Pages

Tuesday, June 7, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 11

BY: James W.




CHAPTER  ELEVEN...





“O saan ang lakad mo?”




“Bakit alangan namang kayo lang ni Luis ang laging nag de-date, lagi nalang kawal(chaperon) ang ganda ko at kayo ang mga dugong bughaw, maharlika na naglalampungan dyan?” Tumayo na si Papi, tapos narin kaming kumain. Nasa isang Japanese restaurant kami sa cubao.




“Fine, e saan nga ang lakad mo? Atleast kapag kinidnap ka ng ka date mo alam namin kung saan ka namin tutubusin?” Ako, habang naka-akbay sa balikat ko ang kanang braso ni Luis at ang kaliwang kamay naman nya ay nahawak sa kaliwang kamay ko. Yung tipong nakapasok ang bawat daliri nya sa mga daliri ng kaliwang kamay ko, at nakaupo kami sa mala-sofang upuan sa cozy na restaurant na ito.  Natawa lang si Luis sa tinuran ko.




“Tse, mga Chaka kayo, tigilan nyo ko. Pag nakita mo ang ka-date ko hindi sya mukhang kidnaper. Kasi mukha syang anghel. At kung kidnapper nga sya, araw araw akong magpapakidnap, yung wala ng tubusan. Gets?” Pagtataray ni Papi.




“Ayaw mo ba talagang magpahatid?” Si Luis




“Wag na no, may date kayo, i-enjoy nyo nalang. Basta sunduin ko nalang kayo mamaya.” Si Papi lang kasi ang may kotse sa aming tatlo.




“No need Papi, ok na kami ni Hon. Mag taxi nalang kami pauwi, diba Hon?”




“Oo tama, baka mamaya gusto na naming umuwi wala kapa kasi “nakabaon” pa.”



 “Hahaha” Tawa namin ni Luis.




“Hahaha, kinilig naman ako bigla” Si Papi “Iniimagine ko nga kung anong itsura nung kanya. Ang laki nya kasing tao parang si Luis? Eto kasing si Luis ayaw pang ipakita sa akin, pareho naman tayong lalaki, walang malisya ‘tol, sige na. Gusto mo tignan mo rin etong akin.” Natatawa nalang ako sa biruan ng dalawa.




“Gusto ko man kaya lang pinangako ko na sa hon ko na sya lang makakakita ng katawan ko eh.”




“Paano ba yan, eh loyal ang hon ko sa akin” Ako.




“Tse! O sya kiss nalang at goodbye baka masira pa ang moment nyo at date ko.” Sabay beso sa aming dalawa ni Luis si Papi.



“Kailan nga pala ang hearing nyo ni Aries Hon?” Tanong ni Luis sa akin ng makaalis si Papi.




 Nahuli na kasi ng mga pulis si Aries ang kapatid ni Janice. Si Janice naman naterminate na sa company dahil sa nangyari sa akin na napatunayan nang health records na pinasa ng doctor ko sa company na muntik nang mapasapanganib ang buhay ko dahil sa ginawa ni Janice at ng kuya nya. Since ang kuya lang nya ang bumugbog sa akin, hinayaan nalang namin si Janice dahil ang mahalaga wala na sya sa company na pinapasukan namin ni Luis at Papi. Para sa akin iniingatan ko rin ang company na pinapasukan ko mula sa mga taong kagaya ni Janice.




Si inay naman bumalik na nang probinsya. Hinatid namin ni Papi gamit ang van ng company.




“Bukas na Hon”




“Sama ako ha.” Tugon nya. Tiningnan ko sya sa mata. Kita ko seryoso sya. Saka ako ngumiti.



“Wag na Hon. Kaya na namin ni Papi yun.”



“Bakit?” Malungkot nyang tugon.



“Hon ayokong magkita kayo ni Janice.” Oo magseselos ako pag nagkita sila, bagamat alam kong kami na ni Luis, lalaki parin si Luis at minsan nang minahal ni Luis si Janice, pero ang mas malalim kong dahilan ay hindi deserving makita ng isang kagaya ni Janice ang taong kagaya ni Luis. Dadaan muna sa bangkay ko bago makausap muli ni Janice ang Luis ko.



“Ah sige, hatid nalang kita ha? Tapos tawagan nyo ako ni Papi pag tapos na para sunduin ko kayo bukas.”




