Pages

Sunday, May 22, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 10

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)


CHAPTER  TEN...

Dumating ang hinihintay kong sandali, nakaimpake na lahat, ilang minuto nalang darating na sya. Bagamat sobra ang tambol ng dibdib ko dahil sa alam ko na may nararamdaman din pala si Luis sa akin hindi pa nga lang matibay ito, Pangalawa alam na nya ang preferences ko, At ikatlo may sinabi na si Papi sa nararamdaman ko para sa kanya, kailangan kong mag relax para maging maayos ang usapan namin. Hindi ko alam kung gaano kapula ang mukha ko ng mga oras na iyon.


 Biglang may kumatok sa pinto at dumungaw ang mukha ng taong inaantay namin. Si Luis.Nang makapasok sya ay nagmano muna ito kay Inay Lagring at bumati kay Papi, nagpalitan pa ng makahulugang ngiti ang dalawa. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Kinakabahan talaga ako.


“Inay samahan muna nyo ako sa labas, bayaran na natin ang bill ni Onic” Yaya ni Papi kay Inay.


“Ay siya nga, tayo na, o kayong dalawa, dito muna kayo ha madali lang kami” Bilin sa aming dalawa ni Inay.


Kinindatan naman ako ni Papi, tanda na sya na ang bahala sa Inay, at magusap lang kami ni Luis nang walang inaalala.


“Sige po Nay” Tugon ko.


Nang makaalis ang dalawa ay humarap at lumapit naman sa tabi ko si Luis, Akala ko sa harapang silya ko sya uupo. Kung papaanong upo ang ginawa ko sa kama ay sya ring ginawa ni Luis. Ngayon magkatabi na kami at parehong nakaharap sa bintana ng kwarto. Walang gustong magsalita. Pareho kaming nakikiramdam kung sino ang babasag nang katahimikan. Lumipas ang 2 minuto, naiinip na ako, hindi ko na kaya. Kaya lumingon na ako sa kanya at sa hindi inaasahan ay lumingon din sya sa akin na sabay na sabay sa paglingon ko.


Since halos magkadikit ang balikat namin, ngayon magkatapat na ang mukha namin. Ang mata nya sa mata ko, ang ilong nya sa ilong ko, ang labi nya sa labi ko. Ang ganda nyang pagmasdan, mukha talaga syang hunk na anghel. Mapungay ang mata, mahabang kilay, matangos na ilong, at ang labi mapula.


Pareho kaming natulala, at pareho ding nagkahiyaan kaya pareho kaming bumawi ng lingon at yumuko. Sabay natawa ako. At tumawa rin sya. Matapos tumawa ako na ang bumasag na katahimikan.




“Sabi mo may itatanong ka.” Sabay tingin sa kanya at lingon agad sa bintana na may seryosong mukha.



“Oo” at sya naman ang tumingin sa akin. Sa gilid ng mga mata ko kita ko na parang hindi sya kumukurap habang pinagmamasdan ako. Nakakainsecure tuloy. Anu bang ginagawa nya.



“Wag mo nga akong titigan. Kung si Cyclopes ka baka nalusaw na ako.”  Hindi na ako nagagalit sa mga actions nyang ganun, alam na rin naman pala nyang ganito ako, panindigan ko na. Hinarap ko ulit ang mukha ko sa kanya.



“Hoy sabi ng wag mo” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi nagkatitigan na naman ang mga mata namin, naakit na naman ako nang mapanghalina nyang tingin, ganito ba talaga pag nasa puso mo ang taong nakikita mo sa harap mo, nawawala ka sa sarili, tumitigil ang takbo ng oras at parang inilulutang ka sa hangin.



Binawi ko agad ang tingin ko, baka kung anu pa ang magawa ko at hindi nya magustuhan at saka hindi pa kami nakakapag-usap.



“Luis anu ba kasing sasabihin” Imbis na ituloy ko ang sasabihin ko, bigla nya akong hinawakan sa magkabila kong pisngi at hinalikan sa labi.
Waaaaaaaaaa... Nanlaki ang mata ko, kita ko ang mga mata nya nakapikit at ninanamnam ang tamis ng paghalik sa akin. Bagamat nagulat, napapikit narin ako dahil ang sarap ng mga labi nya. Mapula, malambot at mabango ang hininga. Pilit nyang pinasok ang dila nya sa loob ng labi ko, at ng marating nito ang dila ko. Hinalukay pa nya at sinipsip ang kaloob-looban noon, lalaking lalaki syang humalik. Nawawalan na ako ng lakas, nanlambot na ako sa mga halik nya, pero niyakap nya ako. Ramdam ko ang yakap ng isang maskuladong Adonis.



Tapos bigla ko nalang naramdamang niyugyog nya ang balikat ko.



“Onic ayos kalang?” Napamulat ako, at napansin kong nakanguso ako sa kanya. Biglang namula ang mukha ko at napansin kong nag de-day dreaming lang pala ako. Waaaa... ano kayang itsura ko. Dyahe to the max talaga. Bakit kasi! Baka isipin nya gusto ko syang halikan. Waaaaa...



