Pages

Monday, October 18, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 7



CHAPTER SEVEN...


NAKARAAN...


Kinabukasan matapos ang aming mainit na pagniniig kagabi, ay pinuntahan ko na si Nick para makapag–bf na kami (breakfast) pero nagulat kami sa pagtawag ni Ken.
Matapos ang overseas call ni Ken kay Nick.


AKO: “Bakit daw?”



PAGPAPATULOY...


NICK: “Linet, your sister is in Hospital, she’s in serious condition.”

AKO: “Ha? Paanong” Bigla akong napaiyak.


Tumayo si Nick at nilapitan ako at niyakap.


NICK: “Don’t worry Pa, I will re-sched our flight para makaalis na tayo mamayang gabi.”


Wala na kaming inaaksayang oras, hindi na ako makakain, tinawagan ko si Nanay, pero naka off ang cellphone nya, kahit si Linet naka off din, si Pau naman hindi ko makontak, out of coverage sya. Anu ba talagang nangyari. Si Nick na ang nag impake ng gamit namin dahil alam nyang magulo na ang isip ko ng mga oras na yon. Kinagabihan ay naakalipad na rin kami pauwi ng bansa.

Sa Davao City International Airport...


NICK: “Pa, tinawagan ako ni Ken, sya daw maghahatid sa atin kung saang ospital dinala si Linet.”

AKO: “Talaga. Thank you Ken” Mahina kong usal.


Hanggang ngayon hindi ko parin makontak ang pamilya ko.
Dumating na nga si Ken kasunod ng kotse nya ang kotse ni Nick na ang family driver nila ang nag drive.

Pag kababa ni Ken, ay pinababa nito ang driver at pinalipat sa kotse nya. Sinabi nyang si Nick ang mag drive nang kanyang sasakyan at sundan namin ni Nick ang sasakyan ni Ken para ituro kung sa’ng ospital naroroon ang kapatid ko.
Paalis na kami ng biglang huminto saglit ang sasakyan ni Ken at bumaba ulit si Ken at sinabi nya sa amin na mas makakabuti kung ang driver nalang nila ang maghahatid sa akin sa ospital at sila naman ni Nick ay maghahanap na ng gamot para sa operasyon ni Linet dahil wala daw ganung gamot sa ospital na yun.


AKO: “Operasyon?” Bigla nalang pumatak ang luha ko. Ang lakas lakas ni Linet nung umalis kami. bakit ganun?

NICK: “Ken, what operation are you talking about?”

KEN: “Cuz, we don’t have time ok. Let’s just do what i’ve said”


Wala na kaming nagawa ni Nick kundi ang sumangayon sa sinasabi ni Ken, tutal malaki na ang nagagawa ni Ken, sya pa siguro ang nagdala kay Linet sa ospital, pasalamat talaga ako at mababait ang pamilya ni Nick.

Habang binabaybay namin ang daan, napansin kong parang papunta kami sa aming bahay.


AKO: “Kuya, bakit po yata pauwi tayo sa bahay namin?”

KUYA RONNEL (driver): “Pasensya na po, ito po ang sabi ni Sir Ken sa akin, ihatid ko daw kayo sa inyo”

AKO: “Ha??? Diba pupunta tayo sa ospital? Narinig mo naman ang sinabi nya kanina diba? Ihahatid mo ko sa Ospital!!!” Na-iinis kong tugon sa driver.

KUYA RONNEL: “Naku Sir Jake, wag na po kayong magalit sa akin, sumusunod lang ako sa utos”

AKO: “Kuya, malubha ang kapatid ko, kailangan ko syang makita ngayon!”

KUYA RONNEL: “Yun na nga po ang pinagtataka ko bakit nya sinabi sa inyong ihahatid ko kayo sa ospital, tapos ang sabi naman sa akin ni Sir Ken ihatid ko kayo sa bahay nyo? Samantalang kanina lang nagpahatid si Sir Ken dito sa bahay nyo para kausapin ang Nanay at Kapatid nyo?”

