Pages

Wednesday, April 20, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 1

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)





CHAPTER ONE...



“Ako...sino nga ba ako... kahit ako hindi ko mabigyan ng katauhan ang sarili ko pero alam ko masaya na ako.”


Ito ang kwento ng buhay ko... 


 “O Itay, dalhin mo ito, nariyan na ang hapunan mo at almusal mo bukas. Pag nagutom ka mamaya may ginataang saging sa loob may kape at asukal narin dyan, mag painit ka nalang ng tubig sa kubo.” Sabay abot ni Inay ng balutan sa Itay.


“O sige Nay salamat dito, Aalis na ako, malapit ng lumubog ang araw”


“Oo  magmadali kana, mahirap gabihin sa daan walang ilaw ang kalsada. O Tonyo, Junjun, mag paalam na kayo sa Itay nyo.” Tawag ni Inay sa amin nang nakababata kong kapatid na si Junjun o Julian Jr., para magpaalam kay Itay.


Yumakap at humalik sa amin si Itay.


“Paalam tay. Ingat kayo” Magkapanabay pa naming sabi ni Junjun.


“Tay pasalubong namin ha” Pahabol kong sabi kay Itay. Inaasahan lagi namin na magdadala si Itay ng minatamis na Niyog na mabibili sa kanyang dinaraanan.


“Oo alam ni Tatay yun. Di makakalimutan yun, para yata yun sa mga anak ko” Pakorning tono ni Itay.


Sabay ngiti sa amin at humarap sa Inay.


“O siguraduhin nyong nakasarado ang bahay. At wag na kayong magpapapasok ng bisita.” Pagpapaalala ni Itay.


 “Alam ko,sige na, baka gabihin ka pa.”


 “Inay parang kinakabahan ako, wag na kaya akong tumuloy?” Pag-aalangan ni Itay.


 “Anu kaba, Dyan ka lang naman sa palayan pupunta, anung ikinakaba mo? At saka nakakahiya kay Senior Enrico. Ikaw ang pinagkakatiwalaan nya. Wag ka nang kabahan ‘Tay, kayang kaya namin ang sarili namin. At malapit lang naman ang kapitbahay nating si Lagring. Lakad na at palubog na ang araw.”


 “O sige, mag-iingat kayo.” Tumalikod na ang Itay pero muli itong humarap sa Inay at winikang “Mahal na mahal kita Rosario”


Narinig namin ni junjun ang pagkamalambing ni Itay.


“Uyyyy... si Itay at si nanay” Ang pakilig kong pagkakasabi sa dalawa.Sabay ngiti ng aming magulang.


Umalis na rin si Itay at doon sa kubo sa palayan sya matutulog na malayo sa aming tirahan. Naroon ang malaking imbakan ng bigas at madaling araw kokolektahin ang mga sako sakong naaning bigas. Ihahatid ito sa Maynila ng mga taong inutusan ng may-ari ng lupa na si Senior Enrico. Di nagtagal matapos ang hapunan ay nagsimula na kaming masipagtulog...


“Anak gising, gumising kayo bilis, nasusunog ang bahay” Ang sigaw ni Inay.


ِِNananaginip daw ako na naka bilad daw ako sa ilalim ng sikat ng araw, kaya pala ramdam ko pa ang init sa aking mukha. Kaya pala iyon ang napapanaginipan ko ay dahil sa paglagablab ng apoy na halos umabot na sa kalahati ng aming dampa.Mabilis nitong winawasak at kinakain anu man ang mahagip. Mabilis akong bumangon pero hindi ko maaninag ang paligid, dahil puro usok ang loob ng kubo.  Natataranta na ako, gising na ang buong sistema ng katawan ko, inaninag ko kung nasaan si Nanay at si Junjun, mabilis kong pinuntahan ang nagsisimula nang umiyak kong kapatid para buhatin at sabay-sabay kaming lumabas ng kubo, hinanap ko si Inay, inaninag ko din syang mabuti kung ano pa ang ginagawa nya gayong malala na ang sitwasyon. Kinukuha pala nya ang basket na naglalaman ng mahahalagang bagay para sa kanya, ang kwintas na pinamana sa kanya ng lola, ang mga litrato namin, ang ipon ni Itay sa pagtatrabaho, at ang iba pang mahahalagang bagay ni Inay. Dahil naipit ang basket ng nalaglag na malaking kahoy hindi tuloy ito makuha ni Inay.


 “INAY TAMA NA YAN!!! UMALIS NA TAYO, LUMALAKI NA ANG APOY, NAY!!!” Ang pagsigaw ko para kumilos na ang Inay at hayaan nalang ang basket dahil nanganganib ang buhay namin.