“Anu ba kasing sasabihin mo?” Galit-galitang tanong ko sa kanya. Iniba ko agad ang usapan kasi hindi ko na kaya ang kahihiyan.



“Gusto ko lang malaman kong totoo ba lahat ang sinabi mo kahapon sa akin.”  Hay salamat may chance na akong magsabi ng totoo sa kanya.



“Alin doon” Bigla akong naging mahinahon.




“Lahat ng iyon. Hindi kaba nagkakagusto talaga sa lalaki? Wala kabang nararamdaman sa akin? O nasisinungaling ka lang kahapon.” Mahinahon nyang tanong.




“Ah Kasi” Nakaramdam agad ako ng pag-aalangan, nahihiya akong sagutin, mahirap ang mga tanong nya kesa kahapon, kasi ang gusto kong isagot ay hindi totoo ang lahat ng iyon at oo nagsisinungaling lang ako kahapon. Ang totoo ay mahal ko sya, sobra, pero ang hirap isa tinig.




“Onic?” nakangiti sya.



“O bakit ka nakangiti diyan. Wala pa naman akong sinasabi.” Ako.



“Yun na nga, diba sabi nila silence means yes. Hahaha.”



“Assuming” Pakipot ka talaga girl, ang arte mo umamin kana. Bulong ko sa sarili.



“Assuming hindi ah, kasi iba kasi ang reaction mo kahapon nung tinanong kita. Nagalit ka tapos nagpaliwanag ka agad. So?”



“Anung so”




“So hindi totoo ang kahapon.”




Tumango ako.




“Hahaha. Gusto ko marinig mula sayo.” Sumaya bigla ang aura nya.




“Oo hindi totoo ang kahapon, GANITO AKO, AT, at mahal kita.” Sabay lingon sa bintana. Namula na naman ako. Nakakahiya. Pero atleast nasabi ko rin sa wakas. Bahala na kung anu ang kahihinatnat nito.



Bigla nyang hinawakan ang mukha ko. Sabay halik sa labi ko. Nagulat ulit ako pero bumitaw agad ako.



“Bakit? Akala ko ba gusto mo ako?” Si Luis.



“Akala ko kasi nagpapantasya na naman ako.”




“hahahaha.” Natawa si Luis at itinuloy nya muli ang paghalik sa akin. Ninamnam namin ang sarap ng bawat isa sa pamamagitan ng halikan.




Itinigil din naming dahil baka abutan kami ni Inay at Papi.



Nakangiti nyang hinahaplos ang mukha ko. Ang sarap ng pakiramdam, kahit hindi ko sya tanungin kung mahal nya ako, Masaya na ako ng ganun, alam ko mahal nya ako sa papamagitan ng mga kilos nya. Kung dati nga minahal ko sya kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Ngayon pa na nahalikan ko na sya. Niyayakap pa nya ako. Kontento na ako dito. Ang balikat nya ang sandalan ng ulo ko, at ang hininga nya ay nalalanghap ko. Ang sarap sa pakiramdam, lalo na pag nararamdaman ng katawan mo ang tibok ng puso nya. Ang init na lumalabas sa katawan nya, Nakakagaan ng pakiramdam, sana hindi na ako magising.



“Onic?” Tawag nya habang nakayakap kami sa isat isa



“Bakit?”




“Bakit mo ikinaila, bakit hindi mo agad sinabi?”




“Kasi natatakot ako, kasi diba straight ka, so baka umiwas ka pagnalaman mo ang kaibigan mo pala ay isang bisexual. Kahit pakikipag kaibigan kasi, solve na ako dun, basta nakikita lang kita araw araw. Masaya na ako sa munting lambingan at pag-akbay mo. Masaya na akong mag-isang nangangarap kesa naman sa wala.” Nangingilid na ang luha ko.



“Tapos nung malaman kong sinabi na pala sayo ni Papi ang tungkol sa nararamdaman ko, nagplano narin akong puntahan ka at panindigan ang nararamdaman ko, kahit hindi ko alam kung anung magyayari sa atin, sa pagkakaibigan natin. Basta ang mahalaga masabi ko sayo na nagsinungaling lang ako at ang totoo mahal kita.” Sabay patak nang luha ko. Napansin nya iyon kaya pinahid nya ng dalang panyo ang mukha ko. Grabe ang sweet nya, di ko na kaya.




“Wag ka ng umiyak ok. Gusto ko lagi kang masaya. Sa totoo lang may nararamdaman na ako pero hindi ko sinabi dahil alam ko straight ka. At natatakot akong mawala kayo ni Fred sa buhay ko. Kayo ang mga totoong taong nakilala ko. Sino si Papi?”




“Ah iyon,hehehe si Fred, Papi ang tawagan kasi namin. Bakit ka nga pala nagpasyang bumalik ngayon? Diba nag deny na nga ako sayo kahapon?”




