Pages

Sunday, October 31, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 9



Thank you : EMJHAY




CHAPTER NINE...



NAKARAAN:

Pagkaraan kong ilabas ang lungkot ko sa kamang ginamit ni Nick sa kwarto ng ospital na iyon ay pumasok muna ako sa banyo. Para ayusin ang sarili ko. Naghilamos ako. Kailangan tatagan ko. Pagkalabas ng kwarto ay tinanong ko sa station kung nasan ang Morgue. At tinuro naman sa akin ang lokasyon. Bago ako maka-alis ng station ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa caller.

Mommy Glenda.

Mrs. Salvador: “Jake anak asan ka ba?” may halong saya na sambit ni mommy.



PAGPAPATULOY...


Mrs. Salvador: “Narito kami sa bahay nyo?”

AKO: “ Mom, nandito po ako sa ospital” Hindi ko parin maiwasang maiyak.

Mrs. Salvador: “Pinasundo na kita, pumunta ka na sa labas ng Ospital. Nag-aantay na doon si Jerry. Tahan na. Magiging ok din ang lahat iho.”

Tama ba ang narinig ko? Magiging ok ang lahat. Ang nanay pa ni Nick ang nagpapayo sa akin na parang walang nangyari. Kinakabahan ako na di ko mawari. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit nasa bahay namin sila samantalang nasa morgue si Nick. Pero sa tono ng salita ng mommy Glenda ay parang kailangang-kailangan nya akong makita ngayon kaya hindi na ako nagtanong pa. Paglabas ko ng Gusaling iyon ay agad kong nakita si Kuya Jerry. Hindi ko paring maiwasang maluha dahil kahit si Kuya Jerry ay may hatid na mga alaala namin ni Nick. Pinatahan nalang nya ako sa pagsasabing bubuti rin daw ang pakiramdam ko.

Pagkatapos nun ay isang malungkot  at tahimik ang aming byahe papunta sa bahay. Mukhang pati panahon nakikisabay sa aking damdamin. Makulimlim ang langit, nagbabadya ng pag-ulan. Parang noong panahon na pinilit nya akong sumakay sa kotse nya dahil uulan na. Pagkarating sa amin, Nakita ko agad ang sasakyan ni daddy Roman at 2 malalaking Van. Bakit maraming tao, at kita kong nasa labas ang mga tiyahin at tiyuhin ni Nick pati ang mga pinsan ni Nick ay nandun din. Bakit nandito silang lahat? Tanong sa aking isipan.
Nakatingin ang lahat sa akin habang papalapit ako sa bahay. At ang luha ko ay hindi mapatid dahil lahat sila ay mga bahagi ng alaala namin ni Nick. Sinalubong ako ni Angela at Leo, hinahaplos ang likod ko habang papasok sa bahay. Pinapatahan. Tinignan ko lang ang mukha ni Angela, umiiyak siya. Pero nakangiti sya. Tinawag ako ni Daddy Roman para pumasok sa loob.


Mr. Salvador: “Anak halika, tawag ka ng Mommy mo.” Naluluhang sabi ni daddy Roman.


Pagpasok ko ng bahay, niyakap ako ni mommy Glenda.


Mrs. Salvador: “Anak, may nag-aantay sayo.” Naluhang wika nya.

 Mula sa  kwarto ko ay lumabas ang isang lalaking tulak tulak ng nurse sa kanyang wheel chair. Ang lalaking sa simula palang ng makita ko ay binigyan ko na ng puwang sa aking puso, ang lalaking nag bigay sa akin ng tunay na kahulugan kung paano magmahal at paano mahalin, ang lalaking sumuporta at laging nasa tabi ko ng halos dalawang taon, ang lalaki ring ito ang nangako na hindi kailanman ako bibiguin, ang lalaking buong akala ko ay hindi ko na makakasama kahit kailan, hindi ko na mayayakap at mahahalikan, buong akala ko hindi na ako makakapagpapaalam sa kanyang paglisan. Narito sya ngayon sa aking harapan at nakatingin sa akin.

Wala akong pakialam kahit kanino ng mga oras na iyon, Buong pusong pananabik kong tinakbo at niyakap si NICK SALVADOR. Humagulhol ako sa kanyang dibdib, tanda nang sobrang pangungulila sa kanya. Miss na miss ko sya, yun ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Buong akala ko ay mawawala na sya. Akala ko ay kailangang kong harapin muli ang buhay ng wala ang pagmamahal niya. Pero eto sya, hawak hawak ko sya ng mahigpit. Ang pwersa na aking ibinibigay sa pagkakayakap sa kanya ay nagpapadama sa kanya kung gaano ako nangungulila. Hinahalikan nya ang buhok ko, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya. Ang mga patak ng kanyang mga luha sa aking pisngi.

 Umayos ako, hinarap ko siya.


AKO:  “Akala ko” at naputol ang sinabi ko ng halkan ako sa labi ni Nick.

NICK: “Tahan na mahal ko, tapos na ang pagdurusa mo, kinuwento sa akin ni Inay ang lahat” Sabay tingin sa aking Nanay.


Umiiyak lahat ng tao sa loob ng bahay. Damang dama nila ang pangungulila namin ni Nick sa isa’t isa. Kahit ang nurse nya nakikisimpatya.

AKO: “Miss na miss na kita.”

NICK: “Tahan na sabi, ayaw kong nakikita kang umiiyak, at saka baka magalit si Pau sa akin, sige ka” Kahit sinasabihan nya ako, hindi rin nya mapigil ang pag-iyak. Tumingin sya kay Pau. Ngiti lang ang kanyang sinukli sa akin. Andun din si Amy, sinisipon sa kakaiyak.

Ngumiti rin at nag thumbs up.

AKO: “Ikaw kasi ang tagal mong bumalik”

NICK: “Sorry na po. Di na mauulit”


At nagtawanan na ang mga tao sa bahay na iyon.


MRS. SALVADOR: “Mga anak, tulad ng sabi ni Balae” sabay tingin kay Inay “Kailangang ipagdiwang natin ang regalong ito ng Panginoon, lahat tayo pupunta sa paboritong lugar ni Nick at pagkatapos ay may sopresa kami ng daddy Roman nyo sa inyong dalawa”

Sopresa na naman. Para sa akin ay nasa akin na ang pinakamahalagang sopresa na aking matatanggap. At si NICK iyon. Dumiretso nga kami sa Resort ng mga Salvador at habang daan.


SA KOTSE NI DADDY ROMAN...


Sa unahan syempre ang asawa, si Mommy Glenda. Sumunod ay si Nick at ako sa likod nila, katabi ko ang Nanay, sa likod naman namin si Pau, si Amy, si Issa at si Linet.
Lahat masaya at kwentuhan habang daan, nadaanan namin ang favorite ko at naging favorite narin ni Nick, si Mang Donalds. Kaya nag drive thru nalang kami. Habang kumakain sa kotse ay walang sawa ang patawa ni Issa at ni Amy. Basta sa Kalokahan, bidang bida ang dalawa, nahahawa tuloy ang kapatid ko.

Masayang masaya ako. Sinusubuan ako ni Nick ng French Fries. Kahit naka dextrose sya, ang gwapo nya parin. Baby na baby talaga ang “Papa” ko. Alagain ika nga. Habang naka sandal ako sa balikat ni Nick, si Nanay naman ay nakasandal sa balikat ko. Ang sweet talaga ng mga mahal ko sa buhay. Bigla namang nagreact ang kapatid ko.


