Pages

Saturday, September 25, 2010

"Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko" CHAPTER - 3

CHAPTER THREE...

NAKARAAN...

Beep... Beep... Beep...
Ang ingay naman ng sasakyan nayun... Sino ba yun at alas syete ng umaga ay nambubulahaw na, pagsilip ko sa bintana ay may kulay itim na sasakyan, kinausap ni nanay ang tao sa loob nang sasakyan na di ko naman maaninaw kung sino at maya maya lang ay dali-daling pumasok si nanay sa loob ng bahay...

PAGPAPATULOY...

(Tok.tok.tok.) mga katok sa pintuan ng kwarto ko,

NANAY: “Jake, anak gising na dalian mo na, at nang umabot tayo sa misa”

Binuksan ko ang pinto at tinanong ko si nanay kung sino yung nasa labas.

NANAY: “Ah wala yun wag mo nang pansinin yun, may inaantay daw yung tao dito sa lugar natin, kung maaari daw ay pasumandaling maki parada muna sa labas ng gate natin.” Ang paliwanag nya.

Pinagmadali nya na akong mag-almusal, maligo at magbihis at ginising narin nya si Linet para makapaghanda ito. Kakatwa ang mga kilos ni Nanay,parang may hinahabol na kung ano, nagtinginan nalang kami ni Linet, at napangiti sa isa’t –isa ng makahulugan.

Palabas na kami ng gate ng makita ni Linet ang Itim na sasakyan na Range Rover.

LINET: “Nay bakit may kotse sa gate natin?”

Tahimik lang ang nanay at nang makalabas kami ng gate ay nagulat ako ng biglang binuksan ni nanay ang isang pinto ng sasakyan at niyaya si Linet na sumakay, sabay baba naman ng bintana sa harapan at nakita ko si Nick sa driver seat.

NICK: “Good morning Jake. Hurry up, we will be late for the first mass.”

Aba,naloka naman ako sa surprise nitong mokong na to. At kinuntsaba pa si nanay.
Wala na akong nagawa nakasakay na si nanay at si Linet. Mukhang hinding hindi mo mapapababa sa ayos ng pagkakaupo at nang tignan ko ay nakangisi sa akin ang kapatid kong makulit sabay taas ng kilay na parang sinasabing... “Hindi pala boyfriend ha...”

SA SIMBAHAN...

NICK: “Suprised?”

AKO: “Bakit hindi mo sinabi, me pa ganito-ganito kapa...

NICK : “May phobia na ako sa pag-iwas mo, baka di ka pumayag, that’s why i keep it secret. Hehehe...., Gusto ko rin namang may makasamang magsimba”

AKO: “Bakit hindi mo isama ang girlfriend mo???

ISANG TAO SA LIKOD NAMIN: “Ssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhh............” Pag-saway sa aming malakas na boses.

AKO: “Mamaya na tayo mag-usap” Natatawa kong bulong kay Nick.
Siguro kung nandito ang girlfriend nya hindi nya ako maaalala. Toinks. Nagdrama, hehehe, bakit ba magkaibigan lang naman kami... Yun ang katotohanan... ARAY...

SA KOTSE NI NICK...
Papakilala ko sana si nanay kay Nick, pero magkakilala na daw silang dalawa, tumawag daw si Nick kay nanay ng alas 6 ng umaga para ihatid kami sa simbahan. Kaya si Linet nalang ang pinakilala ko. Tuwang tuwa naman si Linet, kinikilig ang loka... Akin yan, humanap ka ng sayo...

AKO: “Nick, paano mo nakuha number ni nanay?”

NICK: “Ikaw nagsabi

AKO: “Ako? Hindi ah! Kelan?”

NICK: “When you tell to Ms. Minda that she need to send load to Aunt Letty’s Cellphone

Juice koh… Pinaglihi ba sa computer tong si Nick... pati simpleng paguusap ay naitatala nya sa utak nya habang nagmamaneho. Narinig kong bumubungisngis si Linet at nakangiti naman si Nanay nung tignan ko.

NICK: “By the way, san nyo gustong pumunta Auntie?”

NANAY: “Sa bahay nalang utoy, marami pa akong gagawin sa bahay.”

NICK: “No way Auntie, treat ko po kayo sa favorite place ko.”

AKO: “Nick, wag na, sobra sobra na yung tulong mo sa amin.”
LINET: “Anu kaba kuya ang sarap sarap nga dun sa pupuntahan natin. Ang KJ mo talga.”

Napatawa naman si Nick, at si nanay ay ngingiti ngiti lang. Aba’t ang gagang batang ito... hindi na nahiya... para namang alam nya kung saan kami pupunta at parang alam nya kung saan yung favorite place ni Nick. “EXCITED? EXCITED?” Tinawag pa akong KJ. Kill joy? anung kill joy sa sinabi ko? Nay dipensahan mo naman ako...

