Pages

Sunday, April 24, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 3

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)




CHAPTER THREE...



Ayoko pang umalis dahil nawala ang gutom ko. Busog na ako sa nakikita ko kay Luis. Pero nakakahiya naman kung tatambay ako for the first time sa tindahan ni ate Mercy, hindi ko naman ginagawa yun. At saka me binili ako na talangang pang pananghalian, alangan namang sabihing kong para sa hapunan yung binili ko. Baka tawanan ako ni Luis at ang aga kong bumili ng pang hapunan. Kaya no choice kailangan ko syang iwan.


Hay ang saya ng paglalakad ko pauwi. Bagamat lalaking lalaki ako maglakad, pero sa isip ko kumekendeng ang buong sistema ko. Pati yata mga white and red blood cells ko ay nag paparty party sa loob ng ugat ko. Sumarap tuloy ang luto ko kasi sinamahan ko ng Kanta with LOVE... Buti nalang ma-oover come ko na si LEO.


Si LEO na sa loob ng 3 tatlong pagmamahalan namin ay laging saya ang dinulot sa akin hanggang sa makita ko nalang isang araw sa loob ng sinehan na may nagtatrabaho sa kanyang katawan. Isang gwapong lalaki ang tumitikim sa katawan ng boyfriend ko. Paanong hindi ko makikita sa dulo sila naupo at doon namin napag desisyunang umupo ni Papi. Ang ginawa ko ay nginudngod ko ang bunganga ng hayok at mang-aagaw na lalaki sa pagkalalaki ng manlolokong Leo na yon na hindi parin namamalayang nadun kami sa harapan nila. Buti nga sa kanya mabilaukan sya. Nabigla nalang si Leo sa nakita nya at takot na takot sa pagkakahuli sa kanya. Minura ko lang silang dalawa at saka dali-daling umalis ng sinehan. Kahit medyo dinig nang mga tao, wala akong pakialam, buti nga sa kanila maeskandalo sila sa panloloko nila. Sa sinehan pa nila nagawa.  Ang cheap ha. Habang binabaybay ko ang lagusan palabas ng sinehan na yun ay sya ring umpisa ng pagdaloy ng luha ko. Si Papi ang umalalay sa akin sa mga oras na broken hearted ako. Halos 8 buwan na ang nakakalipas.


Sa loob ng 8 buwan na yun, 1 buwan kong pinagtabuyan palabas ng bahay si Leo, pero makulit ang manloloko kaya lumipat kami ni Papi ng bahay para hindi nya ako mapuntahan. Pagkatapos nun 2 buwan syang tawag ng tawag. Pero hindi ko sinasagot. Pag nakukulitan ako sinasagot ko pero hindi ko pinapakinggan ang sinasabi nya, pinapatong ko sa mesa at hinahayaan kong maubos ang load nya. Kasalanan nya. Sinaktan nya ako. Hindi ko naman pweding patayin ang cellphone ko kasi baka tumawag ang company. Hanggang sa mag sawa narin sya sa pangungulit nya.


Isa lang kasi ang pamantayan ko sa buhay. Pag nakipagbreak ako, hindi na ako nakikipagbalikan kahit anung mangyari. Laging sinasabi ni Papi na mali ang pamantayan ko kasi walang magtatagal na relasyon para sa akin. Sinasabi nyang everybody is worth for second chance. Pero pag binabalik ko sa kanya ang issue. Na bakit si ganito hindi mo mabigyan ng second chance ay sya namang biglang tatahimik at iibahin ang topic na halatang umiiwas na sumagot sa tanong. Wala syang maisip na dahilan kung bakit di rin sya makapagbigay ng second chance. At saka anung magagawa ko wala na akong maramdamang pamamahal sa taong nanakit sa akin. Kaya hinahayaan nalang nya ako. Kakampi ko si Papi. Dahil alam nyang hindi ako marunong manloko sa relasyon. At ganun din si Papi. Kaya proud kami sa isa’t isa.


Biglang tumunog ang cellphone ko. Pag nobody nobody but you ang ringing tone ng phone ko, si Papi yun. Gusto daw nya yung kantang yun kaya yun ang nakaset sa phone ko pag natawag sya.


Naku gising na ang Dragona.


 “O ano gutom kana?.” Sagot ko sa phone.


“Good morning Papi”


 “Haller, Tanghali na, buksan mo yang kurtina mo at makikita mo na tirik na tirik na ang araw. Adik toh.”


“Ay imbyerna. Anu cookie monster(nakaluto) ka na ba . Lafang(kain) na we? Fly(punta) na bako dyan?” Ginamit na naman nya ang gay lingo nya. Yung iba naiintindihan ko, yung iba, oo nalang akong oo.


 “Luka-luka, Masaya ako no. Hindi mainit ang ulo ko. Iba ngayon. Bwahahaha. Oo. Luto na. Punta ka na nagugutom na ako.”


Magkapitbahay lang kami ni Papi at pag sabado ako nagluluto ng pagkain namin at mag oover the bakod lang ito at presto nakaupo na sya mesa.


“Papi  Winnie santos(panalo) ang julam ah.” Sunod sunod nyang subo. Nanlalaki ang mata.


“Hmmm... I smell something fishey Papi, what it is? isang winner major major PAPA yun noh.” Sabay taas ng kilay sa akin.


Buti nalang dinamihan ko ang sinaing na kanin, mukhang mapapalaban ang kaldero ko sa manananggal na ito.


 “He! Tumigil ka dyan. Basta. Secret walang clue” Sabay subo ng pagkain.


 “Echosera(sinungaling), tigilan mo ko. Sasabunutan ko yang kilikili mo”


 “Basta maloloka ka Papi”


At ang beki kinikilig, kahit walang clue alam nyang lalaki ang nasa isip ko kung bakit ako masaya. Ganyan kami. Kung sinong crush nya ay crush ko din at kung sinong crush ko ay crush nya rin. Pareho yata kami ng standards. Kung sinong unang nakakilala sa lalaki ay sa kanya, kahit patay na patay ang isa sa amin. Pero kung sinong natipuhan ng lalaki ay kanya. At pag naging bf na ng isa sa amin ang lalaki, hindi na namin tatangkaing makipagrelasyon kahit break na. Yun ay hindi rules para sa amin, kundi iyon ang gusto namin.


Sa daming nilalang sa mundo bakit ba kami mag-aagawan. Pinagsasaluhan lang namin ang kilig pero pag relasyon na ang usapan. Seryosohan na. Pag karelasyon na nya si “ganito”, tapos na ang kilig ko, minsan ako pa ang gumagawa ng paraan para lalong tumibay ang relasyon ni Papi at ng BF nya. Ako ang takbuhan nila pag nagaaway sila sa maliit na bagay. Pero pag niloloko nya ang Papi ko. Shut up kang lalaki ka. Baka masuntok lang kita.


