Pages

Tuesday, June 7, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 11

BY: James W.




CHAPTER  ELEVEN...





“O saan ang lakad mo?”




“Bakit alangan namang kayo lang ni Luis ang laging nag de-date, lagi nalang kawal(chaperon) ang ganda ko at kayo ang mga dugong bughaw, maharlika na naglalampungan dyan?” Tumayo na si Papi, tapos narin kaming kumain. Nasa isang Japanese restaurant kami sa cubao.




“Fine, e saan nga ang lakad mo? Atleast kapag kinidnap ka ng ka date mo alam namin kung saan ka namin tutubusin?” Ako, habang naka-akbay sa balikat ko ang kanang braso ni Luis at ang kaliwang kamay naman nya ay nahawak sa kaliwang kamay ko. Yung tipong nakapasok ang bawat daliri nya sa mga daliri ng kaliwang kamay ko, at nakaupo kami sa mala-sofang upuan sa cozy na restaurant na ito.  Natawa lang si Luis sa tinuran ko.




“Tse, mga Chaka kayo, tigilan nyo ko. Pag nakita mo ang ka-date ko hindi sya mukhang kidnaper. Kasi mukha syang anghel. At kung kidnapper nga sya, araw araw akong magpapakidnap, yung wala ng tubusan. Gets?” Pagtataray ni Papi.




“Ayaw mo ba talagang magpahatid?” Si Luis




“Wag na no, may date kayo, i-enjoy nyo nalang. Basta sunduin ko nalang kayo mamaya.” Si Papi lang kasi ang may kotse sa aming tatlo.




“No need Papi, ok na kami ni Hon. Mag taxi nalang kami pauwi, diba Hon?”




“Oo tama, baka mamaya gusto na naming umuwi wala kapa kasi “nakabaon” pa.”



 “Hahaha” Tawa namin ni Luis.




“Hahaha, kinilig naman ako bigla” Si Papi “Iniimagine ko nga kung anong itsura nung kanya. Ang laki nya kasing tao parang si Luis? Eto kasing si Luis ayaw pang ipakita sa akin, pareho naman tayong lalaki, walang malisya ‘tol, sige na. Gusto mo tignan mo rin etong akin.” Natatawa nalang ako sa biruan ng dalawa.




“Gusto ko man kaya lang pinangako ko na sa hon ko na sya lang makakakita ng katawan ko eh.”




“Paano ba yan, eh loyal ang hon ko sa akin” Ako.




“Tse! O sya kiss nalang at goodbye baka masira pa ang moment nyo at date ko.” Sabay beso sa aming dalawa ni Luis si Papi.



“Kailan nga pala ang hearing nyo ni Aries Hon?” Tanong ni Luis sa akin ng makaalis si Papi.




 Nahuli na kasi ng mga pulis si Aries ang kapatid ni Janice. Si Janice naman naterminate na sa company dahil sa nangyari sa akin na napatunayan nang health records na pinasa ng doctor ko sa company na muntik nang mapasapanganib ang buhay ko dahil sa ginawa ni Janice at ng kuya nya. Since ang kuya lang nya ang bumugbog sa akin, hinayaan nalang namin si Janice dahil ang mahalaga wala na sya sa company na pinapasukan namin ni Luis at Papi. Para sa akin iniingatan ko rin ang company na pinapasukan ko mula sa mga taong kagaya ni Janice.




Si inay naman bumalik na nang probinsya. Hinatid namin ni Papi gamit ang van ng company.




“Bukas na Hon”




“Sama ako ha.” Tugon nya. Tiningnan ko sya sa mata. Kita ko seryoso sya. Saka ako ngumiti.



“Wag na Hon. Kaya na namin ni Papi yun.”



“Bakit?” Malungkot nyang tugon.



“Hon ayokong magkita kayo ni Janice.” Oo magseselos ako pag nagkita sila, bagamat alam kong kami na ni Luis, lalaki parin si Luis at minsan nang minahal ni Luis si Janice, pero ang mas malalim kong dahilan ay hindi deserving makita ng isang kagaya ni Janice ang taong kagaya ni Luis. Dadaan muna sa bangkay ko bago makausap muli ni Janice ang Luis ko.



“Ah sige, hatid nalang kita ha? Tapos tawagan nyo ako ni Papi pag tapos na para sunduin ko kayo bukas.”




“Ang sweet naman ng Hon ko.” Sabay ngiti namin sa isa’t-isa. Ninakawan nya ako ng halik sa labi, yung smack lang, kaya sa sobrang tuwa at panggigil ko sa kanya, hinawakan ko ang ulo nya at kinagat at sinipsip ang tenga. Alam ko may kiliti sya duon, pero ang sarap sarap kasing sipsipin ng tenga nya, mamula-mula, malaki, makinis at ang bango bango pa. Meron kasing puting maliliit na balahibo sa labas ng tenga nya na tuwang tuwa ako pag hinahawakan ko ito. Muntik na syang mapahagalpak pero napigilan naman nya ng kanyang kamay ang bibig nya. Alam ko ayaw nyang ginagawa ko iyon pero wala syang magagawa, mahal nya ako. So kailangan nyang ibigay ang gusto ko. Hehehe. Maliit na bagay lang naman pero mahirap para sa kanya kasi nandon ang pinakamalakas na kiliti nya.




