Pages

Sunday, October 10, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 6

CHAPTER SIX...



NAKARAAN...


Nagyaya si Nick na manood ng Concert ni Regine sa Manila kaya pumunta kami sakay ng plane at umabsent narin kami sa school. Nang matapos at makalabas sa area ay sinabi ni Nick na may pupuntahan kami, sabay hawak sa kamay ko...


PAGPAPATULOY...


AKO: “Teka Nick, bakit ka ba nagmamadali?”

NICK: “Basta.”


Hinatid kami ng Kotse sa isang lugar na sobrang ganda. Para syang mini forest, dahil ang daming magagandang halaman at maraming puno sa paligid, may man-made river and falls pa. Maliwalas ang lugar at parang walang tao, parang kami lang ni Nick ang nasa lugar na iyon. Pag dating namin sa maliit na tulay ay may naririnig akong tunog ng violin sa may di kalayuan.


NICK: “Jakey pipiringan kita.”

AKO: “Bakit, anu bang ginagawa natin dito?”

NICK: “Basta, trust me. ok.”


Na wiwirduhan na ako sa kanya, pero pumayag nalang ako. Masaya naman lagi ang sopresa nya.


Piniringan nga nya ako, pagkatapos nyang itali ang panyo sa mata ko at habang nasa likod ko sya ay nilagay pa nya ang dalawa nyang kamay sa mata ko. Langhap na langhap ko naman ang katawan ni Nick, kulang nalang ay yakapin na nya ako sa likod. Nararamdaman ko rin ang hininga nya sa batok at kaliwang tenga ko. Mainit na parang kinakabahan dahil sa buga ng hangin.

Ang heaven talaga ng feeling.


AKO: “Kailangan ba talagang hawakan mo pa?”

NICK: “Oo syempre. Baka mamaya, nandadaya ka.”


Lumakad na kami patawid sa tulay at palakas ng palakas ang sound ng violin. Love songs ang naririnig ko at palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ko.


NICK: “Are you ready?”
AKO: “O-o-ok.”


Kinakabahan kong sagot, ramdam ko parang alam ko natong setup na to.

Nang tanggalin ni Nick ang piring, medyo Malabo sa una ang paningin ko pero ng lumilinaw na ay unti-unti kong nakikita ang isang katamtamang mesa na may dalawang kandila at dalawang baso at isang bote ng alak, color light blue ang cover ng mesa at ng silya, at maganda ang preparation, medyo dim-lighted ang paligid at covered ng mga halamang maraming bulaklak. May isang lalaking tumutugtog ng  violin pero ang nakagising ng aking damdamin ay ang sopresa ni Nick.


AKO: “Ano to?” Medyo nagtataka kong sagot. Kahit nahuhulaan ko na ang nangyayari, dinner with candles at may violin. Date ito. Date namin ni Nick. Bakit? Syempre me gusto sya sa akin. Paano? Bakit? lalaki sya. Hindi sya bakla. Katulad ko rin ba sya? Kasi nag prepare sya ng date para sa aming dalawa. May alam na ba sya sa akin? Sa pagkatao ko? Kailan? Sinong nagsabi?  Ang daming tanong sa utak ko. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Nananaginip ba ako?


NICK: “Jakey please, maupo muna tayo. Papaliwanag ko lahat.”

Hindi ko naririnig ang sinasabi nya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Blanko ang utak ko. Umupo ako sa upuan. Bigla syang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako.
Napansin ko nalang umiiyak si Nick. Hindi agad ako naka kilos dahil sa bilis ng pangyayari at dahil nagulat na din ako ginawa nya.


AKO: “Nick, nick?” tinatawag ko pangalan nya pero hindi ko sya ina-alis sa pagkakayakap.

AKO: “Nick magsalita ka anung ibig sabihin nito?”

(From James wood: please pakinggan nyo po ang kantang “How Can I Not Love You” by Joy Enriquez, while reading –available in Youtube)


NICK: “I don’t know what I am going to do, iniisip ko baka magalit ka, pero sumugal parin ako. Pero ayokong mawala ka sa akin. Pero hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang nararamdaman ko, gabi gabi pinapatay ako nito. Please Jakey, wag mo kong iiwan." Mahigpit parin akong yakap at umiiyak.

AKO: “Bakit naman kita iiwanan?”


Humarap na siya sa akin at basang basa ang mukha.