Nagbibiruan nga kami, sinasabi namin, baka kami ang magkatuluyan sa bandang huli. Tapos sabay kaming mag Ya- YUCKKKKKKKKKKKKK!!!. Sabay tatawa...


Minsan nagseselos ang BF namin sa aming dalawa. Kaya pag nagseselos ang BF ko kay Papi, yayakapin ni Papi ang BF ko at sasabihan na “wag ka nang magselos, mahal na mahal naman kita.” At sabay akmang hahalikan sa lips pero biro lang yun. Papanoorin ko lang ang dalawa at sabay sabay kaming tatlo na tatawa. Ganun din ako sa BF nya.


Pero ngayon Single Ladies este single gentle –bi  kami.


Matapos ang lunch namin ay nagyakag manood si Papi ng sine at mag lakad lakad sa mall. Pagdaan ng kotse namin ay pinahinto ko ito sa tapat ng tindahan ni ate Mercy at napamulaga naman si Papi sa nakita nya. Tinted ang labas ng sasakyan at hindi kami nakikita ni Luis na kasalukuyang tao sa tindahan. Nakatingin lang ito sa gawi namin.  Hindi ko inaalis ang mata ko kay Luis ang sarap nyang pagnasaan sa lugar na hindi ka nya nakikita.


 “Hala Papi, sya ba? Ay naku kaya naman pala. Kahit ako sasarap ang pritong itlog at pinakuluang tubig ko kapag sya ang inspirasyon ko. Feel ko syaaaaaaaaaa.” Maloka-loka at dilat ang matang nakatingin si Papi sa dereksyon ni Luis.


 “O diba gwapo si Luis ko” Nakatitig parin ako kay Luis...


 “Aneeeeeeeeeeeek?(Ano) kilala mo sya? Luis ba kamo? Ay naku bakit nandyan sya sa tindahan ni Ate Mercy, O-M-G. Oh my goddess beauty, kamaganak sya ni Ate Mercy? What? May lahi ba silang kanu-bells?(Amerikano)”


“Ang daming tanong.  Baka nalahian lang.” Sagot ko


“Chosss.(bwisit)”  


 “Oy Papi , ang sama mo, bakit maganda naman si ate Mercy” Saway ko.


“O sige define BEAUTY. Abah Putsa, kung maganda si ate Mercy, ano na ako? FAIRY?”


“Hahahaha... Hala sama mo. Wag kang ngang ganyan sa ‘auntie- in-law soon to  be’ ko”


“Ah nangarap, yun ganun , nangarap na, tirik pa ang sunshine dizon(araw) Papi” Biglang namang bumaba ang kanina lang na hyper pitch nyang boses. Tanda ng pagtanggi sa aking sinabi.


“Na hawakan ko na kaya ang kamay nya.” Pagmamalaki ko sa kanya.


“Weee. Chinochorva(niloloko) mo ko. Ewan ko sayo Papi”


Bigla kong binuksan ang bintana at tinawag si Luis.


“Hi Luis.”


Biglang nagulat si Luis na ang kanina pa nakatingin sa nakaparadang sasakyan namin. Nagulat siguro at nahinuhang ako pala ang nasa loob. Bigla itong ngumiti at tumayo. Kita ko ang imaginary saliva ni Papi tumutulo sa ngiti ng hunk na si Luis.


Napapangiti ako ng palihim, sa isip ko “ayaw mong maniwala na close kami, o heto ebidensya”


“Onic ikaw pala yan. Ang daya mo ngayon mo lang binaba ang car window.” Nakangiting paglapit ni luis.


Wala akong maisip na sagot kaya iniba ko usapan.


“Luis, nood kaming sine sama ka?”


“Ha, Naku pasensya na wala si tita. Walang tao sa bahay ngayon.”


“Ganun ba, sayang naman akala ko makakasama ka.”


Nakita kong umirap ang mata ni Papi. Sinasadya kong huwag muna syang ipakilala.


“Oo nga. Gusto ko sanang sumama pero... Pero wag kang mag-alala I’m sure sa susunod sasama na talaga ako.”


Bigla akong sinundot ng mariin sa tagiliran ni Papi tanda ng pansinin ko naman sya at ipakilala kay PAPA. Denedma ko talga sya kasi ayaw nyang maniwala. E ngayon tulo na laway nya bwahaha.


“Ay sorry, nawala ang manners ko, my bad. Ah Papi este Fred si Luis” Sabay siko sa tagiliran ko. Masakit pero tiniis ko. Nahihiya kasi sya sa iba pag tinatawag kong Papi. Lalo’t bagong kilala.


“Luis si Fred, best friend ko.”


Inabot ko ang kamay ni Luis na walang kahiyahiya at ipinasok sa kotse at binigay kay Papi na parang isang kilo lang ng karne. Nagulat naman si Papi at inabot ito at nakipagkamay dito.  Ang bango ni Luis langhap ko ang singaw ng katawan nya. Amuy JUNSUN Beybi Pawder, Beybi kolown, Beybi oyl, Beybi corn ay anu bayun exagge na masyado... basta amuy Baby. Period.


Natawa si Luis sa akin sa ginawa ko. Pero nagulat si Papi. At nagtawanan nalang kaming tatlo. Pagkatapos magpaalam kay Luis at mangakong dadalhan nalang namin ng pasalubong ay umalis na kami.


 “O Ano naniniwala kana?” Hindi pa rin makapagsalita. At nakangiting nag da-drive habang daan patungong Mall.


 “Hoy Papi, ok ka lang?”


“Oo naman noh, ngayon pa nakita ko na ang ‘jowabells(boyfriend)-in -future’ ko” nangarap ang lola-conda.


 “Hello excuse me Madam, ako unang nakakita sa kanya”


“At excuse me too Dragona, hindi pa natin alam kung sino ang feel nya” Sabay taas nya ng kilay


 “Ako ang mamahalin ni Luis, dahil ako ang fresh at masarap.”


“Ay yan ang kaplang, wala kang binatbat sa galing ko sa pagpapaligaya. At tamis ng aking mwah mwah ... mga labi” Sabay hawak nya sa kanyang pisngi na parang nag momodel ng max factor.


Sabay busina ng nasa likuran namin na tanda ng ang tagal naming mag –fly dahil GO SIGNAL na ang Traffic Light... Sabay kaming tumawa sa kalokahan namin.  Malay ba namin na green na. Ganyan kami,nag papalamangan. Natapos ang palabas sa sine, bagamat pansamantalang nawala sa isip ko si Luis habang nanonood ng pelikula, ngayon nasa isip ko na naman siya habang naglalakad sa kahabaan ng MOA. Iba talaga ang dating sa akin ni Luis. Ngayon kasi ako nakakita ng ganung ka gwapo. Sa sobrang gwapo nya hindi ko sya mailagay sa memory ko, kailangan ko pa yata ng picture nya para maalala ko mukha nya. Nagpasya kaming tumitingin-tingin ng damit sa mall. Pang pasok sa opisina at pang porma next time narin.