 “Si Hon talaga, muntik na ako doon ha, mamaya marinig tayo ng mga tao.” Wika ni Luis matapos kong mangigil sa kanya.




“Alam ko namang kontrolado mo.”




“E paano kung hindi, ok lang kung nasa bahay tayo, tignan mo oh ang daming tao.” Natatawang wika nya




“Dapat nga masanay kana” Tinignan ko sya na parang uulitin ko ang ginawa ko.




“Tama na Hon please”





“Ok po.” At nag behave na ako, matapos naming magbayad dumiretso na kami sa sinehan. Syempre madilim, HHWW na kami sa loob. Hindi na kami namimili ng silya, proud kasi kami sa isa’t isa lalo na ako, ang gwapo kaya ng boyfriend ko. Kaya kahit sa unahan kami umupo, wala kaming pakialam, sabay upo sabay akbay naman ng Hon ko sa akin.





Narito na naman ako sa isang kalagayan na lumulutang. Ganito naman talaga, pag may bf ako, lumulutang, parang wala ako sa katinuan, laging masaya, laging sobrang bait sa iba, hindi iniisip kung anu ang mawawala sa akin kasi pakiramdam ko pag andyan na may nagmamahal sa akin kumpleto lagi ako. Pero pag walang bf ang buhay ko, kontrolado lahat ng bagay,iniisip,planado, plantsado, naka budget ang bawat minuto ng buhay sa mga dapat kong gawin pero malungkot, nangungulila.





Mas gusto ko ito, nagmamahal ako, kahit alam kong natatakot ako na masaktan, go lang, kaya ko to. Basta ang alam ko masaya ang ngayon ko, yung bukas ko bahala na, basta masaya ako ngayon. Kesa naman sa ang bukas ko sawi pati ba naman ang ngayon ko, sawi parin at malungkot din?  Hindi na noh. Ok na ito.





“O anung iniisip ng Hon ko?” Pauwi na kami sakay ng taxi, parehong sa likod umupo, magkadikit ang katawan, yung parang walang hangin na dumadaan sa pagitan namin, nakaakbay sya at ang kamay namin ay magkahawak. Walang pakialam sa nagmamaneho.





“Wala naman, sana lang manalo ang panig natin sa kaso, kahit sampung taon pagkabilanggo ok lang sa akin, basta mabilanggo lang sya.”




“Don’t worry Hon, everything will be fine”



“Ok po.”



“Kiss mo ko.” Bulong nya sa akin, sabay halik ko naman sa pisngi nya.




“Friendly kiss, sabi ko ki-?” naputol na ang sinabi nya dahil sa labi ko naman sya hinalkan. Alam ko sanay na ang mga taxi driver sa ganitong eksena. Kaya tinagalan ko pa.





“O kumusta ang date mo?” Pakabukas ni Papi ng pinto mga ala una na iyon ng umaga. Hinatid na kasi ako ni Luis mga alas onse kaya pagdating ko ng bahay gumawa pa ako ng salad para kinabukasan may desert kami. Alam ko pag may mga ganitong bagong pangyayari sa buhay naming magkaibigan, hindi kami makakatulog hanggat hindi nag-uusap. Lalo ngayon may bagong dinedate si Papi, kaya alam kong dadaan muna ito sa place ko.





“Syempre winner.” Sabay halakhak ng mangkukulam este ni Papi.




“Ows details naman dyan”




“Ayoko ko nga”




“Details details details” pangungulit ko habang ginagawa kong mikropono ang sandok na pinanghahalo ko sa ginagawa kong matamisin.





“Fine, kumain kami tapos sabi nya” Malungkot nyang tugon.





“Kung pwede daw maging KAMIIIIIIIIIIIII”Biglang umirit ang dragona.





“Malandi ka, kerengkeng, haliparot” Tugon kong tuwang tuwa habang niyuyugyog ko ng isang kamay ko ang leeg nya. Nakiki-kilig ako sa nangyari sa Papi ko. Nagkatawan nalang kami.



“Anung name nya?”



“Ginoong Paul Santos!”




“Wow parang sasali sa Mr. Philippines. Hahaha bakit may ginoo, nakakaloka”



“Eh sa iyon ang sabi nya. Nung nagpakilala sya sa akin”




“Saan mo ba sya nakilala?”




“Sa Gasoline station”




“Ahhhhh... gasoline boy”




“Tse! Wititit (hindi) Warlahin kita (Awayin)”




“Ano pala sya”




“Pumasok ako sa isang mini store katabi ng shell station. Tapos walang tao, as in pati cashier wala. Tapos paikot ikot ako, tapos nakita ko sya. Sabay pa kaming nagtanong sa isat isa kung nakita mo ba ang cashier, tapos ayun nagkatawanan kami, tapos napakilala sya, sya daw si Ginoong Paul Santos.”





“Soulmate ikaw bayan ang drama?”





“Choss. Tapos ayun dumating na yung cashier. Tapos matapos magbayad sabay narin kaming lumabas. Maganda ang sasakayan nya “Black Hammer””




“So ganun lang?”