AKO: “Wag mo nga akong biruin, ihatid mo na ako sa ospital, wala na tayong oras”

KUYA RONNEL: “Sir, hindi ko po kayo niloloko, patay ako kay Sir Nick kung gagawin ko yun, at wala tayong pupuntahang ospital dahil nasa bahay talaga ang Nanay at Kapatid mo, kaya mas mabuting dalhin kita sa bahay nyo para maniwala kang maayos ang kalagayan ng kapatid nyo.”

AKO: “Haaa??? Ibig mong sabihin walang problema kay Linet? Nasa bahay sila ni Nanay?”

KUYA RONNEL:  “Opo.”


Napayakap ako kay Kuya Ronnel dahil sa tuwa na walang problema kay Linet.


KUYA RONNEL: “Naku Sir, pasensya na po, pero nagmamaneho ako.”

AKO: “Ay sorry kuya, natuwa lang ako. Pero teka bakit nagsinungaling si Ken?”


Nagkibit balikat nalang si Kuya Ronnel, tinawagan ko agad si Nanay, sumagot naman sya at nag taka sya kung bakit ako nasa Davao, dahil ang alam nya na sa isang linggo pa ang uwi namin ni Nick, sinabi ko nalang na papaliwanag ko nalang pag nakarating na ako sa bahay. Kinausap ko din si Linet kinamusta ko ito at sinabing kahit anung mangyari wag nyang kakalimutang mahal na mahal ko sya. Sinabi nalang nya sa akin na ang weird ko daw. Dahil hindi nya alam ang nararamdaman ko ngayon.

Nang makarating kami ng bahay ay nagpasalamat agad ako kay kuya Ronnel at dali-daling pumasok ng bahay para tignan ang aking pamilya. Lalo na si Linet.

Bagamat naguluhan sila sa reaksyon ko nung una. Naliwanagan naman sila nung ma-ikwento ko sa kanila ang kasinungalingang ginawa ni Ken sa amin ni Nick.

Bigla kong naalala si Nick. Tinawagan ko agad si Nick. Nagri-ring pero hindi nasagot. Pati sila nanay nag – aalala dahil anak na talaga ang turing nya kay Nick mula ng maging kami ang mag boyfriend. Bagamat ayaw ni Nanay na maging ganito ako, pero naisip nya na kung si Nick din lang ang magiging anak nya ay papayag na sya.


AKO: “Nay bakit hindi ko kayo matawagan nung nandun pa kami sa FRANCE?”

NANAY: “Ha? Paano nangyari yun?  Laging bukas ang cellphone ko? Diba tumawag ka lang nung isang araw at kahapon?”

AKO: “Hindi Nay kanina tumawag din ako para i check kung anu nang kalagayan ni Linet pati yung kay Linet nakapatay din”

Linet: “Ha? Ahhh. Alam ko na Nay, Kuya ganito yun, pumunta si Kuya Ken dito sa bahay, nangamusta sya may dala pa ngang pasalubong. Tapos maya-maya sinabi nyang magkakaroon daw ng electronic problems ang mga cellphone kaya kailangan naming patayin ni Nanay ng buong araw ang cellphone namin, naniwala naman kami, tapos kani-kanina lang bago ka dumating, bumisita si Issa dito sa bahay,nag dala ng banana cue, tapos nagulat kami ni Nanay biglang nagring ang phone nya, tapos nakikipag-usap siya dun sa tao sa kabilang linya. Nalaman namin nanay na wala namang palang problema at niloko lang kami ni Kuya Ken. Dahil kanina pa daw umaga nakabukas ang linya ni Issa.

NANAY: “Anak seryoso nayan, una niloko nya kami, tapos ikaw kaya bigla kayong napa uwi ni Nick dito sa Pinas.”


Doon ko napagtagpi tagpi ang lahat. Planado ang mga bagay bagay, Sinandya nya to para di ko matawagan sina Nanay, at habang daan namin ni Kuya Ronnel papunta sa bahay, ay sya naman sigurong dating ni Issa sa bahay kaya nakontak ko sila. Yung pag-bili ng gamot ni Ken at Nick ay pakana lang ni Ken. Pero bakit hindi nasagot si Nick? Nag aalala na ako.