 “Papi bagay to sa kanya diba?” Hindi ko sya napansin. “Hoy! Ay reminiscing ang acting, mamaya mo na nga isipin si Luis”


“Bakit Nangingialam? Hindi pwede?” Pagtataray ko.


“Tamo nag mumukha kang tanga, kabuya(mukhang tanga) ka “day”. Tulala ka, di mo ako naririnig”


 “atrebida(kontabida) ka talaga, Anu ba kasing sinasabi mo?”


“Itooo... kung bagay tong maong kay Luis?”


 “Ito?”


“Hindi. Yan! Yang suot mo! Nagtataka nga ako kung bakit suot mo eh! Bagay ba yan kay Luis? Syempre ito!”


 “Hehehehe. wag kang magalit, sinisiguro lang. Patingin nga.


Toinks! Butas na malapit sa zipper.


 “Anu, may pagnanasa? Butas malapit sa junior? May hidden agenda ka ba?”


“Wiz!(Hindi) Tumigil ka! Uso yan ngayon noh!” Taas pa ang kilay nya.


 “Ok sige” Para pag sinuot ni Luis makita ko rin. hahaha  “mukhang bagay nga sa kanya.”


“O pay mo na.”


“Bakit ako? ikaw pumili nyan!”


“Sino ba ang unang nakakita sa kanya diba ikaw, o ayan tinutulungan na kita. Hoy Papi pag yun pinakawalan mo pa. Nakuuuu... sinasabi ko sayo, sa AKIN yun babagsak! Maniwala ka.”


“Sure ka magugustuhan nya ko. Mukhang para lang sa babae ang Luis nayun”


“Ang hina ng fighting spiritbells. Basta ako bahala. Bayaran mo na to. Daliiiii!”


“As in now na? Nagmamadali! Excited?”


“Oo, magbabayad lang dami pang chikaness(sat-sat). Basahin mo limited edition. Mawala pa yan”


Punta sa counter, bayad ng mga pinamili pati maong ni Luis. Kain sa Cinabonn. Uwi sa bahay. Si Papi naman ang toka sa pagluluto ng hapunan. Basta halinhinan kami. Pagkatapos ng hapunan ay lumabas kami ng bahay at siguradong alam nyo na ang pupuntahan namin.  Kinakabahan ako pag si Papi na ang kasama ko sa ganitong bagay, hindi ko kasi alam ang tumatakbo sa utak nya.


“Hi ate Mercy”


 “O Fred, kumusta?”


“Mabuti naman po, pabiling pong chiz curls, dalawa at dalawang  mirinda apple flavor”Sabay abot ng bayad “Te, kumusta kana balita ko dinalaw ka ng pamangkin mo.”


“Heto, maganda parin.” Nagkatinginan kami ni Papi ng hindi napapansin ni Ate Mercy.


“Oo si Luis yun, nakita na sya ni Onic kanina, yaan mo papakilala kita pag dumating. Nag grocery kasi yung mag tiyuhin, pandagdag ng paninda, alam mo naman bukas linggo na, mabenta”


“Ah ganun ba.”  Matabang na sagot ni Papi.


“Ay ang sipag naman ni Mahal ko.” Bulong ko sa sarili.


“Linggo na pala bukas tapos, lunes, nakakainis tapos na agad ang day off ko pasok na ulit sa work. Nakakatamaaaaaaaaaad.  Grrrrr!!!”


“Oo tama ka, ang bilis ng araw.” te Mercy.


“Nga pala ‘te napasok paba si Luis sa school?” Singit ko sa usapan.


“Kakagraduate lang nun last October, may hinabol na subject kaya di agad nakagraduate nung March.”


 “Ah so naghahanap sya ng work dito o bakasyon lang sayo?”


“Gustong bigyan yan ng trabaho ng daddy nya, kaya lang gusto nyang tumayo sa sarili nyang mga paa kaya nagpatulong sa akin ang mommy nya na kung pwede dito muna sa akin tumuloy hanggang sa makakita ng trabaho. Kaya dinalaw nya ako dito, baka sakaling palarin na rin.”


“Bakit te may pakpak ba si Luis?” Tagline ni Papi.


“Adik?” Sagot ko


“Biro lang ‘te ha. Ang seryoso kasi natin.” Sagot ni Fred. Natatawa lang si ‘te Mercy.


Ang bilis ng utak ko. Process and process...Hmmm...Tama.


“May bakante sa amin”. “May bakante ba sa inyo?” Sabay pa kami ni Ate Mercy. Nagkatawanan kaming tatlo.


“Anu po bang natapos nya?” Tanong ni Papi.


 “O may bisita pala tayo? Kumusta Fred, Onic.” Dumating na ang asawa ni ate mercy, si Kuya Gody at ang prinsipe ng buhay ko, alam nyo na yun. Galing sila sa pag-go-grocery.


(ITUTULOY)

Friday, April 22, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 2

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)





CHAPTER TWO...



Pakamulat ng aking mata nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa kama, sa isang pamilyar na lugar, Ang bahay ni Aling Lagring. Ang ina ng kalaro kong si Fred. Nakita ko si Fred na nakatingin sa akin, binabatayan nya pala ang aking paggising habang hawak hawak ang laruan kotseng kahoy at nilalaro iyon sa ibabaw ng kamang aking hinihigaan.


 “Naaaaaaaay!, si tonyo gising na Nay”


May pananabik na bumaba si Fred ng kama at lumabas ng kwarto na akala mo ay may inaantay na muling nagbalik. Bumalik syang hila-hila sa kamay si Aling Lagring.


 “O Tonyo gising ka na pala utoy. Kumusta ka, may nararamdaman kaba, may masakit  ba sayo, nanggaling kanina dito si Duktor, chinek-up ka nya, ginamot narin nya ang sugat mo, pinahiran nya ng ointment ang mga pasa mo. Ang sabi nya dahil sa pagod, sa mga pangyayari, at sa sakit na tinamo ng iyong katawan kaya nawalan ka nang malay”


Biglang bumalik lahat sa akin ang pangyayari, napaiyak na naman ako sa pagkaalalang wala na akong pamilya. Ang lahat ng dagok sa aking buhay


 “Tonyo, tahan na, wag ka munang mag-isip tungkol sa bagay na yun, wala kapang kinakain buhat kaninang umaga, mag- gagabi na, kailangan mo munang kumain. Sabi ni Duktor pakainin ka daw agad pag nagising ka, para makabawi ang katawan mo at para gumaling ang sugat mo.” Pag-aalala sa tono ni Aling Lagring.