LINET: “Nay ang daya gusto ko ding humiga sa balikat nyo.”

NANAY: “Mamaya na anak. Di tayo kasya dito”

ISSA: “O dito ka sa balikat ko, mas malapad to kesa sa kuya mo”

LINET: “Ayaw ko nga amoy banana cue”


Sabay tawanan lahat...


MRS. SALVADOR: “Iha, yaan mo, mamaya higa ka sa balikat ko, ok”

LINET: “Yehey, kay mommy Glenda ako”

Sabay tawa ulit kaming lahat, ramdam na ramdam namin ang pagseselos ni Bunso.
Ang mga magulang naman ni Pau na sina tita Rosy at tito Milling ay nakasama rin. At nalaman na nila ang tungkol sa amin ni Nick. Bagamat nagulat sila, ay tinanggap parin nila ako bilang pangalawang anak. Dahil kahit ganito daw ako, wala naman silang nakitang masamang naidulot sa pakikipagkaibigan ko sa anak nila. Bagkos lagi nilang nakikita si Pau bilang masayahing bata kahit na solong anak lang ito. 

Nakasakay sila sa isa sa mga Van kasama sila Angela at Kiko.


SA RESORT...


Gabi na ng makarating kami sa lugar. Nagutom na naman ang lahat kaya, puro mga inihaw ang napagtripan. Matapos ang hapunan ay beach naman ang target ng lahat. Pero hindi pa pweding maligo si Nick kaya ako nalang ang pinapunta nya.

AKO: “Ayaw ko nga, kakabalik mo lang sa akin, tapos iiwanan kita. Kailangang ibalik ko ang mga nawalang oras natin “Pa”. Sobrang miss na miss na kita”

NICK: “Naughty ng mahal ko. hahaha. Namiss ko rin yan”

AKO: “’Pa’ naman ehh. Hindi naman yun eh”

NICK: “Hmmm biro lang” sabay pupog sa akin ng halik sa leeg. Na kakiliti sa akin kaya natawa nalang ako.

NICK: “Basta mahal na mahal kita”

AKO: “Mahal na mahal na mahal kita”

At biglang may kumatok. Pinapasok namin ng kwarto ang Nanay. Naka pang swimming attire ito at biniro namin na makakakita ito ng prince charming sa kanyang suot. Natawa naman ang Inay. Umupo si Nanay sa kama.


NANAY: “Anak me sasabihin lang sana ako sa inyo”

AKO: “Anu yun Nay?”

NANAY: “Anak, tanda mo nung mga oras na nasa chapel tayo ng Ospital?”

AKO: “Opo Nay, yung ipinagdarasal ko si Nick” Sabay tingin kay Nick na matama lang nakikinig sa pag uusap namin ni Nanay.

NANAY: “Oo. Anak, paano kung hindi bumalik si Nick sa atin? Magagalit kaba sa KANYA”


Napatigil naman ako sa kataga ni Inay, kaya humugot muna ang nang malalim na hininga at saka sinabing.


AKO: “Hindi NAY. Alam nyo Nay, Alam mo NICK nung bago ako dumating sa bahay kanina, tanggap ko ng wala ka kasi nung nasa ospital ako, binuhos ko lahat sa KANYA. Parang pinagaan nya ang pakiramdam ko. Humingi lang ako sa KANYA ng lakas ‘Nay para harapin sana ang bangkay ni NICK. Pero hindi ako nagalit sa KANYA”

NANAY: “Tama yung ginawa mo anak, basta lagi nyong tandaan, SYA lagi ang kakampi nyo.”


Tumango lang kaming dalawa ni Nick at bago umalis ay nagpasalamat muna si Nanay kay Nick at niyakap ito tanda ng pag ka miss din nito sa kanyang pangalawang anak.

 Napagpasyahan naming panoorin ang palulunoy sa tubig na mga mahal namin sa buhay sa tabing dagat. Ang iba nangungulit, tulad ni Amy, sinasabi nyang maligo na ako pero sabi ko hindi ko  maiiwan si Nick. May iba naman hinahatiran kami ng inihaw na pusit at hotdog, tulad ni Linet. Tapos tatakbo ulit sa dagat dala ang salvavida at hahabulin, makikipagkulitan sa tinuring narin naming pangalawang amang si Daddy Roman. 

May lalapit naman para tamabi kay Nick, para bumulong at si Pau iyon, sabay tatawa si Nick, at titignan ko ng masama ang dalawa at paaaminin kung anung bagay ang pinag-usapan nila tungkol sa akin. Pero makulit talaga ang dalawa ayaw umamin. Si Governor lalapit din at wiwisikan kami ni Nick ng tubig dagat, makulit din si Gob. Mapapasigaw nalang kami dahil malamig ang tubig. Saka kami tatawanan at tatakbo papunta sa dagat. Si Issa lalapit din, para lang tumabi sa akin at tititigan si Nick, sabay bubulong, na ang gwapo talaga nya. Mag tataka nalang si Nick kung ano ang pinagbubulungan namin.  Pero hindi rin ako aamin. Kukulitin din nya ako kung anu yung sinabi sa akin ni Issa. Kahit nasa isang tabi lang kami, para narin kaming nakikipag lunoy sa tubig.

AKO: “Pa, alam mo kanina pag-gising ko nung umaga, wala akong naramdaman, hindi talaga ako kinabahan kung anu ng nangyari sayo. Nanaginip lang ako na lahat nasa panaginip ko ikaw lang ang wala, pero pag-gising ko ayos lang ang pakiramdam ko. Yun pala hindi ka pala talaga nawala sa akin.”

NICK: “Pwede ba naman akong mawala, I am SUPER MANG DONALDS. Hindi yata ako tinatablan ng kahit ano”

AKO: “Weee. Kung nakita mo lang ang itsura mo nung wala kang malay, tapos nung after 2 days na malapit ka nang mawala, kasi sabi ni Doc dun malalaman kung kakayanin mo pa ang kalagayan mo, takot na takot ako. Sabi ko kay Doc, kung pweding ulitin pa nya ang pag CPR sayo at pumayag naman siya kaya nagpasalamat ako at sa huling pagkakataon ay nalagpasan mo ang kinatatakutan ko”

NICK: “Alam ko po yun Pa, kinuwento po sa akin yun ni Inay at ni Mama, wag kang mag alaala hindi ko na hahayaang mangyari muli ang bagay na iyon. Kaya wag ka nang magisip ng kung anu-ano. Ok?” At ngumiti na naman ng ubod tamis.

AKO: “Oo na po" Ang gwapo nya talaga.

NICK: “Ang cute na Pa ko”

AKO: “Ay hindi ah, mas gwapo ka naman po”

NICK: “Magkamukha tayo kasi sabi nila pag ang dalawang tao ay nagmamahalan nagiging magkamukha”


Ang sweet tagala nya. At lumapit si Mommy Glenda.


MRS. SALVADOR: “Mga iho, i booked you for next week flight to Australia, your Grand Ma and Grand Pa wants you both to be there as soon as possible”

NICK: “Wow... But how about you and Dad? Aren’t you come with us?” 