NICK : “Please Auntie, payag kana” Pacute pa sa rear mirror.

NANAY: “Sige Nick,pumapayag na ako”

Anu pa bang magagawa ko, si nanay na ang pumayag. Maganda sa pinuntahan namin, parang paraiso, ang malawak na resort ng mga angkan ng Salvador.


SA RESORT...

Sa gate palang ng resort ay siguradong mapapamangha ka sa mamahaling materyales na siguradong inangkat pa mula sa ibang bansa upang mabuo ang napakagandang bakuran ng resort. Sa pasukan ay may malalaking fountain na hugis Pisces, may Mermaid Fountain, may kabibe, at iba pa na mahusay na nililok mula sa bato. Sa kabilang banda naman ay may man-made falls na napapaligiran ng magagandang uri ng halaman at bulaklak. Maraming ibat-ibang klase ng puno na nag papalamig ng hangin sa mainit na panahon.

May pool pang makikita sa banda roon at sa gitna ay may mga slides pa. May mga kubo doon  gustong gusto ko nang puntahan ng mga oras na iyon, para bang nag aanyaya itong pumasok ka sa loob at magpahinga habang tanaw tanaw mo ang malawak na malinaw na karagatan na puno ng buhay na mga nilalang na masayang lumalangoy sa ilalim tubig sa maliwanag na sikat ng araw. Bawat masalubong naming tao ay yumuyuko at bumabati sa amin bilang paggalang sa isa sa anak ng may-ari ng malaking resort na iyon. Naku sayang sana sinama ko si Pau, siguradong matutuwa sya pag nakita nya ang mga nakikita ko.

NICK: “Yes, Jakey? You like it?” Sabay akbay sa akin... Jakey na ang tawag nya sa akin... hehehe

AKO: “Oo naman.” Nanlalaki pa mata ko sa tuwa at sa pagkabigahani sa lugar.

NICK: “Auntie, Nagugutom na ako, let’s  see the cottage”

LINET: “Oo  nga kuya Nay, gutom na gutom na ako”

Pasaway ka talaga Linet. Grrr...Bigyan mo naman ng kahihiyan ang kuya mo.

SA COTTAGE...

NICK: “Surprise”

AKO: “Pau” Sabay yakap kay Pau....

AKO: “P-pa-paanong?”

NICK: “Let’s talk about that later, the food is waiting ok” ngumiti na naman syang nakakatunaw...

Hindi talaga nawawalan ng supresa si Nick… Lahat gagawin nya mapasaya lang nya ang kaibigan nya. Masaya ako kasama ko Best Friend at Pamilya ko Pati narin ang Crush ko.Masarap sa cottage. May cable ang TV, DVD player at isang laptop sa tabi. Ang ganda ng 2 malalaking kama, Linen pa yata ang tela. Puno din ng swimming attire ang 2 cabinet. At sa tabi nito ay may malaking bintanang salamin na makikita mo ang tanawin sa karagatan.Duon naka lagay ang malaking mesa.  Ang daming handang sea food. At iba pang masasarap na ulam. Me fruit shake pa at ibang panghimagas.

Nanaginip ba ako.

Sa kanan ko si Nick at si Linet naman sa kaliwa. Katapat namin sina Nanay at si Pau. Sumulyap ako kay Pau, at nagbungisngisan kami, pareho naming alam ang ibig sabihin nun. Na masaya kami pareho at mamaya ay magpapakasaya pa kami sa dagat.Nanpansin kong nakatingin si Nick, kaya sumeryoso nalang ako sa pagkain at in-enjoy ang buhay prinsesa este prinsepe.

SA TABING DAGAT...

 PAU: “Pinasundo ako ni Nick, gusto daw nyang mag –enjoy tayo, kaya pumayag ako.”

Kung nagkataon palang hindi ako pumayag. Si Pau lang ang mag-eenjoy ng todo...

AKO: “Ano naniniwala ka na... Sabi ko sayo mabait si Nick... Sure ako magkakasundo kayo”

Tango at ngiti lang ang sagot ni Pau. Biglang dumating si Nick kasama ng dalawang staff ng resort. May bitbit ang mga staff na maliliit na inflatable boat. Wow ang sarap talaga ng araw na ito. Tumayo na ako at inabot sa amin ni Nick ang mini boat na gagamitin namin ni Pau. Tig-iisa kami at wala na kaming inaksayang oras. Nang maayos na namin ang mini boat sa tubig ay nagsipag-unahan na kami sa pagsasagwan...

Ang saya talaga, nahalata ko nagpapatalo si Nick pag nauuna ako kay Pau, at pag naman si Pau ang nauuna ay todo ang sagwan ni Nick sa bandang likuran ko para itulak ang Bangka ko at mauna kay Pau...Nagkakatinginan kami ni Nick pag napapalayo si Pau at nag papalitan kami ng ngiti. Para sa akin,masayang masaya ako dahil kasama ko sya. Pero alam ko para sa kanya, tanda lang yun ng pagkakaibigan namin at wala ng iba...