 “Oo nga Tonyo dapat kumain ka kasi gusto kong maglaro ulit tayo. Pero hindi pa pwede ngayon kasi may sugat ka pa. At saka dapat kumain kana kasi masarap ang ulam namin, sinigang, diba peyburit mo yun?” Nanlalaki pa ang mga matang at tumutulis pa ang ngusong wika ni Fred. Kung magsalita ay para bang dapat kang maniwala sa kanyang sinasabi.


Pero wala akong gana, ang gusto ko ay umiyak ng umiyak. Mas ramdam ko ang sakit na maulila kaysa sa sakit ng aking katawan at pagkagutom. Ilang lingo din akong nakatulala, Hindi ko matanggap ang pagkawala ni Inay, ang galit at pag-alis ni Itay at ni Junjun. Ang isiping nag-iisa nalang ako sa buhay. Inampon naman ako at pinalaki ni Aling Lagring na parang tunay na anak, tinuring din ako ni Fred na parang tunay na kapatid dahil nag-iisa lang syang anak. Mag-isa nalang si Aling Lagring sa pagpapalaki kay Fred at hindi nagkulang si Aling Lagring sa pag-aalaga sa akin bilang aking pangalawang ina at lagi nyang pinapaalala sa akin na hindi ko kasalanan ang mga nangyari, na dapat kong ipagpatuloy ang buhay para makita ko ang kapatid ko at makasama balang araw. Lagi nyang sinasabi na naging mabuting kaibigan sa kanya si Inay kaya hindi man nya mapantayan ang kabaitan nito ay susuklian nalang niya iyon ng pakupkop sa akin.


 “Tonyo, kumain ka ng marami para lumakas ka, kasi sabi ni Inay, sasabay ka na daw sa akin sa pasukan para pumasok sa skul, Hayaaaaan! magiging klasmeyt na kita.”


Sinasabayan lagi ako ni Fred kumain, para bang lagi syang tuwang tuwa kasi nagkaroon sya hindi lang ng kalaro kundi pati kapatid. At ngayon magiging magkaklase pa kami. Mabait sa akin si FRED.  Lagi nya akong ginagabayan. Kahit magkasing edad lang kami parang kuya kung umasta sya. Minsan nalilimutan ko ang mga pangyayari sa buhay ko dahil sa kanya.


Sa school...


“HOOOOYYY! ANUNG GINAGAWA MO KAY TONYO?”  Sigaw ni Fred matapos akong batukan at agawan ng baunan ng isa naming kaklase.


Tinulak niya ito sa damuhan at nang mapansin ng kaklase naming hindi sya uurungan ni Fred, dadali tong umalis at takot na takot na iniwan kami. Pinulot ni Fred ang baunan ko na inihanda ni nanay Lagring at ibinalik sa kin.


 “Salamat ha, kung hindi ka dumating wala na akong baon.”


 “Wala yun Tonyo, tignan ko lang kung lumapit ulit sayo yung gagong yon, humanda sya sa akin”


 “OO nga takot na takot nga sya, ambilis bumangon at nagtatakbo” Sabay kaming nagkatawanan.


 Minsan nalilimutan ko ang masaklap ng mga pangyayari sa akin sa tulong ng kaibigan at kapatid kong si Fred. Nandyan din ang kalinga at suporta ni Nanay lagring. Pero dumadating ang mga gabi na hindi ako pinapatulog ng masakit na nakaraan.


MATAPOS ANG 18 TAON...


 “INAY, ITAY, JUNJUN, WAG NYO KONG IWANNNNNNNNNNNN!!!”


Bigla akong napabangon sa kama. Ramdam ko ang butil ng pawis ko sa noo. Nanaginip na naman ako. Basa na naman ng luha ang unan ko. Asan na kaya si Junjun. Miss na miss ko na sya, naaalala pa ba kaya nya ako? Kilala pa kaya nya ako. Makikilala ko ba sya pag nakita ko sya? Mga tanong na pumapasok lagi sa isip ko tuwing mapapanaginipan ko sila.


“TAHOOOOOOOOOOOOOOO.” Sigaw na maririnig sa labas.


“Taho kayo riyan. Mga bata bili na kayo, tutoy tawagin mo ang nanay mo, hingi ka ng pera sabihin mo may taho.” Pang-uuto ng magtataho para makabenta.


 Yan ang maririnig sa pagitan ng alas nuebe at alas diyes sa lugar namin. Ngunit tuwing sabado at linggo ko lang naririnig dahil alas 6:30 ng umaga ang pasok ko mula lunes hanggang byernes. Kakagising ko lang, manaka-nakang naramdaman ko ang pananakit ng ulo dulot ng alak na nainom noong nagdaang gabi, madaling araw na yata akong nakauwi mula sa “disco bar”. Kung anung ganda ng gabi ko kahapon ay sya namang pangit ng gising ko ngayon. Pagkasarado ko ng aircon ay binuksan ko na ang electric fan at ang bintana ng inuupahan kong bahay para makalanghap hindi ng sariwang hangin kundi ng usok at alikabok mula sa labas. Iba na kasi sa Maynila, hindi na fresh air kahit saan. Bagamat hindi pa tanghali, ay  kainitan na ng araw. Lahat ng ale, mama, ate, kuya, bata, matanda ay nakapila na sa poso. Sa may banda roon naman ay parang animoy mga de makinang kababaihan ang walang kapaguran na nag-ba-brush ng kani-kanilang mga damit sa araw-araw nalang na ginawa ng maykapal. May kanya-kanya rin silang malaking palanggana, bangkito o bangko, tabla, espongha, sabon at clorox


May sumisigaw din ng puto, may kumakalembang naman na naglalako ng binatog, ito yung nilagang hinimay na mais na may niyog at asin sa ibabaw. May mga batang naglalaro ng Chinese garter, laglag panyo, text cards, tumbang preso na kahit nanlilimahid na sa karumihan ang katawan at tulo na ang sipon ay masayang-masaya parin. Meron ding sa gawi roon ay may mga nag-uumpukang mga tao na naglalaro ng pusoy dos at tong-its. Ganito ka-abala sa kanya-kanyang trabaho at libangan ang MGA ANAK NI JUAN sa kalye Rizal.


Ito ang panglimang lugar na nilipatan namin ni Fred matapos makakita nang trabaho dito sa Maynila. Oo, nakatapos ako ng kolehiyo sa tulong ni Inay Lagring. Maganda ang pagpapalaki nya sa akin, lumaki akong may takot sa diyos at pinalaking mabuting tao sa kapwa. Sa kabila nang mga pangyayari ay lagi akong pinapaalalahanan ni Inay Lagring na kalimutan ko ang na masasakit na nakaraan sa aking buhay at gawing kong masaya ang aking bukas. Alam kong hindi mababayaran ang kanilang kabutihang mag-ina kaya pinangako ko sa kanila ni Fred na magtutulungan kaming dalawa para maging maalwan at hindi na magtrabaho pa si Inay Lagring namin. Sinasabi rin ni Nanay Lagring na malaki ang pagkakahawig ko kay Inay kesa sa Itay. Halos lahat daw ng pisikal na anyo sa Nanay ko nakuha.