“Gusto ko kasi ulit subukan, tutal may basehan naman ako, ang mga sinabi sa akin ni Fred, balak ko kasing aminin na sayong kay Fred ko nakuha ang mga bagay tungkol sa nararamdaman mo sa akin, baka sakaling aminin mo na rin sa akin at marinig ko mula sayo na gusto mo ako, may gusto ako sayo Onic, at gusto kong alamin kung meron o wala ba talagang chance para sa atin dalawa kaya ako bumalik. Pero ngayon alam ko na gusto mo rin pala ako. Kaya masaya ako at hindi lang pakikipag kaibigan ang gusto kong mangyari sa ating dalawa, gusto ko maging official na tayo.”




“Ha?”



“Oo Onic, gusto kita, at araw araw lumalago ang nararamdaman ko sayo. Hindi ka mahirap mahalin. Subukan natin, please. Ano ba ang kailangan kong gawin, paano ba manligaw ng lalaki?”




“Hahahaha”




“Wag mo naman akong tawanan oh, ang hirap na nga ng sitwasyon ko.” Nagpapaawang mukha nya.




“Sinasagot na kita” Hmpt , wala ng ligaw ligaw pa, oo na agad. Baka mamaya “abs” na biglang maging bato pa. Hindi ko nato pakakawalan. Yahoooooooooooo....



“hahahaha, talaga, tayo na? Hindi mo alam pero pinasaya mo talaga ako.” Bigla nya akong tinayo at binuhat, at tuwang tuwang inikot ikot ako.



“Ahem, ahem, mali pala ehem ehem” Biglang pumasok si Papi at si Inay.




Bigla kaming napahiya at umayos ng sarili, binaba ako ni Luis sa kama.



“O mga anak , bakit ang saya saya nyo? Bakit mo binuhat si Onic iho?” Tanong ni Inay kay Luis.



“Eh kasi nga inay, mag kakanobyo na naman ang dalagita nyo?” Wika ni Papi.



“Ha? Luis? Diyos na mahabagin. May gusto ka sa Onic ko?”



“Opo Inay Lagring, pwede ko naba kayong tawaging inay Lagring”



“Ah eh... hindi ko akalain, sa laki ng katawan mong iyan”



“Inay?” Wika ni Papi para pigilan si Inay sa pagsasalita  kay Luis, alam kasi naming bago si Luis sa ganitong sitwasyon at baka lalo syang mailing pag tinuloy pa ni Inay ang sasabihin nito.




“Ah oo pwede mo akong tawaging Inay Lagring. At tatawagin naman kitang Anak ko gwapo.” nagets agad kami ni Inay kaya biglang iniba ang sinasabi.



Nagkatawanan kaming lahat. Lumabas narin ako ng Hospital kasama ang Masaya at punong puno ng ala-alang araw na iyon, Araw na hindi ko kailanman malilimutan, ang pakakatuluyan namin ni Luis.



(ITUTULOY)

Friday, May 13, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 9


BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)


CHAPTER  NINE...



Makalipas ang isang lingo, hindi parin dumating ang inaasahan kong dadalaw sa akin. Nakakaupo na rin ako sa wakas. Tinanggal narin ang badage sa mukha ko. Masaya ako kasi dalawang araw nalang at makakalabas narin ako sa nakakaboryong kwarto ng ospital na ito. Sobrang namimiss ko nang maglakad sa ilalim ng araw. Ang sarap sigurong mag-beach sige pag nakarecover ako. Pero malungkot pa rin ako. Kasi wala siya. Siya lang naman ang nagbibigay ng sigla sa akin.


Nasabi ko narin kay Papi ang suspect sa nangyari sa akin, hindi parin mahanap ngayon ang kuya ni Janice. Pero may malapit na kaibigang sarhento si Papi kaya alam kong mapapabilis ang paghahanap sa hayop na kuya ng babaeng iyon. Buti nalang hindi malaki ang naging damage sa mukha ko. Kung hindi sobrang malaki ang sisingilin ko sa gumawa nito sa akin.


Araw araw hindi ako nawawalan ng bisita, lahat laging taga-company. Wala naman kasi kaming ibang kamag-anak sa Maynila. Dumating ang nanay Lagring mga bandang tanghali at may dala-dalang nilutong ulam. Ayoko kasi ng pagkain sa ospital, bukod sa matabang at hindi masarap. Narurumihan ako. Hindi naman talaga marumi pero pakiramdam ko hindi ko yata kayang kainin yun. Kaya araw-araw nagluluto ang Nanay lagring ng mga pagkaing namiss namin.


“Nay sobra nabusog talaga ako. Hindi parin nagbabago ang mga lutuin nyo. Dala nyo ba yung palayok nyo?”


“Naku nambola naman itong batang ito. Hindi, ke bigat-bigat nun, bakit ko naman dadalhin”


“Lasang luto sa palayok kasi ang ulam.”


“Sus nambola pa itong batang ito.”


“Magpagaling ka na nga lang, ang dami mo pang drama dyan” Si Papi.


“Hehehe, hindi kaya totoo naman iyon”


“Fine hindi na ako kokontra kasi may sakit ka.”


“Hehehe. Lakas ko talaga kay Papi”


Nagkwentuhan kami, nanood ng tv, the buzz, natulog pagkatapos, tapos nagmiryenda pagkagising. Sobrang tagal talaga ng oras. Nakakainip.