Sinabayan naman ito ng mamang nag vi-violin ng kanta ni Joy Enriquez na “How Can I Not Love You”

Cannot touch 
Cannot hold 
Cannot be together 
Cannot love 
Cannot kiss 
Cannot have each other 
Must be strong, 
And we must let go 
Cannot say 
What our hearts must know 
How can I not love you 
What do I tell my heart 
When do I not want you 
Here in my arms 


NICK: “Since 2nd year in college until now, I always looking for whatever chances just to be near to you. Laging mahirap, lagi kang umiiwas, hindi ako namimiilit nang sinumang tao at yun ang pagkakakilala ko sa sarili ko, but my heart tells me to do it to you, ang pilitin maging malapit sayo. Anung magagawa ko? Ngayon na malapit ka na sa akin, natatakot akong magtapat sayo dahil baka lumayo ka ulit pero lalo kong na-realize kung gaano kita kamahal, the person I want to be with me in my lifetime.”

NICK: “I’m madly inlove with you.”


Muntik na akong mahulog sa upuan ko.


NICK: “Please Jake don’t get mad at me, Hindi ko lang talaga kayang itago pa sayo ang nararamdaman ko. Maaaring habang buhay kong pagsisihan kong hindi ko paglalaban ang nararamdaman ko sayo. Hindi ko na kaya Jakey. Everytime I see you, I really want to say  how MUCH I LOVE YOU."


Puno ng pait ang kanyang mga salita. Na-iiyak na rin ako. Damang-dama ko ang mga salita nya. Tagos hanggang Puso ko. Nag-iinit ang mga mata ko. Namamasa na sa luha. Hindi ko akalaing may kasama pala ako sa bawat gabi ng hinagpis ko, sa pagiging ganito ko. Hindi ko akalaing sa isang taong ito ko makikita ang sarili ko. Itinatago ang bawal na pagmamahal. Sinasarili kahit unti-unti sumasakal. May pumapatay na kalungkutan . Dahil hindi mo magawang isiwalat. Na ang taong ito ang gusto kong alagaan at mahalin. Ay bawal... Oo yun ang nasa isip ko bawal syang mahalin.

Masakit, ang sakit sakit. Lalo kong naramdaman ang sakit. Dahil mahina ako. Dahil si Nick ang tapang nya. Kinaya nya kahit hindi nya alam ang susunod na mangyayari sa ginawa nya. Pinaglaban nya ako. Bakit hindi ko nagawa?

Wala naman siguro akong kasalanan kung naging mahina ako.Baka may magagalit, may uusig, magsasalita ng  “hindi maaari”, mga salitang humaharang sa dalisay kong puso para ibigay sa isang tao ang pagmamahal na bawal.


NICK: “Jake forgive me...” Hagulhol nya. Nakatungo lang ako. Kita nya umiiyak ako.

NICK: “Jake, kahit masakit... kaya kong tanggapin na kakalimutan mo nalang ang pag-ibig ko, kesa lumayo ka sa akin ng lubusan.” Hindi sya makapagsalita ng maayos sa pag-iyak. “Even it cause me a million of pains. Tatanggapin ko ng buong-buo ang relasyon natin na hanggang pagkakaibigan lang. Wag mo lang akong iwasan. Kahit yun lang po wag mo pong ipagdadamot. Masayang masaya na ako doon.”

AKO: “Nick ako ang patawarin mo. Sorry dahil mina-mahal din kita. Minahal kita ng patago, pero hindi ako kasing tapang mo. Sorry kung hindi ko nagawang sabihin sayo, hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko gaya ng pinakita mo ngayon. Wala akong lakas ng loob. Kung mapapatawad mo ako buong puso kong ibibigay ang sarili ko sayo. (walang patid ang mga luha namin)

Bigla nya ako hinalkan sa labi. Wala kaming pakialam sa mga nakapaligid sa amin. Manhid ang mga utak at puso namin. Lunod sa emosyon ang aming buong katawan.

Luha ng kasiyahan.

Nagyakap kami.

Ramdam ang bawat hibla ng balat. Ang init ng katawan. Ang wagas na pagmamahalan.

KATAHIMIKAN...

Alas 12 ng hating gabi. Tapos na namin ang dinner. Masaya ako. Sa puso. Ramdam ko ang kaligayahan nya. At dama ko ang kaligayahan ko. Pareho kaming nakatingin sa isa’t isa. Tahimik na nakaupo. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.


NICK: “Jakey, I love you.”