Pero ayaw paring bitawan ni Inay at hindi parin sya paawat sa pag-hila ng kanyang basket. Hanggang sa nangyari ang isa pang bagay na hindi ko inaasahan. Isang malaking kahoy ang bumagsak mula sa taas at nadali nito ang isang hita ni Inay.


“ARAAAAAAY!!!”Ang palahaw ni Inay sa sakit.


Dahil sa nangyaring iyon ay lalo kong naramdaman ang takot, dahil kumakalat na ang apoy at lumalaki na ito ng mabilis, ngayon naman si nanay naman ang hindi ko mai-alis sa pagkakadagan ng kahoy, pilit ko syang hinihila.


 “INAAAAAAAAY!!!”


 “Lumabas na kayo ng dampa, iligtas mo ang kapatid mo, bilisan mo!!!” Pagtulak ng kamay sa akin ni Inay.


 “INAY, PAANO KAYO? HINDI, HINDI KITA IIWANAN” Ang desperado kong tugon sa nanay.


 “Tumakbo kana, humingi ka ng tulong sa labas”


Tama si Inay kung lalabas ako at hihingi ng saklolo, may posibilidad na makuha agad sya. Yun ang paraan para maligtas kaming lahat, kaya binuhat ko si Junjun, tumakbo at humingi ako ng tulong sa mga tao at sabihing naiwan pa ang Inay sa loob at naipit ng malaking kahoy. Pero nang makalabas kami ng kapatid ko at walang anu-anu ay bigla nalang bumagsak ang dampa at lalong lumaki ang apoy.


 “ INAAAAAAAAAAAAAY!!!”


Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Biglang nawala ang pag-asa na makukuha ko pa si Inay.Sasabog yata ang utak ko sa pagkawala ng pinakamamahal kong Ina, Alam ko na kung nagtagal pa kami ni Junjun sa loob ay walang makaliligtas sa aming tatlo. Ayokong isipin ang sakit na naranasan ni Inay habang unti unting nilalamon ng apoy. Tumakbo na ako palayo sa aming nasusunog na bahay, bitbit ko ang kapatid kong si junjun, pupuntahan namin ang pinakamalapit na kapitbahay naming si Aling Lagring  na medyo may kalayuan din sa aming dampa. Nang bigla nalang naming narinig ang isang malakas na pagsabog sa loob ng gumuhong kubo. Lumingon ako puno ng luha sa aking mga mata. Lumaki lalo ang apoy. “INAAAAYYYY” Sigaw ng isip ko.


Alam kong wala ng magagawa ang pag-iyak para muling mabuhay si Inay, pero iyon lang ang tangi kong nararamdaman ang maghinagpis at umiyak ng umiyak. Madalim pa ang paligid maaaring mga ika-lima o ika-anim palang ng umaga, pero tumitilaok na ang mga tandang, kasabay ng paglagablab ng aming munting tirahan. Nagsisimula nang magdatingan ang mga tao, narinig nila marahil ang malakas na pagsabog at nakita nila ang malaking usok sa gawi ng aming bahay. Nasalubog agad namin si Aling Lagring sa daan. Si Aling Lagring ang matalik na kaibigan ni Inay, dali-dali nya kaming sinalubong at niyakap kami ng kapatid kong umiiyak. Nariyang hahaplusin ang mga mukha namin at yayakapin muli, titignan muli kami at tatanungin kung anung masakit sa amin, titignan kung may galos ba kami at muling yayakapin. May mga taong nakatingin sa amin, may iba na tumatakbo diretso papunta sa lugar malapit sa nasusunog naming kubo.


 “Nasan ang Inay nyo???”


Sinabi ko sa kanya na patay na ang Inay at umalis ang Itay dahil nagbantay sa palayan.


 “ROSARIOOOO, huhuhu.... Diyos ko... ROSARIOOOO” Katulad ko hindi sya makapaniwala na wala na si Inay.


Nakikisimpatya si Aling Lagring sa masaklap na nangyari sa aming  pamilya. Dinala nya kami sa bahay nya para linisin at palitan ng damit at pakainin narin. Lumabas na nang tuluyan sa kinakukublihan nito ang haring araw at mga alas siyete na siguro iyon ng umaga nang dumating ang Itay, nakita nya na marami paring tao sa paligid at may bomberong nagliligpit matapos maapula ang apoy at rumisponde na rin ang mga pulis at mga nakatoka sa pagkuha nang bangkay ni Inay sa nasunog na dampa. Pero sinabi ng mga ito na wala nang naiwang labi sa loob ng nasunog na kubo, dahil sinaid na ito ng apoy. Sinabi nila na sobrang malaki ang apoy at nahagip nito ang tangke ng gas na sanhi ng malakas na pagsabog.


“Iyon pala ang sumabog kanina” bulong ko sa sarili.