Nasa kainitan kami ng tawanan dahil nagkukwento si Papi nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Ate Mercy. Pangatlong beses na ni Ate mercy na dumadalaw sa akin, nung ikalawang beses kasama nito ang asawa. At ngayon mag-isa na ulit siya, parang hindi na naman nito kasama ang inaantay kong tao.


“Magandang gabi po Inang” Ang bati ni Ate mercy kay Inay Lagring


“O Mercy tuloy ka. Naku ikaw talaga, napakabait ng taong ito. Lagi nalang inaalala ang mga anak ko. Maupo ka.


“Eh para ko naring kamag-anak ang dalawang batang iyan. Mababait na kapitbahay ang mga anak nyo Inang”


“Salamat Mercy. Alam mo ba Onic, sa kanya galing ang isdang niluto ko kanina, binigay na naman nya iyon”


“Nakakahiya na po sa inyo Ate mercy. Lagi nalang kayong nag-aabala”


“Naku Onic tsina-charing mo ako. Ikaw nga itong sobrang tumulong sa pamangkin ko hanggang sa magkatrabaho.”


Natahimik naman ako ng maalala ko si Luis.


“Ay si Luis? Nakita ko kanina yung batang iyon sa tindahan nyo. Ay napamatipuno at gwapong bata naman ng pamangkin mo.” Si Inay


“Naku may lahi po kasing amerikano yung batang iyon. Inampon lang po kasi iyon ng kapatid kong babae.”


“Ah ganun ba.”


“O Papi, bakit ka tahimik dyan” Pabulong na usal sa akin ni Papi.


“Wala Papi, bakit naman ako tatahimik?”


“Hmpt ako pa ang niloko mo.” Sabay ngiti. Ngumiti na rin ako. Alam nya ang nasa isip ko, sinabi nya kasing dadalaw ito agad pag nagkamalay ako. Pero hanggang ngayon hindi ko parin sya nakikita.


Biglang bumukas na naman ang pinto. At pumasok na ang taong may hawak ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang gusto kong ngumiti sa sobrang tuwa. Pero hindi ako nagpahalata. Simple lang akong lumingon sa kanya na may maaliwalas na mukha.


“Kasama mo pala Mercy ang pamangkin mo.”


“Opo, linggo naman po ngayon at wala ng ginagawa, tapos nadoon naman yung asawa ko sa tindahan, kaya sumama na tong batang ito.”Nagmano lang si Luis sa Inay Lagring at lumapit na sa amin ni Papi.


“Hi Fred.”


“Hi Luis. Mabuti pa iwan ko muna kayo, punta lang ako kina Inay ha.” Bakit ganun parang meron akong hindi alam.


“Hi Onic kumusta kana?”


“Ok na ako. Ang daya mo. Hindi mo ako dinalaw. Sabi mo pupunta ka dito after a day na mag kamalay ako.”


“Ahmm Onic, actually, hindi totoo ang sinabi mo.”


“Anung ibig mong sabihin?”


“Araw-araw akong narito sa Ospital, alam ni Fred iyon.”


“Ha? Anung? Bakit hindi kita nakikita? Anung ibig mong sabihing alam ni Fred? Bakit hindi nya sinasabi sa akin?”


“Ah kasi ganito yun. Kasi paano ko ba papaliwanag?”


“Sige lang chillax, just tell me about it.”Ako


“Ah kasi, Nung malaman ko ang nangyari sayo, sobrang nag-aalala ako. Nung malaman ng buong admin section ang nangyari sayo, sumama ako kina Fred at Clair nung dalawin ka.”


“Bakit hindi kita nakita?”


“Wala ka kayang malay nung time na yun.”


“OO nga no. Bakit hindi sa akin sinabi ni Fred na araw araw nandito ka?”


“Ganito nga kasi. Habang nasa kotse kami ni Fred, May sinabi si Clair na ang lugar kung saan natagpuan kang walang malay. Yun daw ang lugar na sinabi sayo ni Clair na address ni Janice at alam ko yung lugar na iyon. May hinala kami na sya ang pakay mo sa lugar na iyon.”


“Tapos”


“Tapos, natuwa ako at nakaramdam din ako ng guilt kasi, kung totoong si Janice ang pakay mo, ibig sabihin dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito sayo.”


“Ok lang iyon. Ganun ako sa kaibigan.  Bakit nga hindi sinabi ni Fred”


“Nung nakita ko ang kalagayan mo, hindi ko napigilang maawa at hindi ko kinayang lapitan ka.”


“So sinisisi mo ang sarili mo?”


“Parang ganun, kaya sinabi ko kay Fred na wag nalang sabihin sayong pumupunta ako araw-araw, since hindi ko naman kayang humarap sayo sa ayos mo dati kasi ako ang nakokonsensya. Wala man lang akong nagawa sa nangyari sayo, samantalang lagi kang nasa tabi ko sa oras na kailangan ko ng tulong. Kaya sinabi ko kay Fred na haharapin din kita sa oras na kaya ko na.”


“Ang drama mo naman, ok lang ako. Hehehe ikaw talaga.”


“Onic, May sasabihin ako sayo pero wag kang magagalit .”


“Anu yun?”


