Pages

Friday, May 13, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 9


BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)


CHAPTER  NINE...



Makalipas ang isang lingo, hindi parin dumating ang inaasahan kong dadalaw sa akin. Nakakaupo na rin ako sa wakas. Tinanggal narin ang badage sa mukha ko. Masaya ako kasi dalawang araw nalang at makakalabas narin ako sa nakakaboryong kwarto ng ospital na ito. Sobrang namimiss ko nang maglakad sa ilalim ng araw. Ang sarap sigurong mag-beach sige pag nakarecover ako. Pero malungkot pa rin ako. Kasi wala siya. Siya lang naman ang nagbibigay ng sigla sa akin.


Nasabi ko narin kay Papi ang suspect sa nangyari sa akin, hindi parin mahanap ngayon ang kuya ni Janice. Pero may malapit na kaibigang sarhento si Papi kaya alam kong mapapabilis ang paghahanap sa hayop na kuya ng babaeng iyon. Buti nalang hindi malaki ang naging damage sa mukha ko. Kung hindi sobrang malaki ang sisingilin ko sa gumawa nito sa akin.


Araw araw hindi ako nawawalan ng bisita, lahat laging taga-company. Wala naman kasi kaming ibang kamag-anak sa Maynila. Dumating ang nanay Lagring mga bandang tanghali at may dala-dalang nilutong ulam. Ayoko kasi ng pagkain sa ospital, bukod sa matabang at hindi masarap. Narurumihan ako. Hindi naman talaga marumi pero pakiramdam ko hindi ko yata kayang kainin yun. Kaya araw-araw nagluluto ang Nanay lagring ng mga pagkaing namiss namin.


“Nay sobra nabusog talaga ako. Hindi parin nagbabago ang mga lutuin nyo. Dala nyo ba yung palayok nyo?”


“Naku nambola naman itong batang ito. Hindi, ke bigat-bigat nun, bakit ko naman dadalhin”


“Lasang luto sa palayok kasi ang ulam.”


“Sus nambola pa itong batang ito.”


“Magpagaling ka na nga lang, ang dami mo pang drama dyan” Si Papi.


“Hehehe, hindi kaya totoo naman iyon”


“Fine hindi na ako kokontra kasi may sakit ka.”


“Hehehe. Lakas ko talaga kay Papi”


Nagkwentuhan kami, nanood ng tv, the buzz, natulog pagkatapos, tapos nagmiryenda pagkagising. Sobrang tagal talaga ng oras. Nakakainip.


Nasa kainitan kami ng tawanan dahil nagkukwento si Papi nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Ate Mercy. Pangatlong beses na ni Ate mercy na dumadalaw sa akin, nung ikalawang beses kasama nito ang asawa. At ngayon mag-isa na ulit siya, parang hindi na naman nito kasama ang inaantay kong tao.


“Magandang gabi po Inang” Ang bati ni Ate mercy kay Inay Lagring


“O Mercy tuloy ka. Naku ikaw talaga, napakabait ng taong ito. Lagi nalang inaalala ang mga anak ko. Maupo ka.


“Eh para ko naring kamag-anak ang dalawang batang iyan. Mababait na kapitbahay ang mga anak nyo Inang”


“Salamat Mercy. Alam mo ba Onic, sa kanya galing ang isdang niluto ko kanina, binigay na naman nya iyon”


“Nakakahiya na po sa inyo Ate mercy. Lagi nalang kayong nag-aabala”


“Naku Onic tsina-charing mo ako. Ikaw nga itong sobrang tumulong sa pamangkin ko hanggang sa magkatrabaho.”


Natahimik naman ako ng maalala ko si Luis.


“Ay si Luis? Nakita ko kanina yung batang iyon sa tindahan nyo. Ay napamatipuno at gwapong bata naman ng pamangkin mo.” Si Inay


“Naku may lahi po kasing amerikano yung batang iyon. Inampon lang po kasi iyon ng kapatid kong babae.”


“Ah ganun ba.”