NICK: “I will not say a promise, but If you let me be your boyfriend, pipilitin kong maging masaya ka.”

AKO: “Paano ang girlfriend mo?”

NICK: “Huh? Wala akong girlfriend. Kelan ko sinabi sayong me girlfriend ako?”


Hindi nga pala nasagot ni Nick ang tanong sa kanya nung nasa simbahan kami dahil sinaway kami nung isang ale dahil sa maingay kami...

AKO: “Sino yung nakikita kong kinakausap mong babae sa campus at hinahatid mo minsan gamit ang kotse mo?”

NICK: “Ah tinitignan mo pala ako ha... hehehe , wala yun , best friend ni Angela. at friend ko rin yun. Alam nyang ganito ako at madalas kitang ikwento sa kanya. So anung sagot mo Jakey”

AKO: “Hindi ko alam Nick. Hindi ko tinatanggihan ang pag-ibig mo. Dahil mahal din kita. Pero napaka komplikado ng sitwasyon. Nick nag-iisang anak ka. mayaman kayo. Paano pag nalaman ito ng mga magulang mo. Lalong lalo na ni tito Roman at ni Gob. Baka magalit sila sa aming pamilya. Wala kaming laban sa pamilya nyo.”

NICK: “Trust me. I know what I’m doing. Pero hindi ko papayagan na mawala ka pa, ngayong alam kong mahal mo rin pala ako. Accept my love please. Please. Please. Please.”

Tumango ako at ngumiti...

NICK: “What? hahaha... You do? Okkkkkk. Let’s make this official, Jake Garcia, will you accept me as your lawfully boyfriend on this day of _______?”

AKO: “Yes Nick Salvador, I accept you to be my lawfully boyfriend today.”

NICK: “Yahuuuuuuuuuuuuuuuuu” tawanan kami...

NICK: “Sa wakas hindi kana mapopormahan ni Ken”

AKO: “Hahaha.” nagseselos.

NICK: “I love you so much.”

AKO: “Mahal na mahal din kita...”


Bigla nya akong niyakap at hinalkan muli.

Gaya ng dati. Sinusundo parin kami ni Nick. Nalaman ko kay Pau na sinabihan pala siya ni Nick ng nararamdaman nya para sa akin nung nasa resort kami. At doon natuwa si Pau kay Nick dahil alam ni Pau na sa wakas magiging maligaya na rin daw ako. Siya rin ang nagpalakas ng loob kay Nick para sabihin sa akin ang nararamdaman niya. Although sinabi ni Pau ang sexual references ko kay Nick, takot parin daw si Nick na sabihin sa akin ang nararamdaman nya baka daw hindi ko magustuhan iyon dahil sa nakikita ni Nick ay wala naman akong interes sa kanya dahil sa pagiwas ko noon.

Tumigil na din si Ken pagiging sweet sa akin nang malamang magboyfriend na kami ni Nick. Hindi na sya nagbigay ng motibo kahit sa text.

Kay Nick ko nalaman na alam ng buong angkan nila na si Ken at Sya ay katulad ko. Kahit pala mga magulang nya ay alam din at tanggap ito kaya nang malaman nila tita Glenda at tito Roman, sila pa ang tuwang tuwa at gusto nilang tawagin ko nalang silang mommy at daddy.

Lumipas ang 1 taon at 4 na buwan at dumating na ang aming graduation kasabay nito ang pagiging matatag ng relasyon namin ni Nick...

Ang regalo ko kay Nick para sa graduation ay Gold engagement ring na pinag-ipunan ko talaga. At ang regalo sa akin ni Nick ay ang pagpunta namin sa Paris "The most romantic Place" dahil yun daw ang sinabi ko sa kanya na pangarap kong marating, gustong isama ni Nick ang nanay at si Linet pero hindi pumayag ang Nanay. Sa susunod nalang daw. Si Linet ay may summer exam kaya hindi narin nakasama. Si Pau naman ay mag sisimula na sa work nya kaya di rin nakasama.


Sa FRANCE...

Nakaupo kami sa isang bench at nasa harap namin ang tanyag na Eiffel Tower, may fireworks at fountains, ang ganda ng lugar. So romatic. Medyo malamig pa ang climate dahil March kami nag punta.

NICK: “Happy monthsary. I love you Pa.” Oo Monthsary namin, nag-anniversary na nga kami. at “Pa” ang tawagan namin, yun ang gusto ko dahil parang mag-asawa ang dating.