Si Itay matapos mapagtanto ang mga pangyayari ay nagsisigaw, tinatawag nya ang diyos at tinatanong kung bakit ito nangyari sa amin.  


“tuya batit kaw iyak?” tanong ng kapatid kong hindi pa tuwid magsalita.


Niyapos ko ang natitirang alaala ni Inay.


 “Jun tandaan mo to, hindi tayo magiiwanan ha. Basta lagi ka lang sa tabi ko ha.” Humihikbi kong sabi sa kapatid ko.


“Opo tuya, pero tuya asan ti naynay?” Ang tanong nya muli.


 “Nasa langit na siya Jun, Masaya na si Inay” sagot ko naman.


Biglang lumingon si Itay sa kinaroroonan namin.


 “IKAW, IKAW ANG DAHILAN KAYA NANGYARI ITO!!!”Ang baling sa akin ni Itay. Dagli nyang hinablot ang aking braso at dinuruduro ang mukha ko.


 “Ka Poldo, anu bang pinagsasabi mo?” Gulat na tanong ni Aling Lagring. Pero hindi sya pinansin ni Itay at nanatiling nakatingin sa akin.


 “IKAW ANG SUMIRA SA BUHAY NATIN, IKAW ANG LAGING NAKAKAIWAN NG KANDILANG BUKAS, IKAW ANG SUMUNOG SA BAHAY, IKAW ANG PUMATAY SA ASAWA KO!!!” Ang nanggagalaiting sigaw ni Itay.


 “Bitawan mo ang anak mo Ka Poldo, walang kasalanan si Tonyo, hindi ka pa sigurado kung iyon nga ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay nyo”


 “Anung hindi, iyon ang sinabi ng mga imbestigador, ang kandila ang pinagmulan ng sunog. KAYA IKAW, IKAW ANG MAY KASALANAN” Lingon kay Aling Lagring at baling muli sa akin.


 “Itay tama na po Itay, huwag” patuloy na pananakit sa akin ni Itay.


Nakita ni Itay ang walis at kinuha niya ito at galit na galit na inihambalos sa akin.


 “ARAY TAMA NA ITAY, MASAKIT YAN.” Pamimilipit ko sa sakit, hindi ko na alam kung saan dumadapo ang kahoy sa sobrang dami ng paghataw ni Itay, ang alam ko lang mahapdi ang bawat hampas para itong apoy na nakakapaso sa init at lumalatay iyon hindi lang sa aking balat, kundi pati sa aking pag-iisip.


“Tay mana, wawa si tuya” Pagsigaw ni Junjun.


 “ANU BANG GINAGAWA MO POLDO, ITIGIL MO YAN!!!” Awat ni Aling Lagring.


Humihingal at tumutulo ang luha ni Itay nang tumigil sya sa kanyang nagngangalit na paghampas sa akin. Niyakap ako ni Aling Lagring. Kahit mahapdi, niyakap ko si Aling Lagring, kailangan ko ang yakap na iyon dahil hindi ko na kaya ang mga pasakit na aking nararanasan. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at ramdam ko rin ang daloy ng dugo sa mga nasugatang ugat dulot ng mga latay sa aking balat.


Nakakatakot si Itay ng mga oras na iyon, hindi ko na sya kilala, habang yakap ko ang umiiyak na si Aling Lagring marahil sa awa sa akin dahil sa aking sinapit, tinignan ko si Itay pero iba ang nararamdaman ko sa kanya, bigla syang parang naging estranghero, kinakapa ko ang puso ko kung mahal pa ba nya ako. Biglang binuhat ni Itay si Junjun.   


 “WAG NA WAG KANG SUSUNOD SA AMIN. HINDI KO NA GUSTONG MAKIKITA ANG PAGMUMUKHA MO. ANG MUKHANG SUMIRA SA BUHAY NG ASAWA KO!!!” Panduduro ni Itay sa mukha ko. Inilalayo naman ako ni Aling Lagring marahil sa takot na makuha muli ako ni Itay at saktan.


Tumawag sya ng tricycle at dali-daling sumakay at namalayan ko nalang ang sarili ko na hinahabol ang tricycle na sinakyan nina Itay.


 “ITAYYY, SANDALI, JUNJUN!  WAG NYO KONG IWANNNNNNNN!!!”


“TUYAAAAAAAAAA!!!” Si Junjun.


 “DIYOS KO NAMAN! POLDO! BUMALIK KA!” Naririnig ko si Aling Lagring na nakikihabol at sumisigaw sa likuran ko. Binilisan ko  ang aking pagtakbo, hindi ko kayang mawala sila sa akin.


 “ITAYYYYY! SAMA AKO ITAY!, WAG NYO KONG IWANNNNNNNNNNNN!!!”