“Oo ganun lang naghiwalay na kami”




“Ha? Ang labo eh paano nyo nacontact ang isa’t isa?”




“Syempre bago kami naghiwalay kinuha ko number nya”



“Ang cheap mo ha.”




“Anung cheap doon, eh kinuha din naman nya number ko, tapos sya pa nga itong unang nagpakilala, so ibig sabihin  beki sya at type nya ako.”




“Naamoy mo na naman?”




“Hindi, mahirap syang amuyin, lalaking lalaki, pero the fact na nagpakilala at ngumiti sya sa akin. Doon ko naconfirm”




“Ha? Anung masama sa nagpakilala at ngumiti? Normal lang iyon.”




“Alam mo ba yung ngiting nakakita ng girl at nagpakilala na medyo nahihiya hiya pa. Me matino bang binata gagawa ng ganun sa kapwa lalaki. Syempre dapat sasabihin nya agad ‘Tol mukhang walang tao sige una naako’ Eh bakit ngingiti pa sya tapos me pagmamalaking ako si Ginoong ba blah blah tapos nakipag shake hands pa, tapos ibang makatingin, so since me hint na ako, grab the gold na agad. Kung nag move na sya, mag momove na rin ang pawn ko. Kaya kinuha ng bishop ko ang number nya. At kinuha ng knight nya ang number ko.”





“King ang Queen? Checkmate? Pero may point ka. So ngayon kayo na?” Excited kong tugon sa kanya.





Tumingin sya sa akin at tinignan ako sa mata.





“Ano? Sakalin kita ng luwag, pinapakaba mo ako, Ano nga?”





SAbay tango nya. Sabay kaming umirit at nagyakapan sa sobrang tuwa. Pareho ng may fireworks ang love life namin.





Tutal Friday naman actually Saturday na kasi 4am na ng tumingin  ako sa orasan, at tutal 25 days nalang December 25 na. Nagkayayaan kami ni Papi na hindi muna matulog at gumawa ng Christmas lights, decor, at Christmas tree. Natapos kami mga bandang alas 5:30am at saka kami natulog, hindi ko na pinauwi si Papi, sa kama ko nalang sya natulog. Namiss ko narin ang kapatid ko. Lalo pa ngayon magkakaroon na nang mas kakaunting oras sa pagitan namin dahil may kanya kanya na kaming boyfriend.





“Mga alas dose nang tanghali kami gumising dahil may hearing pa kaming pupuntahan ni Papi, hinatid nga kami ni Luis at nang matapos ay sinundo narin kami. Tuwang tuwa si Luis ng manalo ang kaso. At sinabi kong nahatulan si Aries ng 15 taon pagkakakulong.





“O see sabi mo kahapon 10 taon ok na sayo, binigyan ka pa ni God ng extra 5 years papasko sa atin Hon”  Pagbibiro ni Luis. Sabay kurot sa ilong ko.





“I miss you” Wika ni Luis.





“I miss you too.”





Sapat na sa akin iyon. Nagkaroon din ng hustisya ang ginawa sa akin ni Aries. Ngayon naipamukha ko kay Janice kung sino ang taong kinalaban nya. At dapat matuto na silang mag kuya sa  aral sa buhay nila.





(ITUTULOY)...

Sunday, May 22, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 10

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)


CHAPTER  TEN...

Dumating ang hinihintay kong sandali, nakaimpake na lahat, ilang minuto nalang darating na sya. Bagamat sobra ang tambol ng dibdib ko dahil sa alam ko na may nararamdaman din pala si Luis sa akin hindi pa nga lang matibay ito, Pangalawa alam na nya ang preferences ko, At ikatlo may sinabi na si Papi sa nararamdaman ko para sa kanya, kailangan kong mag relax para maging maayos ang usapan namin. Hindi ko alam kung gaano kapula ang mukha ko ng mga oras na iyon.


 Biglang may kumatok sa pinto at dumungaw ang mukha ng taong inaantay namin. Si Luis.Nang makapasok sya ay nagmano muna ito kay Inay Lagring at bumati kay Papi, nagpalitan pa ng makahulugang ngiti ang dalawa. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Kinakabahan talaga ako.


“Inay samahan muna nyo ako sa labas, bayaran na natin ang bill ni Onic” Yaya ni Papi kay Inay.


“Ay siya nga, tayo na, o kayong dalawa, dito muna kayo ha madali lang kami” Bilin sa aming dalawa ni Inay.


Kinindatan naman ako ni Papi, tanda na sya na ang bahala sa Inay, at magusap lang kami ni Luis nang walang inaalala.


“Sige po Nay” Tugon ko.


Nang makaalis ang dalawa ay humarap at lumapit naman sa tabi ko si Luis, Akala ko sa harapang silya ko sya uupo. Kung papaanong upo ang ginawa ko sa kama ay sya ring ginawa ni Luis. Ngayon magkatabi na kami at parehong nakaharap sa bintana ng kwarto. Walang gustong magsalita. Pareho kaming nakikiramdam kung sino ang babasag nang katahimikan. Lumipas ang 2 minuto, naiinip na ako, hindi ko na kaya. Kaya lumingon na ako sa kanya at sa hindi inaasahan ay lumingon din sya sa akin na sabay na sabay sa paglingon ko.