“Magpromise ka muna”


“Anu nga iyon?”


“Hindi ko sasabihin kung hindi ka magpa-promise na di ka magagalit” Ang hirap naman, Sige na nga, atleast malalaman ko kung anu iyon.


“Promise”


“Onic, may pagtingin ka ba sa akin?” Sobrang na shock naman ako sa sinabi nya. Namula yata ang mukha ko. Pero hindi ako nagpahalata. Baka nagkamali lang ako ng pandinig.


“Anu Kamo?” Ulit ko


“Sabi ko kung may pagtingin ka sa akin?” Pabulong na may kasamang ngiti ni Luis.


“Anung sinasabi mo? Anung pagtingin.” Medyo tumaas ang boses ko. Napatingin sa amin sina Ate mercy. Sinabayan ko naman ng ngiti sa kanila, tanda na ok lang ang paguusap namin ni Luis. Medyo malayo kami kina Inay Lagring kaya hindi nila dinig ang pinaguusapan namin.


“May pagtingin, may gusto, may crush, may paghanga”


“Ok, ok, ok!” Ako


“Ok na?” Si Luis na ngumiti ng todo.


“Anung ok na?”


“Oo may pagtingin ka?” SI Luis


“Sabi ko “ok” naiintindihan ko na ang sinasabi mo. Wala akong pagtingin sayo. Bakit mo nasabi yan. Hindi porket pinuntahan ko si Janice ay yun ang dahilan.” Medyo naasar kong sabi.


“Mali pala ang nakuha kong balita.”


“Balita? Kanino? Hindi ako bakla at wag ka ngang napapaniwala sa mga tsimis.” Medyo nakakunot noo kong tugon.


“Ok wag ka nang magalit nag-promise ka diba.”


“Hindi ako galit, bakit ako magagalit kung hindi naman totoo.”


Makailang pag-uusap tungkol sa opisina at sa trabaho nya, kami naman ni Ate mercy ang nagka-kwentuhan. At makailang saglit, ay nagpasya na ring umalis ang mag-tiyahin.


“O papi, kumusta?” Laki ng ngiti ni Papi.


“Ok naman.”


“Ok na?” Si Papi


“Ang alin?”


“Anung alin? Si Papi.


“Kayo ni Luis?”


“Anung kami ni Luis? Ok naman kami ni Luis ah, hindi naman kami magkaaway.”


“Grrrr... Hindi yon. Kayo naba ni Luis?”


“Ha? Anung pinagsasabi mo?”


“Kasi... Ah... Papi wag kang magagalit sa akin ha.”


“Pati ba naman ikaw, kanina si Luis may revelation. Anu naman ang sayo?”


“Eh kasi sinabi ko na sa kanya ang totoo.”


“Anung totoo”


“Na may gusto ka sa kanya, at na bekimon tayo.”


“Ha bakit mo ginawa yun.”


“Kasi alam ko may gusto din sya sayo.”


“Anu kaba Papi kaya pala kung anu-anu ang sinabi nya kanina.” Waahhhh sigaw ng isip ko.


“Nakakahiya. Bakit mo sinabi yun sa kanya? Mamaya wrong guess ka.” Pabulong kong pagdidiin ng mga salita,baka mahalata ni Inay ang pagtatalo namin.


“Sinabi ko para maging masaya kayong dalawa. Hindi kailanman nagkamali ang pakiramdam ko Papi. Lahat ng naging boyfriend mo, ako ang unang nakaalam na may gusto sila sayo, bago nila ipagtapat sayo.” Tama sya ngayon ko lang naisip yun ah.


“Oo pero mga beki naman ang inaamoy mo. Iba si Luis”


“Lalaki ang mga beki at lalaki si Luis paanong magiging iba. At hindi ko inamoy si Luis. Meron ka pang hindi alam, at may sapat na proof ako.”


“Anu pang hindi ko alam at anu pang proof mo?”


“Inamin nya na nagkakagusto sya sayo, pero hindi palang sya sigurado. So since nag-effort na nga ang tao para malaman ang damdamin mo sa kanya kanina, pero dineny mo, so sinaktan mo sya, sinaktan mo ang ego nya. Baka burahin na nya sa isip nya ang chance na magkagusto sayo”


“Patay! nag-deny pa talaga ako sa kanya, iisipin tuloy nun, bakla ako tapos sinungaling pa ako.”


“Bakit?” Si Papi


“Syempre iisipin nun sinungaling ako kasi bestfriend kita at alam mo lahat ang tungkol sa akin. Anu pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.”


“Patay talaga. Malaking mukha Papi. Malaki. Kasi  ikaw naman ang kailangang mag-effort para ma-winner mo ang puso nya. Its your turn to Shine.” Kaloka talaga tong si Papi, nagagawa pang mag joke, hindi ko na nga alam ang gagawin ko.


“Naku pagkalabas ko ng ospital samahan mo ko sa kanya, mag-sosorry na ako, aamin na ako. Malay ko ba na may gusto sya sa akin.”


“Opps, di pa sya sigurado sa feelings nya. At maybe tinanggal na nya ngayon ang feelings na yun kasi sinabi mong ayaw mo sa kanya at hindi ka dakilang bekimon.”