MRS. SALVADOR: “Of Course we do, Alam mo Iho nung magkasakit ka, dun ko natutunan ang aral na kailangan hindi natin dapat iwala ang oras natin sa ating pamilya. Mahalagang napapagtuunan namin ng pansin ang bagay na ito. Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan nalang natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay. Kaya, susunod kami ni Dad mo at si Balae at si Linet kulet, hehehehe. Is it nice?”

AKO at si NICK: “Alright” At tawanan kaming lahat... Sabay gigil na halik ni Mommy Glenda sa aming dalawa ni Nick.

ITUTULOY...



Monday, October 25, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 8


CHAPTER EIGHT...



NAKARAAN: 


Mag aalas 6 na nang gabi ng biglang mag beep ang heart beat monitor dahil hindi nito maramdaman ang pulso ni Nick. Nataranta na kami nang mommy at pinatawag agad namin ang doctor.


Binigyan si Nick ng CPR at paulit ulit iyon, hanggang ginamitan na nila ng defibrillator. Paulit ulit, nalalamog na ang katawan ni Nick, hanggang sa i deklara ng doktor na itigil na.



PAGPAPATULOY...


AKO: “Dok” Biglang lapit ko “Parang awa nyo na, isa pa, isa pa po. Isipin nyo nalang anak nyo ang gusto nyong buhayin, sige na Dok. Sige na po...” Nagmamakaawa kong hiling sa kanya.

Dr. Rosales: “Nurse, another counts” Nagkaroon kahit papaano ng konting pag-asa sa puso ko.

At inulit nga nila ang ginagawa kanina. Pagkatapos ng pangatlong defibrillation ay saktong kitang kita ko sa malaking monitor ang pag buga ng pulso ni Nick.Napangiti ang lahat, si mommy, si daddy, Si Dr. Rosales at ang mga Nurse. Lumundag ang puso ko sa tuwa at noon ko ulit naramdaman  ang kasiyahan matapos ang ilang araw na kalungkutan.

Napayakap sa akin ang mga magulang ni Nick at sabay sabay pa kaming nagpasalamat sa Maykapal.Pero hindi parin lubusan ang kasiyahan sa akin, dahil kahit alam kong napagtagumpayan ni Nick ang dalawang araw ng sinabi ng Doctor ay mauuwi naman ito sa comatose. Maaring magising si Nick nang hindi nakakagalaw o nakakapag salita o di kaya ay matulog ito na buhay ang sistema ng katawan.

Nang maayos na lahat ay dumating naman si Pau, sinabi nya sa akin na gusto akong makausap ni Ken. Nagpaalam lang ako sa mga magulang ni Nick at ginawaran ko lang si Nick ng halik sa Noo at labi sabay patak ng aking luha at nagpaalam muna pansamantala.
Sinabihan narin ako nina mommy na kumain na dahil hindi pa nga daw ako nag hahapunan. Sinabihan ko na sila na sabay-sabay nalang kami  dahil madali lang naman akong babalik.


SA KWARTO NI KEN...


KEN: “Jake, patawarin mo na ako. Hindi na ako pinapatulog na konsensya ko. Pinagsisihan ko nang malaki ang nagawa ko sa pinsan ko.”


Tumayo si Ken mula sa kama at lumapit sa akin at tinignan ako ng mata sa mata, anyong nagmamakaawa at akmang luluhod.


KEN: “Kung kailangang gawin ko ito Jake para lang mapatawad mo ko”


Natauhan ako at mabuti nalang at nahawakan ko ang braso nya para hindi matuloy ang gagawing pagluhod.


AKO: “Anu bang ginagawa mo. Sinabi ko bang lumuhod ka? Ken kahit gaano kalaking kasalanan at pasakit ang ginawa mo sa amin ni Nick, hindi naman maibabalik ng galit ko sayo ang kagalingan ng kasintahan ko. Kaya pinapatawad na kita.”

KEN: “Talaga Jake? Pinapatawad mo na ako?” Napayakap sya sa akin sabay umiyak...


Naisip kong dapat maging bukas sa puso ko ang pagpapatawad at upang mabawasan narin ang dinadalang bigat ng nasa dibdib ko. Niyakap ko na rin sya tanda ng lubusang pagpapatawad.


KEN: “Jake, hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko, sobrang buti ng kalooban mo, ginawa ko lang na mali ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sayo at lubos kong pinagsisihan iyon. Kahit mahirap, magpapakalayo-layo ako para maipangakong hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Sa malayo nalang kita mamahalin. Sige Jake... Inaantay kana siguro ni Nick...” Nasa mga luha nya nakatatak ang sensiridad ng kanyang sinasabi.


Bagaman wala akong nararamdaman para kay Ken, nakaramdam naman ako ng awa sa kanya kaya bago pa ako mapaiyak ay tumalikod na ako at umalis papunta sa kwarto.
Nang makita ko sina mommy ay naghapunan na kami sa loob ng kwarto ni Nick. Pero wala talga akong gana, hindi ko talaga magawang kumain ng maayos.
Lumipas ang isang linggo.




ANG KASALUKUYAN... (karugtong ng unang kabanata)


Iyon ang mga kabanata ng buhay namin ni Nick, kung saan kami nagsimula hanggang sa dumating kami sa yugtong ito.

Ngayon  isang linggo na buhat ng malagpasan ni Nick ang pagsubok sa kanya. Pero hindi parin sya nagkakamalay. Nakaupo kami ni Pau sa isang tahimik at malamig na pasilyo. Gabi gabi nya akong sinasamahan, Isang linggo na rin akong walang tamang tulog. Ang puso ko. Ayaw pa nyang sumuko. Ramdam ko parin ang hinagpis nito. Hanggang kailan kita iintayin...


Pero nagpapakatatag ako. Dahil ito ang sumpaan namin ni NICK. Ang hindi nya ako iiwan.


PAULO: “Best sobra sobra na ang ginagawa mo sa sarili mo. Magpahinga ka naman kahit konti.”

AKO: “Hindi naman ako napapagod Best. Kaya ko naman ang sarili ko”

PAULO: “Best kahit na. Alam ko kaya mo. Pero alam ko rin na pagod na yang puso mo kaya kahit konti. Isipin mo naman ang sarili mo. Kahit konti ipahinga mo muna ang isip mo.”

AKO: “Salamat Best. Lagi mo kong inaalagaan. Miss na miss ko na siya.”

PAULO: “Best, sige na umuwi ka muna. Ako na ang bahalang magbantay ngayon. Pahinga ka naman. Ibang iba na itsura mo oh, kamukha mo na si Kokey?”

AKO: “Bakit? Sino ba yung kokey na yun? Bago mong kaibigan?” Seryoso kong tanong sa kanya.

PAULO: “Hahahaha” Hagalpak ni Pau “Hindi mo kilala si Kokey? Hehehe. Alien yun sa TV. Sikat yun” Tawa parin sya ng tawa, napatangiti na rin ako. “Si kokey lang pala ang makakapag pangiti sayo.” wika ni Pau. “Sige na pahinga ka muna sa bahay niyo. Malay mo bukas gising na si Nick, kailangan gwapo ka”

AKO: “Hehehe..”

PAULO: “Mamaya hindi ka makilala nun. Sige ka. Antagal mo syang inantay tapos madidisappoint lang sya sa itsura mo. Hahaha...”

AKO: “Best naman eh. Puro ka kalokohan. Alam mo kahit anung itsura ko sigurado ako hahalkan at hahalkan nya ako. Kasi yun ang love.”