Since halos magkadikit ang balikat namin, ngayon magkatapat na ang mukha namin. Ang mata nya sa mata ko, ang ilong nya sa ilong ko, ang labi nya sa labi ko. Ang ganda nyang pagmasdan, mukha talaga syang hunk na anghel. Mapungay ang mata, mahabang kilay, matangos na ilong, at ang labi mapula.


Pareho kaming natulala, at pareho ding nagkahiyaan kaya pareho kaming bumawi ng lingon at yumuko. Sabay natawa ako. At tumawa rin sya. Matapos tumawa ako na ang bumasag na katahimikan.




“Sabi mo may itatanong ka.” Sabay tingin sa kanya at lingon agad sa bintana na may seryosong mukha.



“Oo” at sya naman ang tumingin sa akin. Sa gilid ng mga mata ko kita ko na parang hindi sya kumukurap habang pinagmamasdan ako. Nakakainsecure tuloy. Anu bang ginagawa nya.



“Wag mo nga akong titigan. Kung si Cyclopes ka baka nalusaw na ako.”  Hindi na ako nagagalit sa mga actions nyang ganun, alam na rin naman pala nyang ganito ako, panindigan ko na. Hinarap ko ulit ang mukha ko sa kanya.



“Hoy sabi ng wag mo” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi nagkatitigan na naman ang mga mata namin, naakit na naman ako nang mapanghalina nyang tingin, ganito ba talaga pag nasa puso mo ang taong nakikita mo sa harap mo, nawawala ka sa sarili, tumitigil ang takbo ng oras at parang inilulutang ka sa hangin.



Binawi ko agad ang tingin ko, baka kung anu pa ang magawa ko at hindi nya magustuhan at saka hindi pa kami nakakapag-usap.



“Luis anu ba kasing sasabihin” Imbis na ituloy ko ang sasabihin ko, bigla nya akong hinawakan sa magkabila kong pisngi at hinalikan sa labi.
Waaaaaaaaaa... Nanlaki ang mata ko, kita ko ang mga mata nya nakapikit at ninanamnam ang tamis ng paghalik sa akin. Bagamat nagulat, napapikit narin ako dahil ang sarap ng mga labi nya. Mapula, malambot at mabango ang hininga. Pilit nyang pinasok ang dila nya sa loob ng labi ko, at ng marating nito ang dila ko. Hinalukay pa nya at sinipsip ang kaloob-looban noon, lalaking lalaki syang humalik. Nawawalan na ako ng lakas, nanlambot na ako sa mga halik nya, pero niyakap nya ako. Ramdam ko ang yakap ng isang maskuladong Adonis.



Tapos bigla ko nalang naramdamang niyugyog nya ang balikat ko.



“Onic ayos kalang?” Napamulat ako, at napansin kong nakanguso ako sa kanya. Biglang namula ang mukha ko at napansin kong nag de-day dreaming lang pala ako. Waaaa... ano kayang itsura ko. Dyahe to the max talaga. Bakit kasi! Baka isipin nya gusto ko syang halikan. Waaaaa...



“Anu ba kasing sasabihin mo?” Galit-galitang tanong ko sa kanya. Iniba ko agad ang usapan kasi hindi ko na kaya ang kahihiyan.



“Gusto ko lang malaman kong totoo ba lahat ang sinabi mo kahapon sa akin.”  Hay salamat may chance na akong magsabi ng totoo sa kanya.



“Alin doon” Bigla akong naging mahinahon.




“Lahat ng iyon. Hindi kaba nagkakagusto talaga sa lalaki? Wala kabang nararamdaman sa akin? O nasisinungaling ka lang kahapon.” Mahinahon nyang tanong.




“Ah Kasi” Nakaramdam agad ako ng pag-aalangan, nahihiya akong sagutin, mahirap ang mga tanong nya kesa kahapon, kasi ang gusto kong isagot ay hindi totoo ang lahat ng iyon at oo nagsisinungaling lang ako kahapon. Ang totoo ay mahal ko sya, sobra, pero ang hirap isa tinig.




“Onic?” nakangiti sya.



“O bakit ka nakangiti diyan. Wala pa naman akong sinasabi.” Ako.



“Yun na nga, diba sabi nila silence means yes. Hahaha.”



“Assuming” Pakipot ka talaga girl, ang arte mo umamin kana. Bulong ko sa sarili.



“Assuming hindi ah, kasi iba kasi ang reaction mo kahapon nung tinanong kita. Nagalit ka tapos nagpaliwanag ka agad. So?”



“Anung so”




“So hindi totoo ang kahapon.”




Tumango ako.




“Hahaha. Gusto ko marinig mula sayo.” Sumaya bigla ang aura nya.




“Oo hindi totoo ang kahapon, GANITO AKO, AT, at mahal kita.” Sabay lingon sa bintana. Namula na naman ako. Nakakahiya. Pero atleast nasabi ko rin sa wakas. Bahala na kung anu ang kahihinatnat nito.



Bigla nyang hinawakan ang mukha ko. Sabay halik sa labi ko. Nagulat ulit ako pero bumitaw agad ako.



“Bakit? Akala ko ba gusto mo ako?” Si Luis.



“Akala ko kasi nagpapantasya na naman ako.”