AKO: “Nay baka napaano na si Nick ko.” Umiiyak na ako.

NANAY: “Anak tama na.” Pag hagod ni Nanay sa likod ko “Walang mangyayari sa anak kong iyon, mabait na bata yun at sigurado akong gagabayan sya ng maykapal”


Tumango nalang ako. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Tinawagan ko ang mommy Glenda at tinanong ko kung nasa bahay si Nick, maging si mommy ay nagulat nang malamang nasa bansa na kami at hindi ko kasama ang anak nya.

Sinabi kong kasama ni Nick si Ken. Sinabihan narin akong sila na ang bahalang maghanap sa dalawa. Mga ilang oras din ang nakakalipas hindi ako makatulog, panay tawag ko sa Cellphone ni Nick hanggang makareceive ako ng caller sa ibang line.
Ang mommy Glenda...


AKO: “Hello mom.”

MRS. SALVADOR: “Iho, nandito kami sa ospital, dalawin mo si Nick.” Umiiyak nyang tugon.

AKO: “Ha??? Anu pong nangyari kay Nick?” Bigla nalang sumikip ang dibdib ko

MRS. SALVADOR: “Car Accident, natagpuan ang kotse ni Ken na nakasalampak sa malaking puno”

AKO: “Sige mom papunta na ako dyan, san po kayo naroon?”

MRS. SALVADOR: “Pinasundo na kita iho, intayin mo si Jerry yung driver ko, parating na sya”


Nang makarating ako sa ospital agad kong nakita si mommy at umiiyak sa balikat ni daddy Roman. Nang makita ako ay agad itong yumakap sa akin. Di ko na napigilan ang umiyak.


AKO: “Nasan po siya?”

MR. SALVADOR: “Anak nasa operating room pa. Hinhintay pa naming lumabas ang doctor” Alam ko pinipigilan lang ni dad ang umiyak pero kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan.


Bigla akong nanlambot. Iba pala pag pinapanood mo lang sa tv or sinehan ang tagpong ito. Parang wala lang. Pero pag ikaw na ang naroroon, halos himatayin ka sa kakaisip kung anu na ang kalagayan ng minamahal mo. Basang basa na ako ng luha nang maalala ko kung bakit ba nangyari ito.


AKO: “Nasan po si Ken? Gusto kong malaman kung anu talaga ang nangyari” Pero tagos sa utak ko na sya ang may kasalanan ng lahat kahit hindi ko pa alam ang tunay na naganap.

MR. SALVADOR: “Nasa Room 23, ikaw nalang pumunta iho, baka kung ano pa ang magawa ko sa taong iyon” Pagalit na turan ni daddy.


Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Ken, nakahiga ito sa kama, may dextrose nakatalikod ito at mukhang ayaw humarap sa mga tao.


AKO: “KEN, anung ginawa mo kay NICK” Pasigaw kong sabi kahit nandoon Mama nya na umiiyak din.


Biglang humarap si Ken nang marinig ang boses ko.


MRS. NATIVIDAD: “Jake iho, hayaan mo muna syang makapagpagaling”

KEN: “Ma, ok lang po. Kailangan kong magpaliwanag kay Jake. Ma pweding iwanan mo muna kami?”


At umalis pasumandali si Tita Sonia.


KEN: “Jake, Sorry, kasalanan ko, nag sinungaling ako sayo. Kaya ko lang naman nagawa yun dahil baliw na baliw na ako sayo. Ang tagal kong tiniis, kung paano kita makakalimutan. Pero hindi ko magawa Jake. Patawarin mo ko.”

AKO:  “Ken tinatanong kita anung ginawa mo kay NICK!!!”



(Base sa kwento sa akin ni KEN)...

Nag-aaway na sina Nick at Ken sa kotse. Balak dalhin ni Ken si Nick sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanya. Itago ito dahil.