“Ang sweet naman ng Hon ko.” Sabay ngiti namin sa isa’t-isa. Ninakawan nya ako ng halik sa labi, yung smack lang, kaya sa sobrang tuwa at panggigil ko sa kanya, hinawakan ko ang ulo nya at kinagat at sinipsip ang tenga. Alam ko may kiliti sya duon, pero ang sarap sarap kasing sipsipin ng tenga nya, mamula-mula, malaki, makinis at ang bango bango pa. Meron kasing puting maliliit na balahibo sa labas ng tenga nya na tuwang tuwa ako pag hinahawakan ko ito. Muntik na syang mapahagalpak pero napigilan naman nya ng kanyang kamay ang bibig nya. Alam ko ayaw nyang ginagawa ko iyon pero wala syang magagawa, mahal nya ako. So kailangan nyang ibigay ang gusto ko. Hehehe. Maliit na bagay lang naman pero mahirap para sa kanya kasi nandon ang pinakamalakas na kiliti nya.




 “Si Hon talaga, muntik na ako doon ha, mamaya marinig tayo ng mga tao.” Wika ni Luis matapos kong mangigil sa kanya.




“Alam ko namang kontrolado mo.”




“E paano kung hindi, ok lang kung nasa bahay tayo, tignan mo oh ang daming tao.” Natatawang wika nya




“Dapat nga masanay kana” Tinignan ko sya na parang uulitin ko ang ginawa ko.




“Tama na Hon please”





“Ok po.” At nag behave na ako, matapos naming magbayad dumiretso na kami sa sinehan. Syempre madilim, HHWW na kami sa loob. Hindi na kami namimili ng silya, proud kasi kami sa isa’t isa lalo na ako, ang gwapo kaya ng boyfriend ko. Kaya kahit sa unahan kami umupo, wala kaming pakialam, sabay upo sabay akbay naman ng Hon ko sa akin.





Narito na naman ako sa isang kalagayan na lumulutang. Ganito naman talaga, pag may bf ako, lumulutang, parang wala ako sa katinuan, laging masaya, laging sobrang bait sa iba, hindi iniisip kung anu ang mawawala sa akin kasi pakiramdam ko pag andyan na may nagmamahal sa akin kumpleto lagi ako. Pero pag walang bf ang buhay ko, kontrolado lahat ng bagay,iniisip,planado, plantsado, naka budget ang bawat minuto ng buhay sa mga dapat kong gawin pero malungkot, nangungulila.





Mas gusto ko ito, nagmamahal ako, kahit alam kong natatakot ako na masaktan, go lang, kaya ko to. Basta ang alam ko masaya ang ngayon ko, yung bukas ko bahala na, basta masaya ako ngayon. Kesa naman sa ang bukas ko sawi pati ba naman ang ngayon ko, sawi parin at malungkot din?  Hindi na noh. Ok na ito.





“O anung iniisip ng Hon ko?” Pauwi na kami sakay ng taxi, parehong sa likod umupo, magkadikit ang katawan, yung parang walang hangin na dumadaan sa pagitan namin, nakaakbay sya at ang kamay namin ay magkahawak. Walang pakialam sa nagmamaneho.





“Wala naman, sana lang manalo ang panig natin sa kaso, kahit sampung taon pagkabilanggo ok lang sa akin, basta mabilanggo lang sya.”




“Don’t worry Hon, everything will be fine”



“Ok po.”



“Kiss mo ko.” Bulong nya sa akin, sabay halik ko naman sa pisngi nya.




“Friendly kiss, sabi ko ki-?” naputol na ang sinabi nya dahil sa labi ko naman sya hinalkan. Alam ko sanay na ang mga taxi driver sa ganitong eksena. Kaya tinagalan ko pa.





“O kumusta ang date mo?” Pakabukas ni Papi ng pinto mga ala una na iyon ng umaga. Hinatid na kasi ako ni Luis mga alas onse kaya pagdating ko ng bahay gumawa pa ako ng salad para kinabukasan may desert kami. Alam ko pag may mga ganitong bagong pangyayari sa buhay naming magkaibigan, hindi kami makakatulog hanggat hindi nag-uusap. Lalo ngayon may bagong dinedate si Papi, kaya alam kong dadaan muna ito sa place ko.





“Syempre winner.” Sabay halakhak ng mangkukulam este ni Papi.




“Ows details naman dyan”




“Ayoko ko nga”




“Details details details” pangungulit ko habang ginagawa kong mikropono ang sandok na pinanghahalo ko sa ginagawa kong matamisin.





“Fine, kumain kami tapos sabi nya” Malungkot nyang tugon.





“Kung pwede daw maging KAMIIIIIIIIIIIII”Biglang umirit ang dragona.