“Paano ngayon yan?”


“Ikaw ang lakas lakas ng loob mong magpakamatay pero pag dating sa tapatan ang duwag duwag mong makipag sapalaran.”


“Wag mo na nga akong sisihin, hindi ko naman ito alam, kasalanan mo to eh”


“Bakit ako” Si papi.


“Sana sinabi mo agad sa akin na may gusto sya sa akin bago sya dumalaw, para umoo na ako.”


“Wag ko daw sasabihin sabi nya”


“Bakit”


“sya daw magsasabi sayo.”


“Hindi nga nya sinabi.”


“Kasi gusto nyang malaman mula sa bibig mo kung gusto mo sya, kasi hindi rin sya kumbinsido sa sinabi ko sa kanya, ang mga impormasyon lang mula sa akin ang nagpalakas ng loob na magtapat sayo. Since dineny mo, wala na, maniniwala nayun na wala syang pag-asa at papatayin nalang nya ang muntikanang mabuong pagibig nya para sayo, sa kaunaunahang pagkakataon na mag mamahal sya ng lalaki. Kawawang Onic”


“He tumigil ka dyan!”


“Regret, regret, regret”


“Mga anak, magpahinga na kayo. Baka mabinat ang kapatid mo, patulugin mo nayan” Wika ni Inay


“Beh! Buti nga” Ako


“O matulog ka na daw, matutulog na rin ako.”


“Ok.” Pero hindi ako pinatulog ng mga impormasyong bumuhos ng araw na iyon. Kaya late ako nagising kinabukasan.


May limang miscall sa phone ko. Lahat si Luis. Kaya tinawagan ko agad sya.


“O tumatawag ka, pasensya na, late akong nagising.” Ako.


“Ok naman ako. Eto lalabas na daw ako ng Ospital sabi ni dok, hindi na daw kailangan magpabukas kami, kasi mabilis naman daw recovery ko.” Ako.


“ok bye” Sinabi lang nyang wag akong lalabas ng Ospital, wag muna daw aalis ng ospital habang hindi sya dumadating dahil may itatanong daw syang mahalaga sa akin, kinakabahan na naman ako sa mga tanong. Anu na naman kaya iyon. Pero ayos lang iyon, atleast sya yung lalapit sa akin at hindi ako yung lalapit sa kanya para magpaliwanag ako. Kinakabahan kasi akong lumapit sa kanya.



(ITUTULOY)...

Monday, May 9, 2011

Ang Pamangkin ni Ate Mercy... - Chapter 8

BY: James W.
Email: james.wood86@yahoo.com (FB Account)




CHAPTER EIGHT...


Kinabukasan hinanap talaga namin ni Papi si Janice sa canteen nang mag break time, pero hindi namin siya nakita. Itinanong ko kay Clair na nasa HR dept kung may log in ba ang babaeng hitad. Tinanong naman ni Clair ang dahilan ng biglaang pag mamatyag namin kay Janice. Kaya kinuwento ko sa kanya ang pangyayari kahapon para matulungan nya akong ma-penalized si Janice sa ginawa nito. Hindi naman nagdalawang-isip si Clair na tumulong, syempre malakas yata ako sa kanya.


Lumipas ang halos isang linggo pero walang Janice na nagpapakita. Nagkaroon tuloy sya ng AWOL (absent without official leave) record sa HR. Di bale kung di ko sya makita ako ang pupunta sa kanya. Makikita nya na nagkamali sya ng ginawa nya. Lokohin at paasahin ba ang kaibigan ko, may pabili-bili pa ako ng chocolate. Nagkakandahirap si Luis sa pagsundo at paghatid sa kanya. Tapos malalaman namin na pinaglalaruan lang nya yung tao. Nakakahiya tuloy kay ate Mercy. Paano nalang pag nalaman ni ate Mercy ang tungkol dito baka magalit iyon. Di bale kakausapin ko si ate mercy pag katapos kong harapin ang walang kunsensyang babae.


Dahil sa malakas nga ako kay Clair, inalam ko rin kung saan nakatira si Janice. May kalayuan din sa amin ang kanilang bahay, mga 2 jeep at 1 tricycle ang papunta sa village nila. Hindi ko na ipinaalam kay Papi ang balak kong pagpunta sa bahay ni Janice at hindi ko narin hiniram pa ang kotse. Hindi ko alam, baka pigilan lang ako ni Papi sa gagawin ko. Nang makarating na ako, pinagtanong ko agad sa mga nakakasalubong kong tao kung saan sya nakatira at madali ko namang natunton dahil sikat pala ito sa lugar nila. Isang floor lang ang bahay at may maliit na gate.


Tok!tok! TOk!


“Tao po? Janice? Janice nandyan ka ba?” Bumukas ang pinto.


“Sino ka? Anung kailangan mo? Teka parang kilala kita?” Wala ba talagang breeding ang babaeng ito? Sana patuluyin man lang nya ako. Umaagang-umaga ang sungit sungit.