Nasa kabilang bahay-paupahan nga pala si Fred. Dati magkasama kami pero nung maisipan naming kailangan namin ng privacy dahil may mga panahon na may boyfriend ang isa sa amin naisip naming mag tig-isang lugar nalang. Oo pareho kaming hindi tunay na lalaki ni Fred. Pero ngayon pareho kaming not committed, in short “available”.


Ako nga pala si Tonyo Guevarra, minsan ang tawag sa akin “Tonyo” pero dito sa Maynila, madalas “Onic”. 23 taong gulang at 5 taon ako nang mangyari sa akin ang masaklap kong nakaraan, si Fred Guevarra ang bestfriend, kapatid, kuya-kuyahan at barkada ko. Pareho ang edad namin. Pinaregister narin ni Inay Lagring ang pangalan ko at pinalitan ang apelyido sunod sa apelyido ng nasira nyang asawa para daw maging ganap ang pagiging magulang nya at kapatid ni Fred sa akin. Papi ang tawagan naming mag bestfriend. Pareho kami ng pinapasukang kumpanya ni Fred sa isang sikat na Telecommunication Company sa Pinas. Administrative Manager sya sa branch namin at nasa MIS department naman ako bilang superbisor. Ako lang ang nakakatawag sa malditang yun ng ganun. Ang tawag sa kanya ng Company staff and superiors ay Sir. Guevarra. Hindi alam sa company namin ang tunay naming preferences.


Kinakatakutan si Fred sa Kumpanya sa pagiging estrikto sa rules nito. Hindi mababayaran ang pagiging loyal nito hindi sa boss kundi sa policies and regulations. Kahit mga Boss ay saludo sa gagang ito. Dati Binalak kong bumili ng sasakyan pero hindi na ako pinayagan ni Papi. Bakit pa daw, meron naman si cinderellang magic pumpkin. Pinag-aral nalang niya akong mag drive ng kotse para pag kailangan kong umalis mag-isa ay magagamit ko ang kotse nya.


Tuwing sabado ganito ang umaga ko. Kahit gusto ko pang matulog ay hindi ko na pinilit pa dahil sumasakit lang ang ulo ko.  Sinarado ko na  ang kurtina para naman kahit papaano ay hindi pumasok ang init sa bahay. Nagtimpla at humigop ng kape sabay sindi ng yosi. Nakakaginhawa. 


Naisip kong lumabas muna at maghanap ng matatanghalian.  Nilagang baka yun ang pumasok sa isip ko para maalis ang sakit ng ulo ko. Matapos kong  bumili ng baka at mga sahog sa mini palengke ni ate Mercy ay bumili  narin ako ng V-cut  na paborito ko nung bata pa ako at hanggang ngayon ay gusto ko parin para habang nagluluto ako ay hindi kumakalam ang sikmura ko sa gutom. Pagka-abot ko ng bayad ay napansin ni ate Mercy na malaki ang pera ko.


 “Wala ka bang barya Onic?”


 “Wala te, kahit mamaya ko na kunin. Para ka namang iba”


  “Ay hindi, intayin mo na saglit papabarya ako. Alam mo naman ako. Makakalimutin. Mahirap na, nakakahiya sayo. Ikaw lang at yung isang suki ko ang hindi nangungutang sa akin uy.”


“Ang sakit mo namang magsalita mercita, hello andito ako sa harap mo, nagpaparinig kaba? bakit nagbabayad naman ako ah” Ang singit ni Ate Joy, isa pang suki ni Ate Mercy.


 “Aba hindi ah, bumubulong nga ako, narinig mo pala, kailan ka nagbayad? Aber? Hoy Ligaya, tatlong buwan. Tatlong buwan na yung utang mo.” Sagot naman sa kanya ni Ate Mercy.


  “Akala ko ba makakalimutin ka.”


  “Oo pero may notebook at ballpen ako. At ligaya, maryosep naman tatlong buwan. Tatlong buwang utang, makakalimutan ba yun? Syamnapung araw kong nakikita sa listahan ko, ay tinamaan ka ng magaling pag hindi mo pa namemorya.”


 “Yaan mo babayaran kita. Pag bumaba na sa barko yung boyfriend kong Prends”


 “Anung Prends?”


 “Prends, yun bang pranses sa tagalog”


 “French. Gaga. Aba pitong buwan mo ng sinasabing baba yun sa barko ah. Hindi kaya lumampas na yun ng ilalim na lupa. Baka nasa kaharian na yun ng mga laman lupa.” Natatawa naman ako habang pinapanood ko ang dalawa.


 “Sobra ka namang magsalita. Sige na. Ilista mo na itong nakuha ko” Pambihira talaga itong si Ate Joy.


Ganyan si Ate Mercy kabait sa mga kaibigan nya. Matagal na yata sila ni Ate Joy magkaibigan. Sa totoo lang wala daw sa kanya ang mga kinukuha ni Ate Joy. Tulong na daw nya yun sa kanya. Pero hindi nalang nya sinasabing wag na nitong bayaran dahil baka mamihasa. Ginagamit nya ang salitang “utang” para kahit papaano ay mag hanap ng trabaho si Ate Joy dahil prosti si Ate Joy. Ayaw ni ate Joy ang maghanap ng ibang trabaho, ang katwiran nya wala syang natapos at mauuwi lang sa pagkatanggal sa trabaho gaya ng naranasan na nya nang maraming beses , ang gusto nya titihaya lang sya sa kama at ayun may pera na sya. Pero ibang iba si Ate Mercy may asawa at anak ito at kahit minsan ay hindi sya napasuot sa ganun trabaho. Pero para sa kanya. Hindi masyadong totoo ang salitang “Birds with the same feather, flock together” dahil kahit magkakaibigan meron parin silang mga pagkakaiba.


Ang totoo nyan, kung sino ang gusto nyang kaibiganin ay kinakaibigan nya. Wala syang pinipili anu man ang kalakaran nito sa buhay. Ang katwiran nya “kaibigan kita, anu man ang karga mo, ikaw bahala dyan, hanggat wala kang ginagawang masama sa akin, friends tayo”. Dahil alam nya kung sino ang mabait sa panlabas at mabait sa panloob na pagkatao.


 “See. Utang na naman.”


 “Basta ilista mo, alis na ako, nagugutom na si Nanay”


 “Sige. Ay naku Onic, pasensya kana pinag-antay kita, alam mo naman yang si Ligaya, Hay Naku.”