Mabilis ang tricycle, hindi ko yata kayang tagalan pa. Hindi ko na kayang tumakbo pa, wala ng lakas ang mga paa ko. Ang hirap ng aking kalooban dahil sa pagiwan sa akin ni Itay, Ang kanyang galit, Ang pag kawala rin sa akin ni junjun, Ang sakit din ng aking katawan sa mga latay, Ang init din ng lupa na aking tinatapakan na ramdam ng aking mga paang walang sapin, Ang hinagpis din ng aking puso na dulot nang pagkawala ni Inay, Ang takot din dahil sa pagkawala ng matitirhan, Ang pagiging mag-isa, walang ina, walang ama, walang kapatid, walang kasama, walang tigil na pagluha, walang lakas, hanggang sa bumagsak nalang ako sa lupa....


Wala na akong namalayan pagkatapos...



(ITUTULOY...)

Sunday, April 17, 2011

ABANGAN...


Naranasan mo na bang madapa, marahil hindi lang siguro madapa kundi mapasubsob sa masaklap na buhay, yung akala mo hindi mo na kayang bumangon, at paulit-ulit kang hinihila ng lupa, pero nagmamatigas ka , bumabangon ka kahit alam mong parang wala nang dahilan. Bumangon ka at muli na namang nadapa, paulit –ulit, masakit na ang iyong nagdurugong pagkatao, pero siguro may mga bagay ka pang kailangang gawin para bumangon, kaya ginawa mo muli ang bumangon. Hangang sa dumating ang pagsubok na hindi mo alam kung kaya mo pang pagtagumpayan. Ako... Kung ako lang ang masusunod gusto ko pang bumangon at mabuhay para sa Kanya... dahil mahal ko Siya...



"ANG PAMANGKIN NI ATE MERCY"... 
ABANGAN...


BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)
Blogsite: akosijamesw.blogspot.com

Monday, November 8, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHP - 10






CHAPTER TEN... (LAST CHAPTER)


ANG NAKARAAN...

Pagkatapos ng pag-aakalang patay na si Pa, ay sinorpresa nya ako sa bahay namin. Lahat ay lumuha ng kaligayahan at wala na akong pagsidlan ng aking kasiyahan dahil sa ang pinakamahalagang kahilingan ko sa buhay ay natupad, ang mabuhay siya. Wala kaming inaksayang oras at nagpunta agad kami sa resort ng mga Salvador dahil miss na miss na namin ang lugar na iyon. At naging masaya ang lahat ng mga kaibigan ko at ang pamilya namin ni Pa. 

Sinabihan kami ni Mommy Glenda na ibo-book na kami papunta sa Australia para makasama ang lolo at lola ni Pa, ngunit nagtanong si Pa kung sasama ba ang magulang niya.
MRS. SALVADOR: “Of Course we do, susunod kami ng Dad mo at si Balae at si Linet kulet, hehehehe. Is it nice?”

AKO at si NICK: “Alright” At tawanan kaming lahat...




PAGPAPATULOY...



Dumating ang araw ng aming pag alis, nakaupo na kami ni “Pa” sa 3rd row ng business class. Syempre doon ako sa may bintana, hindi dahil gusto kong makita ang pag lipad ng eroplano, kundi gusto ni Nick na lagi akong protected. Diba ang sweet. Habang inihahanda ng piloto ang makina ng eroplano para sa gagawin nitong pag lipad. Abala naman si “Pa” sa paghahanap ng mga bagong movies. Hindi pa man nakakaalis ng bansa ang eroplano, nami-miss ko na agad ang Davao, ang bayan na naging saksi sa lahat. Mula sa pagkasilang sa akin hanggang sa kung ano man ako at meron ako ngayon. 

Nami-miss ko rin si Pau at Amy, na malapit ng ikasal sa susunod na taon, at syempre hindi mawawala kaming dalawa ni “Pa” bilang best man at abay sa kasal nila. Si Pau na naging kababata ko, kuya, kaklase, kabarkada, karamay, kapatid, at pinaka-natatanging kaibigan. Hindi ko malilimutan ang huli nyang sinabi sa akin.


PAU: “Mag-iingat ka doon best, alam mo kung gaano kita kamahal, sunod sa Diyos, magulang ko at kay Amy. Hindi ko mapapatawad si Nick pag may nangyaring masama sayo. Ok? Kaya alagaan mo ang sarili mo ha habang wala ako sa tabi mo, at wag mong kakalimutang balitaan ako. Mahal na mahal kita Best ko.” 

AKO: “Oo Best, salamat po, hindi kita malilimutan, saan mang sulok ng Australia at anu mang oras na gising ako, mami-miss ko ang pagsasamahan natin. Mahal na mahal din kita Best, payakap nga.”
Syempre iyakan moment kami ni Pau sa isang sulok ng airport.
Nag moment din kami ni Amy, Si Amy na nakakakilala din ng mga kalandian ko. Ang clown ng buhay ko. Meron din syang pahabol na salita.

