos nun ay isang malungkot  at tahimik ang aming byahe papunta sa bahay. Mukhang pati panahon nakikisabay sa aking damdamin. Makulimlim ang langit, nagbabadya ng pag-ulan. Parang noong panahon na pinilit nya akong sumakay sa kotse nya dahil uulan na. Pagkarating sa amin, Nakita ko agad ang sasakyan ni daddy Roman at 2 malalaking Van. Bakit maraming tao, at kita kong nasa labas ang mga tiyahin at tiyuhin ni Nick pati ang mga pinsan ni Nick ay nandun din. Bakit nandito silang lahat? Tanong sa aking isipan.
Nakatingin ang lahat sa akin habang papalapit ako sa bahay. At ang luha ko ay hindi mapatid dahil lahat sila ay mga bahagi ng alaala namin ni Nick. Sinalubong ako ni Angela at Leo, hinahaplos ang likod ko habang papasok sa bahay. Pinapatahan. Tinignan ko lang ang mukha ni Angela, umiiyak siya. Pero nakangiti sya. Tinawag ako ni Daddy Roman para pumasok sa loob.


Mr. Salvador: “Anak halika, tawag ka ng Mommy mo.” Naluluhang sabi ni daddy Roman.


Pagpasok ko ng bahay, niyakap ako ni mommy Glenda.


Mrs. Salvador: “Anak, may nag-aantay sayo.” Naluhang wika nya.

 Mula sa  kwarto ko ay lumabas ang isang lalaking tulak tulak ng nurse sa kanyang wheel chair. Ang lalaking sa simula palang ng makita ko ay binigyan ko na ng puwang sa aking puso, ang lalaking nag bigay sa akin ng tunay na kahulugan kung paano magmahal at paano mahalin, ang lalaking sumuporta at laging nasa tabi ko ng halos dalawang taon, ang lalaki ring ito ang nangako na hindi kailanman ako bibiguin, ang lalaking buong akala ko ay hindi ko na makakasama kahit kailan, hindi ko na mayayakap at mahahalikan, buong akala ko hindi na ako makakapagpapaalam sa kanyang paglisan. Narito sya ngayon sa aking harapan at nakatingin sa akin.

Wala akong pakialam kahit kanino ng mga oras na iyon, Buong pusong pananabik kong tinakbo at niyakap si NICK SALVADOR. Humagulhol ako sa kanyang dibdib, tanda nang sobrang pangungulila sa kanya. Miss na miss ko sya, yun ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Buong akala ko ay mawawala na sya. Akala ko ay kailangang kong harapin muli ang buhay ng wala ang pagmamahal niya. Pero eto sya, hawak hawak ko sya ng mahigpit. Ang pwersa na aking ibinibigay sa pagkakayakap sa kanya ay nagpapadama sa kanya kung gaano ako nangungulila. Hinahalikan nya ang buhok ko, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya. Ang mga patak ng kanyang mga luha sa aking pisngi.

 Umayos ako, hinarap ko siya.


AKO:  “Akala ko” at naputol ang sinabi ko ng halkan ako sa labi ni Nick.

NICK: “Tahan na mahal ko, tapos na ang pagdurusa mo, kinuwento sa akin ni Inay ang lahat” Sabay tingin sa aking Nanay.


Umiiyak lahat ng tao sa loob ng bahay. Damang dama nila ang pangungulila namin ni Nick sa isa’t isa. Kahit ang nurse nya nakikisimpatya.

AKO: “Miss na miss na kita.”

NICK: “Tahan na sabi, ayaw kong nakikita kang umiiyak, at saka baka magalit si Pau sa akin, sige ka” Kahit sinasabihan nya ako, hindi rin nya mapigil ang pag-iyak. Tumingin sya kay Pau. Ngiti lang ang kanyang sinukli sa akin. Andun din si Amy, sinisipon sa kakaiyak.

Ngumiti rin at nag thumbs up.

AKO: “Ikaw kasi ang tagal mong bumalik”

NICK: “Sorry na po. Di na mauulit”


At nagtawanan na ang mga tao sa bahay na iyon.


MRS. SALVADOR: “Mga anak, tulad ng sabi ni Balae” sabay tingin kay Inay “Kailangang ipagdiwang natin ang regalong ito ng Panginoon, lahat tayo pupunta sa paboritong lugar ni Nick at pagkatapos ay may sopresa kami ng daddy Roman nyo sa inyong dalawa”

Sopresa na naman. Para sa akin ay nasa akin na ang pinakamahalagang sopresa na aking matatanggap. At si NICK iyon. Dumiretso nga kami sa Resort ng mga Salvador at habang daan.