KEN: “Mahal na mahal ko sya... Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa tuwing nababalitan ko kayong magkasama, hindi ito kinakaya ng isip ko, ako ang unang nanligaw sa kanya, pero anung ginawa mo Nick, sinulot mo sya, wala kang kwentang pinsan, pati ako tinalo mo!”

NICK: “Are you out of your mind Ken, Ihinto mo sabi ang kotse, baka mabangga tayo ang bilis mong magpatakbo!!!” Sigaw ni Nick

KEN: “Hanggang kailan mo ba ako lalamangan, mula sa pamilya, kay tito, kay lola, pati ba naman kay Jake!!!” Sigaw ni Ken

NICK: “Mas una ko syang minahal Ken tandaan mo, hindi mo sya makikilala kung hindi ko sya dinala nung birthday ni Grandma!” Sigaw ni Nick ulit, “Kaya ihinto mo na ang kotse!”

KEN: “No, Not unless I place you to where you belong...”


Nagsuntukan na sila at nag-agawan ng manibela.

Hanggang sa iniwasan ni Ken ang kasalubong na sasakyan. Kaya bumangga sa puno ang kotse at nabasag ang unahang salamin ng sasakyan. Na kinasanhi ng pagkakaroon ng maliit na hiwa sa ulo ni Nick, nawalan  din ng malay si Ken dahil sa lakas ng impact ng sasakyan.


--------------------------------------------------------------------------------------------------


Nanghihina akong lumayo sa kama ni Ken, hindi ko maisip na ang taong lubos kong ina-aalagaan at pinaka-iingatan ay maaksidente lang nang ganun kabilis. Walang patid ang luha ko, palabas na ako ng kwarto pero tinatawag ako ni ken, pero hindi ko masyadong marinig ang boses nya dahil nababalot ng sakit ang buong puso ko. Biglang lumitaw sa aking harapan si Pau, hinihingal. Halatang hinahanap ako.


PAULO: “Best, nabalitaan ko kina tita ang nangyari kaya pumunta agad ako dito sa ospital, nakita ko si Tita Glenda pinapasundo ka nya sa akin, nakalabas na raw ng operating room si Nick.”


Dali dali akong naglakad pabalik sa kinaroroonan nina mommy Glenda, habol naman sa akin si Pau.


PAULO: “Best hindi dyan, dito alam ko ang room ni Nick”


Inakay na ako ni Pau, halata nyang wala na ako sa katinuan. Wala paring patid ang luha ko.
Nang makarating namin ang pintuan ng kwarto ay malaking kaba ang naramdaman ko, parang di ko kakayanin ang ma-aabutan ko sa loob ng kwartong iyon.
Pero dahil inalalayan ako ni Pau ay binuksan ko narin ang pinto.

Halos mapaupo ako sa sahig ng makita ang kalagayan ni Nick, puro makina ang nakakabit sa katawan nya. Hindi ko halos makilala ang lalaking pinakamamahal ko. Para syang lantang gulay sa ibabaw ng kama, ibang-iba. Kanina lang 6 na oras ang nakakaraan, ang lakas lakas pa nya. Ngayon halos kapusin sya ng hininga kung walang tulong ng makina sa tabi nya. Maging ang heartbeat sa monitor sobrang bagal. Balot ng bandage ang ulo nya at puro tapal ng kung anu anung aparato ang dibdib at braso nya. Dahan-dahan akong lumapit kay Nick. Kahit hindi ko sya kayang pag masdan sa ganuong kalagayan. Pinipilit ko paring magpakatatag dahil kailangang naroon ako sa tabi nya.


AKO: “Mo-mmmy, A-aa-ano d-aw ang sa-bi  ng d-doktor” Halos hindi ko magawang magsalita sa iyak, hikbi at kirot. Nakapikit na ang mata ko sa kakaiyak.


Si Pau, umiiyak narin pati si Daddy. Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ng minamahal nyang anak. at hindi nilalayo sa mukha nito.