PAULO: “Hahaha. Best hindi ka pa nya pinapalapit, I’m sure tatakbo kana at susunggaban mo na sya ng halik kasi miss na miss mo na sya. Kaya umuwi ka na at ayusin mo ang sarili mo.”

AKO: “Bakit maayos naman ako ah”

PAULO: “Hehehe...I mean mag pahinga ka naman”


Wala na akong nagawa napilitan narin na akong umuwi. Nag paalam lang ako kay tito Roman, kay kiko, at kay Leo. At umuwi na nga ako. Unang beses kong matutulog sa amin. Natuwa ang nanay sa ginawa kong dun matulog sa bahay. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Kahit alam nilang malungkot ako, pinakita ko sa kanilang kaya ko basta nandiyan sila sa tabi ko.



SA AKING KWARTO...

Na-miss ko ang kwarto ko. Sobra. Pagpasok ko palang ay inayos ko ang buong kwarto. Nagpalit ako ng bed cover. Naligo ako at uminom ng sleeping pills at gatas para makatulog dahil siguradong hindi ako papatulugin ng pag-aalala kay Nick.  Pag lapat palang ng balat ko sa kama, nagkumot lang ako at sakto tuloy-tuloy ang tulog ko...


KINABUKASAN...

Mga alas 9am ako nagising. Napaniginipan ko ang pamilya ko, kaklase ko, si Pau, si Amy, pati si Issa. Maging ang mga kamag anak ni Nick nasa panaginip ko. Isa lang ang wala. Si Nick. Hindi naman ako kinakabahan. Parang normal na umaga lang katulad ng kahapon at nung nagdaan. Kaya binalewala ko nalang ang panaginip ko.
Pagkatapos mag- almusal ay nag-usap kami ni Inay.


AKO: “Nay pasensya na kung hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.”

NANAY: “Wala yun anak. Nauunawaan kita. Alam ko pinagdadaanan mo. At hindi naman tayo nagugutom ah. Malakas kaya ang business ko. Bakasyon naman ang kapatid mo.”

AKO: “Hindi nay. Inuunawa nyo ko pero kailangan unawain ko rin ang pamilya natin. Me repsonsibilidad na iniwan si Itay sa akin, kaya sa isang linggo mag-uumpisa na akong maghanap ng trabaho”

NANAY: “Naku ang anak ko talaga, halika ka nga dito payakap nga. Alam mo anak, pinagmamalaki kita, mas gugustuhin ko pang ganyan ang kalagayan mo pero ikaw naman ang pinakanormal na anak para sa akin. Kesa naman dun sa mga lalaking lasenggero diyan sa kanto walang inatupag kundi ang hmm.. ewan. Basta anak salamat ha.”

AKO: “O bakit ka naiyak Nay?”

NANAY: “Wala naalala ko lang ang Itay mo, kagaya mo sya. Responsable, malawak ang pananaw at maalalahanin.”

LINET: “Eh ako Nay. Matino naman ako ah”


Sabay tawa namin ni Nanay. At niyakap narin namin si bunso. Nagpaalam na  rin ako kay Nanay papuntang ospital para batayan ulit si Nick. Sinabi nilang susunod nalang sila mamayang hapon.



SA OSPITAL...


Pagdating ko sa kwarto ni Nick ay wala nang tao sa loob kaya dali-dali akong nagpunta sa station para itanong kung nasan na yung pasyente sa room na iyon. Ngunit bigla kong nakasalubong ang nurse at sinabing dinala na sa morgue ang labi ng pasyente. At kaninang alas 9am daw ito namatay. 

Nurse: “Gusto mong samahan kita sa location?”

AKO: “Hindi, hindi, hindi, hindi” mga salitang lumalabas sa bibig ko pero kahit ako hindi ko naririnig ang sinasabi ko.

May sinasabi pa ang nurse pero hindi ko na rin sya naririnig. At dali- dali na syang umalis. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Hindi ito kinakaya ng mga paa ko at napaupo ako sa bench sa labas ng kwartong iyon. Pati ang mga balikat ko ay nakalaylay at biglang naubos ang lakas ko at umagos muli ang luha ko. Nakatitig lang ako sa semento ng ospital at waring sasabog ang ulo ko sa narinig kong impormasyon. Impormasyong gustong ipasok ng isip ko sa puso ko pero tinatanggihan ito. Akala ko nailuha ko na lahat hindi ko pa pala nararamdaman ang pinakamasakit na yugto. Ngayon palang. Lahat ng ala-ala namin ni Nick bumalik mula simula. Para itong pelikulang ni-re-rewind.  

Ang unang pagkakita ko kay Nick nung unang tumapak sya sa classroom. Yung mga paanyaya nya sa akin. Pag-hila nya sa akin na sumakay ng kotse nung papatak na ang ulan. Ang pagbibigay nya ng favorite food ko. Ang unang beses naming magkasamang magsimba.  Ang pag-boat racing namin sa resort nila. Ang unang paghawak sa kamay ko at pagsasabing Goodnight. Ang pagdadala sa amin ni Pau sa bahay nila. 

Ang pagpapakilala sa magulang at mga kamaganak nya. Ang unang pagyakap nya sa akin. Pati ang pagsama ko sa kanya sa plane papuntang Manila para manood ng concert bumabalik muli sa aking alaala. Ang pagtatapat nya sa akin. Ang pagiging official namin. Ang monthsaries namin. Ang Anniversary namin. Ang pag graduate namin. Ang pag-punta namin sa France. Ang sing-sing. Ang unang pagiisang katawan namin. At ang huling yakap at halik nya ng magkahiwalay kami sa Airport ng Davao. Lahat ng mga sandaling iyon ay nakikita kong sariwang sariwa sa isip ko na ngayon ay pinanghihinayangan ko.

Bakit ako pa, bakit kami pa ni Nick.Hindi ko matanggap na wala na siya. Dahan dahan akong tumayo para tumungo sa huling kwartong saksi sa huling mga sandali nya. Dahan dahan akong lumapit sa kama nya. Inihiga ko ang sarili ko sa kamang huling hinigaan ng mahal ko. Gusto kong malanghap ang katawan nya. Kahit sa kahuli-hulihang sandali ay maamoy ko parin sa hindi pa napapaltang kobre-kama ang samyo ng balat ni Nick. Humahagulhol kong sinasamyo lahat ng amoy na iyon, at inilalagay ng permanente sa puso ko. Kahit nagmumukha akong baliw, pero yun lang ang paraan para muli ko syang makasama.

 Maalala ko kung gaano kasarap ang yakap ng mga bisig nya. Muling makita sa nakapikit kong basang mata ang mga ngiti nya. “Nick, Nick hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nick bakit mo ako binitawan? Akala ko walang iwanan? Diba sabi mo magsasama tayo sa Australia sa mga lolo at lola mo? Diba sabi mo mag aampon tayo para may ituring tayong sarili anak natin? Paano ko tutuparin yun kung wala ka? Paano na ang mga bukas ko? Nick... Miss na miss na kita” Ang sakit sakit ng nararamdaman ko noon. Kung pwede nga lang tanggalin ang emosyon ng mga oras na yun. Inalis ko na.