SA KOTSE NI DADDY ROMAN...


Sa unahan syempre ang asawa, si Mommy Glenda. Sumunod ay si Nick at ako sa likod nila, katabi ko ang Nanay, sa likod naman namin si Pau, si Amy, si Issa at si Linet.
Lahat masaya at kwentuhan habang daan, nadaanan namin ang favorite ko at naging favorite narin ni Nick, si Mang Donalds. Kaya nag drive thru nalang kami. Habang kumakain sa kotse ay walang sawa ang patawa ni Issa at ni Amy. Basta sa Kalokahan, bidang bida ang dalawa, nahahawa tuloy ang kapatid ko.

Masayang masaya ako. Sinusubuan ako ni Nick ng French Fries. Kahit naka dextrose sya, ang gwapo nya parin. Baby na baby talaga ang “Papa” ko. Alagain ika nga. Habang naka sandal ako sa balikat ni Nick, si Nanay naman ay nakasandal sa balikat ko. Ang sweet talaga ng mga mahal ko sa buhay. Bigla namang nagreact ang kapatid ko.


LINET: “Nay ang daya gusto ko ding humiga sa balikat nyo.”

NANAY: “Mamaya na anak. Di tayo kasya dito”

ISSA: “O dito ka sa balikat ko, mas malapad to kesa sa kuya mo”

LINET: “Ayaw ko nga amoy banana cue”


Sabay tawanan lahat...


MRS. SALVADOR: “Iha, yaan mo, mamaya higa ka sa balikat ko, ok”

LINET: “Yehey, kay mommy Glenda ako”

Sabay tawa ulit kaming lahat, ramdam na ramdam namin ang pagseselos ni Bunso.
Ang mga magulang naman ni Pau na sina tita Rosy at tito Milling ay nakasama rin. At nalaman na nila ang tungkol sa amin ni Nick. Bagamat nagulat sila, ay tinanggap parin nila ako bilang pangalawang anak. Dahil kahit ganito daw ako, wala naman silang nakitang masamang naidulot sa pakikipagkaibigan ko sa anak nila. Bagkos lagi nilang nakikita si Pau bilang masayahing bata kahit na solong anak lang ito. 

Nakasakay sila sa isa sa mga Van kasama sila Angela at Kiko.


SA RESORT...


Gabi na ng makarating kami sa lugar. Nagutom na naman ang lahat kaya, puro mga inihaw ang napagtripan. Matapos ang hapunan ay beach naman ang target ng lahat. Pero hindi pa pweding maligo si Nick kaya ako nalang ang pinapunta nya.

AKO: “Ayaw ko nga, kakabalik mo lang sa akin, tapos iiwanan kita. Kailangang ibalik ko ang mga nawalang oras natin “Pa”. Sobrang miss na miss na kita”

NICK: “Naughty ng mahal ko. hahaha. Namiss ko rin yan”

AKO: “’Pa’ naman ehh. Hindi naman yun eh”

NICK: “Hmmm biro lang” sabay pupog sa akin ng halik sa leeg. Na kakiliti sa akin kaya natawa nalang ako.

NICK: “Basta mahal na mahal kita”

AKO: “Mahal na mahal na mahal kita”

At biglang may kumatok. Pinapasok namin ng kwarto ang Nanay. Naka pang swimming attire ito at biniro namin na makakakita ito ng prince charming sa kanyang suot. Natawa naman ang Inay. Umupo si Nanay sa kama.


NANAY: “Anak me sasabihin lang sana ako sa inyo”

AKO: “Anu yun Nay?”

NANAY: “Anak, tanda mo nung mga oras na nasa chapel tayo ng Ospital?”

AKO: “Opo Nay, yung ipinagdarasal ko si Nick” Sabay tingin kay Nick na matama lang nakikinig sa pag uusap namin ni Nanay.

NANAY: “Oo. Anak, paano kung hindi bumalik si Nick sa atin? Magagalit kaba sa KANYA”


Napatigil naman ako sa kataga ni Inay, kaya humugot muna ang nang malalim na hininga at saka sinabing.


AKO: “Hindi NAY. Alam nyo Nay, Alam mo NICK nung bago ako dumating sa bahay kanina, tanggap ko ng wala ka kasi nung nasa ospital ako, binuhos ko lahat sa KANYA. Parang pinagaan nya ang pakiramdam ko. Humingi lang ako sa KANYA ng lakas ‘Nay para harapin sana ang bangkay ni NICK. Pero hindi ako nagalit sa KANYA”

NANAY: “Tama yung ginawa mo anak, basta lagi nyong tandaan, SYA lagi ang kakampi nyo.”