 “Ok lang te. Wala namang pasok” Binuksan ko muna ang isang V-cut habang nag-aantay ng sukli.


 “Ah sandali papabaryahan ko to. Ah Luis!!! Luis!!!”


 “O, tita Bakit po?” sagot naman ng pamangkin nya sabay labas mula sa loob ng bahay.


Grabe muntik nang malaglag ang V-cut sa bibig na nilalantakan ko na ng oras na iyon dahil napanganga. Nakasando ito na blue na hakab na hakab ang korte ng muscle ng katawan, big chest, strong shoulders na may “tribal tattoo” sa maputi nyang braso. Flat stomach na baka binuksan mo ay nandun ang mga ‘abs’. Naka brown military shorts na lampas tuhod lang. Ang PUTI as in hanggang talampakan, namumula yata ang talampakan nya na parang Pinkish pa.


Nakaidentify ang salitang H-U-N-K pag nakita mo sya. Naka CAPITAL LETTERS PA.  May konting highlights ang buhok na halatang bagong gising din dahil medyo magulo pero parang inistyle lang ng Bench or James Cooper Salon. Puting Macho ika nga ng iba. Kahit malaki ang katawan nya ay sya namang cute ng hubong ng mukha nya.. At sobrang haba ng pilik at may palangiting mga mata. Tamang tangos ng ilong at ang nakadadag sa tindi ng ka cute-an nya ay ang kanyang trimmed na balbas na luminya mula sa patilya pababa sa kanyang baba. May pamangkin pala si ate Mercy na anak ni Bathala, oo mukha syang prinsepe. Parang nag aawitan ang mga panindang isda ni ate mercy, at ang init ng araw, parang spotlight lang sa entablado, ang simoy ng alikabok nagiging oxygen sa paraiso. Ganito ba talaga ang nagagawa ng mga anak ni Zues, este ni Luis... nagbabago ang paligid.


 “Luis pabaryahan mo nga tong isang libo sa may kanto dun sa Aling Bebang Groceries tapos suklian mo si Onic. Ay nga pala Onic pamangkin ko si Luis kakarating lang kagabi galing sa province namin. Luis sya si Onic, mabait kong kapitbahay at suki. Dyan lang yan sa malapit nakatira.” Sabay kindat sa akin ni ate Mercy. Buti nalang hindi nya ako nakitang nakanganga.


 Alam ni ate Mercy kung ano ang preferences ko, at nakita na rin nya dati ang ex- boyfriend ko..


 “Hello Luis”


 “Hi Onic.”


 Nakangiti nitong bati. Napahawak agad ako sa bulsa ko baka kasi nalaglag yung shorts at brief ko . (Etchos) Sabay nakipag kamay sa kanya. Tinamaan ng lintek ang satap hawakan ng kamay, tuyong tuyo, makinis at malaki. Buti nalang hindi ako pasmado. Pwede na akong hindi kumain ng nilagang baka, busog na ako sa kamay ni Luis.


 “Suklian mo na rin sya ha, nasa notebook ang nakuha nya... Papasok muna ako at yung niluluto ko baka napano na. Pagbalik mo ikaw muna ang tumao dito sa tindahan.” Paalala ni Ate Mercy sa pamangkin nya.


Tango lang ang sinagot ni Luis at tumango din sa akin tanda ng pagpapaalam pasumandali. Mukhang mahiyain sya. Bakit sya nahihiya, may maipagmamalaki naman sya. Naku paano nalang kung average looking sya, di lalo na syang nahiya. Pag kaalis ni ate Mercy ay nilingon ko agad ang papaalis na si Luis. At tinitigan ang papalayong magandang nilalang. Hay ang sarap naman tanawin. Kahit maputik ang lugar naming, maalinsangan ang paligid ay gumanda ito na parang Disney Land dahil kay Luis. Parang hinipan ng malakas na hangin ang sakit ng ulo ko nang makita ko sya.


Maloloka si Papi pag nakita nya ang nakikita ko.


 “Onic? ONIC!”


Tawag ni Luis, habang wla ako sa sariling nag mumuni muni. Napahiya tuloy ako.


 “Ay Sorry. Andyan ka na pala”


 “Ok lang. O ito na yung sukli mo.”


 “Ah sige salamat. Uwi na ako pakisabi kay ate Mercy ha.”


 “Ok sige sabihin ko.”


 “Ah ok. Sige bye.”



(ITUTULOY)

Wednesday, April 20, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 1

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)





CHAPTER ONE...



“Ako...sino nga ba ako... kahit ako hindi ko mabigyan ng katauhan ang sarili ko pero alam ko masaya na ako.”


Ito ang kwento ng buhay ko... 


 “O Itay, dalhin mo ito, nariyan na ang hapunan mo at almusal mo bukas. Pag nagutom ka mamaya may ginataang saging sa loob may kape at asukal narin dyan, mag painit ka nalang ng tubig sa kubo.” Sabay abot ni Inay ng balutan sa Itay.


“O sige Nay salamat dito, Aalis na ako, malapit ng lumubog ang araw”


“Oo  magmadali kana, mahirap gabihin sa daan walang ilaw ang kalsada. O Tonyo, Junjun, mag paalam na kayo sa Itay nyo.” Tawag ni Inay sa amin nang nakababata kong kapatid na si Junjun o Julian Jr., para magpaalam kay Itay.


Yumakap at humalik sa amin si Itay.


“Paalam tay. Ingat kayo” Magkapanabay pa naming sabi ni Junjun.


“Tay pasalubong namin ha” Pahabol kong sabi kay Itay. Inaasahan lagi namin na magdadala si Itay ng minatamis na Niyog na mabibili sa kanyang dinaraanan.


“Oo alam ni Tatay yun. Di makakalimutan yun, para yata yun sa mga anak ko” Pakorning tono ni Itay.


Sabay ngiti sa amin at humarap sa Inay.


“O siguraduhin nyong nakasarado ang bahay. At wag na kayong magpapapasok ng bisita.” Pagpapaalala ni Itay.


 “Alam ko,sige na, baka gabihin ka pa.”


 “Inay parang kinakabahan ako, wag na kaya akong tumuloy?” Pag-aalangan ni Itay.


 “Anu kaba, Dyan ka lang naman sa palayan pupunta, anung ikinakaba mo? At saka nakakahiya kay Senior Enrico. Ikaw ang pinagkakatiwalaan nya. Wag ka nang kabahan ‘Tay, kayang kaya namin ang sarili namin. At malapit lang naman ang kapitbahay nating si Lagring. Lakad na at palubog na ang araw.”


 “O sige, mag-iingat kayo.” Tumalikod na ang Itay pero muli itong humarap sa Inay at winikang “Mahal na mahal kita Rosario”


Narinig namin ni junjun ang pagkamalambing ni Itay.