Pinagsisihan ko nang wala ako ng mga huling oras ni Nick. Sana hindi ako umuwi, kung alam ko lang. Kung alam ko lang. Baka nagawan ko pa ng paraan para madugtungan ulit ang buhay nya. Katulad ng nangyari noon. “Ito ba ang kaunting panahon na binigay MO sa akin Panginoon. Hindi parin po kami nakakapagpaalam sa isat isa. Kahit masakit tatanggapin ko, ibinabalik ko na sya sayo.” Walang patid kong pag-iyak. “Maraming salamat at pinakilala MO sya sa akin, kahit papaano natuto akong magmahal ng lubos. Sana tulungan mo akong makabangon mula sa pagkaguhong ito, yun nalang siguro ang kailangan ko po ngayon.”

Matapos ng isang oras na pag-iyak ay nagpasya na akong bumangon. Kahit alam kong hindi ko pa kayang harapin ang pinakamamahal kong walang buhay. Kahit hindi ko pa kayang makitang nasa loob sya ng ataul. Wala akong magagawa kundi gawin kung ano ang katungkulan ko bilang isa sa pinakamalapit na tao sa puso ni Nick. Tutal pinagpasa Diyos ko na ang kalagayan ko, alam ko tutulungan nya ako sa bagay na ito.

Pumasok muna ako sa banyo. Para ayusin ang sarili ko. Sa salamin, pulang pulang mata, malaking eyebag, linya ng mga luha sa pisngi, gusot na buhok, mukha ng isang iniwan, mukha ng isang nag-iisa, mukha nang hinagpis at kalungkutan. Naghilamos ako. Inayos ko ang sarili ko. Kailangan tatagan ko to.

Pagkalabas ng kwarto ay tinanong ko sa station kung nasan ang Morgue. At tinuro naman sa akin ang lokasyon. Bago ako maka alis ng station ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa caller. 


Mommy Glenda...


Mrs. Salvador: “Jake anak asan ka ba?” Masayang wika ni tita.


 ITUTULOY...




Monday, October 18, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 7



CHAPTER SEVEN...


NAKARAAN...


Kinabukasan matapos ang aming mainit na pagniniig kagabi, ay pinuntahan ko na si Nick para makapag–bf na kami (breakfast) pero nagulat kami sa pagtawag ni Ken.
Matapos ang overseas call ni Ken kay Nick.


AKO: “Bakit daw?”



PAGPAPATULOY...


NICK: “Linet, your sister is in Hospital, she’s in serious condition.”

AKO: “Ha? Paanong” Bigla akong napaiyak.


Tumayo si Nick at nilapitan ako at niyakap.


NICK: “Don’t worry Pa, I will re-sched our flight para makaalis na tayo mamayang gabi.”


Wala na kaming inaaksayang oras, hindi na ako makakain, tinawagan ko si Nanay, pero naka off ang cellphone nya, kahit si Linet naka off din, si Pau naman hindi ko makontak, out of coverage sya. Anu ba talagang nangyari. Si Nick na ang nag impake ng gamit namin dahil alam nyang magulo na ang isip ko ng mga oras na yon. Kinagabihan ay naakalipad na rin kami pauwi ng bansa.

Sa Davao City International Airport...


NICK: “Pa, tinawagan ako ni Ken, sya daw maghahatid sa atin kung saang ospital dinala si Linet.”

AKO: “Talaga. Thank you Ken” Mahina kong usal.


Hanggang ngayon hindi ko parin makontak ang pamilya ko.
Dumating na nga si Ken kasunod ng kotse nya ang kotse ni Nick na ang family driver nila ang nag drive.

Pag kababa ni Ken, ay pinababa nito ang driver at pinalipat sa kotse nya. Sinabi nyang si Nick ang mag drive nang kanyang sasakyan at sundan namin ni Nick ang sasakyan ni Ken para ituro kung sa’ng ospital naroroon ang kapatid ko.
Paalis na kami ng biglang huminto saglit ang sasakyan ni Ken at bumaba ulit si Ken at sinabi nya sa amin na mas makakabuti kung ang driver nalang nila ang maghahatid sa akin sa ospital at sila naman ni Nick ay maghahanap na ng gamot para sa operasyon ni Linet dahil wala daw ganung gamot sa ospital na yun.


AKO: “Operasyon?” Bigla nalang pumatak ang luha ko. Ang lakas lakas ni Linet nung umalis kami. bakit ganun?

NICK: “Ken, what operation are you talking about?”

KEN: “Cuz, we don’t have time ok. Let’s just do what i’ve said”


Wala na kaming nagawa ni Nick kundi ang sumangayon sa sinasabi ni Ken, tutal malaki na ang nagagawa ni Ken, sya pa siguro ang nagdala kay Linet sa ospital, pasalamat talaga ako at mababait ang pamilya ni Nick.

Habang binabaybay namin ang daan, napansin kong parang papunta kami sa aming bahay.


AKO: “Kuya, bakit po yata pauwi tayo sa bahay namin?”

KUYA RONNEL (driver): “Pasensya na po, ito po ang sabi ni Sir Ken sa akin, ihatid ko daw kayo sa inyo”

AKO: “Ha??? Diba pupunta tayo sa ospital? Narinig mo naman ang sinabi nya kanina diba? Ihahatid mo ko sa Ospital!!!” Na-iinis kong tugon sa driver.

KUYA RONNEL: “Naku Sir Jake, wag na po kayong magalit sa akin, sumusunod lang ako sa utos”

AKO: “Kuya, malubha ang kapatid ko, kailangan ko syang makita ngayon!”

KUYA RONNEL: “Yun na nga po ang pinagtataka ko bakit nya sinabi sa inyong ihahatid ko kayo sa ospital, tapos ang sabi naman sa akin ni Sir Ken ihatid ko kayo sa bahay nyo? Samantalang kanina lang nagpahatid si Sir Ken dito sa bahay nyo para kausapin ang Nanay at Kapatid nyo?”

AKO: “Wag mo nga akong biruin, ihatid mo na ako sa ospital, wala na tayong oras”

KUYA RONNEL: “Sir, hindi ko po kayo niloloko, patay ako kay Sir Nick kung gagawin ko yun, at wala tayong pupuntahang ospital dahil nasa bahay talaga ang Nanay at Kapatid mo, kaya mas mabuting dalhin kita sa bahay nyo para maniwala kang maayos ang kalagayan ng kapatid nyo.”

AKO: “Haaa??? Ibig mong sabihin walang problema kay Linet? Nasa bahay sila ni Nanay?”

KUYA RONNEL:  “Opo.”


Napayakap ako kay Kuya Ronnel dahil sa tuwa na walang problema kay Linet.


KUYA RONNEL: “Naku Sir, pasensya na po, pero nagmamaneho ako.”

AKO: “Ay sorry kuya, natuwa lang ako. Pero teka bakit nagsinungaling si Ken?”


Nagkibit balikat nalang si Kuya Ronnel, tinawagan ko agad si Nanay, sumagot naman sya at nag taka sya kung bakit ako nasa Davao, dahil ang alam nya na sa isang linggo pa ang uwi namin ni Nick, sinabi ko nalang na papaliwanag ko nalang pag nakarating na ako sa bahay. Kinausap ko din si Linet kinamusta ko ito at sinabing kahit anung mangyari wag nyang kakalimutang mahal na mahal ko sya. Sinabi nalang nya sa akin na ang weird ko daw. Dahil hindi nya alam ang nararamdaman ko ngayon.

Nang makarating kami ng bahay ay nagpasalamat agad ako kay kuya Ronnel at dali-daling pumasok ng bahay para tignan ang aking pamilya. Lalo na si Linet.