Tumango lang kaming dalawa ni Nick at bago umalis ay nagpasalamat muna si Nanay kay Nick at niyakap ito tanda ng pag ka miss din nito sa kanyang pangalawang anak.

 Napagpasyahan naming panoorin ang palulunoy sa tubig na mga mahal namin sa buhay sa tabing dagat. Ang iba nangungulit, tulad ni Amy, sinasabi nyang maligo na ako pero sabi ko hindi ko  maiiwan si Nick. May iba naman hinahatiran kami ng inihaw na pusit at hotdog, tulad ni Linet. Tapos tatakbo ulit sa dagat dala ang salvavida at hahabulin, makikipagkulitan sa tinuring narin naming pangalawang amang si Daddy Roman. 

May lalapit naman para tamabi kay Nick, para bumulong at si Pau iyon, sabay tatawa si Nick, at titignan ko ng masama ang dalawa at paaaminin kung anung bagay ang pinag-usapan nila tungkol sa akin. Pero makulit talaga ang dalawa ayaw umamin. Si Governor lalapit din at wiwisikan kami ni Nick ng tubig dagat, makulit din si Gob. Mapapasigaw nalang kami dahil malamig ang tubig. Saka kami tatawanan at tatakbo papunta sa dagat. Si Issa lalapit din, para lang tumabi sa akin at tititigan si Nick, sabay bubulong, na ang gwapo talaga nya. Mag tataka nalang si Nick kung ano ang pinagbubulungan namin.  Pero hindi rin ako aamin. Kukulitin din nya ako kung anu yung sinabi sa akin ni Issa. Kahit nasa isang tabi lang kami, para narin kaming nakikipag lunoy sa tubig.

AKO: “Pa, alam mo kanina pag-gising ko nung umaga, wala akong naramdaman, hindi talaga ako kinabahan kung anu ng nangyari sayo. Nanaginip lang ako na lahat nasa panaginip ko ikaw lang ang wala, pero pag-gising ko ayos lang ang pakiramdam ko. Yun pala hindi ka pala talaga nawala sa akin.”

NICK: “Pwede ba naman akong mawala, I am SUPER MANG DONALDS. Hindi yata ako tinatablan ng kahit ano”

AKO: “Weee. Kung nakita mo lang ang itsura mo nung wala kang malay, tapos nung after 2 days na malapit ka nang mawala, kasi sabi ni Doc dun malalaman kung kakayanin mo pa ang kalagayan mo, takot na takot ako. Sabi ko kay Doc, kung pweding ulitin pa nya ang pag CPR sayo at pumayag naman siya kaya nagpasalamat ako at sa huling pagkakataon ay nalagpasan mo ang kinatatakutan ko”

NICK: “Alam ko po yun Pa, kinuwento po sa akin yun ni Inay at ni Mama, wag kang mag alaala hindi ko na hahayaang mangyari muli ang bagay na iyon. Kaya wag ka nang magisip ng kung anu-ano. Ok?” At ngumiti na naman ng ubod tamis.

AKO: “Oo na po" Ang gwapo nya talaga.

NICK: “Ang cute na Pa ko”

AKO: “Ay hindi ah, mas gwapo ka naman po”

NICK: “Magkamukha tayo kasi sabi nila pag ang dalawang tao ay nagmamahalan nagiging magkamukha”


Ang sweet tagala nya. At lumapit si Mommy Glenda.


MRS. SALVADOR: “Mga iho, i booked you for next week flight to Australia, your Grand Ma and Grand Pa wants you both to be there as soon as possible”

NICK: “Wow... But how about you and Dad? Aren’t you come with us?” 

MRS. SALVADOR: “Of Course we do, Alam mo Iho nung magkasakit ka, dun ko natutunan ang aral na kailangan hindi natin dapat iwala ang oras natin sa ating pamilya. Mahalagang napapagtuunan namin ng pansin ang bagay na ito. Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan nalang natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay. Kaya, susunod kami ni Dad mo at si Balae at si Linet kulet, hehehehe. Is it nice?”

AKO at si NICK: “Alright” At tawanan kaming lahat... Sabay gigil na halik ni Mommy Glenda sa aming dalawa ni Nick.

ITUTULOY...



No comments:

Post a Comment