“Uyyyy... si Itay at si nanay” Ang pakilig kong pagkakasabi sa dalawa.Sabay ngiti ng aming magulang.


Umalis na rin si Itay at doon sa kubo sa palayan sya matutulog na malayo sa aming tirahan. Naroon ang malaking imbakan ng bigas at madaling araw kokolektahin ang mga sako sakong naaning bigas. Ihahatid ito sa Maynila ng mga taong inutusan ng may-ari ng lupa na si Senior Enrico. Di nagtagal matapos ang hapunan ay nagsimula na kaming masipagtulog...


“Anak gising, gumising kayo bilis, nasusunog ang bahay” Ang sigaw ni Inay.


ِِNananaginip daw ako na naka bilad daw ako sa ilalim ng sikat ng araw, kaya pala ramdam ko pa ang init sa aking mukha. Kaya pala iyon ang napapanaginipan ko ay dahil sa paglagablab ng apoy na halos umabot na sa kalahati ng aming dampa.Mabilis nitong winawasak at kinakain anu man ang mahagip. Mabilis akong bumangon pero hindi ko maaninag ang paligid, dahil puro usok ang loob ng kubo.  Natataranta na ako, gising na ang buong sistema ng katawan ko, inaninag ko kung nasaan si Nanay at si Junjun, mabilis kong pinuntahan ang nagsisimula nang umiyak kong kapatid para buhatin at sabay-sabay kaming lumabas ng kubo, hinanap ko si Inay, inaninag ko din syang mabuti kung ano pa ang ginagawa nya gayong malala na ang sitwasyon. Kinukuha pala nya ang basket na naglalaman ng mahahalagang bagay para sa kanya, ang kwintas na pinamana sa kanya ng lola, ang mga litrato namin, ang ipon ni Itay sa pagtatrabaho, at ang iba pang mahahalagang bagay ni Inay. Dahil naipit ang basket ng nalaglag na malaking kahoy hindi tuloy ito makuha ni Inay.


 “INAY TAMA NA YAN!!! UMALIS NA TAYO, LUMALAKI NA ANG APOY, NAY!!!” Ang pagsigaw ko para kumilos na ang Inay at hayaan nalang ang basket dahil nanganganib ang buhay namin.


Pero ayaw paring bitawan ni Inay at hindi parin sya paawat sa pag-hila ng kanyang basket. Hanggang sa nangyari ang isa pang bagay na hindi ko inaasahan. Isang malaking kahoy ang bumagsak mula sa taas at nadali nito ang isang hita ni Inay.


“ARAAAAAAY!!!”Ang palahaw ni Inay sa sakit.


Dahil sa nangyaring iyon ay lalo kong naramdaman ang takot, dahil kumakalat na ang apoy at lumalaki na ito ng mabilis, ngayon naman si nanay naman ang hindi ko mai-alis sa pagkakadagan ng kahoy, pilit ko syang hinihila.


 “INAAAAAAAAY!!!”


 “Lumabas na kayo ng dampa, iligtas mo ang kapatid mo, bilisan mo!!!” Pagtulak ng kamay sa akin ni Inay.


 “INAY, PAANO KAYO? HINDI, HINDI KITA IIWANAN” Ang desperado kong tugon sa nanay.


 “Tumakbo kana, humingi ka ng tulong sa labas”


Tama si Inay kung lalabas ako at hihingi ng saklolo, may posibilidad na makuha agad sya. Yun ang paraan para maligtas kaming lahat, kaya binuhat ko si Junjun, tumakbo at humingi ako ng tulong sa mga tao at sabihing naiwan pa ang Inay sa loob at naipit ng malaking kahoy. Pero nang makalabas kami ng kapatid ko at walang anu-anu ay bigla nalang bumagsak ang dampa at lalong lumaki ang apoy.


 “ INAAAAAAAAAAAAAY!!!”


Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Biglang nawala ang pag-asa na makukuha ko pa si Inay.Sasabog yata ang utak ko sa pagkawala ng pinakamamahal kong Ina, Alam ko na kung nagtagal pa kami ni Junjun sa loob ay walang makaliligtas sa aming tatlo. Ayokong isipin ang sakit na naranasan ni Inay habang unti unting nilalamon ng apoy. Tumakbo na ako palayo sa aming nasusunog na bahay, bitbit ko ang kapatid kong si junjun, pupuntahan namin ang pinakamalapit na kapitbahay naming si Aling Lagring  na medyo may kalayuan din sa aming dampa. Nang bigla nalang naming narinig ang isang malakas na pagsabog sa loob ng gumuhong kubo. Lumingon ako puno ng luha sa aking mga mata. Lumaki lalo ang apoy. “INAAAAYYYY” Sigaw ng isip ko.


Alam kong wala ng magagawa ang pag-iyak para muling mabuhay si Inay, pero iyon lang ang tangi kong nararamdaman ang maghinagpis at umiyak ng umiyak. Madalim pa ang paligid maaaring mga ika-lima o ika-anim palang ng umaga, pero tumitilaok na ang mga tandang, kasabay ng paglagablab ng aming munting tirahan. Nagsisimula nang magdatingan ang mga tao, narinig nila marahil ang malakas na pagsabog at nakita nila ang malaking usok sa gawi ng aming bahay. Nasalubog agad namin si Aling Lagring sa daan. Si Aling Lagring ang matalik na kaibigan ni Inay, dali-dali nya kaming sinalubong at niyakap kami ng kapatid kong umiiyak. Nariyang hahaplusin ang mga mukha namin at yayakapin muli, titignan muli kami at tatanungin kung anung masakit sa amin, titignan kung may galos ba kami at muling yayakapin. May mga taong nakatingin sa amin, may iba na tumatakbo diretso papunta sa lugar malapit sa nasusunog naming kubo.


 “Nasan ang Inay nyo???”


Sinabi ko sa kanya na patay na ang Inay at umalis ang Itay dahil nagbantay sa palayan.


 “ROSARIOOOO, huhuhu.... Diyos ko... ROSARIOOOO” Katulad ko hindi sya makapaniwala na wala na si Inay.


Nakikisimpatya si Aling Lagring sa masaklap na nangyari sa aming  pamilya. Dinala nya kami sa bahay nya para linisin at palitan ng damit at pakainin narin. Lumabas na nang tuluyan sa kinakukublihan nito ang haring araw at mga alas siyete na siguro iyon ng umaga nang dumating ang Itay, nakita nya na marami paring tao sa paligid at may bomberong nagliligpit matapos maapula ang apoy at rumisponde na rin ang mga pulis at mga nakatoka sa pagkuha nang bangkay ni Inay sa nasunog na dampa. Pero sinabi ng mga ito na wala nang naiwang labi sa loob ng nasunog na kubo, dahil sinaid na ito ng apoy. Sinabi nila na sobrang malaki ang apoy at nahagip nito ang tangke ng gas na sanhi ng malakas na pagsabog.