Bagamat naguluhan sila sa reaksyon ko nung una. Naliwanagan naman sila nung ma-ikwento ko sa kanila ang kasinungalingang ginawa ni Ken sa amin ni Nick.

Bigla kong naalala si Nick. Tinawagan ko agad si Nick. Nagri-ring pero hindi nasagot. Pati sila nanay nag – aalala dahil anak na talaga ang turing nya kay Nick mula ng maging kami ang mag boyfriend. Bagamat ayaw ni Nanay na maging ganito ako, pero naisip nya na kung si Nick din lang ang magiging anak nya ay papayag na sya.


AKO: “Nay bakit hindi ko kayo matawagan nung nandun pa kami sa FRANCE?”

NANAY: “Ha? Paano nangyari yun?  Laging bukas ang cellphone ko? Diba tumawag ka lang nung isang araw at kahapon?”

AKO: “Hindi Nay kanina tumawag din ako para i check kung anu nang kalagayan ni Linet pati yung kay Linet nakapatay din”

Linet: “Ha? Ahhh. Alam ko na Nay, Kuya ganito yun, pumunta si Kuya Ken dito sa bahay, nangamusta sya may dala pa ngang pasalubong. Tapos maya-maya sinabi nyang magkakaroon daw ng electronic problems ang mga cellphone kaya kailangan naming patayin ni Nanay ng buong araw ang cellphone namin, naniwala naman kami, tapos kani-kanina lang bago ka dumating, bumisita si Issa dito sa bahay,nag dala ng banana cue, tapos nagulat kami ni Nanay biglang nagring ang phone nya, tapos nakikipag-usap siya dun sa tao sa kabilang linya. Nalaman namin nanay na wala namang palang problema at niloko lang kami ni Kuya Ken. Dahil kanina pa daw umaga nakabukas ang linya ni Issa.

NANAY: “Anak seryoso nayan, una niloko nya kami, tapos ikaw kaya bigla kayong napa uwi ni Nick dito sa Pinas.”


Doon ko napagtagpi tagpi ang lahat. Planado ang mga bagay bagay, Sinandya nya to para di ko matawagan sina Nanay, at habang daan namin ni Kuya Ronnel papunta sa bahay, ay sya naman sigurong dating ni Issa sa bahay kaya nakontak ko sila. Yung pag-bili ng gamot ni Ken at Nick ay pakana lang ni Ken. Pero bakit hindi nasagot si Nick? Nag aalala na ako.


AKO: “Nay baka napaano na si Nick ko.” Umiiyak na ako.

NANAY: “Anak tama na.” Pag hagod ni Nanay sa likod ko “Walang mangyayari sa anak kong iyon, mabait na bata yun at sigurado akong gagabayan sya ng maykapal”


Tumango nalang ako. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Tinawagan ko ang mommy Glenda at tinanong ko kung nasa bahay si Nick, maging si mommy ay nagulat nang malamang nasa bansa na kami at hindi ko kasama ang anak nya.

Sinabi kong kasama ni Nick si Ken. Sinabihan narin akong sila na ang bahalang maghanap sa dalawa. Mga ilang oras din ang nakakalipas hindi ako makatulog, panay tawag ko sa Cellphone ni Nick hanggang makareceive ako ng caller sa ibang line.
Ang mommy Glenda...


AKO: “Hello mom.”

MRS. SALVADOR: “Iho, nandito kami sa ospital, dalawin mo si Nick.” Umiiyak nyang tugon.

AKO: “Ha??? Anu pong nangyari kay Nick?” Bigla nalang sumikip ang dibdib ko

MRS. SALVADOR: “Car Accident, natagpuan ang kotse ni Ken na nakasalampak sa malaking puno”

AKO: “Sige mom papunta na ako dyan, san po kayo naroon?”

MRS. SALVADOR: “Pinasundo na kita iho, intayin mo si Jerry yung driver ko, parating na sya”


Nang makarating ako sa ospital agad kong nakita si mommy at umiiyak sa balikat ni daddy Roman. Nang makita ako ay agad itong yumakap sa akin. Di ko na napigilan ang umiyak.


AKO: “Nasan po siya?”

MR. SALVADOR: “Anak nasa operating room pa. Hinhintay pa naming lumabas ang doctor” Alam ko pinipigilan lang ni dad ang umiyak pero kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan.


Bigla akong nanlambot. Iba pala pag pinapanood mo lang sa tv or sinehan ang tagpong ito. Parang wala lang. Pero pag ikaw na ang naroroon, halos himatayin ka sa kakaisip kung anu na ang kalagayan ng minamahal mo. Basang basa na ako ng luha nang maalala ko kung bakit ba nangyari ito.


AKO: “Nasan po si Ken? Gusto kong malaman kung anu talaga ang nangyari” Pero tagos sa utak ko na sya ang may kasalanan ng lahat kahit hindi ko pa alam ang tunay na naganap.

MR. SALVADOR: “Nasa Room 23, ikaw nalang pumunta iho, baka kung ano pa ang magawa ko sa taong iyon” Pagalit na turan ni daddy.


Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Ken, nakahiga ito sa kama, may dextrose nakatalikod ito at mukhang ayaw humarap sa mga tao.


AKO: “KEN, anung ginawa mo kay NICK” Pasigaw kong sabi kahit nandoon Mama nya na umiiyak din.


Biglang humarap si Ken nang marinig ang boses ko.


MRS. NATIVIDAD: “Jake iho, hayaan mo muna syang makapagpagaling”

KEN: “Ma, ok lang po. Kailangan kong magpaliwanag kay Jake. Ma pweding iwanan mo muna kami?”


At umalis pasumandali si Tita Sonia.


KEN: “Jake, Sorry, kasalanan ko, nag sinungaling ako sayo. Kaya ko lang naman nagawa yun dahil baliw na baliw na ako sayo. Ang tagal kong tiniis, kung paano kita makakalimutan. Pero hindi ko magawa Jake. Patawarin mo ko.”

AKO:  “Ken tinatanong kita anung ginawa mo kay NICK!!!”



(Base sa kwento sa akin ni KEN)...

Nag-aaway na sina Nick at Ken sa kotse. Balak dalhin ni Ken si Nick sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanya. Itago ito dahil.


KEN: “Mahal na mahal ko sya... Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa tuwing nababalitan ko kayong magkasama, hindi ito kinakaya ng isip ko, ako ang unang nanligaw sa kanya, pero anung ginawa mo Nick, sinulot mo sya, wala kang kwentang pinsan, pati ako tinalo mo!”

NICK: “Are you out of your mind Ken, Ihinto mo sabi ang kotse, baka mabangga tayo ang bilis mong magpatakbo!!!” Sigaw ni Nick

KEN: “Hanggang kailan mo ba ako lalamangan, mula sa pamilya, kay tito, kay lola, pati ba naman kay Jake!!!” Sigaw ni Ken

NICK: “Mas una ko syang minahal Ken tandaan mo, hindi mo sya makikilala kung hindi ko sya dinala nung birthday ni Grandma!” Sigaw ni Nick ulit, “Kaya ihinto mo na ang kotse!”

KEN: “No, Not unless I place you to where you belong...”


Nagsuntukan na sila at nag-agawan ng manibela.