MRS. SALVADOR: “Fi-fifty percent daw ang chances... huhuhu...” hagulhol ng nanay ni Nick. “Hindi daw alam kung kakayanin nya ang kalagayan nya ngayon. Himala nalang daw kung maka survive sya pagkatapos ng 2 araw. Kung makasurvive man daw sya comatose daw ang kalalabasan” At umiyak na ng umiyak si mommy glenda.


Para akong sinasampal-sampal, sinusuntok sa mukha o di kaya ay para akong hinihiwa ng itak sa dibdib. Hindi ko na kinakaya ang naririnig ko hanggang sa magdilim ang paningin ko.
 Pagmulat ng mata ko, nasa isang kwarto ako. Nakahiga ako sa kama. Bigla kong naalala si NICK. Muli na namang tumulo ang luha ko. Bigla akong bumangon, nagising si Pau, nakatulog pala sya sa tabi ko. Binantayan pala nya ako.


PAU: “O Best? Ok kana ba hinimatay ka kanina, San ka pupunta?”

AKO: “Kailangan ko puntahan si Nick”

PAU: “Best, sure ka? ok ka na? Baka himatayin ka na naman? Wag kang magmadali, nasa kabilang kwarto lang naman si Nick, binabantayan ni Tito Roman at ni Kiko”

AKO: “Best sabihin mo nga sa akin, paano ako magiging ok ha? Hindi ako MAGIGING OK HANGGA’T HINDI SYA OK ,naintindihan mo ba yun?” pagdidiin ko ng mga salita at pagsigaw sa kanya.


Biglang napaluha si Pau.


PAU: “Best hindi lang naman ikaw ang nasasaktan, kahit ako naman, mahalaga sa akin si Nick dahil sya ang nagpapasaya sayo. Best mahal na mahal kita alam mo yan. Gusto ko lang malaman mo na nag-aalala na ako sa kalagayan mo, kanina kapa iyak ng iyak at ang hindi ko kinaya ay nang makita kitang mawalan ng malay. Simula ng mga bata pa tayo ina-aalagaan na kita, dahil ikaw lang ang kapatid ko, Best wag kang mag-alala hindi kita iiwan lalo sa ganitong pagkakataon.”


Natauhan ako sa ginawa ko, unang beses kong sinigawan ang Best Friend ng buhay ko.
Nilapitan ko sya at niyakap.


AKO: “Best, sorry ha. Unawain mo nalang ang dinadanas ko ngayon at maraming maraming salamat sayo.”


Hinarap nya ako. Tinignan nya ako sa mata.


PAULO: “Ilabas mo yan sa akin. kausapin mo ako. wag mong kimkimin yan sa sarili mo. Alam ko ngayon mo ko kailangan, magdamayan tayo. Gusto kong gumaan ang pakiramdam mo.”

AKO : “Best, Wala ng mas sasakit pa...pag... pag... ang kaagaw mo sa minamahal mo ay ang kamatayan” pagluha ko  (Sobrang pait ng nararamdaman ko...) “di bale nang agawin sya sa akin ng ibang tao. Basta malaman ko na nabubuhay sya at kita ko ang kanyang kasiyahan, atleast nakikita ko sya. (pinipilit kong ngumiti, habang umiiyak) pero hindi ganun Best, ngayon hindi ganun ang nangyayari. Unti-unti akong nanghihina tuwing ipapa-alala ng ospital na ito ang kalagayan ni Nick. Hindi ko lubos maisip na maaaring mawala si Nick pagkatapos ng 2 araw.” (kandabulol kong pagsasalita dahil sa pagiyak.) “Best  ni hindi nya ako nagawang lokohin, mahal na mahal nya ako, kasalo ko sya sa hirap at saya, lagi kaming magkasama, kulang ang araw ko pag hindi ko sya nakikita, anu nalang ang mangyayari sa bawat Segundo ng buhay ko kung hindi ko na sya makakasama.”

PAULO: “Best, magpakatatag ka sa kung anuman ang mangyari, hindi ko papagaanin ang loob mo sa pag-sasabing hindi sya mawawala, kundi gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa kahit anung posibleng mangyari, haharapin mo ito ng buong tapang... Kung mawala man sya (lumuluhang tugon ni Pau) alam naman natin kung sino ang nasa puso nya, ikaw yun Best.”