AKO: “Happy monthsary and I love you so much Pa” Sabay abot ng regalo ko

NICK: “Wow. what’s this?”

AKO: “Open it.”

NICK: “Wow, wedding ring?”

AKO: “No, engagement ring palang po.”

NICK: “Nice. Its so wonderful  sweetheart.” Kita sa mata nya ang kasiyahan. sabay sinuot ko sa kamay nya ang sing-sing at sinuot naman nya sa kamay ko ang sa akin. Then we kiss kahit maraming tao. liberated naman ang ibang nationality.

Iba ang ligayang nadarama ko. Sana hindi na matapos ang kasiyahang ito. Pagkatapos ng 2 araw ay marami pa kaming pinuntahang lugar, at sa bawat litrato ay may ngiti, kulitan, tawanan, kainan, talunan sa  ere, lambingan, akbayan, buhatan sa likod, akyatan sa bato, panakaw na halik sa noo , pisngi, labi, balikat at kamay at marami pang iba.

Meron pa kaming 5 araw para sa isang linggong bakasyon namin. Ito ang mga ala-alang hindi lang sa pictures namin tinago kundi maging sa mga puso namin ni Nick ay hinding hindi ito mabubura.


SA HOTEL (ROOM)...

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at umupo sa gilid ng kama para mag-cotton buds, habang si NICK naman ay nag-uupload ng mga pictures namin sa FB.

NICK: “Pa.” may kasamang lambing.

AKO: “Bakit Pa?” maang-maangan kong sagot.

NICK: “Yung matagal ko ng hinihingi, sana ngayon na po iyon?”

Sa loob ng halos 2 taon ng aming relasyon ni Nick at lagi nyang hinihiling sa akin kung pwede nya akong maangkin. Pero lagi kong sinasabi sa kanya na hindi pa ako handa. Regular naman ang aming pagtatalik pero intercourse na nga lang ang kulang. Nagkataon naman kasing pareho kaming top ni Nick.

Pero ngayon gabing ito handa na ako.


AKO: “Oo”

NICK: “What did you said Pa?” Panlalaki ng mata nya at bigla syang tumayo sa kama at yumakap sa likod ko.

AKO: “Wala hindi ko na uulitin, once ko lang sasabihin”, pagbibiro ko

NICK: “Naman eh. I heard you said OO, wala ng bawian yun” pagmamaktol nya habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko.


May malaking salamin sa gilid ng kama at kita namin ang isat isa.


AKO: “Sinabi ko ba yun?” Biro ko ulit

NICK: “O wag mo ng babawiin, narinig kita, rinig na rinig ko” Pagpapacute nya.


Bigla nya akong hinila sa kama, sa laking tao ni Nick, kayang kaya nya akong buhatin anu mang oras, nagulat naman ako sa bilis ng pangyayari, hanggang naramdaman ko nalang na nakahiga ako sa ibabaw ni NICK at nakahiga sya sa kama at yakap yakap ako at dinidilaan ang tenga ko, alam nya ang weakness ko, at yun ang pag-tongue sa tenga ko habang mahigpit nyang hawak ang kamay ko na tipong kahit kiliting kiliti kana eh hindi mo maigagalaw ang katawan mo, gusto ko rin naman ang ginagawa nya, kaya hinayaan ko nalang... at nagsimula na nga ang foreplay...

Inihiga na nya ako sa kama at unti unti na syang nagtanggal ng saplot hanggang boxer nalang ang maiwan, take note di kami nag be brief dahil nakakaitim daw yun ng balat kaya lagi kaming naka boxer. Tinanggal na rin nya ang suot ko at pinaligaya nya ako.

Nang hindi ko na kaya at malapit na ako, saka sya tatayo at gagawin na namin ang lagi naming ginagawa.