AMY: “Bhe, mamimiss kita, wala na akong kachorvahan. Ang updates ko... Mag-iingat kayo ni Nick. I’m so happy you’ve been this far. Unawain nyo lagi ang isa’t isa, hindi mawawala sa relasyon ang away. Balitaan mo rin ako ha.” Nguyngoy ng gaga. 

AKO: “Anu kaba syempre may updates ka parin, lalo na ngayong malayo sa isa’t isa ang dalawang maganda sa earth. Hehehe. Ingatan mo si Pau, sya lang ang kapatid kong lalaki. Wag ring kayong mag-aaway, wag mo  kong kakalimutan. Mahal ko kayong dalawa.” Pina-iyak din ako nito.


Naghatid din si Angela, at Leo, Pero si Kiko hindi daw makakasama, busy sa itinatayong business. Kaya tumawag nalang sa amin ni “Pa”. Si Issa naman binalitaan ako, may nanliligaw daw sa kanya, sinabi ko na sana kasal na sila pag balik ko ng bansa at ipaghanda nya ako ng maraming banana cue dahil siguradong mami-miss ko iyon sa bansang pupuntahan ko. Pero hindi rin nakasama si Issa sa pag hatid. 

Ang Mommy Glenda umiiyak habang paalis kami, walang katapusang 


MRS. SALVADOR: “Ingat kayo doon, tatawag kayo pag nakarating na kayo ha.” Hindi kami bitawan ni Nick sa pagkakayakap. 


Ang mga tita at tito ni “Pa” ay naghatid din, isang mahigpit na yakap naman ang iniwan sa amin ni Daddy Roman. May Pahabol din ito sa akin.


MR. SALAVADOR : “Mga anak, wala ako sa tabi nyo, kaya alagaan nyo ang isa’t isa, Jake anak,sumbong mo sa akin si Nick pag hindi sumusunod sayo ha. At ikaw Nick, mamahalin mo to, hindi mo alam ang sakripisyo ni Jake sayo” Tango lang kami ng tango ni Nick. Iba talaga pag may ama. Nami-miss ko tuloy si Tatay.

At ang Nanay at si Kulit Linet, syempre malungkot. Sinabi ko sa nanay na susunod naman sila pagkatapos  ng isang linggo. Kaya wag na nilang pabigatin ang loob ko kasi ang hirap umalis ng malungkot.


NANAY: “Nak, hindi natin hawak ang buhay natin, kaya isang aral din sa akin na sabihin ko ito sa inyo ng kapatid mo, anu man ang mangyari, lagi mong tatandaan mahal ko kayo ng kapatid mo” Singkit na naman ang mata ko, si nanay kasi, basta ina sobrang lambot ng puso ko.

NANAY: “Nick, anak, alagaan nyo ang isa’t isa, mahal na mahal din kita anak” at niyakap kami ni Nanay.


Si Ken, nagpakalayu-layo na, nagka-ayos na rin ang mga magulang ni Ken at sina Mommy Glenda at Daddy Roman.  Sinabi ko kay Nick  na paano kami makakapagsimula ng tahimik kung meron kaming dinadalang bigat sa dibdib, kaya napatawad na nya si Ken.

Bigla kong naramdaman ang labi ni “Pa” sa pisngi ko, 


NICK: “O anung iniisip ng mahal ko, hindi na ako naririnig.” May pagtatampong himig ni Pa.

AKO: “Wala, ok lang ako, namimiss ko lang silang lahat”

NICK: “Ako nalang isipin mo, ok. Para smile kana” 


Napatawa naman ako sabay tahimik ng maalalang nasa business class area kami.


AKO: “Ikaw kas-” naputol ng biglang halikan ang labi ko.

NICK: “I love you Pa.” Nakatitig sa mga mata ko.


Hinalkan ko ang Noo, ang Ilong at ang labi nya. Umaapaw ang kasiyahan na nadarama ko. Nakarating din kami sa Australia at sinundo kami ng lolo at lola ni Pa.



Sa Sydney Airport...


Sinundo kami ng mag-asawa, ang mga lolo at lola ni Pa, na naging pangalawang lolo at lola ko narin dahil wala na akong nakilalang mga lolo at lola dahil maagang pumanaw ang mga ito, sina nanay at tatay kasi ay mga nag-iisang anak, unico hija at hijo ika nga. Kaya excited din ako kung paano ba magkaroon ng lolo at lola. Bagamat nakikita ko kung paano ang pakikitungo ng mga lolo at lola ni Pau sa kanya, iba parin ang pakiramdam na ako mismo ay magkakaroon na ng sariling mga lolo at lola sa pamilya ni Pa.