 AKO: “Best kahit kelan lagi kang nandyan sa tabi ko. Noong mga bata tayo, pag may kalaro tayong nang-aaway sa akin o inagawan ako ng laruan, kukunin mo ito at ibabalik sa akin para mawala ang sakit ng nararamdaman ko. Para, Para tumahan ako.Pero bakit ganun Best, kahit naiintindihan ko ang sinasabi mo at pinapalakas mo ako, hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para harapin ito. Sana best katulad din ito nung mga bata tayo, ganun parin sana kadaling alisin ang hapdi at sakit. Pero hindi ko kaya. Sobrang hirap na. pagod na ako.”


Pumunta muna ako sa maliit ng kapilya ng ospital at mag-isang inilabas sa KANYA ang aking kahilingan.


AKO: “Wag NYO po syang kunin, parang awa NYO na. Sya po ang kaligayahan ko. Ang hininga ko at ang pangarap ko. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta, KAYO nalang po ang naiisip kong pinakamakakatulong sa akin ngayon, pero kung yun po talaga ang dapat mangyari, sana po bawasan nyo naman ang hapdi dito” sabay turo sa puso ko.


Biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.
Ang nanay. Niyakap nya ako. Lumabas ang lahat ng sakit. Umiyak ako sa balikat ni Nanay.


AKO: “Nay si Nick nay, baka dalawang araw nalang daw sya Nay. Anung gagawin ko?”

NANAY: “Anak nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan, kung ako ngang isang ina, nasasaktan pag nakikita kitang nahihirapan. Lalo pa SYA, ang Diyos. Mas nababasa nya ang nilalaman ng puso mo. Mas lalo nyang nauunawaan dahil kitang kita nya lalo ang pagdurusa mo. At walang ibang mas nagmamahal sayo nang higit sa pagmamahal ko, kundi SYA, dahil SYA ang nagbigay ng mabuting anak sa amin ng itay mo at ikaw iyon. Kaya naniniwala akong pinapakinggan ka NYA, ang mga dalangin mo dahil isa kang  mabuting bata pati na din ang mga pinagdarasal mo sa KANYA. Pero anak anuman ang mangyari, hindi man matupad ang gusto mo, wag mo SYANG sisisihin dahil mas alam NYA ang ginagawa NYA. Wag mo ring kakalimutan, Mahal na mahal ka ng Nanay”


Nauunawaan ko ang sinabi ni Nanay. Gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.


KATAHIMIKAN...


NANAY: “Kumain ka na ba anak?”

AKO: “Wala po akong gana”

NANAY: “Anak alam kong wala kang gana, pero kailangan mong piliting kumain para lumakas ka, pag nagkasakit ka at magising si Nick, paano mo sya babatiin?”


Napaisip ako at tama si Nanay. Kaya napilit na rin ako ni Nanay na kumain. Binalikan ko si Nick. Wala paring malay. Kami na ni mommy Glenda ang nagbantay magdamag.
Kinabukasan, pangalawang araw maaga akong nagising. Nakatitig lang ako sa monitor ng heart beat ni Nick at lagi akong nakatingin sa mukha ng pinakamamahal kong lalaki. Habang matamlay akong nakatingin kay Nick, nagising si mommy..


MRS. SALVADOR: “Good morning Iho.” sabay beso sa akin.

AKO: “Good morning Mom” Sabay ng simpleng ngiti, bilang pag-galang , dahil sa mga oras na iyon ay hindi ako makaramdam ng kasiyahan kung alam mong oras nalang ang binibilang ng lalaking mahal mo.


Biglang pumasok sa pinto si Tito Roman at si Governor Salvador, bigla naman akong tumayo sa upuan bilang paggalang. Alam na rin ni Gov ang relasyon ng pamangkin nya.

AKO: “Good morning, Dad, Good morning Tito.”