Ang magpapatali sya sa dalawang kamay ng panyo at itatali naman sa headboard ng kama. Yan ang fetish nya. Mas matikas daw sya pag ganun ang ginagawa sa kanya. kaya sa ganoong posisyon ko naman sya roromansahin.
Pag katapos nun ay makakaramdam narin sya ng malapit na sya. at tatangalin ko na ang tali magyayakap na kami at maghahalikan. Dati kinikiskis lang namin sa isa’t isa ay nag rerelease na kami, pero ngayon alam ko, may ibang mangyayari.
At nangyari na nga, inangkin nya ako. Masakit nga pala talaga. Hindi sya magkamayaw sa gagawin nya kasi napaiyak na ako. Sorry sya ng sorry pero sabi ko sa kanya, wag na nyang tanggalin, tutal naipasok na nya. At masaya nman akong ibigay ang gusto ng mahal ko.
Pero pagkatapos ng ilang minuto ay nag release na rin sya sa loob ko. ang biro nya para daw mabuntis ako. Pag katapos nun magtatawanan kami. syempre hindi pa ako tapos, kaya hindi sya pumapayag na hindi ako makakarelease pag nag lolove making kami. Sya naman. hinahayaan nyang nasa bibig nya hanggang sa mag release ako. Ang biro ko naman, para mabuntis ka rin sa bibig. At tatawanan lang namin katatapos na init ng aming pagmamahalan.

NICK: “Mahal ko, salamat po sa binigay mo sa akin ha. Sobra sobrang naapreciate ko yun. At buong buhay kong pahahalagahan ang sacrifice mo, kasi alam ko ako ang una sayo.

AKO: Pa, Mahal na mahal din kita. Ikaw ang magiging una at huli ko, ako para sayo at ikaw sa akin”

NICK: Salamat Pa, kiss mo nga ako sa lips.

AKO : “Mwah”

NICK: “Sa nose”

AKO: “Mwah”

NICK: “Sa Chin”

AKO: “Mwah”

NICK: “Sa Chest ko”


At ginawa ko naman, at bigla nya akong kinulong sa bisig nya at sinabing.


NICK: “Pa. Kailangan mangako tayo sa isa’t isa na walang bibitaw sa pag-ibig natin.”

AKO: “Opo, pinapangako ko po”

NICK: “Ako din Pa, pinapangako ko din po”


Lambingan sa isa’t isa hanggang sa makatulog kaming dalawa...
Alas 11am na ako nagising... Natural wala sya sa tabi ko, kahit anung pagod yang si Nick, laging alas 8am sya nabangon, anu bang meron sa alas 8... wala naman daw, work out time nya daw yun.Kaya pag nagising na ako, himalos, tooth brush at pinupuntahan ko na sya para sabay na kaming mag bf(break fast).

Habang nag b-bf, biglang nagring ang cellphone ko, tumatawag si Ken kay Nick.
Kita ko sa mga mata ni NICK ang pagkagulat at tumingin sa akin... Kinabahan din ako, nang matapos ang overseas call.


AKO: “Bakit daw?”



ITUTULOY...

Monday, October 4, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 5


CHAPTER FIVE...


NAKARAAN...


Natapos ang handaan at nakapagpaalam narin ako sa pamilya Salvador, Kinuha ni Ken ang number ko pero kahit nakita yun ni Pau ay wala lang yun para sa akin...
Hinatid na namin sa bahay si Pau at nang makarating kami sa bukana ng bahay ay nagpaalam narin ako kay Nick ng bigla nya akong niyakap at sabay...



PAGPAPATULOY...

At sabay nagpasalamat...

Bagamat nagulat ako nakabawi naman agad ako at niyakap din sya at nagbalik ako ng pasasalamat.

Dating gawi, iiyak na naman ako ng magdamag sa kwarto ko.

Lumipas ang mga araw. Patuloy ang aming pagkakaibigan. Laging may sopresa si Nick at lalo kaming napalapit na tatlo sa isa’t isa. Lalo ko syang minamahal. At lalo akong nasasaktan.Malapit na rin si Nick sa mga magulang namin ni Pau, at pag bumibisita sa bahay laging may pasalubong si Linet na prutas at ako ay Mang Donald’s. Madalas din akong pumasyal sa kanila at kinakamusta ang mga magulang niya.Hanggang isang araw sa palasyo ng Salvador..


KEN: “Jake kumusta na” galing sya sa likod ko, at nakaupo naman kaming tatlo mag bebest friend sa receiving area nina Nick habang nag mo-movie marathon. At kumakain ng B-Cut at Zortillas with Koke.

AKO: “Hi Ken, ok naman... ikaw? Tagal na rin nating di nag kikita, simula pa nung birthday ng lola mo”

KEN: “Oo nga...”

NICK: “Hi Cuz’” Pag putol ni Nick.

KEN: “O insan, anung bago, Hi P-paulo?  right? ”

PAULO:  “Yup, musta”

KEN: “I’m good”

NICK: “wala namang bago. Wanna come with us. We go to Fridays.”

KEN: “Sure.”

NICK: “But it’s your treat?”

KEN: “No problem” sabay ngiti ni Ken sa akin. Ngumiti narin ako.


Parang di masaya si Nick, siguro hinuha ko lang. Pero kanina sobrang ganda ng usapan namin. Pero si Pau naku tuwang tuwa. Dahil kakain na naman.


NICK: “Pau, why don’t we invite Amy?”

KEN: “Sinong Amy?”

PAULO: “Girlfriend ko.”

KEN: “Me Girlfriend ka pala???” takang taka ang itsura nya.

PAULO: “Oo naman”

KEN: “Ah ok”


Natawa nalang si Pau at si Nick.  Nahihiwagahan na talaga ako kay Ken. Una malapit sa akin si Ken, ngayon naman hindi sya makapaniwala na may GF si Pau, anung akala nya kay Pau katulad ko. Anu naman kung may GF si Pau, bakit interesado ba siya kay Pau? Bi ba si Ken? Ito ang mga gumugulo sa utak ko ng mga oras na iyon.


SA FRIDAYS...

AMY: “Vakklaaaaa, ang ga-gwapo naman ng kasama mo!”

AKO: “Adik wag kang maingay. Upakan kita. Hindi nila alam na ganito ako.”

AMY: “Fine ok ok, hindi na nga magsasalita. Fine”

AKO: “Paulet-ulet.”

KEN: “Jake, pwede tumabi???” Lapit ni Ken

AKO: “Sure”


Si Pau at Nick ang umorder ng meal. Pagdating tumabi na si Pau kay Amy, dalawa kami ni Amy sa may wall pumwesto, at magkaharapan kami ni Amy, Si Pau at Ken naman ang magkaharapan at sa dulo si Nick. Sayang sana sa upuan ako ni Ken para katabi ko si Nick.


KEN: “Kumakain kaba ng balat ng manok?”

AKO: “Oo naman.”

KEN: “Dapat iwasan mo yun dahil maraming sakit ang makukuha dun, dapat white meat lang kainin mo.”

AKO: “Ganun, Nandun nga yung sarap diba?”

KEN: “Kahit na. Akina yan, pag babalat kita.” Kinuha nya ang  plato ko.


Napataas ang kilay ni Amy at nahihiwagahan siya sa kinikilos ni KEN. Sinapa ni Amy ang paa ko, tanda ng pagtataka kung bakit sweet si KEN sa akin, napasenyas naman ako kay Amy, nang malay ko sabay taas ng dalawang kilay ko. Matapos akong paghimay ay kumain narin ako. maya maya ay pinunasan naman ni Ken ang labi ko at sinabing may ketchup daw.
Sinipa ko naman si Amy. Confirmed na namin na di pala straight si Ken at nagpapakita ng mga senyales ng pagiging berde ng dugo. At sa akin pa naging sweet. Nang maubos ang baso ko ay tinanong naman ni Ken, kung gusto ko parin ng ice tea o iba naman. Sasagot na sana ako ng...


KEN: “ARAAAYYY...”

AMY at AKO: “O Napaano ka?”

KEN: “Wala may sumipa este naipit ng silya ang paa ko”


Natawa naman si Pau, ang weird na ha. Napansin ko kanina pa tahimik si Nick na kumakain at nang tignan ko ay nakatitig sa plato at nakabusangot ang mukha.


AKO: “Nick ok ka lang?”

NICK: “Ah oo.  I’m ok. Kuha muna ako ng drinks, ikaw Amy drinks kapa?” Parang wala sya sa mood habang nagtatanong.

AMY: “No thank you Nick. Hindi ko na to mauubos.”



Kaya imbis na si Ken ang kumuha ng drinks ko ay si Nick nalang ang kumuha. Hindi na siguro makatayo dahil sumakit ang paa dahil sa pagkakaipit ng silya. Nang matapos ang lahat kumain, syempre nagtake-out si Nick ng pasalubong kay Linet at sa mga magulang ni Pau at kay Amy narin. Tinawagan ako ni Amy pagkarating na bahay.



AMY: “Bhe, yung Ken mo. Amoy na amoy. Lacoste ang pabango ng katauhan nya. Ang scent with touch of Pink.” Bhe ang tawagan naman namin ni AMY tanda nang pagiging close ko sa kanila ni Pau.

AKO: “Bhe anu kaba hindi ah, chamomile. Hahaha”

AMY: “Hindi ko akalaing sa astig na yun, bekimon pala sya”

AKO: “Ako nga din hindi ko agad nahulaan, alam mo naman ako matangos ang nose ko pagdating diyan. E bakit ako ba halata?”

AMY: “Hindi, pwera nalang ipahalata mo”

AKO: “See. Kaya hindi natin nalahata agad, pagbalat ba ako ng manok at pahiran ng tissue ang ketchup ko sa mukha?”

AMY: “Oo nga ang sweet, sya nalang kaya Bhe, kesa iyak ka ng iyak jan sa Nick na yan. Masasayang lang ang cuteness ng eyes mo.”

AKO: “He. Wag kang maingay dyan. Oy atin lang to wag mong sasabihin kay Pau ang mga updates ko sayo”

AMY: “Oo na. Takot ko nalang. Basta update mo ko ha”

AKO: “Ok sige na matulog na tayo”

AMY: “MMR Time”

AKO: “Anu yun”

AMY: “Major major resting time”

AKO: “Adik. Sige na. bye”

AMY: “Bye Bhe. Mwah”


LINGGO...

Church day...


Si Nick na naman ang driver. Kaya matapos ang misa ay deretso na kami sa favorite place ni Nick na naging favorite place narin namin ni Nanay. Hindi nakasama si Pau dahil may pupuntahan daw sila ni Amy. Nakaupo lang kami ni Nick sa tabing dagat. Medyo maulap kaya maganda ang kulay ng dagat.


NICK: “Narinig ko kanina kausap mo si Ken. Right?”

AKO: “Oo tinatanong nya ako kung nasaan ako.”

NICK: “What did you say?”

AKO: “Sabi ko narito kasama ka at sila nanay.”

NICK: “Anung sabi?”

AKO: “Ok daw. Tinatanong din nya kung may lakad ako bukas after school.”

NICK: “Why?”

AKO: “Iniinvite akong lumabas, nood daw kami ng sine.”


Tahimik...


AKO: “Bakit”

NICK: “Wala naman. Sasama kaba?”

AKO: “Oo, bakit? Wala namang masama doon at pinsan mo yung nag-iinvite”

NICK: “Ok. Pero sa Tuesday nood din tayo ng Movie.”

AKO: “Ha? Paulit ulit? Bakit hindi ka nalang sumama sa amin ni Ken?”

NICK: “Ayoko, ma a-out of place lang ako dun”

AKO: “Bakit naman???”

NICK: “Basta. Anyway, lets change the topic. Pagusapan natin ikaw."

AKO: “Ako?”

NICK: “Oo, anung ambitions mo?”


At yun nga kwentuhan kami ng tungkol sa mga pangarap namin, pag ka graduate. At kung anu anu pa.


KINABUKASAN NG GABI...


Wow... ganda ng kotse ni Ken, Red Hot Wheel Racing Car. Astig.

Pagkatapos manood ng movie, nag yaya si Ken pumunta ng Baskin Robbins.


KEN: “Thank you at pumayag ka.”

AKO: “Wala yun, thank you din”

KEN: “I love you.”

AKO: “Ha???” nagulat ako sobra.

KEN: “Sabi ko I love you.”

AKO: “Wag mo nga akong pinaglolo-luko” kinabahan ako syempre, alam kaya nyang ganito ako.

KEN: “Seryoso ako at hindi kita niloloko. Gusto na kita nung una palang kitang makita. 
Hinangaan na kita at kasabay nun ang mga bagay na nalaman ko tungkol sayo. Dahil kaibigan ko ang isa mong kaklase at sobrang sipag mo daw mag aral at behave ka daw.”

AKO: “Sorry pero hindi ako.”

KEN: “Wag mo na akong paglihiman alam ko ang straight at acting straight lang.”

AKO: “Paano mo nalaman?”

KEN: “Di umamin ka din”


Ang hirap pala pag kinakabahan. Hindi mo alam ang sasabihin mo kung tama ba o hindi. Patay baka alam na ni Nick, siguradong lalayo na yun sa akin.


AKO: “Sino pang pinagsabihan mo ng tungkol sa akin?” Me galit na sa tono ko.

KEN: “Please Jake, easy... I’m not that kind. Hindi ako nagpapahamak ng tao at ikaw ang huling taong ipapahamak ko. Wala akong sinasabihan ng tungkol sayo at anung mapapala ko.”