GRANDMA SALVADOR: “Nick, hijo, mabuti at nakaligtas ka,huhuhu” Umiiyak na salubong sa amin lola ni Nick, hinahagod naman ni lolo ang ulo ng apo nila. Kitang kita ang pagkamiss at pagaalala  ng mag- asawa. Maliit pala ang lola ni Pa, pero maganda, at ang lolo kamukha ni Eddie Gutierez at matangkad, halatang may itsura sya nung kabataan.

NICK: “La enough na, I’m ok and I have someone for you” 


Kumalas naman ang matandang babae at sabay tumingin sa akin ang dalawang matanda, sabay pahid ng luha ng lola. Ngumiti sila sa akin at.


GRANDMA SALVADOR : “Naku hijo, pasensya kana apo, ikaw ba si Jake? Halika dito, lumapit ka, naku ampogi pogi pala ng boyfriend ng apo ko” Sabay lapit ko sa kanila at yakap din.

GRANDPA SALVADOR: “Aba oo nga, hijo ituring muna kaming mga lolo at lola mo ha, dahil malapit na kayong ikasal ni Nico.” Sabay patong ng kamay sa ulo ko gaya ng ginawa nya kay Nick. Nico pala ang tawag nila kay Pa.
Hindi ako makapagsalita, yakap at ngiti ko nalang ang pinakita ko sa dalawang matanda tanda ng labis kong kasiyahan una sa pagkakaroon ng mga tunay na lolo at lolang maituturing, pangalawa sa mainit nilang pagtanggap sa akin, at pangatlo sa pagsuporta sa pagmamahalan namin ni Pa.  

NICK: “La Let’s go, my baby is hungry” Sabay akbay sa akin.

GRANDMA SALVADOR : “Oo nga naman, matagal ang byinahe ng mga apo ko, at nakaprepare narin ang pagkain sa bahay, kaya tayo na.”


Nakarating kami sa 2 storey na bahay nina lolo at lola, Puno ng halaman at mga puno ang bahay, sa malaking bakod ay umaapaw ang nagagandahang bulaklak na siguradong si lola ang nag-aalaga. Parang pilipinas pero mas may kalidad nga lang ang mga materyales na ginamit sa naturang bahay. Pag pasok namin sa gate ay walang katao tao.


AKO: “La, bukod po sa inyo sino pa pong nakatira sa bahay na ito.”

GRANDMA SALVADOR: “Kami lang hijo ng lolo mo ang nakatira dito. Kaya apat lang tayo sa bahay na ito. Pero pag kasal na kayo, ipapakita ko sa inyo ang bago nyong bahay. Pero syempre dapat lagi parin kayong papasyal sa amin kasi ma-miss ko kayong dalawa ni Nico”

NICK: “Ofcourse nman ‘la, dito kaya nakatira si Pubu at Madrigal, asan na nga pala sila”

AKO: “Sino si Pubu at Madrigal?”

GRANDPA SALVADOR: “Tayo na sa loob at nang makilala mo sila.”


Kaya pagpasok ko sa bahay ay namangha ako sa linis at ayos ng bahay nina lola, sobrang cozy ika nga, na feel ko agad ang pagod nang makita ko ang lavander na sofa, parang ang sarap-sarap humiga at magpahinga doon. Ang ganda ng wooden furnitures na inayusan ng mga thin glasses figurines, malaki ang spaces ng bahay, pero wow naman sa mga appliances, na kung saan nakikita ko lang ang  mga ito sa mga MTV cribs o yung mga hollywood celebrity houses. Speechless ako sa crib ni lola at lolo. Hehehe.
 
Bigla namang bumaba sa sofang iyon ang isang super duper cute na aso, na noon ay diko alam ang tawag sa family classification ng aso pero kalaunan ay sinabi rin sa akin ni Pa na iyon daw ay isang Westie dog. At lumapit agad ito sa paanan ni Pa at dali-dali namang kinarga ito ni Pa at niyakap at hinalik-halikan, nakaka-overwhelmed na makita ang dalawang cute na nilalang sa harapan mo. Si Pa na talagang cute at ang karga nya na sobrang cute din, hindi ko namalayang abot tenga na pala ang ngiti ko. At naramdaman ko nalang na lumapit sa akin si Pa para ibigay ang aso.


AKO: “Anung name nya Pa? Babae ba ito?”

NICK: “Oo babae si Pubu”

AKO: “Ah, aso pala si Pubu, ang cute naman nito, ang bait nya ano, di sya galit sa ibang tao”

NICK: “Matapang yan, pero alam nya kasi na kilala kita kaya maamo sya sayo”

GRANDPA SALVADOR: “Alam ni Pubu kung sino ang magiging asawa ng amo nya”


NAgtawanan nalang kaming lahat at nagyaya na si Lola sa dining area para makapagsimula na kaming kumain, kahit gusto kong isama sa lugar si Pubu, pero kailangan parin ang right manners sa hapag kainan, kaya binalik ko nalang si Pubu kay Pa at kinuha nya ito at bago ibaba ay hinalikan ulit.