Gov. SALVADOR: “Good morning Iho” sabay yakap sa akin...

Gov. SALVADOR: “Kumusta Glenda?, I know you’re not ok, pero everything will be fine dear sister” Wika ng Gobernor sa sister in law nya.

MRS. SALVADOR: “Salamat kuya, kahit sobrang busy mo, nabigyan mo parin ng oras si Nick”

Gov. SALVADOR: “Iho umupo ka na ulit dito, mas kailangan ka ni Nick ngayon. Gusto ko lang makita ang pamangkin ko.” Naiiyak na wika ng gobernor.


Pag katapos nang 2 oras na kwentuhan ng mga magkakamag-anak ay nagpaalam na rin ang Gobernor bagamat mabigat sa loob ang pag-alis ay pinilit narin sya ni Daddy Roman dahil may kailangan pa itong gawin para sa bayan.

Mamaya naman ay tumawag na ulit ang mga magulang ni dad from Australia at kinakamusta kung gising naba si Nick...

Nilagay ni dad sa Loud Speaker ang phone para marinig ni Nick ang boses ng Lolo at lola nya.

Pagpapahayag ng di matutumbasang pagmamahal ang sinawika ng dalawang matandang mag-asawa para sa paboritong apo. Sinasabi nila na gumising na ito at magpagaling dahil nakahanda na ang bahay na pinagawa ng dalawang matanda para sa amin ni Nick. Yun ang matagal na hinihingi ni Nick sa mga lolo at lola nya.

Syempre bumuhos ang luha sa loob sa kwarto. Baradong barado na ang ilong ko at masakit na ang mata ko sa kakaiyak. Dahil si Nick, nanatiling walang malay. Natapos ang salita ng lolo at lola ni Nick nang binigay sa akin ni dad ang phone, gusto daw akong kausapin ng mag-asawa.

Sinabi lang nila sa akin ang kanilang lubos na pasasalamat sa walang sawang pag-aaruga ko sa apo nila, malaki daw ang utang na loob nila sa akin sa kasiyahan na-idulot ko kay Nick at hanggang ngayon ay ito parin ako at ginagawa ang mga bagay na dapat ay ginagawa din nila sa apo nila, pero hindi talaga sila makauwi ng bansa.

Mag-aalas 6 na nang gabi ng biglang mag-beep ang heart beat monitor dahil hindi nito maramdaman ang pulso ni Nick.

Nataranta na kami nang mommy at pinatawag agad namin ang doktor. Kita kong lalong hinigpitan ni tita ang paghawak sa kamay ni Nick at sinasabing wag kaming iiwan habang lumuluha ang sugatang Ina. Samantalang sinasatinig ko naman ang mapapait na katagang “parang awa mo na “Pa”  di ko kayang mawala ka. Wag kang bibitaw sa pangako mo.”  Nang biglang dumating ang kanyang doktor at pinakisuyuan kaming lumayo muna para bigyan sya ng “cardiac arrest”. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat, ang wala kang magawa. Nakatingin ka lang habang unti-unting kinukuha ng kamatayan ang itinuring mo nang karugtong ng iyong buhay, parang pati ako ay namamatay sa sakit na aking nakikita. Parang tubig lang na umaagos ang luha ko sa aking mga mata. Ang luha ang katulong ko ng mga oras na iyon na ilabas ang napakabigat na dinadala ng aking dibdib.



Dr. Rosales: “One, two, three, 4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15, Nurse two rescue breath”

Nurse: “Yes Doc”


Paulit ulit iyon, hanggang ginamitan na nila ng defibrillator (makinang nagbibigay ng tamang dosage ng electrical energy para sa pag buhay sa puso)

AKO: “Panginoon ko, tulungan mo si Nick, bigyan mo pa sya ng kaunting panahon, hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi pa ako handa. Kahit konting panahon lang po. Hindi pa ako nakakapag-paalam sa kanya” Mahinang usal ko...


Paulit ulit, nalalamog na ang katawan ni Nick, hanggang sa i deklara ng doktor na itigil na.



ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment