BY: James W.
CHAPTER EIGHT...
Kinabukasan hinanap talaga namin ni Papi si Janice sa canteen nang mag break time, pero hindi namin siya nakita. Itinanong ko kay Clair na nasa HR dept kung may log in ba ang babaeng hitad. Tinanong naman ni Clair ang dahilan ng biglaang pag mamatyag namin kay Janice. Kaya kinuwento ko sa kanya ang pangyayari kahapon para matulungan nya akong ma-penalized si Janice sa ginawa nito. Hindi naman nagdalawang-isip si Clair na tumulong, syempre malakas yata ako sa kanya.
Lumipas ang halos isang linggo pero walang Janice na nagpapakita. Nagkaroon tuloy sya ng AWOL (absent without official leave) record sa HR. Di bale kung di ko sya makita ako ang pupunta sa kanya. Makikita nya na nagkamali sya ng ginawa nya. Lokohin at paasahin ba ang kaibigan ko, may pabili-bili pa ako ng chocolate. Nagkakandahirap si Luis sa pagsundo at paghatid sa kanya. Tapos malalaman namin na pinaglalaruan lang nya yung tao. Nakakahiya tuloy kay ate Mercy. Paano nalang pag nalaman ni ate Mercy ang tungkol dito baka magalit iyon. Di bale kakausapin ko si ate mercy pag katapos kong harapin ang walang kunsensyang babae.
Dahil sa malakas nga ako kay Clair, inalam ko rin kung saan nakatira si Janice. May kalayuan din sa amin ang kanilang bahay, mga 2 jeep at 1 tricycle ang papunta sa village nila. Hindi ko na ipinaalam kay Papi ang balak kong pagpunta sa bahay ni Janice at hindi ko narin hiniram pa ang kotse. Hindi ko alam, baka pigilan lang ako ni Papi sa gagawin ko. Nang makarating na ako, pinagtanong ko agad sa mga nakakasalubong kong tao kung saan sya nakatira at madali ko namang natunton dahil sikat pala ito sa lugar nila. Isang floor lang ang bahay at may maliit na gate.
Tok!tok! TOk!
“Tao po? Janice? Janice nandyan ka ba?” Bumukas ang pinto.
“Sino ka? Anung kailangan mo? Teka parang kilala kita?” Wala ba talagang breeding ang babaeng ito? Sana patuluyin man lang nya ako. Umaagang-umaga ang sungit sungit.
“Oo kilala mo ako, ako si Onic, parehong company ang pinapasukan natin. Ako rin ang kaibigan ng lalaking ginago mo. Nagpunta lang ak-” Di pa ako tapos magsalita
“WALA TAYONG DAPAT PAGUSAPAN!. ALIS! ALIS NA!” Pagtataray.
“Teka nga, bakit ba ang sungit mo, ikaw na nga itong nanloko ikaw pa itong masungit. Pumunta lang ako dito para malaman kung bakit mo ginawa ang ganun kay Luis” Pagmamatigas ko.
“Sinabi nang alis! Bingi ka ba? Eh anung pakialam mo kung lokohin ko sya? Bakit tatay ka ba nya?”
“Wala kabang konsensya? Anu bang ginawa sayo nung tao para gaguhin mo? Kaibigan ko sya at kaya ako nandito ay para ipamukha sayo kung anu ang ginawa mo!”
“Wala akong pakialam kung ano ang ginawa ko. Bahala ka sa buhay mo, hindi ako natatakot sayo. Umalis ka sa pinto kung ayaw mong masaktan.”
“Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka humihingi ng tawad kay Luis”
“Bakit ako hihingi ng tawad sa kanya. E sya itong lapit ng lapit.” Napakawalang modo pala talagang kausap nitong babaeng ito. Kaya siguro walang nanliligaw sa kanya. Paano kaya ito nagustuhan ni Luis.
“Bakit mo sya sinagot kong may boyfriend kana.”
“Makulit sya, o di pagbigyan.”
“Manggagamit ka pala.”
“EH ANU NAMAN SAYO! Bakit gusto mo sigurong gamitin din ang katawan ko?”
“Kalapating mababa pala ang lipad mo, Nakakadiri ka” Grrr... ang init na nang dugo ko. Hindi na ako nakapagpigil. Itutulak ko sana sya sa sahig pero naunahan ako ng sipa. Na-out of balance ako kaya napahiga ako sa sahig. Dali dali akong tumayo dahil nakita ko syang pabalik na ng bahay at isasarado na ang gate. Buti nalang nahawakan ko ang damit nya kaya binuksan nya ulit ang pinto. Ako naman ang tumulak sa kanya. Itinulak ko ang mukha nya ng aking palad sa sobrang inis ko. Na ikina higa din nya sa semento.
Lalapitan ko sana sya para bigyan ng malakas na sampal para maiganti ko si Luis pero bigla nalang may isang lalaki sa likod na na humila ng damit ko at hinagis ako sa kalsada ng villlage. Bigla akong sinugod at binigyan ako ng malalakas na suntok sa mukha. Naririnig ko nalang si Janice na sumisigaw ng
“Sige pa kuya, patayin mo yang hayop nayan! Sige pa! Sige pa!” Hanggang sa makalimang suntok, bigla nalang akong nawalan ng malay.
“mmm... Mmmray..” Hindi ako halos makapagsalita. Makirot ang bahagi ng mukha ko. Pakiramdam ko may bandage na naka pulupot sa buong mukha ko. Ang mata, ilong at bibig ko lang ang walang takip.
“Onic. Onic. Diyos ko! Salamat po at nagising ang anak ko. ” Umiiyak ang boses. Alam ko kay Nanay Lagring iyon.
“Papi gising kana!” Isa pang boses ulit na alam ko kay Fred iyon. Pero hindi ko maigalaw ang ulo ko. May surgical collar pa pala ang leeg ko.
Bigla akong may naramdamang masakit.
“MMaray, masakit, masakit” Tugon ko sa hindi maindang kirot na nararamdaman ko sa aking mukha.
“Wag ka munang kumilos, makakasama sayo. Sandali lang tatawagin ko si Dok” Si Papi
Ilang sandali lang at dumating din ang Doktor at may itinusok sa braso ko.
“Onic iho, pain reliever ito, mga one hour itong tatalab. Mamaya pag sumakit ulit pindutin mo lang ang buton sa kamay mo, babalik ako ha.” Sabi ni Dok. Nang makaalis ang duktor.
“Kailangan mo magpagaling na mabuti. Wag ka munang magsasalita.” Si Papi, Lumapit ito sa tapat ng mukha ko, dahil hindi ko maipaling ang leeg ko. Tanging ang kesame lang ng kwarto ang nakikita ko.
“Andito ka sa Ospital. Natagpuan ka ng guard ng village na nakahandusay sa kalsada at puro pasa at dugo ang mukha mo. Kaya dinala ka dito sa Ospital. Nang makuha ng mga Nurse ang identity mo sa wallet mo, tinawagan nila agad ang company at ibinalita agad ang nangyari sayo. Nang malaman ni Clair ang nangyari, sinabi nya kaagad sa akin na narito ka daw. Kaya nagpasya ang mga malalapit natin kaibigan nasumama sa amin ni Clair para madalaw ka. Habang daan, na sambit ko kay clair kung bakit dun sa village na iyon ka nakita. Naalala ni Clair na binigyan ka nang address ni Janice. Malapit kung saan ka nakitang nakahandusay. Inaantay ka talaga naming magising para malaman kung sino ang gumawa sayo nito at maireport at makulong na ang hayop na iyon. Si Janice ba Papi?”
“mmhindi” Bahagya kong nausal
“Eh sino?”
“mmkuya mya”
“Anu? Kuya nya? Di bale pag gumaling ka na saka natin asikasuhin ang pagsasampa ng kaso, ok.” Naluluhang sabi ni Papi. Ganyan kami ni Papi kung magdamayan, kapatid na bunso ang turing nito sa akin, kahit minsan ay masungit pero handa nyang gawin ang lahat ma protektahan lang ako.
“Papi, halos 2 araw ka nang walang malay. Akala ko matatagalan kapang hindi magkakamalay, Sobrang nami-miss na kita. Si inay sobrang nag-alala kaya pinasundo ko sa company driver papunta dito. Nay kausapin nyo si Papi”
“Tonyo anak!” Lumapit naman si Nay Lagring. Hindi ko na napigilang maiyak. Sobrang tagal na ring kaming hindi nagkikita. Hinawakan nya ako sa isang braso at ang isang kamay ay nasa aking balikat.
“Kumusta na ang lagay mo? Namiss ka namin ng kapatid mo. Buti nalang nagising ka na anak. Salamat sa Diyos. Magpapagaling ka ha para matanggal na yang nakakabit sayo. Susmaryosep ako ang nahihirapan pag nakikita kitang ganyan”
Sa tuwing may nangyayari sa aking masama, agaw buhay, silang mag-ina lagi ang naririyan tuwing makikita kong muli ang liwanag. Gusto ko mang yakapin ang aking mahal na ina inahan at kinakapatid pero hindi ko pa kaya. Masaya ako at lagay ang loob ko pag andiyan silang dalawa.
“Bakit ka ba nagpunta sa lugar na iyon. Wag ka nang babalik dun ha? Hindi mo alam na sobra akong nag-alala nung sinabi sa akin ni Fred ang lagay mo.” Naawa naman ako kay inay Lagring, matanda na siya hindi na dapat sya binibigyan ng alalahanin. Hindi naman ako makapagsalita ng mabuti sumasakit pa ang mukha ko.
“Anak wag mong pilitin kong di mo pa kaya. Pag magaling kana, ipagluluto kita ng paborito mo, sinigang sa miso.” Parang bigla akong naglaway nung marinig ko ang sinabi ni Inay. 2 araw na nga pala akong hindi kumakain at dextrose lang ang bumubuhay sa akin.
“Tapos magkekwentuhan tayo, diba gusto mong pag usapan natin kung anung mga nangyayari sa atin? Yun lagi ang tinatanong mo sa akin, si ganito, si Mang Domeng, si Kakang Gabinito. Lahat sila ikikwento ko sayo.” Ginawa naman akong bata ni Nanay. Noon pa naman iyon, nung elementary ako. Naaalala parin nya ang buhay namin noon. Lagi kong tinatanong ang tungkol sa mga buhay ng mga tao, nung bata pa ako, gusto ko laging makasagap ng balita. Baka may makuha akong impormasyon kung nasan si Itay. Marami pang sinabi si Inay. At nalungkot na naman sa kalagayan ko.
“Nay tama na makakasama sa inyo ang sobrang lungkot. Maupo muna kayo Nay. Kailangan ding magpahinga ni Papi” Ang bait talaga ni Kuya Fred. Paano nalang kung wala sya sa buhay ko. Inaako nya lagi ang mga responsibilidad na alam kong hindi naman nya dapat akuin. Gumagawa sya ng mga bagay na mabuti kahit walang kapalit, basta mapaligaya lang ang ibang tao, ang taong nakapaligid at minamahal nya. Napakabuti nyang tao. Manang mana kay inay Lagring.
Walang lumipas na oras sa buhay ko na hindi ko nalasap ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng dalawang taong ito. Kaya noon pa man ay ipinangako ko na hindi ko rin sila pababayaan anu man ang mangyari, kahit ang kapalit pa ay ang aking buhay.
“Papi magpagaling ka ha. Alis lang ako saglit. May kailangan lang asikasuhin, pero babalik agad ako. Ang inay muna ang bahala sayo.” Sabay hawak sa kamay ko, na tinugon ko naman ng mariin na paghawak din tanda nang pasasalamat.
“Ay papi sya nga pala, bukas dadalawin ka ni Luis. Kahapon, narito sya maghapon, hindi lang makaalis ngayon kasi, wala si Ate mercy. Nakakahiya nga dun sa tao, sinabi ko sa kanya na ayos lang na isang beses ka nyang dalawin, kasi may trabaho din yung tao. Pero sabi nya, hindi daw nya kaya kasi ikaw tayo daw ang pinakamalapit nyang kaibigan. At sabihin ko daw sayo pag nagising ka na dadalaw daw sya.”
“Uyy si papi ko, kinikilig yan.” Tinugon ko ulit ng pisil sa kanyang kamay ang sinabi nya. At tuluyan na syang nagpaalam. Si Inay naman, nagsabi sa akin na hihiga muna daw sya dahil 9pm ng gabi. Baka makatulog daw sya. Matulog narin daw ako. At babalik naman si Fred kaagad. At ayun nakatulog na nga ako.
(ITUTULOY)
naku sabi na nga at magkakagusto si Luis kay papi onic eh. congrats kay onic at my boyfriend na xa. hmmmm. ano din kaya ang problems na haharapin nilang dalawa? update na po boss james.
ReplyDelete