“Malandi ka, kerengkeng, haliparot” Tugon kong tuwang tuwa habang niyuyugyog ko ng isang kamay ko ang leeg nya. Nakiki-kilig ako sa nangyari sa Papi ko. Nagkatawan nalang kami.



“Anung name nya?”



“Ginoong Paul Santos!”




“Wow parang sasali sa Mr. Philippines. Hahaha bakit may ginoo, nakakaloka”



“Eh sa iyon ang sabi nya. Nung nagpakilala sya sa akin”




“Saan mo ba sya nakilala?”




“Sa Gasoline station”




“Ahhhhh... gasoline boy”




“Tse! Wititit (hindi) Warlahin kita (Awayin)”




“Ano pala sya”




“Pumasok ako sa isang mini store katabi ng shell station. Tapos walang tao, as in pati cashier wala. Tapos paikot ikot ako, tapos nakita ko sya. Sabay pa kaming nagtanong sa isat isa kung nakita mo ba ang cashier, tapos ayun nagkatawanan kami, tapos napakilala sya, sya daw si Ginoong Paul Santos.”





“Soulmate ikaw bayan ang drama?”





“Choss. Tapos ayun dumating na yung cashier. Tapos matapos magbayad sabay narin kaming lumabas. Maganda ang sasakayan nya “Black Hammer””




“So ganun lang?”




“Oo ganun lang naghiwalay na kami”




“Ha? Ang labo eh paano nyo nacontact ang isa’t isa?”




“Syempre bago kami naghiwalay kinuha ko number nya”



“Ang cheap mo ha.”




“Anung cheap doon, eh kinuha din naman nya number ko, tapos sya pa nga itong unang nagpakilala, so ibig sabihin  beki sya at type nya ako.”




“Naamoy mo na naman?”




“Hindi, mahirap syang amuyin, lalaking lalaki, pero the fact na nagpakilala at ngumiti sya sa akin. Doon ko naconfirm”




“Ha? Anung masama sa nagpakilala at ngumiti? Normal lang iyon.”




“Alam mo ba yung ngiting nakakita ng girl at nagpakilala na medyo nahihiya hiya pa. Me matino bang binata gagawa ng ganun sa kapwa lalaki. Syempre dapat sasabihin nya agad ‘Tol mukhang walang tao sige una naako’ Eh bakit ngingiti pa sya tapos me pagmamalaking ako si Ginoong ba blah blah tapos nakipag shake hands pa, tapos ibang makatingin, so since me hint na ako, grab the gold na agad. Kung nag move na sya, mag momove na rin ang pawn ko. Kaya kinuha ng bishop ko ang number nya. At kinuha ng knight nya ang number ko.”





“King ang Queen? Checkmate? Pero may point ka. So ngayon kayo na?” Excited kong tugon sa kanya.





Tumingin sya sa akin at tinignan ako sa mata.





“Ano? Sakalin kita ng luwag, pinapakaba mo ako, Ano nga?”





SAbay tango nya. Sabay kaming umirit at nagyakapan sa sobrang tuwa. Pareho ng may fireworks ang love life namin.





Tutal Friday naman actually Saturday na kasi 4am na ng tumingin  ako sa orasan, at tutal 25 days nalang December 25 na. Nagkayayaan kami ni Papi na hindi muna matulog at gumawa ng Christmas lights, decor, at Christmas tree. Natapos kami mga bandang alas 5:30am at saka kami natulog, hindi ko na pinauwi si Papi, sa kama ko nalang sya natulog. Namiss ko narin ang kapatid ko. Lalo pa ngayon magkakaroon na nang mas kakaunting oras sa pagitan namin dahil may kanya kanya na kaming boyfriend.





“Mga alas dose nang tanghali kami gumising dahil may hearing pa kaming pupuntahan ni Papi, hinatid nga kami ni Luis at nang matapos ay sinundo narin kami. Tuwang tuwa si Luis ng manalo ang kaso. At sinabi kong nahatulan si Aries ng 15 taon pagkakakulong.





“O see sabi mo kahapon 10 taon ok na sayo, binigyan ka pa ni God ng extra 5 years papasko sa atin Hon”  Pagbibiro ni Luis. Sabay kurot sa ilong ko.





“I miss you” Wika ni Luis.





“I miss you too.”





Sapat na sa akin iyon. Nagkaroon din ng hustisya ang ginawa sa akin ni Aries. Ngayon naipamukha ko kay Janice kung sino ang taong kinalaban nya. At dapat matuto na silang mag kuya sa  aral sa buhay nila.





(ITUTULOY)...