“hahahaha.” Natawa si Luis at itinuloy nya muli ang paghalik sa akin. Ninamnam namin ang sarap ng bawat isa sa pamamagitan ng halikan.




Itinigil din naming dahil baka abutan kami ni Inay at Papi.



Nakangiti nyang hinahaplos ang mukha ko. Ang sarap ng pakiramdam, kahit hindi ko sya tanungin kung mahal nya ako, Masaya na ako ng ganun, alam ko mahal nya ako sa papamagitan ng mga kilos nya. Kung dati nga minahal ko sya kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Ngayon pa na nahalikan ko na sya. Niyayakap pa nya ako. Kontento na ako dito. Ang balikat nya ang sandalan ng ulo ko, at ang hininga nya ay nalalanghap ko. Ang sarap sa pakiramdam, lalo na pag nararamdaman ng katawan mo ang tibok ng puso nya. Ang init na lumalabas sa katawan nya, Nakakagaan ng pakiramdam, sana hindi na ako magising.



“Onic?” Tawag nya habang nakayakap kami sa isat isa



“Bakit?”




“Bakit mo ikinaila, bakit hindi mo agad sinabi?”




“Kasi natatakot ako, kasi diba straight ka, so baka umiwas ka pagnalaman mo ang kaibigan mo pala ay isang bisexual. Kahit pakikipag kaibigan kasi, solve na ako dun, basta nakikita lang kita araw araw. Masaya na ako sa munting lambingan at pag-akbay mo. Masaya na akong mag-isang nangangarap kesa naman sa wala.” Nangingilid na ang luha ko.



“Tapos nung malaman kong sinabi na pala sayo ni Papi ang tungkol sa nararamdaman ko, nagplano narin akong puntahan ka at panindigan ang nararamdaman ko, kahit hindi ko alam kung anung magyayari sa atin, sa pagkakaibigan natin. Basta ang mahalaga masabi ko sayo na nagsinungaling lang ako at ang totoo mahal kita.” Sabay patak nang luha ko. Napansin nya iyon kaya pinahid nya ng dalang panyo ang mukha ko. Grabe ang sweet nya, di ko na kaya.




“Wag ka ng umiyak ok. Gusto ko lagi kang masaya. Sa totoo lang may nararamdaman na ako pero hindi ko sinabi dahil alam ko straight ka. At natatakot akong mawala kayo ni Fred sa buhay ko. Kayo ang mga totoong taong nakilala ko. Sino si Papi?”




“Ah iyon,hehehe si Fred, Papi ang tawagan kasi namin. Bakit ka nga pala nagpasyang bumalik ngayon? Diba nag deny na nga ako sayo kahapon?”




“Gusto ko kasi ulit subukan, tutal may basehan naman ako, ang mga sinabi sa akin ni Fred, balak ko kasing aminin na sayong kay Fred ko nakuha ang mga bagay tungkol sa nararamdaman mo sa akin, baka sakaling aminin mo na rin sa akin at marinig ko mula sayo na gusto mo ako, may gusto ako sayo Onic, at gusto kong alamin kung meron o wala ba talagang chance para sa atin dalawa kaya ako bumalik. Pero ngayon alam ko na gusto mo rin pala ako. Kaya masaya ako at hindi lang pakikipag kaibigan ang gusto kong mangyari sa ating dalawa, gusto ko maging official na tayo.”




“Ha?”



“Oo Onic, gusto kita, at araw araw lumalago ang nararamdaman ko sayo. Hindi ka mahirap mahalin. Subukan natin, please. Ano ba ang kailangan kong gawin, paano ba manligaw ng lalaki?”




“Hahahaha”




“Wag mo naman akong tawanan oh, ang hirap na nga ng sitwasyon ko.” Nagpapaawang mukha nya.




“Sinasagot na kita” Hmpt , wala ng ligaw ligaw pa, oo na agad. Baka mamaya “abs” na biglang maging bato pa. Hindi ko nato pakakawalan. Yahoooooooooooo....



“hahahaha, talaga, tayo na? Hindi mo alam pero pinasaya mo talaga ako.” Bigla nya akong tinayo at binuhat, at tuwang tuwang inikot ikot ako.



“Ahem, ahem, mali pala ehem ehem” Biglang pumasok si Papi at si Inay.




Bigla kaming napahiya at umayos ng sarili, binaba ako ni Luis sa kama.



“O mga anak , bakit ang saya saya nyo? Bakit mo binuhat si Onic iho?” Tanong ni Inay kay Luis.



“Eh kasi nga inay, mag kakanobyo na naman ang dalagita nyo?” Wika ni Papi.



“Ha? Luis? Diyos na mahabagin. May gusto ka sa Onic ko?”



“Opo Inay Lagring, pwede ko naba kayong tawaging inay Lagring”



“Ah eh... hindi ko akalain, sa laki ng katawan mong iyan”



“Inay?” Wika ni Papi para pigilan si Inay sa pagsasalita  kay Luis, alam kasi naming bago si Luis sa ganitong sitwasyon at baka lalo syang mailing pag tinuloy pa ni Inay ang sasabihin nito.