AKO: “Mag tooth brush ka ha”

NICK: “Ayaw ko nga, hindi ako magto-tooth brush kahit hahalik ako sayo”

AKO: “Subukan mo lang”

NICK: “Hehehe, biro lang Pa.”



Nang makarating naman kami ng kusina ay pinakilala ni lola si Madrigal, isa pala syang Parrot. At tinawag agad nito ang pangalang ni Pa, nasinasabing.



MADRIGAL: “Nico, nico, nico, ang pogi pogi mo nico, kumusta nico”



Napatawa naman ako sa galing ng ibon na magsalita, alam ko tinuruan yun ni Pa kung ano ang sasabihin. Nag simula na din ang dinner. Kahit nasa ibang bansa kami, gulay ang pagkain, tortang talong, amplayang may itlog, sinaing na tulingan na may gata na nasa palayok pa talaga, litsong kawali, at sariwang juice na galing sa kinatas na orange. Grabe ramdam kong namamasa ang lalamunan ko. Sobrang sarap ng kakainin namin.


AKO: “La buti nalang hindi nyo binabago ang pagkain na nakasanayan na natin.”

GRANDMA SALVADOR: “Syempre hijo, ito yata ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo”


Wala kaming inaksayang panahon at kumain na kami habang panay ang tanong sa akin ng dalawang matanda mula ng simula kaming magkakilala ni Nick hanggang sa bago kami umalis ng pilipinas. Maraming nabuksang mga bagay bagay at mga impormasyong nagdala sa aming lahat upang higit na makilala ang isa’t isa. Naging masaya ang aming hapunan at nagsimula nang magsipaghanda para sa gagawing pamamahinga dahil siguradong bukas at sa mga susunod na mga araw ay magiging abala na kaming lahat sa preparasyon ng aming kasal ni Nick.
Naihanda ko narin ang singleness papers ko bago ako umalis sa pinas, sabay kaming nag pa-authenticate ng singleness sa government na isa sa mga kakailanganing dokumento para sa pagkakasal.

Dumating ang bukas at kasama sa aming pag to-tour ay ang pagpaplano ng mga bagay bagay, mabilis na lumalakad ang mga araw at dumating narin sa wakas ang nanay at si Linet kasama si Mommy Glenda at Daddy Roman. Abalang-abala kami sa mga preparasyong katulad ng mga isusuot namin ni Nick sa Civil Wedding Ceremony, natural pareho kaming naka coat and tie hehehe, ang mga witnesses ay kinuhanan narin ng mga sukat para sa tatahiing mga damit, at syempre sina lolo at lola ay hindi papahuli sa attire, gorgeous blue floral print Organdie shift dres na matching pa sa hat with feathers. Syempre deep midnight blue ang motif kaya yun din ang kulay ng gown ni Lola at si Lolo naman ay black suit with same motif color ang inner nya. Parang sila ang mag go-golden wedding. Maganda rin ang gown ni nanay, mommy at ni Linet. 

Sobrang gwapo naman ni daddy sa suot ng gray suit. Pinuntahan din namin ang mga kilalang hotels para piliin ang lugar kung saan idadaos ang reception, iba talaga si lola, masyadong galante pagdating sa amin ni Pa. Kasundong kasundo ni Lola si Linet dahil sa kakulitan nito. At binibiro naman ni Lolo si nanay na may ipapakilalang matipunong biyudo sa araw ng kasal para sa kanya. Natatawa nalang kami ni Pa at ni Linet sa naririnig. Nahihiya man ang nanay ay nginingitian nalang nito ang lolo. Hindi rin namin pinalampas honeymoon location. At ang Cable Beach Club Resort & Spa ang napiling lugar. 

Bawat gabing magkatabi kami ni Pa ay labis na kasiyahan ang pinapakita ko sa kanya. Sana hindi na magwakas ang kasiyahan sa aming mga puso. At ang araw nga na aming pinakahihintay ay dumating.

Naging isang parang fairytale ang buong umaga para sa akin, kahit mahirap tanggapin ay lagi kong ginigising ang aking sarili na ang aking nakikita ay totoo, oo ikakasal na rin ako sa lalaking aking pinag-alayan ng aking puso. Hindi ganun karami ang bisita, pero lahat naman sila ay kakikitaan ng pagiging masaya, tanda na tanggap nila ang aming pagmamahalan. Hindi ko alam, pero sobrang biyaya ang tinamasa ko mula sa Kanya, alam ko wala sa banal na kasulatan nagpapahintulot sa pagsasama ng dalawang magkatulad na sekso, pero wala akong ibang pagaalayan ng pasasalamat kundi sya lang.