“Iyon pala ang sumabog kanina” bulong ko sa sarili.


Si Itay matapos mapagtanto ang mga pangyayari ay nagsisigaw, tinatawag nya ang diyos at tinatanong kung bakit ito nangyari sa amin.  


“tuya batit kaw iyak?” tanong ng kapatid kong hindi pa tuwid magsalita.


Niyapos ko ang natitirang alaala ni Inay.


 “Jun tandaan mo to, hindi tayo magiiwanan ha. Basta lagi ka lang sa tabi ko ha.” Humihikbi kong sabi sa kapatid ko.


“Opo tuya, pero tuya asan ti naynay?” Ang tanong nya muli.


 “Nasa langit na siya Jun, Masaya na si Inay” sagot ko naman.


Biglang lumingon si Itay sa kinaroroonan namin.


 “IKAW, IKAW ANG DAHILAN KAYA NANGYARI ITO!!!”Ang baling sa akin ni Itay. Dagli nyang hinablot ang aking braso at dinuruduro ang mukha ko.


 “Ka Poldo, anu bang pinagsasabi mo?” Gulat na tanong ni Aling Lagring. Pero hindi sya pinansin ni Itay at nanatiling nakatingin sa akin.


 “IKAW ANG SUMIRA SA BUHAY NATIN, IKAW ANG LAGING NAKAKAIWAN NG KANDILANG BUKAS, IKAW ANG SUMUNOG SA BAHAY, IKAW ANG PUMATAY SA ASAWA KO!!!” Ang nanggagalaiting sigaw ni Itay.


 “Bitawan mo ang anak mo Ka Poldo, walang kasalanan si Tonyo, hindi ka pa sigurado kung iyon nga ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay nyo”


 “Anung hindi, iyon ang sinabi ng mga imbestigador, ang kandila ang pinagmulan ng sunog. KAYA IKAW, IKAW ANG MAY KASALANAN” Lingon kay Aling Lagring at baling muli sa akin.


 “Itay tama na po Itay, huwag” patuloy na pananakit sa akin ni Itay.


Nakita ni Itay ang walis at kinuha niya ito at galit na galit na inihambalos sa akin.


 “ARAY TAMA NA ITAY, MASAKIT YAN.” Pamimilipit ko sa sakit, hindi ko na alam kung saan dumadapo ang kahoy sa sobrang dami ng paghataw ni Itay, ang alam ko lang mahapdi ang bawat hampas para itong apoy na nakakapaso sa init at lumalatay iyon hindi lang sa aking balat, kundi pati sa aking pag-iisip.


“Tay mana, wawa si tuya” Pagsigaw ni Junjun.


 “ANU BANG GINAGAWA MO POLDO, ITIGIL MO YAN!!!” Awat ni Aling Lagring.


Humihingal at tumutulo ang luha ni Itay nang tumigil sya sa kanyang nagngangalit na paghampas sa akin. Niyakap ako ni Aling Lagring. Kahit mahapdi, niyakap ko si Aling Lagring, kailangan ko ang yakap na iyon dahil hindi ko na kaya ang mga pasakit na aking nararanasan. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at ramdam ko rin ang daloy ng dugo sa mga nasugatang ugat dulot ng mga latay sa aking balat.


Nakakatakot si Itay ng mga oras na iyon, hindi ko na sya kilala, habang yakap ko ang umiiyak na si Aling Lagring marahil sa awa sa akin dahil sa aking sinapit, tinignan ko si Itay pero iba ang nararamdaman ko sa kanya, bigla syang parang naging estranghero, kinakapa ko ang puso ko kung mahal pa ba nya ako. Biglang binuhat ni Itay si Junjun.   


 “WAG NA WAG KANG SUSUNOD SA AMIN. HINDI KO NA GUSTONG MAKIKITA ANG PAGMUMUKHA MO. ANG MUKHANG SUMIRA SA BUHAY NG ASAWA KO!!!” Panduduro ni Itay sa mukha ko. Inilalayo naman ako ni Aling Lagring marahil sa takot na makuha muli ako ni Itay at saktan.


Tumawag sya ng tricycle at dali-daling sumakay at namalayan ko nalang ang sarili ko na hinahabol ang tricycle na sinakyan nina Itay.


 “ITAYYY, SANDALI, JUNJUN!  WAG NYO KONG IWANNNNNNNN!!!”


“TUYAAAAAAAAAA!!!” Si Junjun.


 “DIYOS KO NAMAN! POLDO! BUMALIK KA!” Naririnig ko si Aling Lagring na nakikihabol at sumisigaw sa likuran ko. Binilisan ko  ang aking pagtakbo, hindi ko kayang mawala sila sa akin.


 “ITAYYYYY! SAMA AKO ITAY!, WAG NYO KONG IWANNNNNNNNNNNN!!!”


Mabilis ang tricycle, hindi ko yata kayang tagalan pa. Hindi ko na kayang tumakbo pa, wala ng lakas ang mga paa ko. Ang hirap ng aking kalooban dahil sa pagiwan sa akin ni Itay, Ang kanyang galit, Ang pag kawala rin sa akin ni junjun, Ang sakit din ng aking katawan sa mga latay, Ang init din ng lupa na aking tinatapakan na ramdam ng aking mga paang walang sapin, Ang hinagpis din ng aking puso na dulot nang pagkawala ni Inay, Ang takot din dahil sa pagkawala ng matitirhan, Ang pagiging mag-isa, walang ina, walang ama, walang kapatid, walang kasama, walang tigil na pagluha, walang lakas, hanggang sa bumagsak nalang ako sa lupa....


Wala na akong namalayan pagkatapos...



(ITUTULOY...)

Sunday, April 17, 2011

ABANGAN...


Naranasan mo na bang madapa, marahil hindi lang siguro madapa kundi mapasubsob sa masaklap na buhay, yung akala mo hindi mo na kayang bumangon, at paulit-ulit kang hinihila ng lupa, pero nagmamatigas ka , bumabangon ka kahit alam mong parang wala nang dahilan. Bumangon ka at muli na namang nadapa, paulit –ulit, masakit na ang iyong nagdurugong pagkatao, pero siguro may mga bagay ka pang kailangang gawin para bumangon, kaya ginawa mo muli ang bumangon. Hangang sa dumating ang pagsubok na hindi mo alam kung kaya mo pang pagtagumpayan. Ako... Kung ako lang ang masusunod gusto ko pang bumangon at mabuhay para sa Kanya... dahil mahal ko Siya...



"ANG PAMANGKIN NI ATE MERCY"... 
ABANGAN...


BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)
Blogsite: akosijamesw.blogspot.com