Natapos ang Ice Cream session namin ni Ken, nang hindi ko man lang napansing hindi ko dala ang cellphone ko. Nang makauwi na ako sa bahay ay nakita kong naparaming text and miscalls from Nick. Over naman.

1st Text: Hi, musta, natuloy ba kayo?

2nd Text: No reply?

3rd Text: Jakey naman, update me please.

5 miscalls...

4 Text: I’m worried, please answer my call...

15 Miscalls..


Tinawagan ko agad sya.


AKO: “Hello.”

NICK: “Jakey, what happen, why you’re not attending my calls, are you ok? Where are you?”

AKO: “Nick. Huminahon ka, ayos lang ako. Pasensya na, naiwan ko ang cellphone sa bahay. Napansin ko lang nung pauwi na ako.”

NICK:  “You didn’t easily notice that you ain’t got your phone? Hindi mo naisip na may mag-aalala sayo?”

AKO:  “Ahh. Sorry na talaga. Pasensya na. Nalibang ako sa pinapanood ko. Wag ka nang magalit hindi na mauulit.” Bakit ko ba nasabi yun at bakit ba sya sobrang nag-aalala. Siguro dahil mag best friend kami. Yun nalang ang inisip ko.

NICK: “No problem, you know you can have my forgiveness”

AKO: “Ha? Paano?”

NICK: “Bukas. Nood ulit tayo”

AKO: “Ha? Movie na naman?”

NICK: “No. How about concert, is it ok with you?”

AKO: “Ha? concert, wow sige maganda yan.”

NICK: “Ok tomorrow, we go to Manila by plane. Nasabi ko na din kay Ma’am na absent tayo bukas dahil isasama tayo ni uncle.”

AKO: “Ha? Ah... ok” 


Sabagay kung governor naman ang kasama mo, walang teacher na hindi papayag. Pero hindi naman talaga si Gov ang kasama namin. At saka bakit nya sinabing absent na agad ako bukas samantalang ngayon lang sya nagyaya, malay ba nya kung pumayag ba ako o hindi. Pero hindi naman makakatanggi ang puso ko. Ito talagang si Nick pasaway din.


AKO: “Sige tawagan ko na si Pau, ok”

NICK: “No. I just called Pau, he’s not able to come with us.

AKO: “Ha??? Bakit daw”

NICK: “Basta, just trust me.ok?”

AKO: “Ganun.”

NICK: “Oo, hehehe”


IN MANILA...


Sinundo kami ng driver nina Nick, may bahay din nga pala sila sa manila. Kaya umuwi muna kami ng bahay nila para maibaba ang mga gamit. Pagkatapos nun ay nagpalit lang kami ng panlakad at nagpahatid na rin sa venue ng concert.

Concert pala ni REGINE ang papanoorin namin. Pinamagatang “SONGBIRD SINGS LOW KEY”. Wow how exciting...

Puno agad ang Venue ng Music Museum. At sa medyo harapan pa kami nakareserve. Tindi talaga ni Nick. Ang ganda pala ng Songbird. Maputi pa sya sa gown na suot nya, mukha syang goddess. Heaven pa ang boses. Nang kinanta na ang “Good Friend” Nagkangitian kami sa isa’t isa, tapos nang kantahin naman ang “I Never Dreamed Someone Like You, Could Love Someone Like Me” tinignan ako ni Nick.  Tinignan ko lang sya at sumenyas ng “Bakit?” at umiling lang sya para iparating na “wala naman”


Feel na feel ko ang presence ni Nick nang kantahin ang song na ito...

How can I tell you that I love you, I love you
But I can't think of right words to say
I long to tell you that I'm always thinking of you
I'm always thinking of you, but my words
Just blow away
It always ends up to one thing, honey
And I can't think of right words to say
Wherever I am babe, I'm always walking with you
I'm always walking with you, but I look and you're not there
Whoever I'm with, I'm always, always talking to you
I'm always talking to you, and I'm sad that
You can't hear, so sad that you can't hear
It always ends up to one thing, honey,
When I look and you're not there
I need to know you, need to feel my arms around you
Feel my arms around you, like a sea around a shore
And each night and day I pray, and hope
That I might find you, and hope that I might
Find you, because hearts can do no more
It always ends up to one thing honey
Still I kneel upon the floor


Nang matapos ang concert. Nakalabas na rin kami ng area at sinabi nya sa akin na may pupuntahan kami, sabay hawak ng kamay ko...


ITUTULOY...