“Ah oo pwede mo akong tawaging Inay Lagring. At tatawagin naman kitang Anak ko gwapo.” nagets agad kami ni Inay kaya biglang iniba ang sinasabi.



Nagkatawanan kaming lahat. Lumabas narin ako ng Hospital kasama ang Masaya at punong puno ng ala-alang araw na iyon, Araw na hindi ko kailanman malilimutan, ang pakakatuluyan namin ni Luis.



(ITUTULOY)

Friday, May 13, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 9


BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)


CHAPTER  NINE...



Makalipas ang isang lingo, hindi parin dumating ang inaasahan kong dadalaw sa akin. Nakakaupo na rin ako sa wakas. Tinanggal narin ang badage sa mukha ko. Masaya ako kasi dalawang araw nalang at makakalabas narin ako sa nakakaboryong kwarto ng ospital na ito. Sobrang namimiss ko nang maglakad sa ilalim ng araw. Ang sarap sigurong mag-beach sige pag nakarecover ako. Pero malungkot pa rin ako. Kasi wala siya. Siya lang naman ang nagbibigay ng sigla sa akin.


Nasabi ko narin kay Papi ang suspect sa nangyari sa akin, hindi parin mahanap ngayon ang kuya ni Janice. Pero may malapit na kaibigang sarhento si Papi kaya alam kong mapapabilis ang paghahanap sa hayop na kuya ng babaeng iyon. Buti nalang hindi malaki ang naging damage sa mukha ko. Kung hindi sobrang malaki ang sisingilin ko sa gumawa nito sa akin.


Araw araw hindi ako nawawalan ng bisita, lahat laging taga-company. Wala naman kasi kaming ibang kamag-anak sa Maynila. Dumating ang nanay Lagring mga bandang tanghali at may dala-dalang nilutong ulam. Ayoko kasi ng pagkain sa ospital, bukod sa matabang at hindi masarap. Narurumihan ako. Hindi naman talaga marumi pero pakiramdam ko hindi ko yata kayang kainin yun. Kaya araw-araw nagluluto ang Nanay lagring ng mga pagkaing namiss namin.


“Nay sobra nabusog talaga ako. Hindi parin nagbabago ang mga lutuin nyo. Dala nyo ba yung palayok nyo?”


“Naku nambola naman itong batang ito. Hindi, ke bigat-bigat nun, bakit ko naman dadalhin”


“Lasang luto sa palayok kasi ang ulam.”


“Sus nambola pa itong batang ito.”


“Magpagaling ka na nga lang, ang dami mo pang drama dyan” Si Papi.


“Hehehe, hindi kaya totoo naman iyon”


“Fine hindi na ako kokontra kasi may sakit ka.”


“Hehehe. Lakas ko talaga kay Papi”


Nagkwentuhan kami, nanood ng tv, the buzz, natulog pagkatapos, tapos nagmiryenda pagkagising. Sobrang tagal talaga ng oras. Nakakainip.


Nasa kainitan kami ng tawanan dahil nagkukwento si Papi nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Ate Mercy. Pangatlong beses na ni Ate mercy na dumadalaw sa akin, nung ikalawang beses kasama nito ang asawa. At ngayon mag-isa na ulit siya, parang hindi na naman nito kasama ang inaantay kong tao.


“Magandang gabi po Inang” Ang bati ni Ate mercy kay Inay Lagring


“O Mercy tuloy ka. Naku ikaw talaga, napakabait ng taong ito. Lagi nalang inaalala ang mga anak ko. Maupo ka.


“Eh para ko naring kamag-anak ang dalawang batang iyan. Mababait na kapitbahay ang mga anak nyo Inang”


“Salamat Mercy. Alam mo ba Onic, sa kanya galing ang isdang niluto ko kanina, binigay na naman nya iyon”


“Nakakahiya na po sa inyo Ate mercy. Lagi nalang kayong nag-aabala”


“Naku Onic tsina-charing mo ako. Ikaw nga itong sobrang tumulong sa pamangkin ko hanggang sa magkatrabaho.”


Natahimik naman ako ng maalala ko si Luis.


“Ay si Luis? Nakita ko kanina yung batang iyon sa tindahan nyo. Ay napamatipuno at gwapong bata naman ng pamangkin mo.” Si Inay


“Naku may lahi po kasing amerikano yung batang iyon. Inampon lang po kasi iyon ng kapatid kong babae.”


“Ah ganun ba.”


“O Papi, bakit ka tahimik dyan” Pabulong na usal sa akin ni Papi.


“Wala Papi, bakit naman ako tatahimik?”


“Hmpt ako pa ang niloko mo.” Sabay ngiti. Ngumiti na rin ako. Alam nya ang nasa isip ko, sinabi nya kasing dadalaw ito agad pag nagkamalay ako. Pero hanggang ngayon hindi ko parin sya nakikita.


Biglang bumukas na naman ang pinto. At pumasok na ang taong may hawak ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang gusto kong ngumiti sa sobrang tuwa. Pero hindi ako nagpahalata. Simple lang akong lumingon sa kanya na may maaliwalas na mukha.


“Kasama mo pala Mercy ang pamangkin mo.”


“Opo, linggo naman po ngayon at wala ng ginagawa, tapos nadoon naman yung asawa ko sa tindahan, kaya sumama na tong batang ito.”Nagmano lang si Luis sa Inay Lagring at lumapit na sa amin ni Papi.