“O Papi, bakit ka tahimik dyan” Pabulong na usal sa akin ni Papi.


“Wala Papi, bakit naman ako tatahimik?”


“Hmpt ako pa ang niloko mo.” Sabay ngiti. Ngumiti na rin ako. Alam nya ang nasa isip ko, sinabi nya kasing dadalaw ito agad pag nagkamalay ako. Pero hanggang ngayon hindi ko parin sya nakikita.


Biglang bumukas na naman ang pinto. At pumasok na ang taong may hawak ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang gusto kong ngumiti sa sobrang tuwa. Pero hindi ako nagpahalata. Simple lang akong lumingon sa kanya na may maaliwalas na mukha.


“Kasama mo pala Mercy ang pamangkin mo.”


“Opo, linggo naman po ngayon at wala ng ginagawa, tapos nadoon naman yung asawa ko sa tindahan, kaya sumama na tong batang ito.”Nagmano lang si Luis sa Inay Lagring at lumapit na sa amin ni Papi.


“Hi Fred.”


“Hi Luis. Mabuti pa iwan ko muna kayo, punta lang ako kina Inay ha.” Bakit ganun parang meron akong hindi alam.


“Hi Onic kumusta kana?”


“Ok na ako. Ang daya mo. Hindi mo ako dinalaw. Sabi mo pupunta ka dito after a day na mag kamalay ako.”


“Ahmm Onic, actually, hindi totoo ang sinabi mo.”


“Anung ibig mong sabihin?”


“Araw-araw akong narito sa Ospital, alam ni Fred iyon.”


“Ha? Anung? Bakit hindi kita nakikita? Anung ibig mong sabihing alam ni Fred? Bakit hindi nya sinasabi sa akin?”


“Ah kasi ganito yun. Kasi paano ko ba papaliwanag?”


“Sige lang chillax, just tell me about it.”Ako


“Ah kasi, Nung malaman ko ang nangyari sayo, sobrang nag-aalala ako. Nung malaman ng buong admin section ang nangyari sayo, sumama ako kina Fred at Clair nung dalawin ka.”


“Bakit hindi kita nakita?”


“Wala ka kayang malay nung time na yun.”


“OO nga no. Bakit hindi sa akin sinabi ni Fred na araw araw nandito ka?”


“Ganito nga kasi. Habang nasa kotse kami ni Fred, May sinabi si Clair na ang lugar kung saan natagpuan kang walang malay. Yun daw ang lugar na sinabi sayo ni Clair na address ni Janice at alam ko yung lugar na iyon. May hinala kami na sya ang pakay mo sa lugar na iyon.”


“Tapos”


“Tapos, natuwa ako at nakaramdam din ako ng guilt kasi, kung totoong si Janice ang pakay mo, ibig sabihin dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito sayo.”


“Ok lang iyon. Ganun ako sa kaibigan.  Bakit nga hindi sinabi ni Fred”


“Nung nakita ko ang kalagayan mo, hindi ko napigilang maawa at hindi ko kinayang lapitan ka.”


“So sinisisi mo ang sarili mo?”


“Parang ganun, kaya sinabi ko kay Fred na wag nalang sabihin sayong pumupunta ako araw-araw, since hindi ko naman kayang humarap sayo sa ayos mo dati kasi ako ang nakokonsensya. Wala man lang akong nagawa sa nangyari sayo, samantalang lagi kang nasa tabi ko sa oras na kailangan ko ng tulong. Kaya sinabi ko kay Fred na haharapin din kita sa oras na kaya ko na.”


“Ang drama mo naman, ok lang ako. Hehehe ikaw talaga.”


“Onic, May sasabihin ako sayo pero wag kang magagalit .”


“Anu yun?”


“Magpromise ka muna”


“Anu nga iyon?”


“Hindi ko sasabihin kung hindi ka magpa-promise na di ka magagalit” Ang hirap naman, Sige na nga, atleast malalaman ko kung anu iyon.


“Promise”


“Onic, may pagtingin ka ba sa akin?” Sobrang na shock naman ako sa sinabi nya. Namula yata ang mukha ko. Pero hindi ako nagpahalata. Baka nagkamali lang ako ng pandinig.


“Anu Kamo?” Ulit ko


“Sabi ko kung may pagtingin ka sa akin?” Pabulong na may kasamang ngiti ni Luis.


“Anung sinasabi mo? Anung pagtingin.” Medyo tumaas ang boses ko. Napatingin sa amin sina Ate mercy. Sinabayan ko naman ng ngiti sa kanila, tanda na ok lang ang paguusap namin ni Luis. Medyo malayo kami kina Inay Lagring kaya hindi nila dinig ang pinaguusapan namin.


“May pagtingin, may gusto, may crush, may paghanga”


“Ok, ok, ok!” Ako


“Ok na?” Si Luis na ngumiti ng todo.


“Anung ok na?”


“Oo may pagtingin ka?” SI Luis


“Sabi ko “ok” naiintindihan ko na ang sinasabi mo. Wala akong pagtingin sayo. Bakit mo nasabi yan. Hindi porket pinuntahan ko si Janice ay yun ang dahilan.” Medyo naasar kong sabi.


“Mali pala ang nakuha kong balita.”


“Balita? Kanino? Hindi ako bakla at wag ka ngang napapaniwala sa mga tsimis.” Medyo nakakunot noo kong tugon.


“Ok wag ka nang magalit nag-promise ka diba.”


“Hindi ako galit, bakit ako magagalit kung hindi naman totoo.”


Makailang pag-uusap tungkol sa opisina at sa trabaho nya, kami naman ni Ate mercy ang nagka-kwentuhan. At makailang saglit, ay nagpasya na ring umalis ang mag-tiyahin.


“O papi, kumusta?” Laki ng ngiti ni Papi.


“Ok naman.”


“Ok na?” Si Papi


“Ang alin?”


“Anung alin? Si Papi.


“Kayo ni Luis?”


“Anung kami ni Luis? Ok naman kami ni Luis ah, hindi naman kami magkaaway.”


“Grrrr... Hindi yon. Kayo naba ni Luis?”


“Ha? Anung pinagsasabi mo?”


“Kasi... Ah... Papi wag kang magagalit sa akin ha.”


“Pati ba naman ikaw, kanina si Luis may revelation. Anu naman ang sayo?”


“Eh kasi sinabi ko na sa kanya ang totoo.”


“Anung totoo”


“Na may gusto ka sa kanya, at na bekimon tayo.”


“Ha bakit mo ginawa yun.”


“Kasi alam ko may gusto din sya sayo.”


“Anu kaba Papi kaya pala kung anu-anu ang sinabi nya kanina.” Waahhhh sigaw ng isip ko.


“Nakakahiya. Bakit mo sinabi yun sa kanya? Mamaya wrong guess ka.” Pabulong kong pagdidiin ng mga salita,baka mahalata ni Inay ang pagtatalo namin.


“Sinabi ko para maging masaya kayong dalawa. Hindi kailanman nagkamali ang pakiramdam ko Papi. Lahat ng naging boyfriend mo, ako ang unang nakaalam na may gusto sila sayo, bago nila ipagtapat sayo.” Tama sya ngayon ko lang naisip yun ah.


“Oo pero mga beki naman ang inaamoy mo. Iba si Luis”


“Lalaki ang mga beki at lalaki si Luis paanong magiging iba. At hindi ko inamoy si Luis. Meron ka pang hindi alam, at may sapat na proof ako.”


“Anu pang hindi ko alam at anu pang proof mo?”


“Inamin nya na nagkakagusto sya sayo, pero hindi palang sya sigurado. So since nag-effort na nga ang tao para malaman ang damdamin mo sa kanya kanina, pero dineny mo, so sinaktan mo sya, sinaktan mo ang ego nya. Baka burahin na nya sa isip nya ang chance na magkagusto sayo”


“Patay! nag-deny pa talaga ako sa kanya, iisipin tuloy nun, bakla ako tapos sinungaling pa ako.”