Pagkatapos naming mag mini boat racing ay dumating naman ang diving gadgets namin. Nung una ay kinakabahan ako kung kaya ko ba ang gagawin namin, pero dahil sa suporta ni Nick at ng ibang personal trainor at assistant ni Nick nagawa din naming mag explore sa ilalim ng karagatan...Nakakatuwa si Pau, ang lakas ng loob. Sya pa yung tanong ng tanong kung sakaling dumating kami sa ilalim ng tubig, anu daw yung mga unang hakbang pag nawalan ng oxygen o aksidenteng matanggal ang ibang gadget... Pinaliwanag naman sa kanya ng trainor at ako naman ay nakikinig nalang...

Masaya ako sa nagaganap... Mukhang magkasundong magkasundo si Nick at si Pau. Sila Nanay naman ay hindi mo talaga mapapasama sa diving, delikado naman kasi. Kaya nag sight seeing nalang sila sa pag sakay sa Bangka. Pumunta sa kung saan saang sea under cave na malapit lang dito sa resort.

Mag aalas 6 na nang kami ay bumalik sa cottage at upang kumain ng hapunan. Sina nanay naman ay nadatnan ko sa swimming pool at tinawag ko na para sabay-sabay na kaming kumain. Nag-uusap si Pau at Nick ng makabalik kami sa cottage. Kitang kita sa dalawa ang saya at mukhang may pinag-uusapan, ngunit ng makita ako ay bigla nalang tumahimik at inayos na ang sarili para makakain na kaming lahat. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Matapos naming maghapunan ay ihinatid na kami ni Nick pauwi sa bahay, nag pasalamat kami sa lahat ng staff ng Resort sa pagtanggap sa amin at sa mabuting pag-aasikaso sa amin. Naunang bumaba si Pau at nang makarating na kami sa bahay at pagkatapos makapag-pasalamat ay bumaba na ng sasakyan ang Nanay at ang kapatid ko. Inaya pa nga ng Nanay si Nick na pumasok sa loob pero tumanggi din dahil baka gabihin at may pasok pa bukas. Naiwan muna ako sa kotse...

AKO: “Salamat ha... isa ito sa hindi ko malilimutang weekend ko.

NICK:  Welcome, Wala yun...

AKO: “Para sa akin, malaking bagay yun, dahil talagang masayang masaya sina Nanay at Linet. Ganun din si Pau”

NICK: “Really... Well, salamat din, I really had fun, don’t worry malapit na din yung next time”

AKO: “Sige pasok na ako...”

NICK: “Ah... Jake...” Pahabol nya

AKO: “Yes?”

NICK: “Nothing...” sabay ngiti nya

AKO: “Praning ka rin pala, hehehe, sige na gabi na me pasok pa tayo bukas

Pababa na ako ng kotse ng hinawakan nya kamay ko...

NICK: “ Jake...”

AKO: “Anu???” Natatawa kong wika sa kanya

NICK: “Goodnight

(Sus kala ko kung ano na... good nyt lang pala)

AKO: “Ok, Goodnight, ingat ka sa pag da drive

NICK: “Ok

SA KWARTO KO...
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, gusto ko syang i-text ulit kahit na kakatext ko lang sa kanya para mag goodnight na. Alam ko matutulog na sya, kaya kailangan hindi na ako mag text ulit. Pero pabaling – baling ako sa unan, hindi ako makatulog, lahat ng ala-ala ng umagang iyon hanggang sa ihatid kami sa bahay, sya ang rumirehistro sa utak ko.

Hay ang hirap naman...

Ang hirap talaga pag hindi babae ang gusto mong mahalin, gustong gusto ko syang i-text, tawagan, puntahan sa bahay nila, para makita ulit. Kahit sa bintana lang sya. Pero hindi pwede. Ang hirap naman, dahil baka ikagalit lang nya ang gagawin ko. At malaman nyang ganito ako. Anu bang dapat kong gawin. Mahal ko na siya. Hindi sya matanggal sa isip ko kahit anung pilit ang gawin ko. Mahirap magmahal sa tulad niya. Straight si Nick. Hindi nya ako  maiintindihan.

Bigla nalang pumatak ang mainit na tubig mula sa aking mga mata dumaloy ito sa pisngi at dumeretso sa unan.  Ang bigat sa dibdib pag may gusto akong gawin pero kailangang pigilan. Kahit nag-uumapaw ito, kailangan takpan, saraduhan at kimkimin sa sarili. Humahagulhol na ako... Hanggang hindi ko namalayan nakatulog na ako sa lungkot.

ITUTULOY...



No comments:

Post a Comment