Nasa loob na kami ng isang korte at isa isa na kaming tinanong ni Mrs. Thomson ang county commissioner na napili ng lolo na magkakasal sa amin. 

MRS. THOMPSON: “Ok where is the ring?”


At nilabas nga namin ang sing sing.


MRS. THOMPSON: “Perfect, hold the ring you will be given to your partner, Ok Nick, you will say the vow first because you are older than Jake, Ok Nick, dear, ready the ring to be place in Jake’s Ring finger and insert it after you repeated all what I will say. Let’s start, I (your name), take you (his name) to be my husband”

NICK: “I, Nick Salvador, take you, Jake Garcia to be my husband”

MRS. THOMPSON: “And I promise to always be loyal”

NICK : “And I promise to always be loyal”

MRS. THOMPSON: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

NICK: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

MRS. THOMPSON: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

NICK: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

MRS. THOMPSON: “Excellent, now insert the ring, ok good, Now, Jake your turn. Prepare the ring in Nick’s Ring Finger and insert it after you repeated as well what I’ve said. Ready?”

AKO: “Yes” Habang lumalagas ang luha sa aking mga mata, kahit si Nick at ibang tao sa loob ng court, umiiyak din.

MRS. THOMPSON: “I (your name), take you (his name) to be my husband”

AKO: “I, Jake Garcia, take you, Nick Salvador to be my husband”

MRS. THOMPSON: “And I promise to always be loyal”

AKO : “And I promise to always be loyal”

MRS. THOMPSON: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

AKO: “In hapiness and in suffering, in sickness and health”

MRS. THOMPSON: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

AKO: “And I promise to love and honor you all the days of my life.”

MRS. THOMPSON: “Awesome, now insert the ring, ok perfect.”


Syempre nagkiss kami pero smack lang kasi may ibang tao sa korte.


MRS. THOMPSON: “Ok if you don’t mind, please come over here and sign this papers, which legally proves that the two of you are joined by the law of Government of Australia. Ok Nick, come over here, and signed this paper”
At Pagkatapos ay ako naman ang tinawag at ang mga witness.

MRS. THOMPSON: “Ok you still not married because I still not signing” Pagbibiro ni hukom na nag-alis pansamantala sa kaba ng kasalukuyang nagaganap sa kwartong iyon.”

MRS.THOMPSON: “Ok i will sign. There you go... Now I legally pronounce that Nick and Jake are couple this day of _________.


At nagpalakpakan ang lahat. Sinalubong kami ni nanay, mommy at daddy, pati si linet. Ang dalawang matanda ay sumalubong din ng yakap at halik. Lahat ng bisita ay bumati at hindi rin namin nakalimutan ang taong tumulong sa pagiisang dibdib namin na si Mrs. Thompson. Invited si Mrs. Thompson sa reception pero sa araw din palang iyon ay pabalik na sya sa UK para sa reunion nilang pamilya. 

Maraming naganap sa receptional area. After nun ay pinuntahan din namin ang bahay na pinagawa sa amin ng lolo at lola ni Nick. Wala akong masabi, dahil para sa akin kahit gaano kasimple ay sobrang maaapreciate namin iyon. Pero sobrang ganda talaga ng regalong ito sa amin. Pero mabilis lang ang takbo nang oras at namalayan nalang namin na nasa isang duyan kami ni Nick, sa lugar kung saan namin gaganapin ang honey moon namin. Dinadama namin ang isa’t isa ang ligaya na hindi na kami maghihiwalay dahil sa aming pag iisang dibdib. Hinahaplos haplos ang kamay ng bawat isa. Masuyong hinahalikan ang mga labi at mukha. Tinig lang ng pintig ng aming mga puso ang aming naririnig. At masuyong paghinga lang ng bawat isa ang aming nalalanghap.

Ngayong papunta na kami sa kabanata na kung saan ay uumpisahan na namin ang buhay para sa aming dalawa. Kasama ng mga taong tunay na nakakaintindi at tunay na nagmamahal sa amin. Wala na akong mahihiling pa. Hanggang sa pagtanda, aalagaan kita “Pa”. 


AKO: “Mahal na mahal kita kasi IKAW ANG PUSO KO” 

Hinawakan nya ang kamay ko.

NICK: “Alam mo ba kung bakit ako nakarecover?” 

Umiling ako


NICK : “Dahil IKAW  NAMAN ANG BUHAY KO”


<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<FOREVERMORE>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold night
I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

All those years,
I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night,
I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine
I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

Time and again
There are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore

Wishing you would be mine
I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world

As endless as forever

Our love will stay together

You're all I need to be here with forever more
(As endless as forever
Our love will stay together)

You're all I need

To be here with forevermore...

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>