“Hi Fred.”


“Hi Luis. Mabuti pa iwan ko muna kayo, punta lang ako kina Inay ha.” Bakit ganun parang meron akong hindi alam.


“Hi Onic kumusta kana?”


“Ok na ako. Ang daya mo. Hindi mo ako dinalaw. Sabi mo pupunta ka dito after a day na mag kamalay ako.”


“Ahmm Onic, actually, hindi totoo ang sinabi mo.”


“Anung ibig mong sabihin?”


“Araw-araw akong narito sa Ospital, alam ni Fred iyon.”


“Ha? Anung? Bakit hindi kita nakikita? Anung ibig mong sabihing alam ni Fred? Bakit hindi nya sinasabi sa akin?”


“Ah kasi ganito yun. Kasi paano ko ba papaliwanag?”


“Sige lang chillax, just tell me about it.”Ako


“Ah kasi, Nung malaman ko ang nangyari sayo, sobrang nag-aalala ako. Nung malaman ng buong admin section ang nangyari sayo, sumama ako kina Fred at Clair nung dalawin ka.”


“Bakit hindi kita nakita?”


“Wala ka kayang malay nung time na yun.”


“OO nga no. Bakit hindi sa akin sinabi ni Fred na araw araw nandito ka?”


“Ganito nga kasi. Habang nasa kotse kami ni Fred, May sinabi si Clair na ang lugar kung saan natagpuan kang walang malay. Yun daw ang lugar na sinabi sayo ni Clair na address ni Janice at alam ko yung lugar na iyon. May hinala kami na sya ang pakay mo sa lugar na iyon.”


“Tapos”


“Tapos, natuwa ako at nakaramdam din ako ng guilt kasi, kung totoong si Janice ang pakay mo, ibig sabihin dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito sayo.”


“Ok lang iyon. Ganun ako sa kaibigan.  Bakit nga hindi sinabi ni Fred”


“Nung nakita ko ang kalagayan mo, hindi ko napigilang maawa at hindi ko kinayang lapitan ka.”


“So sinisisi mo ang sarili mo?”


“Parang ganun, kaya sinabi ko kay Fred na wag nalang sabihin sayong pumupunta ako araw-araw, since hindi ko naman kayang humarap sayo sa ayos mo dati kasi ako ang nakokonsensya. Wala man lang akong nagawa sa nangyari sayo, samantalang lagi kang nasa tabi ko sa oras na kailangan ko ng tulong. Kaya sinabi ko kay Fred na haharapin din kita sa oras na kaya ko na.”


“Ang drama mo naman, ok lang ako. Hehehe ikaw talaga.”


“Onic, May sasabihin ako sayo pero wag kang magagalit .”


“Anu yun?”


“Magpromise ka muna”


“Anu nga iyon?”


“Hindi ko sasabihin kung hindi ka magpa-promise na di ka magagalit” Ang hirap naman, Sige na nga, atleast malalaman ko kung anu iyon.


“Promise”


“Onic, may pagtingin ka ba sa akin?” Sobrang na shock naman ako sa sinabi nya. Namula yata ang mukha ko. Pero hindi ako nagpahalata. Baka nagkamali lang ako ng pandinig.


“Anu Kamo?” Ulit ko


“Sabi ko kung may pagtingin ka sa akin?” Pabulong na may kasamang ngiti ni Luis.


“Anung sinasabi mo? Anung pagtingin.” Medyo tumaas ang boses ko. Napatingin sa amin sina Ate mercy. Sinabayan ko naman ng ngiti sa kanila, tanda na ok lang ang paguusap namin ni Luis. Medyo malayo kami kina Inay Lagring kaya hindi nila dinig ang pinaguusapan namin.


“May pagtingin, may gusto, may crush, may paghanga”


“Ok, ok, ok!” Ako


“Ok na?” Si Luis na ngumiti ng todo.


“Anung ok na?”


“Oo may pagtingin ka?” SI Luis


“Sabi ko “ok” naiintindihan ko na ang sinasabi mo. Wala akong pagtingin sayo. Bakit mo nasabi yan. Hindi porket pinuntahan ko si Janice ay yun ang dahilan.” Medyo naasar kong sabi.


“Mali pala ang nakuha kong balita.”


“Balita? Kanino? Hindi ako bakla at wag ka ngang napapaniwala sa mga tsimis.” Medyo nakakunot noo kong tugon.


“Ok wag ka nang magalit nag-promise ka diba.”


“Hindi ako galit, bakit ako magagalit kung hindi naman totoo.”


Makailang pag-uusap tungkol sa opisina at sa trabaho nya, kami naman ni Ate mercy ang nagka-kwentuhan. At makailang saglit, ay nagpasya na ring umalis ang mag-tiyahin.


“O papi, kumusta?” Laki ng ngiti ni Papi.


“Ok naman.”


“Ok na?” Si Papi


“Ang alin?”


“Anung alin? Si Papi.


“Kayo ni Luis?”


“Anung kami ni Luis? Ok naman kami ni Luis ah, hindi naman kami magkaaway.”