“Oo kilala mo ako, ako si Onic, parehong company ang pinapasukan natin. Ako rin ang kaibigan ng lalaking ginago mo. Nagpunta lang ak-” Di pa ako tapos magsalita


“WALA TAYONG DAPAT PAGUSAPAN!. ALIS! ALIS  NA!” Pagtataray.


“Teka nga, bakit ba ang sungit mo, ikaw na nga itong nanloko ikaw pa itong masungit. Pumunta lang ako dito para malaman kung bakit mo ginawa ang ganun kay Luis” Pagmamatigas ko.


“Sinabi nang alis! Bingi ka ba? Eh anung pakialam mo kung lokohin ko sya? Bakit tatay ka ba nya?”


“Wala kabang konsensya? Anu bang ginawa sayo nung tao para gaguhin mo? Kaibigan ko sya at kaya ako nandito ay para ipamukha sayo kung anu ang ginawa mo!”


“Wala akong pakialam kung ano ang ginawa ko. Bahala ka sa buhay mo, hindi ako natatakot sayo. Umalis ka sa pinto kung ayaw mong masaktan.”


“Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka humihingi ng tawad kay Luis”


“Bakit ako hihingi ng tawad sa kanya. E sya itong  lapit ng lapit.” Napakawalang modo pala talagang kausap nitong babaeng ito. Kaya siguro walang nanliligaw sa kanya. Paano kaya ito nagustuhan ni Luis.


“Bakit mo sya sinagot kong may boyfriend kana.”


“Makulit sya, o di pagbigyan.”


“Manggagamit ka pala.”


“EH ANU NAMAN SAYO! Bakit gusto mo sigurong gamitin din ang katawan ko?”


“Kalapating mababa pala ang lipad mo, Nakakadiri ka” Grrr... ang init na nang dugo ko. Hindi na ako nakapagpigil. Itutulak ko sana sya sa sahig pero naunahan ako ng sipa. Na-out of balance ako kaya napahiga ako sa sahig. Dali dali akong tumayo dahil nakita ko syang pabalik na ng bahay at isasarado na ang gate. Buti nalang nahawakan ko ang damit nya kaya binuksan nya ulit ang pinto. Ako naman ang tumulak sa kanya. Itinulak ko ang mukha nya ng aking palad sa sobrang inis ko. Na ikina higa din nya sa semento.


Lalapitan ko sana sya para bigyan ng malakas na sampal para maiganti ko si Luis pero bigla nalang may isang lalaki sa likod na na humila ng damit ko at hinagis ako sa kalsada ng villlage. Bigla akong sinugod at binigyan ako ng malalakas na suntok sa mukha. Naririnig ko nalang si Janice na sumisigaw ng


“Sige pa kuya, patayin mo yang hayop nayan! Sige pa! Sige pa!” Hanggang sa makalimang suntok, bigla nalang akong nawalan ng malay.


“mmm... Mmmray..” Hindi ako halos makapagsalita. Makirot ang bahagi ng mukha ko. Pakiramdam ko may bandage na naka pulupot sa buong mukha ko. Ang mata, ilong at bibig ko lang ang walang takip.


“Onic. Onic. Diyos ko! Salamat po at nagising ang anak ko. ” Umiiyak ang boses. Alam ko kay Nanay Lagring iyon.


“Papi gising kana!” Isa pang boses ulit na alam ko kay Fred iyon. Pero hindi ko maigalaw ang ulo ko. May surgical collar pa pala ang leeg ko.


Bigla akong may naramdamang masakit.


“MMaray, masakit, masakit” Tugon ko sa hindi maindang kirot na nararamdaman ko sa aking mukha.


“Wag ka munang kumilos, makakasama sayo. Sandali lang tatawagin ko si Dok” Si Papi


Ilang sandali lang at dumating din ang Doktor at may itinusok sa braso ko.


“Onic iho, pain reliever ito, mga one hour itong tatalab. Mamaya pag sumakit ulit pindutin mo lang ang buton sa kamay mo, babalik ako ha.” Sabi ni Dok. Nang makaalis ang duktor.

“Kailangan mo magpagaling na mabuti. Wag ka munang magsasalita.” Si Papi, Lumapit ito sa tapat ng mukha ko, dahil hindi ko maipaling ang leeg ko. Tanging ang kesame lang ng kwarto ang nakikita ko.


“Andito ka sa Ospital. Natagpuan ka ng guard ng village na nakahandusay sa kalsada at puro pasa at dugo ang mukha mo. Kaya dinala ka dito sa Ospital. Nang makuha ng mga Nurse ang identity mo sa wallet mo, tinawagan nila agad ang company at ibinalita agad ang nangyari sayo. Nang malaman ni Clair ang nangyari, sinabi nya kaagad sa akin na narito ka daw. Kaya nagpasya ang mga malalapit natin kaibigan nasumama sa amin ni Clair para madalaw ka. Habang daan, na sambit ko kay clair kung bakit dun sa village na iyon ka nakita. Naalala ni Clair na binigyan ka nang address ni Janice. Malapit kung saan ka nakitang nakahandusay. Inaantay ka talaga naming magising para malaman kung sino ang gumawa sayo nito at maireport at makulong na ang hayop na iyon. Si Janice ba Papi?”