Hanggang sa iniwasan ni Ken ang kasalubong na sasakyan. Kaya bumangga sa puno ang kotse at nabasag ang unahang salamin ng sasakyan. Na kinasanhi ng pagkakaroon ng maliit na hiwa sa ulo ni Nick, nawalan  din ng malay si Ken dahil sa lakas ng impact ng sasakyan.


--------------------------------------------------------------------------------------------------


Nanghihina akong lumayo sa kama ni Ken, hindi ko maisip na ang taong lubos kong ina-aalagaan at pinaka-iingatan ay maaksidente lang nang ganun kabilis. Walang patid ang luha ko, palabas na ako ng kwarto pero tinatawag ako ni ken, pero hindi ko masyadong marinig ang boses nya dahil nababalot ng sakit ang buong puso ko. Biglang lumitaw sa aking harapan si Pau, hinihingal. Halatang hinahanap ako.


PAULO: “Best, nabalitaan ko kina tita ang nangyari kaya pumunta agad ako dito sa ospital, nakita ko si Tita Glenda pinapasundo ka nya sa akin, nakalabas na raw ng operating room si Nick.”


Dali dali akong naglakad pabalik sa kinaroroonan nina mommy Glenda, habol naman sa akin si Pau.


PAULO: “Best hindi dyan, dito alam ko ang room ni Nick”


Inakay na ako ni Pau, halata nyang wala na ako sa katinuan. Wala paring patid ang luha ko.
Nang makarating namin ang pintuan ng kwarto ay malaking kaba ang naramdaman ko, parang di ko kakayanin ang ma-aabutan ko sa loob ng kwartong iyon.
Pero dahil inalalayan ako ni Pau ay binuksan ko narin ang pinto.

Halos mapaupo ako sa sahig ng makita ang kalagayan ni Nick, puro makina ang nakakabit sa katawan nya. Hindi ko halos makilala ang lalaking pinakamamahal ko. Para syang lantang gulay sa ibabaw ng kama, ibang-iba. Kanina lang 6 na oras ang nakakaraan, ang lakas lakas pa nya. Ngayon halos kapusin sya ng hininga kung walang tulong ng makina sa tabi nya. Maging ang heartbeat sa monitor sobrang bagal. Balot ng bandage ang ulo nya at puro tapal ng kung anu anung aparato ang dibdib at braso nya. Dahan-dahan akong lumapit kay Nick. Kahit hindi ko sya kayang pag masdan sa ganuong kalagayan. Pinipilit ko paring magpakatatag dahil kailangang naroon ako sa tabi nya.


AKO: “Mo-mmmy, A-aa-ano d-aw ang sa-bi  ng d-doktor” Halos hindi ko magawang magsalita sa iyak, hikbi at kirot. Nakapikit na ang mata ko sa kakaiyak.


Si Pau, umiiyak narin pati si Daddy. Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ng minamahal nyang anak. at hindi nilalayo sa mukha nito.


MRS. SALVADOR: “Fi-fifty percent daw ang chances... huhuhu...” hagulhol ng nanay ni Nick. “Hindi daw alam kung kakayanin nya ang kalagayan nya ngayon. Himala nalang daw kung maka survive sya pagkatapos ng 2 araw. Kung makasurvive man daw sya comatose daw ang kalalabasan” At umiyak na ng umiyak si mommy glenda.


Para akong sinasampal-sampal, sinusuntok sa mukha o di kaya ay para akong hinihiwa ng itak sa dibdib. Hindi ko na kinakaya ang naririnig ko hanggang sa magdilim ang paningin ko.
 Pagmulat ng mata ko, nasa isang kwarto ako. Nakahiga ako sa kama. Bigla kong naalala si NICK. Muli na namang tumulo ang luha ko. Bigla akong bumangon, nagising si Pau, nakatulog pala sya sa tabi ko. Binantayan pala nya ako.


PAU: “O Best? Ok kana ba hinimatay ka kanina, San ka pupunta?”

AKO: “Kailangan ko puntahan si Nick”

PAU: “Best, sure ka? ok ka na? Baka himatayin ka na naman? Wag kang magmadali, nasa kabilang kwarto lang naman si Nick, binabantayan ni Tito Roman at ni Kiko”

AKO: “Best sabihin mo nga sa akin, paano ako magiging ok ha? Hindi ako MAGIGING OK HANGGA’T HINDI SYA OK ,naintindihan mo ba yun?” pagdidiin ko ng mga salita at pagsigaw sa kanya.


Biglang napaluha si Pau.


PAU: “Best hindi lang naman ikaw ang nasasaktan, kahit ako naman, mahalaga sa akin si Nick dahil sya ang nagpapasaya sayo. Best mahal na mahal kita alam mo yan. Gusto ko lang malaman mo na nag-aalala na ako sa kalagayan mo, kanina kapa iyak ng iyak at ang hindi ko kinaya ay nang makita kitang mawalan ng malay. Simula ng mga bata pa tayo ina-aalagaan na kita, dahil ikaw lang ang kapatid ko, Best wag kang mag-alala hindi kita iiwan lalo sa ganitong pagkakataon.”


Natauhan ako sa ginawa ko, unang beses kong sinigawan ang Best Friend ng buhay ko.
Nilapitan ko sya at niyakap.


AKO: “Best, sorry ha. Unawain mo nalang ang dinadanas ko ngayon at maraming maraming salamat sayo.”


Hinarap nya ako. Tinignan nya ako sa mata.


PAULO: “Ilabas mo yan sa akin. kausapin mo ako. wag mong kimkimin yan sa sarili mo. Alam ko ngayon mo ko kailangan, magdamayan tayo. Gusto kong gumaan ang pakiramdam mo.”

AKO : “Best, Wala ng mas sasakit pa...pag... pag... ang kaagaw mo sa minamahal mo ay ang kamatayan” pagluha ko  (Sobrang pait ng nararamdaman ko...) “di bale nang agawin sya sa akin ng ibang tao. Basta malaman ko na nabubuhay sya at kita ko ang kanyang kasiyahan, atleast nakikita ko sya. (pinipilit kong ngumiti, habang umiiyak) pero hindi ganun Best, ngayon hindi ganun ang nangyayari. Unti-unti akong nanghihina tuwing ipapa-alala ng ospital na ito ang kalagayan ni Nick. Hindi ko lubos maisip na maaaring mawala si Nick pagkatapos ng 2 araw.” (kandabulol kong pagsasalita dahil sa pagiyak.) “Best  ni hindi nya ako nagawang lokohin, mahal na mahal nya ako, kasalo ko sya sa hirap at saya, lagi kaming magkasama, kulang ang araw ko pag hindi ko sya nakikita, anu nalang ang mangyayari sa bawat Segundo ng buhay ko kung hindi ko na sya makakasama.”

PAULO: “Best, magpakatatag ka sa kung anuman ang mangyari, hindi ko papagaanin ang loob mo sa pag-sasabing hindi sya mawawala, kundi gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa kahit anung posibleng mangyari, haharapin mo ito ng buong tapang... Kung mawala man sya (lumuluhang tugon ni Pau) alam naman natin kung sino ang nasa puso nya, ikaw yun Best.”

 AKO: “Best kahit kelan lagi kang nandyan sa tabi ko. Noong mga bata tayo, pag may kalaro tayong nang-aaway sa akin o inagawan ako ng laruan, kukunin mo ito at ibabalik sa akin para mawala ang sakit ng nararamdaman ko. Para, Para tumahan ako.Pero bakit ganun Best, kahit naiintindihan ko ang sinasabi mo at pinapalakas mo ako, hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para harapin ito. Sana best katulad din ito nung mga bata tayo, ganun parin sana kadaling alisin ang hapdi at sakit. Pero hindi ko kaya. Sobrang hirap na. pagod na ako.”