“Bakit?” Si Papi


“Syempre iisipin nun sinungaling ako kasi bestfriend kita at alam mo lahat ang tungkol sa akin. Anu pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.”


“Patay talaga. Malaking mukha Papi. Malaki. Kasi  ikaw naman ang kailangang mag-effort para ma-winner mo ang puso nya. Its your turn to Shine.” Kaloka talaga tong si Papi, nagagawa pang mag joke, hindi ko na nga alam ang gagawin ko.


“Naku pagkalabas ko ng ospital samahan mo ko sa kanya, mag-sosorry na ako, aamin na ako. Malay ko ba na may gusto sya sa akin.”


“Opps, di pa sya sigurado sa feelings nya. At maybe tinanggal na nya ngayon ang feelings na yun kasi sinabi mong ayaw mo sa kanya at hindi ka dakilang bekimon.”


“Paano ngayon yan?”


“Ikaw ang lakas lakas ng loob mong magpakamatay pero pag dating sa tapatan ang duwag duwag mong makipag sapalaran.”


“Wag mo na nga akong sisihin, hindi ko naman ito alam, kasalanan mo to eh”


“Bakit ako” Si papi.


“Sana sinabi mo agad sa akin na may gusto sya sa akin bago sya dumalaw, para umoo na ako.”


“Wag ko daw sasabihin sabi nya”


“Bakit”


“sya daw magsasabi sayo.”


“Hindi nga nya sinabi.”


“Kasi gusto nyang malaman mula sa bibig mo kung gusto mo sya, kasi hindi rin sya kumbinsido sa sinabi ko sa kanya, ang mga impormasyon lang mula sa akin ang nagpalakas ng loob na magtapat sayo. Since dineny mo, wala na, maniniwala nayun na wala syang pag-asa at papatayin nalang nya ang muntikanang mabuong pagibig nya para sayo, sa kaunaunahang pagkakataon na mag mamahal sya ng lalaki. Kawawang Onic”


“He tumigil ka dyan!”


“Regret, regret, regret”


“Mga anak, magpahinga na kayo. Baka mabinat ang kapatid mo, patulugin mo nayan” Wika ni Inay


“Beh! Buti nga” Ako


“O matulog ka na daw, matutulog na rin ako.”


“Ok.” Pero hindi ako pinatulog ng mga impormasyong bumuhos ng araw na iyon. Kaya late ako nagising kinabukasan.


May limang miscall sa phone ko. Lahat si Luis. Kaya tinawagan ko agad sya.


“O tumatawag ka, pasensya na, late akong nagising.” Ako.


“Ok naman ako. Eto lalabas na daw ako ng Ospital sabi ni dok, hindi na daw kailangan magpabukas kami, kasi mabilis naman daw recovery ko.” Ako.


“ok bye” Sinabi lang nyang wag akong lalabas ng Ospital, wag muna daw aalis ng ospital habang hindi sya dumadating dahil may itatanong daw syang mahalaga sa akin, kinakabahan na naman ako sa mga tanong. Anu na naman kaya iyon. Pero ayos lang iyon, atleast sya yung lalapit sa akin at hindi ako yung lalapit sa kanya para magpaliwanag ako. Kinakabahan kasi akong lumapit sa kanya.



(ITUTULOY)...

5 comments:

  1. Nice sir! galing! next na po!

    --Jabee

    ReplyDelete
  2. salamat jabee... ikaw ba yung sumulat ng house for sale

    ReplyDelete
  3. yup! nakakatuwa yung kwento mo, light lang na may halong kilig at comedy, very teenager ang dating. refreshing! =)

    ReplyDelete
  4. mas nakakaaliw nga ang kwento mo,,, galing mo sa dun ha

    ReplyDelete
  5. Update na po author. Sayang naman ung ganda ng story pag hindi mo ituloy. Update na po kayo author.

    ReplyDelete