“mmhindi” Bahagya kong nausal


“Eh sino?”


“mmkuya mya”


“Anu? Kuya nya? Di bale pag gumaling ka na saka natin asikasuhin ang pagsasampa ng kaso, ok.” Naluluhang sabi ni Papi. Ganyan kami ni Papi kung magdamayan, kapatid na bunso ang turing nito sa akin, kahit minsan ay masungit pero handa nyang gawin ang lahat ma protektahan lang ako.


“Papi, halos 2 araw ka nang walang malay. Akala ko matatagalan kapang hindi magkakamalay, Sobrang nami-miss na kita. Si inay sobrang nag-alala kaya pinasundo ko sa company driver papunta dito. Nay kausapin nyo si Papi”


“Tonyo anak!” Lumapit naman si Nay Lagring. Hindi ko na napigilang maiyak. Sobrang tagal na ring kaming hindi nagkikita. Hinawakan nya ako sa isang braso at ang isang kamay ay nasa aking balikat.


“Kumusta na ang lagay mo? Namiss ka namin ng kapatid mo. Buti nalang nagising ka na anak. Salamat sa Diyos. Magpapagaling ka ha para matanggal na yang nakakabit sayo. Susmaryosep ako ang nahihirapan pag nakikita kitang ganyan”


Sa tuwing may nangyayari sa aking masama, agaw buhay, silang mag-ina lagi ang naririyan tuwing makikita kong muli ang liwanag. Gusto ko mang yakapin ang aking mahal na ina inahan at kinakapatid pero hindi ko pa kaya. Masaya ako at lagay ang loob ko pag andiyan silang dalawa.


“Bakit ka ba nagpunta sa lugar na iyon. Wag ka nang babalik dun ha? Hindi mo alam na sobra akong nag-alala nung sinabi sa akin ni Fred ang lagay mo.” Naawa naman ako kay inay Lagring, matanda na siya hindi na dapat sya binibigyan ng alalahanin. Hindi naman ako makapagsalita ng mabuti sumasakit pa ang mukha ko.


“Anak wag mong pilitin kong di mo pa kaya. Pag magaling kana, ipagluluto kita ng paborito mo, sinigang sa miso.” Parang bigla akong naglaway nung marinig ko ang sinabi ni Inay. 2 araw na nga pala akong hindi kumakain at dextrose lang ang bumubuhay sa akin.


“Tapos magkekwentuhan tayo, diba gusto mong pag usapan natin kung anung mga nangyayari sa atin? Yun lagi ang tinatanong mo sa akin, si ganito, si Mang Domeng, si Kakang Gabinito. Lahat sila ikikwento ko sayo.” Ginawa naman akong bata ni Nanay. Noon pa naman iyon, nung elementary ako. Naaalala parin nya ang buhay namin noon. Lagi kong tinatanong ang tungkol sa mga buhay ng mga tao, nung bata pa ako, gusto ko laging makasagap ng balita. Baka may makuha akong impormasyon kung nasan si Itay. Marami pang sinabi si Inay. At nalungkot na naman sa kalagayan ko.


“Nay tama na makakasama sa inyo ang sobrang lungkot. Maupo muna kayo Nay. Kailangan ding magpahinga ni Papi” Ang bait talaga ni Kuya Fred. Paano nalang kung wala sya sa buhay ko. Inaako nya lagi ang mga responsibilidad na alam kong hindi naman nya dapat akuin. Gumagawa sya ng mga bagay na mabuti kahit walang kapalit, basta mapaligaya lang ang ibang tao, ang taong nakapaligid at minamahal nya. Napakabuti nyang tao. Manang mana kay inay Lagring.


Walang lumipas na oras sa buhay ko na hindi ko nalasap ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng dalawang taong ito. Kaya noon pa man ay ipinangako ko na hindi ko rin sila pababayaan anu man ang mangyari, kahit ang kapalit pa ay ang aking buhay.


“Papi magpagaling ka ha. Alis lang ako saglit. May kailangan lang asikasuhin, pero babalik agad ako. Ang inay muna ang bahala sayo.” Sabay hawak sa kamay ko, na tinugon ko naman ng mariin na paghawak din tanda nang pasasalamat.


“Ay papi sya nga pala, bukas dadalawin ka ni Luis. Kahapon, narito sya maghapon, hindi lang makaalis ngayon kasi, wala si Ate mercy. Nakakahiya nga dun sa tao, sinabi ko sa kanya na ayos lang na isang beses ka nyang dalawin, kasi may trabaho din yung tao. Pero sabi nya, hindi daw nya kaya kasi ikaw tayo daw ang pinakamalapit nyang kaibigan. At sabihin ko daw sayo pag nagising ka na dadalaw daw sya.”


“Uyy si papi ko, kinikilig yan.” Tinugon ko ulit ng pisil sa kanyang kamay ang sinabi nya. At tuluyan na syang nagpaalam. Si Inay naman, nagsabi sa akin na hihiga muna daw sya dahil 9pm ng gabi. Baka makatulog daw sya. Matulog narin daw ako. At babalik naman si Fred kaagad. At ayun nakatulog na nga ako.



(ITUTULOY)