Pumunta muna ako sa maliit ng kapilya ng ospital at mag-isang inilabas sa KANYA ang aking kahilingan.


AKO: “Wag NYO po syang kunin, parang awa NYO na. Sya po ang kaligayahan ko. Ang hininga ko at ang pangarap ko. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta, KAYO nalang po ang naiisip kong pinakamakakatulong sa akin ngayon, pero kung yun po talaga ang dapat mangyari, sana po bawasan nyo naman ang hapdi dito” sabay turo sa puso ko.


Biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.
Ang nanay. Niyakap nya ako. Lumabas ang lahat ng sakit. Umiyak ako sa balikat ni Nanay.


AKO: “Nay si Nick nay, baka dalawang araw nalang daw sya Nay. Anung gagawin ko?”

NANAY: “Anak nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan, kung ako ngang isang ina, nasasaktan pag nakikita kitang nahihirapan. Lalo pa SYA, ang Diyos. Mas nababasa nya ang nilalaman ng puso mo. Mas lalo nyang nauunawaan dahil kitang kita nya lalo ang pagdurusa mo. At walang ibang mas nagmamahal sayo nang higit sa pagmamahal ko, kundi SYA, dahil SYA ang nagbigay ng mabuting anak sa amin ng itay mo at ikaw iyon. Kaya naniniwala akong pinapakinggan ka NYA, ang mga dalangin mo dahil isa kang  mabuting bata pati na din ang mga pinagdarasal mo sa KANYA. Pero anak anuman ang mangyari, hindi man matupad ang gusto mo, wag mo SYANG sisisihin dahil mas alam NYA ang ginagawa NYA. Wag mo ring kakalimutan, Mahal na mahal ka ng Nanay”


Nauunawaan ko ang sinabi ni Nanay. Gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.


KATAHIMIKAN...


NANAY: “Kumain ka na ba anak?”

AKO: “Wala po akong gana”

NANAY: “Anak alam kong wala kang gana, pero kailangan mong piliting kumain para lumakas ka, pag nagkasakit ka at magising si Nick, paano mo sya babatiin?”


Napaisip ako at tama si Nanay. Kaya napilit na rin ako ni Nanay na kumain. Binalikan ko si Nick. Wala paring malay. Kami na ni mommy Glenda ang nagbantay magdamag.
Kinabukasan, pangalawang araw maaga akong nagising. Nakatitig lang ako sa monitor ng heart beat ni Nick at lagi akong nakatingin sa mukha ng pinakamamahal kong lalaki. Habang matamlay akong nakatingin kay Nick, nagising si mommy..


MRS. SALVADOR: “Good morning Iho.” sabay beso sa akin.

AKO: “Good morning Mom” Sabay ng simpleng ngiti, bilang pag-galang , dahil sa mga oras na iyon ay hindi ako makaramdam ng kasiyahan kung alam mong oras nalang ang binibilang ng lalaking mahal mo.


Biglang pumasok sa pinto si Tito Roman at si Governor Salvador, bigla naman akong tumayo sa upuan bilang paggalang. Alam na rin ni Gov ang relasyon ng pamangkin nya.

AKO: “Good morning, Dad, Good morning Tito.”

Gov. SALVADOR: “Good morning Iho” sabay yakap sa akin...

Gov. SALVADOR: “Kumusta Glenda?, I know you’re not ok, pero everything will be fine dear sister” Wika ng Gobernor sa sister in law nya.

MRS. SALVADOR: “Salamat kuya, kahit sobrang busy mo, nabigyan mo parin ng oras si Nick”

Gov. SALVADOR: “Iho umupo ka na ulit dito, mas kailangan ka ni Nick ngayon. Gusto ko lang makita ang pamangkin ko.” Naiiyak na wika ng gobernor.


Pag katapos nang 2 oras na kwentuhan ng mga magkakamag-anak ay nagpaalam na rin ang Gobernor bagamat mabigat sa loob ang pag-alis ay pinilit narin sya ni Daddy Roman dahil may kailangan pa itong gawin para sa bayan.

Mamaya naman ay tumawag na ulit ang mga magulang ni dad from Australia at kinakamusta kung gising naba si Nick...

Nilagay ni dad sa Loud Speaker ang phone para marinig ni Nick ang boses ng Lolo at lola nya.

Pagpapahayag ng di matutumbasang pagmamahal ang sinawika ng dalawang matandang mag-asawa para sa paboritong apo. Sinasabi nila na gumising na ito at magpagaling dahil nakahanda na ang bahay na pinagawa ng dalawang matanda para sa amin ni Nick. Yun ang matagal na hinihingi ni Nick sa mga lolo at lola nya.

Syempre bumuhos ang luha sa loob sa kwarto. Baradong barado na ang ilong ko at masakit na ang mata ko sa kakaiyak. Dahil si Nick, nanatiling walang malay. Natapos ang salita ng lolo at lola ni Nick nang binigay sa akin ni dad ang phone, gusto daw akong kausapin ng mag-asawa.

Sinabi lang nila sa akin ang kanilang lubos na pasasalamat sa walang sawang pag-aaruga ko sa apo nila, malaki daw ang utang na loob nila sa akin sa kasiyahan na-idulot ko kay Nick at hanggang ngayon ay ito parin ako at ginagawa ang mga bagay na dapat ay ginagawa din nila sa apo nila, pero hindi talaga sila makauwi ng bansa.

Mag-aalas 6 na nang gabi ng biglang mag-beep ang heart beat monitor dahil hindi nito maramdaman ang pulso ni Nick.

Nataranta na kami nang mommy at pinatawag agad namin ang doktor. Kita kong lalong hinigpitan ni tita ang paghawak sa kamay ni Nick at sinasabing wag kaming iiwan habang lumuluha ang sugatang Ina. Samantalang sinasatinig ko naman ang mapapait na katagang “parang awa mo na “Pa”  di ko kayang mawala ka. Wag kang bibitaw sa pangako mo.”  Nang biglang dumating ang kanyang doktor at pinakisuyuan kaming lumayo muna para bigyan sya ng “cardiac arrest”. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat, ang wala kang magawa. Nakatingin ka lang habang unti-unting kinukuha ng kamatayan ang itinuring mo nang karugtong ng iyong buhay, parang pati ako ay namamatay sa sakit na aking nakikita. Parang tubig lang na umaagos ang luha ko sa aking mga mata. Ang luha ang katulong ko ng mga oras na iyon na ilabas ang napakabigat na dinadala ng aking dibdib.



Dr. Rosales: “One, two, three, 4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15, Nurse two rescue breath”

Nurse: “Yes Doc”


Paulit ulit iyon, hanggang ginamitan na nila ng defibrillator (makinang nagbibigay ng tamang dosage ng electrical energy para sa pag buhay sa puso)

AKO: “Panginoon ko, tulungan mo si Nick, bigyan mo pa sya ng kaunting panahon, hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi pa ako handa. Kahit konting panahon lang po. Hindi pa ako nakakapag-paalam sa kanya” Mahinang usal ko...


Paulit ulit, nalalamog na ang katawan ni Nick, hanggang sa i deklara ng doktor na itigil na.



ITUTULOY...