“Grrrr... Hindi yon. Kayo naba ni Luis?”


“Ha? Anung pinagsasabi mo?”


“Kasi... Ah... Papi wag kang magagalit sa akin ha.”


“Pati ba naman ikaw, kanina si Luis may revelation. Anu naman ang sayo?”


“Eh kasi sinabi ko na sa kanya ang totoo.”


“Anung totoo”


“Na may gusto ka sa kanya, at na bekimon tayo.”


“Ha bakit mo ginawa yun.”


“Kasi alam ko may gusto din sya sayo.”


“Anu kaba Papi kaya pala kung anu-anu ang sinabi nya kanina.” Waahhhh sigaw ng isip ko.


“Nakakahiya. Bakit mo sinabi yun sa kanya? Mamaya wrong guess ka.” Pabulong kong pagdidiin ng mga salita,baka mahalata ni Inay ang pagtatalo namin.


“Sinabi ko para maging masaya kayong dalawa. Hindi kailanman nagkamali ang pakiramdam ko Papi. Lahat ng naging boyfriend mo, ako ang unang nakaalam na may gusto sila sayo, bago nila ipagtapat sayo.” Tama sya ngayon ko lang naisip yun ah.


“Oo pero mga beki naman ang inaamoy mo. Iba si Luis”


“Lalaki ang mga beki at lalaki si Luis paanong magiging iba. At hindi ko inamoy si Luis. Meron ka pang hindi alam, at may sapat na proof ako.”


“Anu pang hindi ko alam at anu pang proof mo?”


“Inamin nya na nagkakagusto sya sayo, pero hindi palang sya sigurado. So since nag-effort na nga ang tao para malaman ang damdamin mo sa kanya kanina, pero dineny mo, so sinaktan mo sya, sinaktan mo ang ego nya. Baka burahin na nya sa isip nya ang chance na magkagusto sayo”


“Patay! nag-deny pa talaga ako sa kanya, iisipin tuloy nun, bakla ako tapos sinungaling pa ako.”


“Bakit?” Si Papi


“Syempre iisipin nun sinungaling ako kasi bestfriend kita at alam mo lahat ang tungkol sa akin. Anu pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.”


“Patay talaga. Malaking mukha Papi. Malaki. Kasi  ikaw naman ang kailangang mag-effort para ma-winner mo ang puso nya. Its your turn to Shine.” Kaloka talaga tong si Papi, nagagawa pang mag joke, hindi ko na nga alam ang gagawin ko.


“Naku pagkalabas ko ng ospital samahan mo ko sa kanya, mag-sosorry na ako, aamin na ako. Malay ko ba na may gusto sya sa akin.”


“Opps, di pa sya sigurado sa feelings nya. At maybe tinanggal na nya ngayon ang feelings na yun kasi sinabi mong ayaw mo sa kanya at hindi ka dakilang bekimon.”


“Paano ngayon yan?”


“Ikaw ang lakas lakas ng loob mong magpakamatay pero pag dating sa tapatan ang duwag duwag mong makipag sapalaran.”


“Wag mo na nga akong sisihin, hindi ko naman ito alam, kasalanan mo to eh”


“Bakit ako” Si papi.


“Sana sinabi mo agad sa akin na may gusto sya sa akin bago sya dumalaw, para umoo na ako.”


“Wag ko daw sasabihin sabi nya”


“Bakit”


“sya daw magsasabi sayo.”


“Hindi nga nya sinabi.”


“Kasi gusto nyang malaman mula sa bibig mo kung gusto mo sya, kasi hindi rin sya kumbinsido sa sinabi ko sa kanya, ang mga impormasyon lang mula sa akin ang nagpalakas ng loob na magtapat sayo. Since dineny mo, wala na, maniniwala nayun na wala syang pag-asa at papatayin nalang nya ang muntikanang mabuong pagibig nya para sayo, sa kaunaunahang pagkakataon na mag mamahal sya ng lalaki. Kawawang Onic”


“He tumigil ka dyan!”


“Regret, regret, regret”


“Mga anak, magpahinga na kayo. Baka mabinat ang kapatid mo, patulugin mo nayan” Wika ni Inay


“Beh! Buti nga” Ako


“O matulog ka na daw, matutulog na rin ako.”


“Ok.” Pero hindi ako pinatulog ng mga impormasyong bumuhos ng araw na iyon. Kaya late ako nagising kinabukasan.


May limang miscall sa phone ko. Lahat si Luis. Kaya tinawagan ko agad sya.


“O tumatawag ka, pasensya na, late akong nagising.” Ako.


“Ok naman ako. Eto lalabas na daw ako ng Ospital sabi ni dok, hindi na daw kailangan magpabukas kami, kasi mabilis naman daw recovery ko.” Ako.


“ok bye” Sinabi lang nyang wag akong lalabas ng Ospital, wag muna daw aalis ng ospital habang hindi sya dumadating dahil may itatanong daw syang mahalaga sa akin, kinakabahan na naman ako sa mga tanong. Anu na naman kaya iyon. Pero ayos lang iyon, atleast sya yung lalapit sa akin at hindi ako yung lalapit sa kanya para magpaliwanag ako. Kinakabahan kasi akong lumapit sa kanya.



(ITUTULOY)...